"Cristine, napakaganda mo." Bulalas ni Carl. "Carl, yung bibig mo nakabukas." Bati ni Cristine sa nakabukas na bibig ni Carl dahil sa pagkamangha sa kagandahan ng dalaga. "Nay, tay, aalis na po kami ni Carl." Pagpapaalam ni Cristine sa mga magulang. "Mag-iingat kayo anak, tandaan mo yung bilin namin ng tatay mo. Mag enjoy ka lang anak." Pagbibilin ni nanay Mercy. "Opo nay." Tugon ni Cristine. "Carl, iho, huwag mong pababayaan si Cristine." Bilin ni tatay Nestor kay Carl. "Opo, tay Nestor, huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po pababayaan ang inyong anak." Sagot ni Carl. Sumakay na sa kotse sina Carl at Cristine. Naguusyuso naman ang mga kapitbahay nina Cristine sa mga pangyayari sa kanilang tahanan. Samantala, lingid sa kaalaman nina Carl at Cristine alam ni Sophia na inimbita ni Carl si Cristine sa kaarawan ng ina ni Carl. "Hindi ako pap
Pinalipas muna ni Carl ang galit niya at muli siyang bumalik sa mansyon para magpahinga. Samantala, pumasok na si Cristine kinabukasan. "Best, ano'ng nangyari sa'yo? Hinahanap ka ni Sir Carl kahapon." Tanong ni Ana. "Sumama lang ang pakiramdam ko best." Sagot naman ni Cristine. "May problema ba best? Sabihin mo at baka makatulong ako." Pag-aalok ni Ana. "Okay lang ba na sabihin ko sa'yo best?" Tanong ni Cristine. "Oo naman best, mag bestfriend tayo di ba?" Wika ni Ana. "Niyaya kasi ako ni Carl sa birthday ng mama niya. Pero may nangyari kasi best." Wika ni Cristine. "Ano"ng nangyari best?" Tanong ni Ana. "Binuhusan ako ng wine ni mam Sophia." "Ano?!" Nabiglang tanong ni Ana. "Ssshhh...huwag kang maingay best at baka may makarinig sa atin." Pagsaway ni Cristine kay Ana. "Bakit naman ginawa ni mam Sophia yun best?" Tanong ni Ana.
Samantala si Cristine naman ay nakapagdisisyon na para sagutin si Carl. Tinext ni Cristine si Carl upang magkita sila ng binata para sabihin dito ang matamis na oo niya. "Okay Cristine.....magkita tayo sa isang restaurant sa Roxas Boulevard." Wika ni Carl. "Ano kayang sasabihin ni Cristine?" Wika ni Carl habang nagmamaneho ng kotse. Pagdating sa restaurant na sinabi ni Carl ay nakita niya agad si Cristine mula sa labas. Ngumiti ito sa binata at kinawayan naman siya ni Carl. "Kumusta Cristine? Mukhang importante yung sasabihin mo." Wika ni Carl. "Oo Carl, mahalaga yung sasabihin ko sa'yo." Sagot naman ni Cristine. "Nakapag-disisyon na ako sa panliligaw mo sa akin." "Talaga !" Excited na tugon ni Carl kay Cristine. "Ano'ng pasya mo Cristine?" Tanong ni Carl. "Mahal din kita Carl." Sagot ni Cristine. Hindi alam ni Carl kung ano'ng sasabihin kay Cristine dahil sa narinig sa dalaga.
Sinabi ni Cristine kay Carl ang pagbabanta ni Sophia sa kanya. "Carl, pinagbantaan ako ni Sophia." "Ako din, pinagbantaan niya....mag-ingat na lang tayo dahil hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Sophia." Wika ni Carl. "Ganun ba talaga siya Carl? Kapag hindi niya nakuha ang gusto ay dadaanin sa sapilitan at dahas?" Tanong ni Cristine. "Bata pa lang kami ni Sophia ay kilala ko na siya....lagi niyang nakukuha ang gusto niya dahil binibigay ito ni tito sa kanya. Siguro ay dahil nag-iisa lang siyang anak kaya todo bigay ang mga magulang niya sa kanya." Dagdag pa ni Carl. "Basta Cristine, we must stay alert kung anuman yung iniisip at pinaplano ni Sophia." Wika pa ni Carl. "Oo Carl, salamat at lagi ka ding nandyan para sa akin." Tugon ni Cristine. "Cristine, I would like to introduce you as my girlfriend in the office." Wika ni Carl. "Ha? Sigurado ka Carl?" Tanong ni Cristine.
Bumangga ang kotse nina Carl at Cristine sa isang malaking puno. Maya-maya pa ay nagkamalay si Cristine ngunit si Carl ay nanatiling walang malay at umaagos ang dugo mula sa ulo ng binata. "Carl! Carl! Gising Carl !" Wika ni Cristine. Nasa ganung tagpo sina Carl at Cristine na hindi namamalayan na may nagmamasid sa kanila sa loob ng isang kotse pero agad na din itong umalis ng makita ang pagbangga nina Carl at Cristine. Hinanap ni Cristine ang kanyang cellphone at humingi ng tulong. Maya-maya ay dumating na rin ang ambulansya. Dumating na rin kay Carmela ang masamang balita at agad itong pumunta kung saan dinalang ospital si Carl. "Asan si Carl?" Bungad ni Carmela sa mga nurse sa lobby ng ospital. "Carl Montreal po ba?" Tanong ng nurse. "Oo, Carl Montreal." Sagot ni Carmela. "Nasa ER pa po siya mam...inooperahan po." Sagot ng nurse. Walang nagawa si Carmela kund
"Cristine ! Gising na, at baka ma-late ka sa trabaho!" Bungad na salita ni Nanay Mercy sa pintuan ng aking kwarto, "Opo Nay, Babangon na po."Isang tipikal na umaga at kailangan na muling bumangon at mag-asikaso para pumasok sa trabaho,ako si Cristine Santos 24 years old,nagtapos ng BS Management sa isang pang-publikong unibersidad dito sa Maynila at ngayo'y nagta-trabaho sa isang opisina sa Makati.Ako ay lumaki dito sa Sampaloc, bagamat sa aking pagkabata ay alam ko na na ako'y isang ampon. Ang sabi ng aking nanay Mercy ay nakita daw nila akong walang kasama sa park,maganda ang suot na damit at umiiyak,ang unang tingin daw nila sa akin ay anak ako ng mayaman.Sinubukan daw nila akong tanungin kung sino ako at taga saan ako pero wala daw akong malinaw na sagot sa kanila kaya napagpasyahan daw nila ng aking tatay Nestor na iuwi na lang muna ako sa kanilang bahay sa Sampaloc Maynila at alagaan habang hindi ko pa naaalala kung sino ako at taga saan ako at sino ang mga mag
Natapos na naman ang isang araw ng paghahanapbuhay at bumibyahe na ulit ako pauwi ng bahay, Habang iniisip ang hitsura ng aming CEO. "Ano nga kaya ang hitsura ng aming CEO? Isang tanong na gumugulo sa aking isipan. "Mukha kaya talaga siyang artista? "At kung parang artista nga siya sino naman kaya ang kamukha niyang artista?" Pagtatanong ko sa aking sarili. Huminto na ang Jeep sa aming kanto at lumakad na lang ako papunta sa aming bahay. "Mano po nay, bungad na salubong ko kay nanay, "Kumain ka na anak, sabay-sabay na tayong kumain." "Kumusta po ang araw ninyo ni tatay? Tanong ko kay nanay. "Okay naman anak, nakapunta kami sa ospital kanina para ma-dialysis ang tatay mo." " Basta pag kailangan po ninyo ng pera magsabi lang po kayo sa akin." "Oo anak, maraming salamat sa tulong mo sa tatay mo at sa amin ng mga kapatid mo." "Wala po yun nay, basta po para sa pamilya natin tutulong po ako." Masayang tugon ko
Maya-maya pa ay nagpaalam na si Ana at sumakay ng bus patungo sa direksyon ng EDSA. "Best, O paano dito na ako, ingat ka." Paalam sa akin ni Ana. "Okay best, ingat ka rin." Pabalik na pagpapaalam ko kay Ana. Medyo malayo pa ang aking byahe samantalang si Ana naman ay sa Mandaluyong nakatira sa isang apartment kasama ang iba niyang mga kapatid. Nasa probinsya ang kanilang mga magulang sa Ormoc at sila ng kanyang mga kapatid ang nagtataguyod sa kanilang pamilya. Pagkatapos ng mahabang byahe ay naka-uwi na din ako. Nadatnan ko si Joshua na naka-upo sa labas ng bahay kaya tinanong ko siya. "Bakit nandyan ka at parang may iniisip?" Tanong ko kay Joshua. "Kasi ate may nagugustuhan ako sa school." Pagtatapat sa akin ni Joshua. "Alam mo Joshua yang love makakapaghintay yan." 'Bata ka pa, at dapat na inuuna mo ay ang pag-aaral, maga