Share

Chapter 6 struggling for love

"Cristine, sakay na." Ulit na sabi ni Carl kay Cristine.

"Ah, okay po Sir." Nagulat na sabi ni Cristine.

"Okay ka lang ba Cristine?" Tanong ni Carl kay Cristine.

"Okay lang po Sir, hindi lang po kasi ako sanay na makasama ang boss ko sa opisina."

Tugon ni Cristine.

"Huwag ka mag-alala ang pag-uusapan natin ay yung mga plano sa Marketing."

Napanatag si Cristine sa sinabi ni Carl. Para kay Cristine ay bago sa kanya ang makasama ang isang lalake lalo na't dalawa lang sila. Si Cristine ay isang NBSB o ang ibig sabihin ay no boyfriend since birth.

Sinimulan ni Cristine na i-text ang kanyang nanay Mercy dahil hindi nito alam na may lakad sila ni Carl.

"Tahimik ka lang pala na babae Cristine." Sabi ni Carl kay Cristine.

"Ganito po ako Sir lalo na't hindi ko pa po gaanong kilala ang isang tao."

"Huwag kang mag-alala hindi naman ako nangangagat."

Biro ni Carl kay Cristine.

Bahagya namang natawa si Cristine sa biro ni Carl.

"Sir, hindi po ba magagalit yung girlfriend ninyo kapag nalaman na may kasama kayong babae sa labas?"

"Ha? W-wala naman akong girlfriend Cristine."

Tugon ni Carl kay Cristine.

"Ha? E sino po yung babae kanina na pumunta po sa opisina ninyo?"

Tanong ni Cristine kay Carl.

"Ah, yun ba? Si Sophia yun, hindi ko siya girlfriend. Kababata ko siya, childhood friends kami."

Tumugon ng tango si Cristine.

"Sir, puwede po bang magtanong?"

"Sure, ano yun?"

"Naka-ilan na po kayong girlfriend?"

Tanong ni Cristine kay Carl na medyo nagaalangan.

"Isa pa lang Cristine, mayaman din siya pero yung relasyon namin ay hindi nag work."

Tugon ni Carl kay Cristine.

"Bakit mo naman natanong Cristine?"

"Ah, wala naman po, kasi siyempre po gwapo kayo at mayaman. Marami pong babae ang puwedeng magustuhan kayo."

"Ganun ba, alam mo Cristine sa totoo lang pihikan ako sa babae. Ayoko sa babae yung masyadong obvious yung feelings sa akin."

"Gusto ko yung nililigawan ko siya at dumadaan kami sa getting to know each other."

"Okay po." Maiksing tugon ni Cristine.

Maya-maya pa ay huminto na sila Carl sa parking lot ng isang mamahaling restaurant.

Nagulat si Cristine sa pinagdalhan sa kanya ni Carl. pumasok sila at umupo sa lamesa.

"Order ka na Cristine." Sabi ni Carl kay Cristine.

Nalula si Cristine sa presyo ng pagkain.

"Isang order pa lang isang araw ko ng sahod."

Nasabi ni Cristine sa sarili.

"Waiter." Sabi ni Carl na nakataas ang kamay upang kunin ang atensyon ng waiter.

"Bigyan mo nga ako nitong lamb meat in italian sauce, saka isang roast chicken in pepper."

Sabi ni Carl sa waiter.

"Ikaw Cristine, may napili ka na?"

"W-wala pa po Sir, namamangha po kasi ako sa presyo ng mga pagkain."

Natawa si Carl sa sinabi ni Cristine.

"Huwag mo ng tingnan yung presyo ng pagkain, ako na bahala dyan sagot ko na yan."

"Okay po Sir, kung ano po yung order ninyo yun na din po sa akin."

Nahihiyang sabi ni Cristine kay Carl.

"Okay, waiter, pareho na kami ng order."

"Okay po Sir." Tugon ng waiter.

"Sir, ngayon pa lang po ako makakakain ng ganitong pagkain."

Sabi ni Cristine kay Carl.

"Ganun ba, sa amin kasi ay karaniwan na yang ganyan."

Lalong nahiya si Cristine dahil nakita niya ang agwat nila ni Carl.

"So, pagusapan na natin yung plano sa Marketing."

Pang bungad na sabi ni Carl kay Cristine.

"Gusto ko sana Cristine na ikaw ang mag-present ng project natin sa Marketing."

"Naku Sir, bakit po ako?" Tanong ni Cristine.

"May tiwala ako sa'yo na magagawa mo yun ng maayos. Dahil nakita ko sa record mo na may capacity kang gawin yun."

"Sobra naman po yata yung tiwala ninyo sa akin Sir."

Nahihiyang sagot ni Cristine kay Carl.

"Sa office kasi ay ikaw lang yung nakita kong makakagawa nun. Alam ko matalino ka Cristine."

"Pero tulad nga po noong sinabi ko sa inyo marami pa pong may kaya po ng pinapagawa ninyo sa akin sa office."

"Yes, kaya din nila, pero ikaw ang mas maayos na makakagawa ng pinapagawa ko."

Tugon ni Carl kay Cristine.

"Hindi po kaya mainggit sa akin ang iba ko pong ka-trabaho?"

May pag-aalalang sabi ni Cristine kay Carl.

"Huwag kang mag-alala, personal choice kita at wala silang magagawa dahil ako mismo ang pumili sa'yo."

"Okay po Sir." Tila naguguluhan pa ring sagot ni Cristine.

"Sige, kumain muna tayo." Pag-aalok ni Carl kay Cristine.

Pagkatapos nilang kumain ay inihatid na rin ni Carl si Cristine.

"Sir, dito na lang po sa kanto." Sabi ni Cristine.

"Sure ka Cristine?" Pagtatanong ni Carl.

"Opo, sure po ako."

"Salamat po sa blowout Sir."

"Walang anuman Cristine, bahagi yan ng ating team building para madali ang trabaho."

"Salamat po ulit Sir."

"Good night Cristine."

"Good night po."

"Anak, bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?"

Pagtatanong ni nanay Mercy.

"Opo nay, pinakain po ako ni Sir Carl. Yung Chief Marketing Officer po namin sa kumpanya."

"Ano ba yun anak? Date?"

Tila may intrigang tanong ni nanay Mercy.

"H-hindi po nay, may pinag-usapan lang po kami ni Sir Carl tungkol po sa work."

Tila nagulat naman na sagot ni Cristine sa kanyang nanay Mercy.

"Akala ko nag date kayo. O sige na anak, umakyat ka na sa kwarto mo at para makapag-pahinga ka."

"Sige po nay, aakyat na po ako."

Samantala si Carl naman ay hindi makapaniwala na nakapag-solo sila ni Cristine.

"Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ako gumagawa ng hakbang para makasama ko si Cristine?"

Naguguluhang tanong ni Carl sa sarili.

Pilit na nilalabanan ni Carl ang kanyang nararamdaman pero paulit-ulit naman pumapasok sa kanyang isipan si Cristine. Hanggang siya'y nakauwi na ng mansyon.

"Carl, anak, samahan mo ako sa hapunan."

Bati ni Carmela sa anak.

"Busog na po ako ma, kumain ako sa labas."

"Okay." Tugon ni Carmela.

Dumiretso na si Carl sa kanyang kwarto.

"Dapat kong mapaglabanan ang nararamdaman ko kay Cristine." Ang sabi ni Carl sa sarili.

"Ang relasyon namin ay dapat tungkol lamang sa isang boss at empleyado at wala ng iba pa."

Paninindigan ni Carl sa sarili.

Kinabukasan sa opisina ay tinanong ni Ana si Cristine sa naging pag-uusap nila ni Carl.

"Best, kumusta naman yung kagabi?"

"Okay naman, gusto ni Sir Carl na ako yung mag-present ng project sa Marketing."

"Ha? Masyado yatang malaki ang tiwala sa'yo ni Sir Carl?"

Gulat na tanong ni Ana.

"Best, baka iba na yan ha." May pagtatakang sabi ni Ana kay Cristine.

"Anong iba ka dyan? Pinag-usapan lang namin ang tungkol sa work."

"Bakit kaya ganun na lang ang tiwala sa'yo ni Sir Carl best?"

"Ang sabi niya sa akin dahil daw sa Character ko."

Tugon ni Cristine.

"Ibig sabihin mas okay yung ugali mo o personalidad mo kaysa sa iba?"

"Ganun nga siguro best."

"Pero best, medyo may nararamdaman akong kakaiba."

"Anong kakaiba ka dyan? Huwag mong lagyan ng malisya yung pag-uusap namin best."

Dipensa ni Cristine kay Ana.

"Pero kung ano't anuman boto naman ako kay Sir Carl para sa'yo best."

"Ikaw talaga best, kung ano-anong tumatakbo sa isip mo."

"Hindi naman imposible yun best."

Tugon ni Ana.

Maya-maya pa ay dumating na si Carl at napatingin kay Cristine.

"Bakit ganun? Pag nakikita ko si Cristine para siyang bato-balani." Sabi ni Carl sa sarili.

"Good morning Sir."

Sabay-sabay na bati nina Cristine at Ana at ng mga kasama nilang empleyado kay Carl.

"Good morning."

Tugon ni Carl.

Dumiretso si Carl sa kanyang opisina at umupo sa kanyang mesa at nagsimulang magmuni-muni sa nararamdaman niya kay Cristine.

"Dapat ko na sigurong sundin ang puso ko at huwag ko ng pigilan. Lalo lang akong mahihirapan kapag pinigilan ko ang aking nararamdaman kay Cristine."

"Ngunit paano ko sasabihin kay Cristine ang tunay kong nararamdaman para sa kanya?"

"Matanggap kaya ni mama na magmahal ako ng empleyado namin?" Sabi ni Carl sa sarili habang nakahawak sa kanyang noo.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ligaya Lising Carillo
pa unlock po please thanks ganda eh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status