Share

Chapter 1

Rhianna's POV.

Napaupo ako sa aking kama at nag-aalalang tumitig sa hawak kong cellphone. Nasaan na naman kaya si Drew? Gabi na pero hindi pa siya dumadating sa bahay. Sobrang nag-aalala na ko sa kanya. Muli ko siyang tinawagan at sa wakas ay sinagot na rin niya ang tawag ko.

"Hello?" Mahahalata pa sa aking tinig ang pag-aalala sa kausap.

"[Then, what will be going to happened to us? Matatapos na lang ba tayo basta-basta?]"

"[No. We will keep our relationship. You know that I don't care about her. I can't even tell her name. You are my love and not her so let's stay, please...]"

"[But, you are her husband.]"

"In the paper, yes but you are the one I love.]"

I also heard a deep sigh on the line.

"[Then let's stay. I love you, Drew.]"

"[I am many more loves you, babe.]"

Hindi na ko nakatiis sa mga naririnig ko kaya ako na ang unang nagbaba ng cellphone. 

Mapait akong tumawa nang maalala ko ang mga katagang narinig ko ngayon lang. Nagkamali na naman siguro ako ng natawagan.

"Ma'am Rhianna, ito po pala 'yong gatas na pinapadala mo. Ito rin po pala ang panyo."

Dahil siguro sa sobrang atensyon ko sa cellphone ay hindi ko na napansin ang pagdating ni Yaya. 

I smiled to her. 

Kinuha ko ang pinatimpla kong gatas pati ang panyo na inabot niya rin sa 'kin. Hindi ko man lang nalaman na may tumutulong tubig na naman pala sa aking mata.

"Ma'am Rhia, hindi naman sa nangingialam, pero hindi ka pa po ba matutulog? Med'yo gabi na po kasi eh." 

Tinitigan ako nang may pag-aalala ni Yaya, pero ngumiti lang ako sa kanya pabalik.

"I'm okay. Hihintayin ko pa si Drew. You can take a rest na, Yaya."

Tumango siya sa akin at umalis na sa loob ng kuwarto kahit na alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

One week pa lang ang nakakalipas simula ng ikasal kami ni Drew, pero hindi pa man kami nakakasal ay wala na siya sa tabi ko. 

Kasalanan ko rin naman kasi eh. 

Nagmahal ako ng isang tao na may mahal ng iba, pero wala na kong pakialam. Atleast, mahal ko siya at naniniwala akong balang araw ay gano'n din ang mararamdaman niya sa 'kin. Isa pa, kasalanan ko rin naman ang lahat. Kaya hindi ko na siya masisisi pa roon.

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ng malakas kaya nahinto ang pagmumuni-muni ko. Doon ay pumasok si Drew na lasing na lasing at amoy alak. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Inalalayan ko siyang makahiga sa kama.

"Drew, are you okay? Gabi na ah. Bakit ngayon ka lang umuwi. Alam mo bang nag-"

"I don't want to hear your voice, animal. Stay away with me. Don't touch me!" Tinabig niya ng malakas ang braso ko kaya muntikan na kong matumba.

"But, you're drunk and-"

"I said, shut up!" 

Napatahimik ako nang bigla na lang siyang sumigaw.

"You know? It's your fault! Ikaw ang dahilan kung bakit malungkot ngayon si Samantha! Gaga ka kasi eh! Napaka-animal mo at tinali mo ko sa 'yo! Lumayas ka sa harap ko, pero bago 'yon, gusto kong malaman mong kahit kailan hindi ako magmamahal ng isang hayop na katulad mo." Tinitigan pa niya ko ng may pagkamuhi, pero hindi ko siya matitigan pabalik. 

Nakakapanghina ang titig niya.

Hindi na ko nagsalita at lumabas na nang kuwarto. 

Ilang beses na ba? Ilang beses na ba niya kong sinabihang animal at hindi tinuring na tao? 

Hindi ko na mabilang kung ilan. Ang sakit. Ang sakit-sakit sa pakiramdam, pero hindi ba kapag nagmahal ka ay masasaktan ka talaga? Kaya naman, hangga't kaya ko pa, I will keep my patience.

Dire-diretso akong nagtungo sa guest room at doon ay nagsilabasan ang luha na kanina ko pa pinipigilan sa kanyang harapan. 

"Here. You can drink the coffee I made. I'm pretty certain that you still had hang-over." Nilapag ko ang kape na ginawa ko sa harap ni Drew. 

Agad naman niya itong kinuha kaya napangiti ako ngunit nagulat ako nang bigla na lang niya itong binuhos sa akin.

Muntikan pa kong mapasigaw dahil sa init ng kape na dumikit sa aking balat. Med'yo namula lang ang tiyan ko kung saan niya binuhos, pero hindi naman ako mas'yado dahil sa damit na suot ko.

"Tss. You made my day ugly again. Get out of my sight before I lost my control again. Tsk. Ang aga-aga, isang animal ang bubungad sa akin." 

Binalewala ko ang kanyang sinabi at nakangiting nagsalita ulit sa kanya.

"Masakit ba ang ulo mo? Nako! Natapon 'yong coffee, gagawa na lang ulit-"

"Shut up, okay?! Can't you see? My head is hurt, so don't you dare talk to me! Mas lalo lang sumasakit!" 

Hindi na ko nagsalita at kinuha na lang ang basong pinaglagyan ng kape at hinugasan 'yon sa kusina. 

Habang naghuhugas ay hindi na naman napigilang mapaluha ng mga mata ko.

"Ma'am, ayos lang po kayo? Ako na po ang gagawa niyan," 

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Yaya. 

"I-I'm okay, Yaya. Ako na ang bahala rito. Gawan mo na lang ng coffee si Drew."

Umalis na siya at ginawa ang pinag-utos ko. 

It was happened again.

Sa araw-araw na nangyari 'to, sa katagalan ay parang nasasanay na rin ako.

"Ma'am! Tawag po kayo ng Mom ni sir Andrew!" 

Natigilan ako sa sinabi ni Yaya. Nataranta ako bigla dahil hindi ko alam na darating pala siya ngayon. 

Nagmadali akong umakyat sa second floor para magpalit ng damit. Hindi kasi p'wedeng makita ako ng Mom ni Drew na ganito ang damit ko. 

May tapon ng kape...

Pagkatapos magpalit ay agad akong bumaba para humarap sa mother ni Drew.

"Hi, Tita Martha." Ngumiti ako dito at nakipagbeso-beso sa kanya.

"Hello, my dear. So, how's your husband? Did he hurts you?" Ngumiti sa akin pabalik si Tita Martha.

"No. Good boy naman po siya sa akin. Right, Drew?" nakangiting tugon ko rito sabay tingin kay Drew.

"Yes, Mom. I will not going to hurt her." Naglakad patungo sa direksyon ko si Drew at hinalikan ako ng bahagya sa aking labi.

Oo nga pala. Sa harapan ng magulang ni Drew, ganito kaming dalawa. We always look like a perfect couple in front of them. Why? Dahil kapag hindi namin gagawin 'yon, masisira ang buhay namin...

Ako si Rhianna Marques-Gonzales. Asawa ko si Andrew Chielo Gonzales. I really loves him, but he really hates me.

Oo, alam ko na hindi niya talaga ko gusto. Tao pa naman kasi ako at may nararamdaman din. Ang kaisa-isang babae na tinitibok ng puso niya mula pa noon ay si Samantha May Cortez. 

Actually, naiinggit talaga ko sa kanya dahil siya ang taong mahal ni Drew at hindi ako, pero wala na kong magagawa pa roon. 

This is our story. Story na kahit siguro kailan ay hindi na magkakaroon ng happy ending, nang best ending.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status