Share

Chapter 4

"Baka nga kahawig ko lang, alam mo naman Carl na maraming magkakamukha sa mundo. "

"Isa pa matagal na ring nawawala ang kapatid mo, mahigit dalawampung taon na."

Habang nag-uusap ang mag-ina ay biglang dumating si Sophia.

"Good evening po tita, b****o ito kay Carmela.

"Akala ko bukas pa ang dating mo?"

Tanong ni Carmela kay Sophia.

"Napaaga po tita, gusto ko po kasing makita agad si Carl."

"Hindi naman mawawala si Carl Sophia."

Pabirong sabi ni Carmela.

"Ang totoo po kaya po kami napauwi ng maaga dahil sa mga businesses po ni papa."

"Kumusta na nga pala ang papa mo?"

"Okay naman po tita, nakapagpahinga naman po siya ng maayos sa ibang bansa."

Si Sophia ay kababata ni Carl at ang dalaga ang gusto ni Carmela para kay Carl.

Si Sophia ay anak din ng isang negosyante na nagmi-may-ari ng isang kumpanya sa Makati. Dahil sa lumaking mayaman ay hindi sanay si Sophia na hindi nakukuha ang gusto nito.

Malaki ang pagkagusto ni Sophia kay Carl at labis namang naiilang ang binata dahil sa ipinapakita ng dalaga sa kanya.

"Okay tita, "I have to go na rin po," pagpapaalam ni Sophia.

"Hindi ka na ba kakain iha?"

Pag-aalok ni Carmela.

"Hindi na po tita, dumaan lang po ako dito para kumustahin po kayo ni Carl."

"Okay iha, mag-iingat ka sa pag-uwi."

"Thanks po tita."

"Bye, Carl." Malambing na pagpapaalam ni Sophia kay Carl.

"Bye Sophia." Tugon naman ni Carl kay Sophia.

"Carl, anak, ang ganda ni Sophia di ba?"

Pagmamalaki ni Carmela kay Sophia.

"Yeah ma, ' pero hindi po ganung babae ang tipo ko."

"Ano pa ba'ng hahanapin mo kay Sophia?"

"Maganda siya, matalino, at higit sa lahat mayaman din ang pamilya katulad natin."

"That's right ma, pero hindi ko po talaga siya magustuhan. Siguro hindi pa yan ang priority ko sa ngayon."

"You better choose wisely anak para sa babaeng magugustuhan mo."

"I know ma, 'sa ngayon yung business muna natin ang aasikasuhin ko."

"That's good anak, but remember you are not going younger anymore."

"Thanks for reminding me ma. ' excuse me ma, but I have to go to my room."

"Okay anak, alam ko napagod ka sa office."

Habang nag-iisa sa sala ay biglang naisip ni Carmela ang nawawala nitong anak.

"Kumusta kaya ang aking anak? Marahil ay dalaga na ito ngayon."

"Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang aking sarili sa kanyang pagkawala sa park."

"Ito din siguro ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang aking asawang si Ricardo dahil sinisisi din niya ang kanyang sarili sa pagkawala ng aming anak."

"Ngunit salamat sa Diyos dahil kahit paano ay nabawasan ni Carl ang lungkot na aming nadarama ng ampunin namin siya buhat sa bahay ampunan."

"Itinuring namin siyang parang tunay na anak at ganun din naman si Carl sa amin, itinuring din niya kaming parang tunay na mga magulang."

Sa tagpong ito ay dinalaw na ng antok si Carmela at nagpasyang umakyat na sa kanyang malaking kwarto.

Kinaumagahan ay nasa opisina na si Cristine. Ilang oras pa lang ang lumipas ay dumating naman si Carl at pinatawag ang mga empleyado na bubuo sa kanyang team.

"Okay guys, pinatawag ko kayong lahat para makapili tayo ng magiging leader sa ating team at may napili na ako. Kailangan ko lang ng inyong pagsang-ayon sa aking napili kung okay sa inyo."

"Sino po ba ang napili ninyo Sir?"

"I choose Cristine," walang pagaalinlangan na sagot ni Carl.

Nabigla naman si Cristine at Ana sa sinabi ni Carl.

"Ako po sir?" Gulat at nagtatakang tanong ni Cristine.

"Yes, hindi mo ba narinig?"

Sagot ni Carl.

"P-pero bakit ako po Sir Carl?"

Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Cristine.

"Well, I have seen a potential in you, kaya ikaw ang pinili ko.

"Pero mayron pa pong mas deserving sa akin."

"Yeah, pero lamang ka naman sa character at yun ang nakita ko sa'yo."

Tugon ni Carl kay Cristine.

"Agree ba kayo na si Cristine ang leader ng team?"

"Pero Sir, di ba kayo na po ang leader ng ating team?"

Tanong ng isang empleyado kay Carl.

"Yeah, tama ka naman, pero I need a assistant para mapadali ang trabaho natin. Kaya pumili tayo ng leader sa inyong team."

Pagpapaliwanag ni Carl.

Natapos ang meeting at bumalik na sa kanilang posisyon ang mga empleyado pero hindi pa din makapaniwala si Cristine na siya ang nilagay para maging assistant ni Carl.

"Best, mukhang may pagtingin sa'yo si Sir Carl."

Tila may pagkamanghang bungad ni Ana kay Cristine.

"Baka may nakita lang siya sa akin na potensyal na kaya ko ang trabaho best."

Sagot ni Cristine.

"Ewan ko lang best, kasi parang paborito ka ni Sir."

May panunuksong sagot ni Ana kay Cristine.

"Basta trabaho lang ako wala ng iba."

"Ikaw din best, sayang si Sir Carl."

"Tama na nga yan best, kung anu-anong sinasabi mo dyan."

Paibang sagot ni Cristine kay Ana.

Samantala si Carl naman ay malalim ang iniisip.

"Ano ba ang nangyayari sa akin at bakit lagi kong naiisip si Cristine?"

"Na love at first sight ba ako sa kanya?"

Nasa pag-iisip pa ng malalim si Carl ng tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello, O Sophia, bakit napatawag ka?"

"Kinukumusta lang kita Carl, aayain sana kitang mag dinner pagtapos ng work mo."

"Okay lang ba sa'yo?"

"Ah okay, sige Sophia, magkita tayo ng 7 o'clock dun sa Italian restaurant na pinuntahan natin noon."

"Okay Carl, see you then."

"See you Sophia."

Habang nagmamaneho si Carl ng kotse ay napansin niya si Cristine na nag-aabang ng masasakyan. Huminto si Carl para alukin si Cristine na sumabay na sa kanya.

"Cristine, baka gusto mong sumabay, ibababa na lang kita sa malapit sa inyo."

Pag-aalok ni Carl kay Cristine.

"Ah, hindi na po Sir, nakakahiya naman po."

"Okay lang, ako naman ang nag-alok."

"Okay lang po talaga Sir."

Pagtanggi ni Cristine kay Carl.

"Okay, ingat ka sa pag-uwi."

"Salamat po Sir."

"Napakasipag talaga ni Cristine."

May paghangang sabi ni Carl sa sarili.

Dumating si Carl sa restaurant na pinag-usapan nila ni Sophia.

"Bakit ngayon ka lang Carl?"

"I'm sorry Sophia, may dinaanan lang ako."

"Order na tayo ng food."

"Carl, may tanong ako."

"Ano yun Sophia?"

"Ano ba tayo?"

"We're friends di ba?"

Tugon ni Carl kay Sophia.

"Friends lang ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"Alam mo naman na bata pa tayo ay gusto na kita di ba?"

"Alam mo Sophia noon pa naman ang turing ko sa'yo ay parang kapatid na. Huwag ka sanang mag expect sa akin ng higit pa dun."

"So, parang sinasabi mo sa akin na walang pag-asang magkatuluyan tayo?"

"You know Sophia, you're beautiful, and alam ko may lalakeng darating na para sa'yo."

"Yeah, at alam ko ikaw yun Carl."

"I'm sorry Sophia, pero kapatid at kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo."

Masakit man ang naririnig ni Sophia ay pinilit niya muna itong itago kay Carl. Sa kanyang sarili ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na magugustuhan din siya ni Carl.

"Okay Carl, pero alam ko someday ay matututunan mo din akong mahalin."

"Maybe Sophia."

Hindi siguradong sagot ni Carl kay Sophia.

Maya-maya pa ay nagyaya na si Carl na umuwi. Paglabas ng restaurant ay pumunta sila sa kanya-kanyang kotse.

"Hindi ako susuko sa'yo Carl, walang ibang babae ang puwedeng mag may-ari sa'yo."

Paninindigan ni Sophia sa sarili habang nagmamaneho ng kotse.

Samantala, si Carl naman ay nakauwi na sa mansion.

"Oh, anak nandito ka na pala, samahan mo akong maghapunan."

Pagyaya ni Carmela kay Carl.

"Salamat mama, pero tapos na akong kumain. Nagyaya ng dinner si Sophia."

"Ganun ba, that's good anak para magkakilala kayo ng mabuti ni Sophia."

"Ma, akyat na po ako sa kwarto para makapag-pahinga."

"Go on anak."

"Mabuti at nagkakaroon ng time ang dalawa para makapag-usap, boto ako kay Sophia dahil bukod sa mayaman katulad namin ay maganda pa at edukada."

Sabi sa sarili ni Carmela.

Samantala may pagtatakang nag-iisip si Cristine kung bakit sa dami ng mga ka-trabaho niya at angat sa kanya ay siya ang napili ni Carl para maging assistant leader ng team sa Marketing.

"Siguro nga ay character ko yung nakita ni Sir Carl sa akin kaya ako ang pinili niya."

"Hindi ko maaaring bigyan ng motibo yun katulad ng sinasabi ni best Ana. Sino ba ako para magustuhan niya? Unang-una hindi kami mayaman, pangalawa boss ko siya at ako naman ay karaniwang empleyado lang sa aming opisina."

Nasa ganung pag-iisip si Cristine hanggang siya'y makatulog.

Kinaumagahan agad kinuwento ni Cristine kay Ana ang pagyaya sa kanya ni Carl na ihatid siya.

"Best, nakita ako ni Sir Carl kagabi habang naghihintay ng jeep."

"Anong sabi sa'yo best?" Interesadong tanong ni Ana kay Cristine.

"Nag offer si Sir Carl na ihatid ako."

"Pumayag ka?"

"Hindi best, nakakahiya naman kasi."

"Sayang naman best, dapat nagpahatid ka na kasi minsan lang yun."

"Hindi na best, kasi baka may makakita pa sa amin at ano isipin."

"Sabagay best, tama ka, marami pa namang marites sa labas."

Tugon ni Ana kay Cristine.

"Alam mo best parang type ka talaga ni Sir Carl."

"Pano mo naman nasabi best?"

Tanong ni Cristine kay Ana.

"Kasi inaya ka niyang ihatid ka."

"Nagkataon lang yun best, huwag mong bigyan ng kahulugan yun."

"Okay best, pero kung ako sa'yo hindi ko na papakawalan si Sir Carl."

Nag-uusap pa sina Cristine at Ana ng biglang may dumaan na babae sa kanilang opisina. Nagkatinginan sina Cristine at Ana sa nakita

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status