Share

CHAPTER 3

Nagising ako na may mabigat na karamdaman. Napahilot ako sa aking noo nang makaramdam ng matinding sakit. Hang-over nga naman.

Teka, nasaan ako?

Bigla akong kinabahan dahil ngayon ko lang napagtantong hindi ko kwarto ito. Ipinalibot ko ang aking paningin at nakuha ko pang mamangha sa klase ng kwartong kinasasadlakan ko. Napaka-ganda ng pagkaka-ayos ng mga gamit, lahat ay puti. Pati bedsheets at pillow case ay puti rin. Ang kurtina na humaharang sa nag-iisang bintana ay puti.

"Nandito tayo sa motel." Bumilog ang aking mata sa aking narinig mula sa isang boses lalaki

Napagawi ako sa kanya na naka-dekuwatrong upo sa isang mamahaling couch, malapit lamang ito sa kamang kinalalagyan ko. Ang kaba na nararamdaman ko ay mas lalo lamang nadagdagan.

"Anong ginawa mo sa'kin?" Tila tarantang tanong ko.

Sh*t, anong kababalaghan ba ang ginawa ko habang ako'y nag-lalasing sa bar na iyon. Tila nahalata niya ang pagka-taranta ko.

"Wala," sagot niya. Wala ako nakikitang kahit anong emosyon sa mukha niya pero hindi naman siya mukhang galit. Parang Plain lang 'yong aura niya.

Agad kong tinignan ang aking katawan at nang makita kong ganoon parin ang damit na soot ko kagabi ay napahinga ako ng maluwag

"May ginawa ba ako?" Tanong ko sa mahinang boses.

"I mean, may ginawa ba akong nakakahiya kagabi. Pasensya pero hindi ko maalala ang kaganapan kagabi eih," wika ko habang titig na titig ako sa kanya at ganoon din naman siya sakin.

"Wala naman, nahimatay ka lang naman dahil sa kalasingan," ani niya.

Wala talaga akong maalala kahit anong pilit kong alalahanin ang lahat.

"Mag-isa ka lang kagabi kaya walang lumapit sayo kundi ako lang. Sinubukan kong hanapin ang cellphone mo upang humingi ng tulong mula sa contacts mo pero lowbatt naman ang cellphone mo," pagpapaliwanag niya.

"Eih bakit ako narito?" Tanong ko pa ulit.

"Dito na lang kita dinala dahil hindi ko alam kung taga-saan ka," sagot niya.

"Harmless kaba?" Walang alinlangan kong tanong.

He smirked and I heard him softly chuckled and seems like it was a lullaby to me. Ngayon ko lang napansin, he's handsome though dark aura was written all over his face but I'm not scared. He proves that by the way he answered all of my questions. He's really that harmless.

Wala naman akong naramdaman na kakaiba sa sarili, as in 'yong sakit lang talaga ng ulo ko dala ng pag-iinom ko kagabi.

"Don't worry, I'm harmless," sagot niya.

Okay, napaka-gwapo niya talaga. His face was so manly. If I'm gonna stare his dark black eyes maybe It would feel like I'm in a night sky. Dark but twinkling. He has thick eyebrows. 'Yong piloka niya ay napaka-itim rin tsaka mahahaba. Iyong ilong niya parang roman nose. Ang tangos parang nangalahati lang 'yong ilong ko sa kanya. And those tempting lips. I bet, malalambot ang labing 'yon. It was faded red and kissable.

The way he talked, parang hirap siyang mag-tagalog at malalim pa ang hugot ng kanyang boses. Surely, may lahi to tsaka mukhang pinag-lihi 'to sa itim, maliban na lang sa katamtamang puti ng kanyang balat. Pati sa klase ng kanyang pag-upo ay parang modelo. It was really like he was sculpted perfectly by the great gods.

And why am I even praising him? And all the way I knew the answer the very first time I laid my eyes on him. Ngayon lang yata nakakita si Monina ng gwapo kaya wagas kung maka-describe.

Natawa ako sa aking naiisip.

Nabalik ako sa aking wisyo nang maalalang may trabaho ako ngayon. Kumakalam na rin ang sikmura ko at may sesermunan din ako ngayon. Walang hiyang Joannah!

And thanked God, I'm safe. Really, I should go home.

"Thank you." I smiled sweetly.

"Salamat talaga at hindi mo ako hinayaan kagabi kahit hindi naman tayo magka-kilala," dagdag ko pa.

Agad akong tumayo saka nilisan ang silid na walang ibang inalala kundi ang trabaho. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Late na nga ako kahapon sa cafe at ngayo'y malelate na naman. Kaltas na naman to sa sweldo ko panigurado.

***

"Besssss," tawag sa akin ng kaibigan kong hindi man lang sumipot sa usapan namin.

Binigyan ko siya ng busangot na mukha. Naiinis talaga ako sa bruhildang to. Busy ako sa pag-lalagay ng light make-up sa aking mukha. Ayoko talaga ng makapal na mukha ay este make-up pala.

"Teka nga, dapat ako ang mainis sayo at bakit hindi ka dumating sa FFS Bar aber," wika niya saka pinamilogan niya ako ng kaniyang mga mata.

Kahit hindi niya gawin iyon ay mabilog na talaga ang kanyang mata.

"Anong FFS Bar? Ako ba niloloko mo eih FDS Bar kaya ang tinext mo." Hinarap ko siya saka tinaasan ng isa kong kilay.

"Huh." Tuluyan ko siyang nasapak ngunit mahina lang. Bestfriend ko parin to kahit papaano.

Agad niyang kinalikot ang kanyang cellphone upang hanapin ang itinext niya kagabi. Habang ako'y patuloy sa pag-hahanda patungong trabaho. Bahala na kung ma-late ako basta't makapasok ako ngayong araw. Promise, babawi talaga ako at laging na-kukunsumi ang amo ko sa'kin. Mabuti na lamang at mabait si sir Stan sa'kin kaya lagi niya akong pinagpapasensyahan.

Isinukbit ko na ang aking bag saka pinagpagan ang uniform na sout ko. Maganda naman ang uniform ng cafe, sexy pero hindi naman nakakabastos.

"Sorry bess," ani niya sa mahinang boses saka pinalambot ang mukha.

"Buti na lamang at walang masamang nangyari sa'kin kundi ay magkalimutan na lang tayo," wika ko saka nakapameywang na nakaharap sa kanya.

"Ito naman, nagka-mali lang ng type eih." Ang cute talaga ng kaibigan ko at nagpapaawa effect pa ang bruha.

"Oo na. Mabuti na lamang at iniligtas ako ng isang gods kagabi nang mahimatay ako." Nakangiti pa ako habang inaalala ang lalaking tumulong sakin.

Hindi siya nagulat sa narinig na nahimatay ako dahil hindi na naman bago ito sa kanya pero ikinagulat niya nang banggitin 'kong may nakilala akong mukhang gods kanina.

"Teka, sino? Share naman." Pinandilatan ko siya.

"Ah ganoon, ang dali mong napalitan si Klint ah," wika niya habang may nanunuksong tingin.

"Sinong Klint?" Sandali kaming natahimik saka sabay na bumunghalit ng tawa.

Habang hinahatid ako ni Joannah papunta sa sakayan ng taxi ay kinukulit ako ng bruha para mag-kwento. Hindi niya talaga ako tinantanan kaya ayon, naikwento ko tuloy sa kanya ang mga naalala ko lang kagabi. Pati kaninang umaga ay naikwento ko rin sa kanya na siya naman ikinaseryoso ng kanyang mukha habang nakikinig sa'kin pero minsa'y nanunukso rin ang bruha.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status