Share

Chapter 16

ZOE

Nang makauwi na ko sa bahay namin ni Jayden ay naabutan ko siyang nakaupo sa sala. Nakayuko siya at kahit na hindi siya nagsasalita at hindi ko nakikita ang mukha niya, parang nararamdaman ko na agad ang galit niya.

Napailing ako ng aking ulo. Ngayon na alam kong may nagawa akong masama sa kanya, pakiramdam ko tuloy ay galit na siya sa akin ngayon.

Iniangat ni Jayden ang mukha niya at nagsalubong ang mata naming dalawa. Gusto kong umiwas ng tingin sa kanya dahil baka makita niya agad sa mga mata ko na may ginawa akong mali, pero hindi ko magawang iiwas ang paningin ko. Parang nag-uutos ang bawat tingin niya sa akin at hindi ko ito kayang hindi sundin.

"Babe, come here."

Nakatitig pa rin sa akin si Jayden subalit mas tumalim na ang bawat titig niya sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay mas lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Tinuro niya ang kanyang lap at wala akong ginawa kundi sundin ang kanyang utos. Umupo ako sa kanya. Nara
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status