Share

Chapter 2

Natapos na naman ang isang araw ng paghahanapbuhay at bumibyahe na ulit ako pauwi ng bahay, Habang iniisip ang hitsura ng aming CEO.

"Ano nga kaya ang hitsura ng aming CEO? Isang tanong na gumugulo sa aking isipan.

"Mukha kaya talaga siyang artista? "At kung parang artista nga siya sino naman kaya ang kamukha niyang artista?" Pagtatanong ko sa aking sarili.

Huminto na ang Jeep sa aming kanto at lumakad na lang ako papunta sa aming bahay.

"Mano po nay, bungad na salubong ko kay nanay,

"Kumain ka na anak, sabay-sabay na tayong kumain."

"Kumusta po ang araw ninyo ni tatay? Tanong ko kay nanay.

"Okay naman anak, nakapunta kami sa ospital kanina para ma-dialysis ang tatay mo."

" Basta pag kailangan po ninyo ng pera magsabi lang po kayo sa akin."

"Oo anak, maraming salamat sa tulong mo sa tatay mo at sa amin ng mga kapatid mo."

"Wala po yun nay, basta po para sa pamilya natin tutulong po ako." Masayang tugon ko kay nanay.

Habang naghahapunan tinanong ako ni nanay Mercy at tatay Nestor.

"Anak, hindi mo ba naiisip ang mga tunay na magulang mo? Tanong ni nanay.

"Naiisip din po nay, hindi ko rin naman po puwedeng kalimutan ang mga taong pinagmulan ko,

Hindi ko lang po alam kung saan po ako mag-uumpisa para hanapin po sila."

"Medyo mahirap nga anak ang sitwasyon mo dahil hindi mo alam kung saan ka mag-uumpisa ng paghahanap sa kanila." Ang sabi ni nanay.

"Kung halimbawa o sakali man na makita mo sila anak nakahanda kami ng nanay mo kung kukunin ka nila sa amin." Tugon naman ni tatay Nestor.

"Basta ate huwag mo kaming kalilimutan kung dumating yung araw na umuwi ka na sa tunay mong pamilya." Sagot naman ni Sheila.

"Syempre hindi ko kayo kalilimutan dahil kayo ay pamilya ko din at kumupkop sa akin mula sa pagkabata ko."

"Hindi ko rin malilimutan na tumanaw ng utang na loob kina tatay Nestor at nanay Mercy..Mahal ko din kayo na parang tunay ko ng pamilya."

"Salamat anak sa lahat ng sinabi mo." Maluha-luhang tugon ni nanay sa akin.

"O sige, kain lang ng kain at baka magka-iyakan pa tayo dito sa harap ng pagkain at umalat yung pagkain natin dahil sa luha." Pabirong sabi naman ni tatay Nestor at natawa kaming lahat.

"Naitanong ko kay nanay at tatay ang tungkol sa kwintas na suot ko."

"Yan lang anak ang kaisa-isang bagay na nasa iyo noong nakita ka namin, marahil kapag nakita yan ng tunay mong magulang ay maaalala nila yan. Kaya nga lagi namin yang pinapa-suot sa'yo para kung sakali na makita yan ng tunay mong magulang ay makilala ka nila." Paliwanag ni nanay.

"Ano po kaya ang estado sa buhay ng aking mga magulang? Nag-iisip na tanong ko kay nanay Mercy at tatay Nestor.

"Marahil anak ay may kaya sila dahil na rin sa hitsura mo noon at sa iyong damit na suot mo noon."

Sagot naman ni nanay.

"Dahil sa sinabi ni nanay ay hindi ko maiwasang mag-isip, pano nga kaya kung mayaman ang mga tunay kong magulang? Siguro ay maninibago ako sa magiging takbo ng buhay ko."

Hanggang sa aking pagtulog ay naiisip ko ang sinabi nina nanay Mercy at tatay Nestor. Papihit-pihit ako ng higa at hindi alam kung paanong pwesto ang aking gagawin.

Madaling araw na ako nakatulog, kinabukasan ay tinatamad akong bumangon dahil napuyat ako sa pag-iisip sa aking tunay na mga magulang.

Tok! Tok! "Anak bangon na at baka ma-late ka sa trabaho." Narinig ko ang pagkatok ni nanay sa pinto ng aking kwarto.

"Nariyan na po nay." Sagot ko kay nanay.

Nagligpit na ako ng higaan at nagsimulang magsuklay ng buhok at mag-ayos ng sarili pagkatapos ay bumaba na ako para mag-almusal.

"Anak, mukhang napuyat ka yata kagabi?"

Tanong ni nanay sa akin.

"Opo nay, marami po kasing gumugulo sa isipan ko tungkol sa aking tunay na mga magulang."

"Huwag mo na masyadong isipin yun, kung kalooban ng Diyos na magkita kayo ng mga tunay mong magulang ay mangyayari yun."

Ang payo sa akin ni nanay Mercy.

Pagkatapos mag-almusal ay pumasok na rin ako sa trabaho, habang bumibyahe ay ginugulo pa rin ako ng aking isipan tungkol sa aking mga magulang. Hiniling ko sa Diyos na sana ay makita ko din sila balang araw at ng sa ganon ay makumpleto ang aking pagkatao.

Maya-maya pa ay malapit na ako sa opisina at pinara ko na ang Jeep, bumaba ako at nilakad ko na lang ang aming opisina dahil hindi naman ito kalayuan mula sa pinag-parahan ko ng Jeep.

Pagpasok ko sa aming opisina ay nandoon na si Ana, nauna ulit siya sa akin dahil na-late ako ng kunti sa aking trabaho.

"Best, anong nangyari at na-late ka?"

Tanong sa akin ni Ana.

"Napuyat kasi ako best sa kaiisip sa mga tunay kong magulang."

"Inisip mo pala yung pinag-usapan natin kahapon?"

Tanong ni Ana sa akin.

"Hindi lang yung kahapon best, pati yung pinag-usapan namin ng mga magulang ko kagabi."

"Bakit? "Ano yun?"

Paguusisa na tanong sa akin ni Ana.

"Ang sabi kasi sa akin ng mga magulang ko ay maaari daw na may kaya ang magulang ko dahil sa suot kong damit noong nakita nila ako sa park."

"Alam mo best maaari ngang mayaman ang tunay mong magulang dahil na rin sa hitsura mo."

"Tingnan mo naman ang ganda mo at tisay pa, hindi ka nga mapagkakamalan na mahirap dahil sa hitsura mo."

Paghangang puri sa akin ni Ana.

Sabagay tama naman si Ana dahil maganda nga ako at parang anak mayaman ang hitsura. Hindi ko din maiwasan na imaginin ang hitsura ng aking tunay na mga magulang, siguro kung maganda ako lalo na ang mga tunay kong magulang at kung may kapatid ako ay siguradong maganda din.

"Hoy best!" Pagulat na tawag ni Ana sa akin.

"Bakit natulala ka dyan?"

Tanong ni Ana sa akin.

"Wala best, may iniisip lang ako."

"Alam mo best may balita dito sa office natin na bibisita daw yung anak ni mam CEO, lalake daw yung anak ni mam CEO, siguro gwapo yun?

Paibang kwento sa akin ni Ana.

"Oo naman, sagot ko kay Ana.

"Siguradong maraming magpapapansin kay Sir sa oras na pumunta siya dito."

Masayang kwento ni Ana, pero sa loob-loob ko ay hindi ako interesado dahil hindi ko naman priority ang mga lalake sa buhay ko ngayon. Priority ko ay ang pamilya ko.

"Baka best pag punta ni Sir dito mapansin ka?"

Sabi sa akin ni Ana na parang may halong panunukso.

"Hay naku best, hindi yan ang priority ko ngayon, alam mo naman na sina tatay at nanay at mga kapatid ko ang priority ko. Ang kinabukasan nila ang priority ko sa ngayon."

"Okay best, ikaw din, sayang yang ganda mo kung mabuburo lang."

May panunuksong payo sa akin ni Ana.

"Magtrabaho na nga tayo."

Paibang sagot ko kay Ana.

Lumipas ang mga oras at oras na naman ng uwian ng biglang nag-ring ang aking cellphone. Tumawag pala si nanay.

"Hello nay,"

"Anak, huwag ka mabibigla ha, dinala namin sa ospital ang tatay mo".

"Bakit po?"

May pag-aalalang tanong ko.

"Sumakit kasi ang tagiliran niya siguro dahil sa kidney niya. Pero okay na ang tatay mo ngayon."

"Mabuti naman at okay na po si tatay."

May pag-aalala pa ring tugon ko kay nanay.

"Pauwi na rin po ako nay."

"Okay anak, mag-iingat ka ha."

Lumipas pa ang isang oras at naka-uwi na ako sa amin. Maya-maya ay dumating na rin si nanay na inaalalayan si tatay katulong ang bunso naming kapatid na si Joshua.

"Kumusta po? Ano po ang sabi ng Doktor?"

May pag-aalalang tanong ko kay nanay.

"Okay na daw ang tatay mo anak, baka daw na-stress lang sabi ng Doktor, kailangan din daw dagdagan ang pag-inom ng tubig."

"Salamat po sa Diyos at okay na po si tatay."

Inalalayan ni nanay si tatay paakyat ng hagdan para makapag-pahinga na din si tatay sa kwarto.

Labis ang kaba ko sa nangyari, ngunit kahit paano ay hindi kami pinabayaan ng Diyos sa mga nangyayari sa aming buhay. Naisip ko bigla, siguro kung mayaman lang kami ay hindi dadanasin ng aking mga magulang at mga kapatid ang paghihirap na aming nararanasan.

Nagsimula na akong mag-asikaso para sa hapunan at sabay-sabay na kaming kumain ng aking mga kapatid. Pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto para mag-pahinga. Patuloy pa rin ang aking pag-iisip para sa kaginhawahan ng aming buhay hanggang makatulog na ako.

Kinabukasan pagpasok ko sa opisina ay nai-kwento ko sa bestfriend kong si Ana ang nangyari kay tatay Nestor.

"Kumusta na ang tatay mo best?"

Tanong ni Ana.

"Okay na siya best, ang sabi ng Doktor ay na-stress lang at kailangan dagdagan ang pag-inom ng tubig."

"Mabuti naman best at okay na si mang Nestor."

Maya-maya pa ay dumating ang aming head na si boss Al at mayrong ina-nnounce.

"Mag ready tayo dahil anytime ay bibisita daw ang anak ng ating CEO dito sa opisina."

Nabigla kami ni Ana at agad na naglinis ng aming pwesto at baka maabutan kami ng anak ng CEO na marumi ang office. Ganun din ang ginawa ng aming ibang mga kasama.

Habang nag-aayos kami ng mga gamit ay tinanong ako ni Ana.

"Ano kaya ang hitsura ng anak ng CEO natin best?"

"Malay ko," ang sagot ko kay Ana

"Baka masungit kasi mayaman." Dugtong kong sagot sa tanong ni Ana.

"Kung gwapo siya sayang naman ang ka-gwapuhan niya kung masungit siya." ..Hihihi.

Natatawang pagbibiro ni Ana.

Natapos kami sa pag-aayos ni Ana ng aming pwesto at nagpatuloy na kami sa trabaho.

Lumipas ang isang araw at wala namang dumating na anak ng CEO. Sabay na kaming lumabas ni Ana ng building dahil hindi naman siya nag overtime.

"Hindi naman pala darating yung anak ng CEO natin naglinis pa tayo."

Medyo may pagkainis na sabi sa akin ni Ana habang naglalakad kami.

"Hayaan mo na best, malay mo sa mga susunod na araw dumating na yung anak ng CEO natin." "Masyado ka naman kasing excited." Natatawang sabi ko kay Ana.

"Marami din sigurong inaasikaso yung anak ng CEO natin."

Dugtong ko pa kay Ana.

Uwian na, habang nasa byahe pauwi ay bigla kong naisip na bakit kaya bigla-biglang naging hands-on ang aming mga amo sa opisina. Baka nalulugi ang kumpanya? Pagtatanong ko sa sarili, pero hindi naman siguro.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status