Share

chapter 2

Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Kumurap kurap muna ako ng limang beses, dahil medyo blur ang paningin ko. Ng maka pag adjust na ay kumunot ang noo ko ng di familiar sa'kin ang kwarto, kulay black ang kurtina't kulay white ang kisame, gray naman ang unan at comforter.

Agad akong napabangun, pero napaigik ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa pang ibabang bahagi ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama, ng makaramdam ng sakit sa ulo kaya napa hawak sa bandang noo ko.

Mariin kong pinikit ang mata at inaalala ang ginawa ko kagabi.

Nag inom kami...

C.R...

May nakausap akong lalaking 'di ko kilala...

Naka limang baso ako...

Hanggang sa isinakay ako ng isang lalaki.

Mariin akong napa sabunot sa buhok.

"No! This can't be happened!," Bulong ko sa sarili. " 'di nangyari 'yon!"

Mabilis akong lumingon sa kanang bahagi ng kama ng maramdaman ng gumalaw. Pero para akong nanlumo sa nakita ko, para akong naging tuod 'di ko lubos na maisip.

Isang lalaki, naka talikod sa direksyon ko at walang suot na pang itaas na damit. May mga kalmot pa sa kaniyang likod, kitang kita ito dahil sa maputi nitong balat. Pulang pula pa 'to parang bagong bago.

Nilibot ko ang tingin sa buong silid, at may nakita akong mga damit sa sahig.

Nakita ko ang alarm clock sa bandang ulo ko kaya napa tingin ako sa oras d'un.

"Alas nwebe na!"

Kahit na masakit ang katawan at ulo ko, ay nagawa ko pa rin na mag madali sa pag bihis. Agad akong lumabas sa silid na 'yon at dumiritso na palabas sa bahay. 'Di na ako nag abala na alamin ang address ng bahay ng tao na 'yon at agad na pinara ang nakitang taxi.

"Manong! Sa Del pelar street ho." Saad ko, ng makasakay sa taxi agad naman niyang sinunod.

Didiritso muna ako kila Lesley. Napa dasal nalang ako sa isip, na sana 'di tumawag si Inay sa kan'ya.

Bumolong bulong ako sa sarili "I hope na 'di na kami mag kita ng lalaking 'yon."

Napapikit nalang ako at napa isip.

" 'di muna makikita ang lalaking 'yon, malaking lugar ang bayan ng Santiago, at sigurado ding 'di siya taga dito." Kampanteng sabi sa sarili.

Agad akong nag bayad ng pamasahe sa driver, Ng makarating sa tapat ng tinutuluyan na bahay ni Lesley.

Dumiritso ako sa tapat ng pinto kahit na paika ika ang lakad. Agad akong kumatok, wala pang tatlong katok ay bumukas na ang pinto. Si Lesley ang bumungad sa akin, parang bagong gising lang.

Humikab muna siya at nagtanong. "Sino 'yan?"

Nanlaki ang mata niya ng makita ako, at pinapasok sa loob.

"Sa'n ka galing? 'di na kita nakita kagabi, nong bumalik ako sa harap ng bar."

Napayuko nalang ako sa tanong niya.

"Hoy, anong problema? May nangyari ba?" Nataranta siya ng marinig ang hikbi ko.

"Marami... marami ang nangyari," halos utal kong sabi.

"Ano ba kasing nangyari? Sumagot ka ng maayos ha! Wag mo 'kong iyak-iyakan jan!" Sabi niya. "Teka lang muna, kukuha muna ako ng tubig sa kusina at ng mainom mo." At naglakad patungo sa kusina. Pag balik n'ya ay may dala na s'yang isang basong tubig.

"Uminom ka muna at ng mahimasmasan ka."

Ininom ko ang bigay niya na tubig, pero di ko naubos 'yon.

Pinahid ko muna ang luha ko. "Nagising nalang ako sa 'di familiar na kwarto," Pag sisimula ko. "Kaso sa kwartong 'yon may kasama akong..." Napa hikbi nalang ako ng maalala 'yong nangyari sa'ming dalawa ng lalaking 'di ko kakilala.

Nag tatakang tumingin siya sa akin, kumunot pa ang noo. "May kasama kang ano?"

Napahinga ako ng malalim. "May kasama akong... lalaki, walang saplot."

"Ano!? Lalaki? Tapos walang saplot?" 'di maka paniwalang sabi niya.

"Tell me! Walang nangyari sa inyo diba!?" Mariin siyang tumitig sa'kin.

Napailing nalang ako.

"Jusko!" Napahilot s'ya sa kan'yang sintido. "Malaking problema 'yan, napaka laki talaga! Pa'no kong mabuntis ka ha! Kilala mo ba ang lalaki?" Umiling ulit ako.

"Please, 'wag mong sabihin kay Inay." Pakiusap ko, tumango nalang siya.

Problemado siyang tumingin sa'kin, na para bang lahat ng problema sa mundo ay nasa kaniya.

"Lintek talagang Rex 'yon, sabing tatlong baso lang ipa-inom sa 'yo." Sisi n'ya sa taong wala dito.

"Ayaw kong malaman nila Rex, ang nangyari sa'kin o sa kaibigan man natin. Sating dalawa nalang 'yon."

"Oh sige, ako ang maghahatid sa'yo sa bahay niyo." Inilapit niya ang mukha niya sa buhok ko at inamoy 'yon.

Ngumiti s'ya ng nakakaloko. "Amoy lalaki ka, halatang halata na galing sa jugjugan." Sabi niya kaya napa iwas ako ng tingin, naramdaman ko din ang pag init ng pisnge kaya siguradong sobrang pula ko na.

"Hiram ka nalang muna sa damit ko, nandu'n sa kwarto at wag mo ng isauli ha. Hala sige maligo kana d'un sa C.R." tulak niya sa'kin.

"Ang bango ng perfume ng lalaki mo ha. Mukhang gwapo at mayaman." Rinig kong sigaw n'ya sa labas, ng makapasok ako sa loob ng kwarto niya.

Hindi ko maiwasang mamula sa sinabi niya. 'Di ko masasabing gwapo ang lalaki, dahil 'di malinaw ang pag kakita ko sa mukha niya. Pero halatang mayaman ito dahil sa kulay ng balat, parang di puro Pinoy at may lahing foreigner.

"Sa karenderya nalang tayo mag agahan. Tinatamad na 'kong maguto pa."

May malapit na karenderya dito sa kanila, at malalakad lang ito mula dito sa tinutuluyan niya.

"Isang serve ng adobong manok, at menudo nga ho. Dalawang serve ng kanin rin." Sabi niya ng makarating sa karenderya. "Ikaw, anong sa'yo? Walang libre dito ha! Limited edition lang 'yon. Kagabi lang 'yong libre. Dapat buy your own, tayo ngayon" Baling niya sa'kin.

Inirapan ko na lang siya tsaka nag order rin.

"Itong sisig ho isang serve, at tsaka pancit bihon, dalawa rin ho ang kanin." Sabi ko sa babae na nasa 30+ ang edad.

"Tara hanap na tayo ng mauupuan natin." Yaya niya ng makuha namin ang aming order.

"Mag jeep nalang tayo papunta sa inyo." Sabi niya kalagitnaan sa pag kain namin. "Pero malaking problema talaga yan eh! Pa'no kong mabuntis ka? Tapos 'di mo pa kilala 'yong lalaki!  Ano 'yan kung mabubuntis ka ikaw maghihirap, tapos 'yong lalaki nag papakasarap sa buhay n'ya?"

"Malabo naman ata 'yang sinasabi mo. Isa lang naman 'yon nangyari eh, buntis agad?" Taas kilay kong sabi.

"Malay natin aber! Baka sa susunod na buwan, may laman na 'yang tiyan mo na bata." Duro n'ya sa'kin. " Baka bigla ka na lang lumapit sa'kin, at sabihin mong may sumisipa na pala jan sa loob ng t'yan mo. Advance lang to mag isip, tutal jan ka rin naman lalo na't kakajugjugan mo lang."

Pinandilatan ko siya ng tingin, lakas ng boses niya parang walang ibang tao dito ah.

"P'wede ba, paki hinaan naman ng boses mo. Kong maka salita ka ay, parang wala ng ibang tao dito at tayo lang dalawa." Saway ko. "Kong makapagsalita ka parang birhen kapa ah."

"Parahin mo ang jeep dali!" Utos n'ya ng makakita ng jeep na paparating. Niyuyugyog n'ya pa ng mahina ang balikat ko.

"Ano ba! Ikaw nalang ang mag para!" Bawi ko sa kan'ya.

"Anong ako? Ikaw na, tutal ikaw naman ang ihahatid ko!" Medyo malakas na sabi.

Ganito kami minsan pag umuwi na galing sa trabaho. Nag tutulak-tulakan kong sino ang papara sa'ming dalawa.

"Ikaw!"

"Ikaw nga sabi eh!"

"Ikaw-"

Naputol ang sasabihin n'ya ng may nag salita sa likod namin. Kaya lumingon kami, at nakita namin ang isang dalaga, nasa 16 o 19 ata ang edad.

"Ahh, ako na lang po ang papara sa jeep." Mahinhin na boses ang aming narinig mula sa kan'ya.

Ngumiti naman kami ng pilit sa dalaga. "Salamat nalang, pero kaya naman naming pumara eh pero tinatamad lang. Nakakahiya naman sa'yo." Sagot ko, at saka pinara ang jeep agad kong hinila si Lesley papasok.

"Parang ang dalaga pa ang nahiya, sa ginawa natin kanina." Bulong niya sa'kin.

"Lesley most embarrassment day!" Tumingala pa 'ko sa bubong ng jeep, at ini-imagine na may malaking T.V dito at may video 'yong ginawa namin kanina.

"Sus, kong may nag video siguro kanina sa ginawa natin kanina. Siguradong nasa memes na tayo ngayon, pinag idetan at ang masaklap baka nasa tiktok na tayo. Knowing na maraming magaling na editor sa TikTok, talagang sisikat tayo ng walang oras." Mahina akong napa tawa sa aking sinabi.

"Para lang po," pero mukang di narinig ng driver, kaya kinatok ko ang bakal sa jeep na nasa ulohan ko.

"Paki abot ho sana sa driver," ngumiti ako sa lalaking malapit, sa driver.

Nasa labas pa lang ako ng pinto, namin ay nakaramdam ako ng kaba. Lumingon ako sa aking katabi, ngumiti lang ito nag papahiwatig na 'di malalaman ni Inay, ang nangyari sa'kin.

"Magandang umaga, Inay!" Pilit ngiti kong sabi.

Agad akong nag manu sa kaniya. Pati na rin si Lesley.

"Oh, bakit ngayon ka lang? Kanina pako nag hihintay sa'yo dito." Tanong ni Inay.

"Napasarap ho ng tulog iyang si Elle, nay. Kaya matagal 'yang nagising." Sabi niya, pero alam kong may iba pang ibig sabihin 'yon.

Lumingon siya sa'kin at ngumiti ng mapaglaro.

"Diba, Elle?"

Tinaliman ko s'ya ng tingin bago sumagot. "Opo nay, malamig kasi d'un sa kanila kagabi, at napasarap ang tulog kaya natagalan sa pag gising." Totoo naman ang sinasabi ko, malamig d'un at may kasama pang g'wapo at masarap na lalaki- ano ba 'yang iniisip ko napaka ano.

"Oh sha, kumain na kayo? Ipaghahain ko kayong dalawa."

"Ay 'wag na po, salamat na lang ho nay. Tapos napo kaming kumain d'un sa amin." Sabi ni Lesley. " At saka hinatid ko lang ho dito si Elle, may pupuntahan din po kasi ako jan sa kabilang kanto."

"Sige po nay, mauuna na ho ako." Paalam niya at kumaway muna bago lumabas ng bahay.

Buong araw ay wala akong ibang ginawa, kun'di ang humawak ng cellphone lalabas ng kwarto pag kakain na. Kong na babagot ako minsan sa cellphone, ay lalabas tutulong kay Inay sa gawaing bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status