Share

Never Say Goodbye
Never Say Goodbye
Author: IceOnMyEyes

Prologue

Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin ako kay Andrew habang siya ay tumutugtog ng gitara. 

Sa kanyang maamong mukha, sa kanyang buhok na magulo at halos maabot na ang kanyang singkit na mata, sa kulay puting school uniform na suot niya, sa kanyang pulang labi na hindi pa nakakatikim ng kahit anong beauty product, masasabi kong siya na ang lalakeng nakatakda para sa buhay ko. 

Kinilig ako bigla sa naisip ko. Napaka guwapo  talaga niya kahit saang anggulo ko man siya pagmasdan. 

Mula sa pinagtataguan ko sa likod ng pintuan ng rooftop ay iniiangatan kong huwag gumawa ng kahit anong ingay na maaaring magbigay ng senyales para malaman ni Andrew na sinusundan ko siya. 

Actually, kilala naman namin ang isa't-isa at nakakapag-usap kami, pero simula nang mas lumala ang pagtingin na mayroon ako sa kanya ay hindi ko na kayang makipag-usap sa kanya ng matagal. Pakiramdam ko ay ngumingiti ako ng kusa sa tuwing mapapatitig ako sa kanyang mga mata. 

Bakit kaya hindi pa rin naalis si Andrew? Malapit pa naman nang magsimula ang klase. 

Hindi na bale. Masaya naman akong pagmasdan sa malayo si Andrew. 

I giggled because of my idea. 

Natuon ang atensyon ko sa kanya ng husto nang magsimula na ring kumanta si Andrew. Sa bawat patugtog niya ng gitara at sa bawat awit niya ng mga kataga, pakiramdam ko ay mas lalong lumalambot ang puso ko sa kanya. 

Sa sobrang tuwa ko ay tumalon ako, pero hindi ko inaasahan na maaapakan ko pala ang isang plastic bottle na naging dahilan para magkaroon ng mahinang ingay. 

Kahit mahina ito ay dinig na dinig pa rin dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Ang tanging naririnig lang ay ang boses niya at ang tugtog ng gitara. 

Nataranta ako bigla at tinakpan ko ang aking bibig. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. 

May mas lalala pa ba sa sitwasyon ko? Waah!

Tumigil sa pag-strum ng gitara si Andrew. Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid. 

Halos itigil ko na rin ang paghinga ko para lang hindi makita o mapansin ni Andrew ang lugar na pinagtataguan ko. 

Nakarinig ulit kami ng mahinang pagkaluskos malapit sa direksyon ko kaya dumoble pa ang kaba na nararamdaman ko, pero nakahinga ako ng maluwag nang may sumulpot na isang puting pusa at nagpakita kay Andrew. 

Tumaas ang isang kilay ni Andrew, pero kalaunan ay sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. 

"It's you, kitten." He giggled and walked towards the cat direction.

Libo-libong pasasalamat ang binubulong ng isipan ko sa pusa dahil nakaligtas ako kay Andrew. I deeply sighed in relief. 

Kinarga ni Andrew ang pusa at bumalik siya sa inuupuan niya kanina. 

S'yempre, hinding-hindi ko makakalimutan ang isang katangian na nagustuhan ko kay Andrew. Isa siyang animal lover. College student na kami kaya halos lahat ng tungkol kay Andrew ay alam ko na. Elementary pa lang kasi kami ay kilala ko na siya. I mean, kilala na namin ang isa't-isa. 

Well, hindi lang naman kaming dalawa ang matagal nang magkakilala. May isang tao pa at siya siguro ang dahilan kung bakit nakuntento na lang ako sa pagsulyap lang kay Andrew. 

"Kitten, where did you come from? Are you lost?" Andrew patted the head of the cat while smiling. 

I wish I was the cat, atleast. 

Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti ng malawak. Minsan ko lang kasi makita ang isang tunay na ngiti sa labi ni Andrew at ang minsan na 'yon ay hindi pa niya napapakita sa 'kin sa tuwing kaharap niya ko. 

Hindi naman sa peke ang pakikitungo sa 'kin ni Andrew kumpara sa isang taong tinutukoy ko kanina. Mas nakikita ko ang abot tainga niyang ngiti kapag 'yon ang kasama ni Andrew. 

Sino ba naman ako para ngumiti siya katulad ng gusto ko? 

Tumunog na ang bell ng campus, pero wala pa rin balak tumayo si Andrew at magtungo sa klase niya. Para ngang may inaasahan pa siyang dumating dahil panay din ang tingin niya sa pintuan ng rooftop. 

Nakakaramdam na ko ng pangangalay dahil magiging isang oras na kong nakatayo dito sa pinagtataguan ko. Mukhang hindi pa a-attend ng klase si Andrew. Bakit kaya?

Bumuntong hininga ako ng malalim. Mas ayos na siguro ito para mas matagal ko pa siyang matitigan. 

Nakarinig ako bigla ng mga yabag malapit sa pinagtataguan ko. Yon pala ay may pumasok sa rooftop at dumiretso agad sa direksyon ni Andrew. 

I saw a beautiful and innocent smile coming from Andrew after he saw that woman. The woman slightly smiled back to him. They kissed each other towards after they crossed each other. Then, they both sat next to each other. 

"I'm glad, you came."

"Of course. I can't disapoint the man I love."

"I love you, Samantha." 

Sa isang iglap ay parang piniga ang puso ko dahil sa aking nakita. Lumabas ang luha sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. 

I have a positive mind to him, but why do my heart feels like wants to give up?

Sa kabilang banda, hindi na bago para sa 'kin ang nakita ko. Pakiramdam ko nga ay unti-onti na kong nasasanay kahit na wala akong plano na manatili na lang na ganito. 

Hindi na bale. Alam ko naman na ilang taon na lang din ay makakamit ko na rin ang gusto ko. 

Mapupunta na rin sa akin si Andrew.  

Umupo ako sandali dahil parang bigla akong nawalan ng lakas para titigan sila. Parang bigla nilang kinuha ang lahat ng lakas na natitira sa 'kin.

They are both talking to each other, laughing as if they are the only human living in this world.

Why the world so harsh to me? 

Ako ang bida sa sariling kuwento ng buhay ko, pero sa aming tatlo ay ako ang nagmumukhang kontrabida. 

Pakiramdam ko ay kinamumuhian ako ng mundo dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko kay Andrew. 

Bakit? Dahil kaya pinagpipilitan ko ang sarili ko sa isang tao? Dahil pinaglalaban ko pa rin ang nararamdaman ko? 

Siguro nga ako ang kontrabida sa storyang ito. 

I have nothing to do, anyway. Samantha Flores. She's his girlfriend. She is the one who owned his heart. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status