Share

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN   (Z series #1: Zachary Montenar)
ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z series #1: Zachary Montenar)
Author: madly1543

prologue

"Ano? Bar tayo mamaya guys day off naman natin bukas eh." Lintaya ng isa sa kaibigan ko. Sa'ming lahat s'ya ang mahilig pumunta o magyaya ba kamo sa bar.

'Di ako masyadong umiinom, pag uminom ako hanggang apat o lima na baso lang kaya ko.

Sumang ayon naman ang iba naming mga kasama dito, at tumingin sa'king direksyon kaya napa taas ang isang kilay ko.

Alam ko na ang tinginan na'yan eh.

"Wag kang kj beh, sumama kana treat ko." Nakangiting sabi n'ya sa'kin.

Umiling lang ako " baka pagalitan ako ni nanay, tulad ng dati di ako nag paalam" dahilan ko pa.

Pero di ata to nadala sa sinabi ko at umiling lang s'ya.

"Sus, palusot mo bulok na." Ngumiti s'ya ng loko. " May isang paraan tayo para d'yan at para rin 'di ka pagalitan."

Kunot noo kong binalik ang atensyon sa kanya.

Anong na namang binabalak ng babaeta na 'to?

"Mag paalam tayo kay nanay mo na pupunta ka sa bar..." Kala ko kong ano.  "Para alam n'ya na kami ang kasama mo" dagdag n'yang sabi

Kong papayagan ako ni nanay.

"Pero-"

"Papayagan ka n'yan." Siguradong putol n'ya sa'kin, para bang alam na n'ya ang magiging sagot ni inay.

"Nay!" Tawag pansin ko kay nanay ng makarating sa tapat ng bahay. Papasok pa lang si nanay sa bahay ng makita ko siya, mukang galing s'ya sa malapit na tindahan bumili ng kong ano.

Nag tataka namang lumingon si inay, nagmano muna kami ng makalapit sa kan'ya "Oh! Ang aga mo ngayon umuwi ah," nag tatakang tanong n'ya.

Tumingin naman s'ya sa'king likod mukang nagulat " At kasama mo pa ang mga kaibigan mo"

"Nako 'di pa ako naka luto ng pang hapunan natin, dahil sa pag-aakala ko na mamaya ka pang alas otso uuwi." Mahabang lintaya n'ya.

"Ah... " Ano ba dapat kong unang sasabihin, bahala na nga. " Nay may sasabihin po si Lesley" Turo ko kay Lesley na nasa likod ko lang.

Lesley Ann Baduria, ang pangalan sa nagyaya na mag bar daw kami.

Napabaling naman ang atensyon ni inay at nag tataka s'yang tinignan.

"Oh may kailangan ka iha?"

" Magandang gabi po." Magalang na aniya "Ipag paalam ko ho sana si Zhanielle, na sumama sa'min sa bar," pilit ngiti niyang sabi, dahil kumunot ang noo ni nanay. "Ako na ho bahala sa kan'ya, sa'min nalang ho siya matulog kong matagalan ho kami sa pag uwi."

"At saka po nay di naman 'yan mas'yadong umiinom kaya no problem kami sa kaniya." Dagdag n'ya pang sabi.

Napatingin naman ako kay inay, nag hihintay sa sagot n'ya.

Okay lang naman sa'kin na hindi ako payagan mas gusto ko pa 'yon kaysa d'un sumama sa bar

"Oh sige... Basta ligtas yan maka uwi hah! Walang galos at lalong walang lalaki na kasama pag uwi." Payag ni inay. Grabe naman na may lalaki sa pag uwi eh iinom lang naman.

"Salamat nay, makakaasa ho kayo... " Bumaling naman sa'kin si Lesley, ngiting tagumpay dahil napapayag si inay.

"Salamat ho nay!" Pasalamat ko niyakap ko s'ya at binulongan. " 'di na sana kayo pumayag nay, gagawin lang nila akong taga bantay eh."

"Ingat ho kayo dito lalo na't ikaw lang mag isa jan mamaya sa bahay." Nasa 60+ na si nanay, namatay si itay 2 years ago dahil sa stroke di na kinaya ng katawan n'ya dahil narin siguro sa katandaan.

Papasok palang kami sa bar ay maamoy muna ang baho ng sigarilyo't dinig na dinig mo mula sa entrance ng bar ang kanilang sounds.

Mula rito ay makikita mo ang mga tao na sumasayaw sa dance floor, mag babarkada, yung iba ay may mga kahalikan sa tabi.

Isa lang masasabi ko napaka wild nila.

Kung first timer lang ako na nakapasok dito talagang mas gugustuhin ko nalang na mag over time sa trabaho kesa pumunta.

Ganyan ang  unang naisip ko, nung bago pa'ko dito maka pasok.

"D'un tayo oh, bakante." Turo ng kasama namin na lalaki, sa mesa na malapit sa isang mesa rin na may nag iinoman na mga lalaki.

Anim sila na naka upo malapit sa mesa na tinuro ng kasama namin. Mukang silang mga mayayaman base sa suot nila't 'di masyadong kita ang mukha nila dahil medyo may kadiliman ang pwesto nila at naka dim light banda duon.

Okay narin ang tinuro ni Rex, na mesa dahil 'di ka masyadong makikita duon. Agad kaming nag punta d'un, nakita ko pa sa peripheral vision ko na lumingon sa gawi namin ang anim na lalaki.

Dahil siguro nagtatawan ang mga kasama ko, at nag hahampasan pa.

Hinintay muna namin sandali si Rex, siya ang nag reprisenta na kumuha ng drinks.

"Isang baso pa elle." Alok nila sa'kin, apat na baso na ang nainom ko at medyo na hihilo narin ako.

Agad na umiling ako.

Masyadong matapang ang alak, 'di kaya ng alcohol tolerance ko.

"Sige na! Pang lima mo pa lang 'to eh, 'di ka malalasing nito." Wala na'kong magawa, nang kinuha niya ang kamay ko't nilagay d'un ang baso na may lamang alak.

Napapikit nalang ako sa mata, ko ng maramdaman ko na ang pait na lasa ng alak sa lalamunan ko.

"Yown oh!" sigaw niya.

Ilang minuto lang ay naka ramdam ako na naiihi, ako ay nag paalam muna ako sa kanila.

"C.R muna ako." Pa gewang gewang akong nag lakad papunta sa comfort room, umaalon paningin ko.

Napa hawak naman ako sa pader bilang suporta sa pag tayo ko, ng makaramdam ako ng hilo.

Talagang nakaka ano yang alak na 'yan eh.

Agad na 'ko dumiritso sa cubicle, ng makapasok sa loob ng girls C.R.

Pagkatapos ay nag hugas muna ako ng kamay, at nag hilamos sa mukha para mawala ang antok na naramdaman.

Ako lang mag isa ang nasa loob ng comfort room, kaya tinignan ko muna ang sarili sa salamin.

I'm wearing a fitted dress 'di ko alam ang tawag. Kulay itim s'ya may slit sa kaliwa at sleeveless ang haba naman n'ya ay 6 inches above the knee, kitang kita ang maputi kong hita.

"Ba't ang tagal mo namang naka balik babaita ka?" Taas kilay na tanong ni Lesley, head to foot niya akong tinignan. Mukang naka hinga s'ya ng maluwag nung nakita akong ganun parin ang ayos ko. "Nalunod kaba sa inuduro at ang tagal mo?"

Anong kala niya sa'kin? mag papadala ako sa mga lalaki dito. Yan ang diko hahayaan.

"Medyo nahihilo kasi ako, kaya nag stay muna ako d'un sa loob." Paliwanag ko.

Hinila naman ako, ng kasama namin na bakla kaya napa upo ako sa tabi nito.

"Beh... Ang dami ng gwapo dito!" Yugyug n'ya sa'kin, kaya naka ramdam na naman ako ng hilo.

"Oh..." Abot na naman nila sa'kin ng alak.

'Di na ako nag reklamo, dahil wala na namang patutunguhan ang dahilan ko. Agad kong ininum ang alak at tumayo.

"Labas muna ako, tatawagan ko muna si inay." Paalam ko, nadaanan ko pa ang pwesto ng anim na lalaki kanina pero apat na lang sila ngayon d'un naka upo.

Diri-diritso lang ako, hanggang naka labas na'ko sa bar.

Nilabas ko ang cellphone ko at hinanap sa phonebook ang number ni inay. Bakit ba kasi walang signal sa loob.

May nakita akong nakaparadang sasakyan na mamahalin, tinungo ko 'yon at umupo sa hood ng sasakyan.

Ring lang ng ring ang phone ko mukang tulog na siguro si inay.

"Anong oras naba?" Bulong ko sa sarili.

Alas onse na pala ang tagal naman namin dito, dati ay tatlong oras lang kami at uuwi na pero ngayon iwan ko nalang.

"Damn" rinig kong mura ng kong sino.

Mukang malapit lang s'ya dito sa pwesto ko.

Napatingin naman ako sa pinto ng sasakyan na inuupuan ko, marinig ko ang pag sara nito.

"What are doing here?" Baritonong boses ang narinig ko, kaya bigla akong tumingin sa harapan.

Isang lalaki matangkad, magulo ang buhok, medyo mapula ang maputi niyang mukha pababa sa leeg, matalim ang tingin n'yang ginagawad sa'kin.

He looks so familiar, parang nakita kona s'ya pero 'di ko matandaan.

"Done checking me?" Salubong ang makakapal na kilay niya.

"H-huh?"

Siya yong lalaki kanina, kasama s'ya sa anim na mga lalaki.

"Can you please... Damnit!" Mura n'ya at tumingala pa parang nang hihingi ng mataas na pasensya.

"P'wede bang bumaba ka, gusto ko ng umuwi."

Napa laki naman ang mata ko ng may na realize.

"Sayo 'to?" He nodded

Agad akong bumaba kahit na nahihilo, muntikan pa 'kong matumba kong walang humawak sa bewang ko.

"Salamat... Ahh pasensya na kong umupo ako sa hood ng sasakyan mo naghahanap kasi ako ng signal. Pasensya na talaga sir." Yumoko ako bilang hingi patawad.

"You're drunk young lady!" Mariin n'yang sabi. "I think I saw you earlier, oh the noisy group yung malapit sa table namin. Where's your friends? Masama sa isang babae na lasing ang walang kasama."

"Ah nasa loob."

"Una na ho ako." paalam ko

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status