Share

chapter 4

Naglalakad ako ngayon, papasok sa bahay. Bit-bit yung ibang mga gamit ko, sa kompanya.

Matamlay kung nilapag sa sahig ang mga dala ko. Alas singko na ng hapon ako, dumating. Mamayang 7 o'clock, pa kaming pupunta sa bar.

Bonding daw naming lahat na magkakaibigan. Lalo na at lilipat na daw ako sa ibang kompanya.

"Mano po, 'nay,"

Humawak si Inay sa dib-dib niya, halatang na gulat. "Juskong, bata ka. Bakit ka ba nanggugulat!" tinapik n'ya ng mahina ang braso.

Kumamot ako, sa batok.

"Gan'un ko ba si Inay nagulat?" Tanong ko sa isip.

"Sorry, naman," sabay peace sign.

" 'Wag munang uulitin 'yon, aatakihin ako ng maaga sa 'yo eh." tumango lang ako.

"Mag-ga-gabi napo 'nay, 'di po maaga ngayon."

"Aba! Lokong bata, ka ah! Pinipilosopo muna ba 'ko ngayon ha?" taas kilay n'yang tanong.

"Peace po, 'nay. Mwuah." halik ko sa pisnge n'ya.

"Ang mo naman ata umuwi ngayon?" tanong n'ya with curiosity on her face.

Tumingala ako, bago malakas na napa buntong hininga.

"Inilipat po ako, sa ibang kompanya 'nay." mahina ang boses ko.

"Oh, ano naman ang problema n'un? At least 'di ka natanggal sa trabaho 'di ba."

Nag pakawala naman ako ng isa pang buntong hininga.

" 'Yon na nga po ang problema ko po. Ay sa Magallanes ako na assign. Walang kilala o anuman." nguso kong sabi.

Pinitik ni Inay ang nguso ko. "Taas ng nguso mo. 'Di importante kong may kilala ka du'n o wala."

Tumingin ako kay Inay. "Okay, lang po sa 'yo? Malayo po ang Magallanes, wala kang kasama dito." malungkot kong saad.

"Ano kaba, 'wag mo 'kong alalahanin. Kaya ko sarili ko, okay lang sa'kin. May matutuluyan ka naman siguro d'un 'di ba? Marunong ka rin naman mag luto. Kayang kaya mo ang sarili mo d'un. Basta umuwi ka lang dito,  pag wala kang trabaho." ngumiti si Inay, kaya ngumiti na lang rin ako.

"Sige po, 'nay. Sabi mo 'yan 'nay ha. Mag iimpake na muna ako sa damit ko 'nay." nag simula na 'kong, mag lakad papunta sa kwarto ko. "Nga po pala 'nay, sama po ako kila Lesley mamaya pwede?" huminto ako sa gitna ng hagdan, ng tanungin si Inay. "Bonding daw naming mag kaibigan, dahil daw lilipat na daw ako. Pwede 'nay?"

"Oh, basta maaga kang uuwi mamaya. Aalis ka bukas, baka ma late kapa." napatalon ako sa kinatatayuan ko, dahil pumayag si Inay.

"Yes" ani ko sa isip.

Nagmamadali akong nag tungo sa kwarto. Para mabilis akong matapos sa pag iimpake ng damit. 'Di naman lahat ng damit ang dadalhin ko eh, magtitira ako ng k'unti.

Natapos ako sa pag impake, mga alas sais emedya na ng gabi. Nag stretch muna ako sa katawan, bago napag pasyahan na maligo.

Lumabas ako sa banyo, at dumiritso sa kabinet ko. Pumili ako ng dress, 'yong mga 'di ko na dadalhin. Agad kong sinuot ang napili ko.

Tumingin ako sa body size mirror, na nasa harap ko.

Hindi ko maiwasang tutukan ang sarili, at bumulong bulong. "Masyadong sexy, but super bagay sa skin mo self." umiikot pa 'ko sa harap ng salamin.

I was wearing a maroon bodycon dress. Isang tuwad mo lang kitang kita na ang singit mo, but I'm wearing a cycling para 'di masilipan. Crisscross ang likod.

"Dalaga na talaga ang, anak ko." masayang sabi niya. "Kain ka muna, bago ka umalis." kumuha siya ng plato, kutsara, pati narin ang baso.

"Oh, sige po 'nay. Saktong gutom na rin po, ako." umupo ako, bago nag sandok ng kanin at ulam.

"Sexy, naman ng dress mo 'nak. 'Di ka ba masisilipan n'yan? Napaka fit pa sa 'yo, kitang kita ang magandang kurba ng 'yong katawan. Kaya 'di na 'ko mag tataka, kung bakit napaka dami mong manliligaw. Mula noon, pati ngayon. Pero ni re-reject mo lang." pang bubola ni Inay.

"Binobola mo lang ako, 'nay." lokong ngumisi lang ako.

"Ako na mag huhugas n'yan, 'nak" kuha ni Inay sa platong ginamit ko.

"Alis, napo ako 'nay." paalam ko, pag ka tapos kong mag sipilyo.

"Oh, s'ya mag iingat ka. Lagot ka sa'kin pag umuwi ka ditong may kasamang lalaki. Kukurutin kita sa singit." banta niyang sabi.

"Makakaasa ka 'nay. Bakla nalang po iuuwi ko." tumatawa kong biro bago kumaripas ng takbo.

Pinara ko ang isang taxi na, papalapit. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'to, sus si Lesley lang pala tumatawag.

"Oh?" tanong ko agad ng masagot ang tawag

"Nasaan kana? Kanina pa kami nandito, hinihintay ka." kung nasa harap ko lang 'to 100%, akong sigurado nag dadabog na 'to kakahintay.

"On the way na, tsaka sabi n'yo seven o'clock eh." bawi kong sabi.

Seven o'clock yung pinag usapan naming lahat.

"Palagi ka nalang late, 'no ba yan. Dito nalang kami sa entrance mag hihintay sa 'yo." huling salita bago pinatay ang linya.

Napailing na lang ako. Ang babaeng 'yon, wala na talagang magawa sa buhay. Kun'di ang mag bar, trabaho, then uwi sa bahay. 'Di s'ya pinapagalitan ng magulang n'ya, hinahayaan lang ito. Dahil minsan pag 'di nagawa ang gusto, 'di uuwi sa kanila.

Buti nga ay na pilit nila si Rex. Pero may isang kondisyon, ang akla nyo, hati daw silang dalawa. Kaya yun silang dalawa ang mag babayad, dahil kong si Rex lang daw ang magbayad. Masmabuting 'di na lang daw mag bar.

"Keep the change, na lang po mamâ." aniya ko, ng sabihin ng driver na wala s'yang sukli.

"Sa wakas, nakarating ka rin. For how many years." salubong sa'kin ni Lesley.

"Maka years, ka naman. Minutes siguro, oo." reklamo ko.

"Anong iinumin mo, Elle?" si Rex, mukang siya ang mag oorder ng alak.

"Wag na, ako na. D'un lang ako sa counter bar." sabay tayo kong sabi.

"Isang san miguel beer, nga po kuya yung maliit po." sabi ko sa bartender, bago tumingin sa mga taong sumasayaw sa dance floor.

Agad kong ininum ang beer, ng mabigay na sa'kin. Napapikit ako ng malasahan ang lamig, na may kasamang pait sa lalamunan.

"Mas mabuti pa 'tong beer, 'di ako masyadong nalalasing." sabi ko sa mahinang boses.

"'Di naman masyadong, matapang ang beer. Para sa'kin pang ladies lang 'yan, lalo na sa mga low tolerance" napalingon ako sa bandang kaliwa ko ng may nag salita.

Isang lalaki ang nagsalita. Diritso at mariin ang tingin sa'kin, mukang kanina pa siguro n'ya 'ko tinignan.

Napataas ang isa kong kilay. "Excuse me? No one ask, Mr. who you are!" inirapan ko lang 'to.

Aba! Anong akala n'ya, mabait ako? Masungit rin ako noh, pero minsan lang, oo minsan lang ako masungit.

Nakita ko namang yumogyog ang balikat niya.

Anong nakakatawa?

Feeling ko talaga anumang segondo, tutubuan ako ng dalawang sungay.

"Kung maka Mr. who you are, wagas. Parang 'di umungol noong inararo ko ah." iling iling n'yang bulong sa sarili.

Epekto siguro to ng tatlong bote na naubos ko. Mas lalo akong naasar sa kan'ya.

"Anong binubolong bolong, mo d'yan huh? Ano suntukan na lang." hamon ko sa kan'ya.

Umiling iling siya, sabay taas ng dalawang kamay. Na para bang sumusuko.

Tinaliman ko ito ng tingin. He's familiar, lalo na 'yong buhok n'ya. Parang nakita ko na s'ya dati, pero 'di ko matandaan.

"Nag kita na ba tayo dati, Mister?" turo ko dito.

Ngumiti lang ito ng mapaglaro.

"Tse! Maka alis na nga." tumayo ako, dala ang dalawang bote ng beer. Sakto lang sa'kin ang limang bote.

"Oh, buti naisipan mong lumapit dito. Nakita namin kong pa'no mo sungitan ang lalaking 'yon." sabi ni Rex, na may hawak na baso. Inaabot n'ya sa isa naming kasamahan.

Umiling lang ako bago umupo.

Nag salita ulit si Rex. Pero 'di naka ligtas sa'kin ang paraan ng pag tingin, n'ya sa'kin. Para s'yang nang aasar. "Gwapo 'yong lalaki dzai, tapos sinungitan mulang."

"Gwapo mo mukha mo! Pangit kaya nun." umakto pa 'kong nandidiri.

Palihim akong lumingon sa lalaki, kanina. Tama s'ya gwapo nga, lalo na ngayon at naka sideview dahil kausap ang bartender.

Tumayo ako, ng maubos na ang dalawang bote kung dala kanina.

Muntik pa 'kong natumba, kung 'di lang ako nahawakan sa braso ng kasamahan namin.

"Thanks. Kaya ko, kaya ko. Okay." asar kong sabi ng akma n'ya akong alalayan.

"Mga beh! May share ako, sa inyo." pumipikit ang mata ko, dahil sa ilaw.

"Alam n'yo ba-"

" 'Di namin alam." si Rex, pinutol ang sasabihin ko.

Inirapan ko s'ya "Panira ka talaga noh... Ito na nga last month nung nag bar tayo. D'un kasi ako kela Lesley, pauwi na 'ko saamin. Kaso hinatid ako ni Lesley, eh dakilang tamad 'yan kahit sa pagpara tinutulak pa 'ko. Kaya nag bangayan kaming dalawa kong sino ang papara. Na hinto lang kami sa pag babangayan, ng may nag salita sa likod namin. Sabi nung dalaga na, ako na lang po ang papara.

Grabe nakakahiya 'yon." tumawa ako ng makita ang panlilisik na tingin ni, Lesley sa'kin.

"Beh, kanina ko pa 'to napansin. 'Yong lalaking sinungitan mo, kanina pa tumitingin dito saatin o sa 'yo ba. 'Di ko rin masasabi kong saamin, naka tingin. Dahil nung tumayo ka ay sinusundan ka niya ng tingin. Lalo na nung nag salita ka, para talaga s'yang sa 'yo tumingin dahil palakad lakad ka. At sinusundan ka niya ng tingin." mahabang aniya ni Pinocchio.

Pinocchio, tawag namin sa kan'ya dahil sa matangos n'yang ilong. 'Di n'ya totoong pangalan 'yan, palayaw lang namin sa kan'ya.

Agad akong tumingin sa direksyon ng lalaking, sinungitan ko kanina. Halos 'di ako maka galaw, ng magtagpo ang tingin naming dalawa. Mariin n'yang pinaikot ikot ang alak na nasa baso n'ya. Masama ang tingin sa'kin, na para bang may 'di nagustuhang nakita. Habang madilim ang awra na, bumabalot sa kan'ya base sa titig n'ya sa'kin.

Nilihis ko ang tingin ko sa kan'ya.

"Ah, comfort room muna ako guys." paalam ko, 'di kona hinintay ang sagot nila at agad na umalis.

"Hay," buntong hininga ko. "Sana pala nag pa sama, nalang ako kay Lesley." bulong sa sarili, habang nag huhugas ng kamay.

"Hmp-" palag ko ng may tumakip sa bibig at ilong ko. Dinala ako sa madilim na parte ng bar. 'Di ko makita ang mukha, ng humila sa'kin.

"Anong kailangan mo sa'kin?" sa wakas na ka pag salita na rin ako.

"Who's that boy?" imbes na sagutin, tinanong niya ako.

"Sinong lalaki ba? Maraming lalaki- "

" 'Yong umalalay sa 'yo?"

Si Pinocchio, ba ang tintukoy niya?

"Si Pinocchio ba? Paki alam mo ba kong lumapit ang kaibigan ko, sa'kin." masama kong tinignan ito, kahit 'di ko masyadong nakikita ang mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status