Share

Mafia's Obsession: Hypnotic Poison
Mafia's Obsession: Hypnotic Poison
Author: Maryang_Bulaklak

CHAPTER 1

"Besssssss," tawag sa'kin ng bruha kong kaibigan na siyang nagpa-tigil sa'kin sa pag-susuklay ng aking mahabang buhok.

"Ano na naman?" Binigyan ko siya ng busangot na mukha pero hindi man lang natinag ang pag-aalala na naka-tatak sa mukha niya.

"Jusko, sinabihan na kita diyan sa boyfriend mo na hiwalayan mo na. Ayaw mo pang maniwala sa'kin na niloloko ka lang ng gag*ng 'yon!" Mariin ang kanyang pagkakasabi na animo'y parang si mama kung maka-sermon sa'kin.

Ito talagang babaeng to. Napailig ako saka nag-salita.

"Joannah, mahal ako Klint tsaka mahal ko rin siya. Ilang beses na niya iyon napatunayan at ramdam na ramdam ko 'yon tsaka ilang beses mo na ba itong sinabi sa'kin at nakakarind….."

Tinakpan niya ang bibig ko na siyang pumutol sa aking madamdaming litanya. Imagine, with feelings pa 'yon tas sisirain niya ang pag-momoment ko.

Isa pa, totoo naman talaga na mahal ako ni Klint. The way he kissed me, the way he text me goodmorning and goodnight with a sweet messages. Nakakakilig kaya. Hindi niya rin nalilimutan i-date ako kahit isang beses lamang sa isang linggo. Syempre naiintindihan ko 'yon kasi teacher siya tsaka ako ay busy rin sa pagiging waitress.

Minsan rin siyang pumasyal dito sa bahay na ikina-gusto ng magulang ko. Dinadalhan niya ng mga pagkain ang nga kapatid ko tas pinaiinom niya rin ng alak si papa. Kaya botong-boto pamilya ko sa kanya at ito lang talagang bruha kong kaibigan ang kontrabida sa lovelife ko.

Paano nga ba kami nagka-kilala. Syempre, sa cafe na pinag-tatrabahuan ko. Busy siya 'nun sa kanyang laptop nang aksidente kong nasagi ang upuan na malapit sa table niya na siyang ikanamudmod ko sa mainit na kape na natapon sa sahig. Syempre nakagawa ako ng ingay na ikinadistract ng lahat, kaya ayon tinulungan niya akong tumayo. Mabuti na lamang at pinaki-usapan niya ang may-ari ng cafe para hindi ako tanggalin.

Grabe, ang gwapo at ang bait niya kaya ayon nagka-kilala kami tas sinong mag-aakalang mahuhulog pala ang loob namin sa isa't-isa.

Hanggang ngayon, kinikilig parin ako sa mga alaalang 'yon.

"Tingnan mo nga ito at nang matauhan ka," ani nito saka kinalikot ang kanyang cellphone.

Tila tumigil ang mundo ko nang makita ang mga litrato ng nobyo ko kasama ang isang babae. Masaklap pa'y kapwa guro at iisa lang ang paaralan nila. Halata naman sa mga litrato na hindi gawa-gawa. Klarong-klaro kung paano mag-lampungan ang dalawa sa ilalim ng puno kung saan walang masyadong estudyante. Syempre alam ko ang paaralan kung saan nag-tuturo si Klint nang minsa'y ipasyal niya ako roon at isa pa, diyan din nag-aaral ang kapatid kong si Zemuel.

"Paano ko nga ba na-picturan ang dalawa. Hinatid ko kasi si Boboy tapos ayun, pauwi nasana ako nang masagi ko ang dalawa na nag-lalampungan. Syempre nagulat ako at hindi muna nakalagaw pero hindi ko naman nakalimutan kunan sila ng litrato at isampal sa'yo ang katotohanan," litanya niya.

Para akong walang narinig sa sinabi ni Joannah. Marami pa siyang sinabi ngunit tila nabingi ako. Natulala ako saka biglang tumulo ang isang butil na luha sa'king pisnge. Walang hiya, naloko ako. Niloko ako ni Klint.

Malelate na ako sa trabaho at heto ako nag-eemote pa. Ang sakit, sana sinabi niya na lang na ayaw na niya. Na may iba na siyang mahal. Matatanggap ko pa 'yon kaysa naman ganito, pinag-sabay niya kami ng kabit niya. O baka nga ako pa ang kabit.

Tila yata natapakan ang ego ko sa ginawa ni Klint. Ano? Ganun na ba ang tingin niya sa'kin, na madali akong maloko. Ang baba ng tingin niya sa'kin. Pwes, matitikman niya ang bagsik ni Monina at kahit mahal ko siya ay mas nanaig ang galit ko ngayon sa kanya.

"Oh, ano na bes? Sugurin na ba natin? Ay, wag sa school at nakakawala ng respeto 'yon. Abangan na lang kaya natin pagkatapos ng klase sa parking lot?" Dada ni Joannah.

"Sige at isusurprise ko siya. Chupi ka na nga at papasok pa 'ko sa trabaho." Tinaboy ko siya saka pinahiran ko ang natirang luha sa aking pisnge.

"Wow, salamat hah. Kung di ba naman dahil sa'kin ay edi sana tanga ka parin hanggang ngayon," wika niya.

Ngayon ko lang na-realized. Ang swerte ko na magkaroon ng kaibigan katulad ni Joannah. She's my bestfreind and she was like a sister of mine. Nagkakasundo kami sa maraming bagay at isa pa, hindi namin hinahayaan ang isa't-isa na maiwan sa anuman problema.

Agad ko siyang niyakap.

"Salamat bes," ani ko sa mahinang boses.

"Pasensya na at hindi ako agad naniwala sa'yo," dagdag ko pa na mas lalong ikinahigpit ng yakap namin sa isa't-isa.

Malas man ako sa lovelife eih swerte naman ako sa aking kaibigan.

***

Lumipas ang mga oras at heto kami ngayon nag-aabang sa parking lot ng paaralan. Alas-sinko na kaya siguradong anumang oras ay narito na si Klint. Hindi nga kami nagka-mali.

Hindi na kami nagulat ni Joannah na may kaakbay itong babae. Ito nga ang babae sa litrato at talaga naman nag-lalandian pa ang dalawa habang patungo sa kotse ni Klint.

"Hi, Klint." Walang alinlangan ay sinorpresa ko siya ng isang suntok.

Narinig ko pa ang pag-singhap ng kasama niyang haliparot. Tila mawawalan ako ng respeto sa ganitong klaseng tao. Guro pa naman. Bad influence kamo.

"Buti nga sayo!" Pinandilatan siya ni Joannah pagkatapos ay nag-walk out agad kami.

Na-satisfied yata ako sa suntok na iyon. Narinig ko pa si Klint na tinatawag ang pangalan ko and hell no, hindi na ako lilingon.

"Bes, pano bayan. Bar tayo mamaya?"

Walang-alinlangan akong tumango sa kanya na agad naman niyang ikinapalakpak. Kailangan ko yatang iwash out lahat ng alaala ni Klint. Kainis na lalaking 'yon!

Sayang ang panahon, akala ko pa naman totoo siya. Minahal ko pa naman ang g*go pero siguro mababaw lang ang pag-mamahal namin sa isa't-isa. Hindi naman gaanong nasaktan ang puso ko, ito lang kasing ego ko ang natapakan. I felt so betrayed by him and it sucks.

It hurts when you trust someone and just simply broke it. Klint was good at convincing that he was a man that you could trust for. It hurts to know that there's someone betraying you from behind. Imagine, your sleeping peacefully while your boyfriend was doing something that could hurt you. It was like I was being played and I'm so dumbed that I didn't even notice that. He didn't even think to consider my feelings and now I started to wonder if I am not enough.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status