Share

CHAPTER 3

HINABOL ni Sharon ang lalaki. Nanginginig ang kanyang mga kamay at sinampal niya ito kasabay ang pagtulo ng kanyang luha.

"Ikaw lang ang babae sa buhay ko kaya tigilan na natin ang isang dekadang tsismis at away na paulit ulit din lang nman."

"Nag iisang babae? I still don’t believe you Max!"

"Kailan ka ba naniwala sa akin? And that’s your problem. Sino ba ang babaeng tinutukoy mo? Si Sophia?"

Si Sophia Santiago ang sikat na babae sa likod ng mga kanta na paulit-ulit na pinakikinggan ni Sharon. Matalik niya itong kaibigan bago siya ibahay ni Max. Nagkahiwalay ang dalawa na may samaan ng loob ng masangkot ang asawa sa isang malaking kontrobersya. Buntis ang babae at nakuhanan sila ng mga larawan habang papasok si Max sa isang hotel. Muntik pa silang maghiwalay habang buntis din ang asawa. Hindi pumayag si Max na makipaghiwalay si Sharon sa kanya.  Gusto niyang manatiling buo ang kanyang pamilya.

But that was three decades ago. Matagal siyang walang balita sa babae. Sa ngayon ay ibang boses na ang kinahuhumaling niya. Ang nakakapagtaka lang, Sharon loves her voice. It’s the same voice as Sofia.

DJANA’S DRESSING ROOM

Abala si Nadja sa paghahanda sa kanyang first major concert. Masayang-masaya ang kanyang bukod-tanging kaibigan na si Kelly.

“How do I look with my gown?”

“Perfect na girl! OMG! So proud of you!” Mahigpit na nagyakapan ang dalawa.

Sikat na singer si Nadja sa likod ng maskara. Nakilala siya sa ganda ng kanyang boses ngunit walang nakakakilala kung ano ang tunay niyang hitsura. Tanging malalapit na kakilala at ilang mga kasama niya sa industriya sa kaparehong entertainment company, managed by Philip Consunji ang nakakakilala sa kanyang tunay na identity. Kung bakit siya nagtatago sa likod ng maskara ay isang malaking katanungan.

Sa kabila ng kanyang kasikatan, inuulan din siya ng problema sa pamilya lalo na sa kanyang nakababatang kapatid.

“Ipaliwanag mo kung anong ibig sabihin ng mga litratong ito? Bakit kayo magkasama ni Benedict?” Kibit-balikat lang ang isasagot nito kaya lalong nanggigigil si Nadja. Palagi lang siyang magpapasensiya dito tulad ng madalas na payo ng ina.

“Bata pa siya. Mabilis magbago ang damdamin nila. Infatuation lang ‘yan at hindi pa true love.”

“Kinakampihan pa rin ninyo ang babaeng iyan!”

“Ano ba? Tama na! Dahil lang sa lalaki ay nagkakaganyan ka na sa kapatid mo. Mas matimbang pa ang lalaking iyon kaysa sa pamilya mo!” Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Nadja.

“Lalaki lang! Is that how you call it? Ang lalaking iyon lang naman ang boyfriend ko at sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal na hindi ninyo naipakita sa akin!” Hindi na rin nakatiis si Nadja. Sinagot niya ang ina.

Hindi mamatay-matay ang isyu tungkol sa kanilang dalawa. Palagi namang itinatanggi ng kanyang boyfriend na nagkataon lang ang lahat.

“Prove to me that you love me.” Hiniling ni Benedict ang katunayan ng kanyang pagmamahal.

Nakahandang patunayan ni Nadja na mahal niya ang bf ngunit late na siyang nakarating sa hotel ng araw na iyon. Nagkaroon ng problema sa kanyang couturier para sa mga gowns na isusuot niya sa kanyang concert. Si Abby ang nakipagkita kay Benedict. Nakasalubong ni Nadja ang kasintahan pababa habang huling lumabas ng elevator si Abby. Nagkasundo sina Abby at Benedict na magsasama pagkatapos ipagtapat ang kanilang tunay na relasyon sa kapatid.

“I am really going to kill her so don’t you dare cheat on me!” sabi ni Abby.

Magkagayunpaman, si Benedict pa rin ang huli nitong pinaniniwalaan.

“Do well with your concert and I’ll come and see you.” Kuntento na si Nadja sa simpleng salita ng binata. Hindi niya kailangang matakot. May tiwala pa rin siya sa kasintahan.

GLOBAL ARENA CENTER

SATURDAY NIGHT

8PM

Dumating ang pinakahihintay na gabi ni Nadja. Matapos ang ilang buwang pag-i-ensayo ay heto na ang katuparan ng kanyang pangarap. Lahat ng mga singer ay pangarap na mapuno ang loob ng Global Arena Center sa kanilang concert.

That was another breakthrough that night.

“Just be yourself, Djana. I am here!” Hindi niya kailanman binigyan ng kahulugan ang pagiging close ni Philip sa kanya dahil manager niya ito. Inisip niya na ganito talaga siya sa kanyang mga alaga. Sweet and caring boss without any malice kahit palagi siyang binibiro ni Kelly na halatang may gusto sa kanya ang kanilang manager.

Samantalang kanina pang tinatawagan ni Nadja si Benedict. Bakante ang VIP SEAT  na nakalaan para sa kanya. Hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. Nilapitan siya ni Philip.

“Puwede bang isipin mo muna ang iyong concert at huwag puro boyfriend ang iniintindi mo?” mariing nitong sabi sa kanyang alaga. Sinipat mabuti ang kanyang mukha. “Wenks, punasan ng konti ang ilong ni Djana. Pinagpapawisan na siya.”

Nagmadali ang make-up artist nito. Iniabot din ang kanyang mineral water na may straw.

Matinding disiplina ang kanyang ginawa upang manatiling maganda ang kanyang boses. No softdrinks, no cakes, no ice cream and no candies. Bawal din siya sa maanghang na pagkain.

Umikot ang mga strobe light sa concert stage at nagsimula ang masiglang sayaw ng mga back-dancer sa stage. Nasa itaas ang banda na kasamang tutugtog para kay Nadja.

She is known as Djana.

Pinaupo si Djana sa isang swing na napapalamutian ng mga dahon. Mula sa mataas na bahagi ay ibaba siya na parang Diwata at umalingawngaw ang kanyang nakakabighaning boses sa loob ng buong arena. Manghang-mangha ang lahat sa kanilang nasasaksihan. Nabalot ng puting usok ang buong entablado hanggang makitang nakatayo sa harapan ang isang babae hawak ang kanyang glittery microphone. May earpiece ito sa tenga habang kinulot ang kanyang mahabang buhok.

Naging matagumpay ang unang tatlong kanta hanggang sa pang-lima at pang-anim. Panay sigawan at palakpakan lang ang maririnig sa tuwing matatapos ang kanta.

Nagkaroon muli ng intermission number habang ipinasok si Djana sa loob ng kanyang dressing room. Halos gumuho ang kanyang mundo sa natanggap na mensahe sa cellphone.

Gusto niyang sugurin ang boyfriend at kapatid ng mga oras na iyon. Tumakbo siya sa labas ng concert arena. Hinabol siya ng kanyang personal security.

Sa MEN’S CR siya pumasok at nagtago.

Impit ang kanyang iyak. Ni hindi niya magawang sumigaw sa sobrang galit. 

Bb.Taklesa

Meet Djana

| 1

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status