Share

CHAPTER 5

VERY SATISFIED si Sharon sa muli niyang panunuod ng concert. Hangang-hanga siya sa boses ng babae. Gusto sana niya itong nakausap ng personal. Gusto niyang makita ang mukha nito.

Ofcourse, it was long ago when she heard that same voice of Djana to her bestfriend. Sa isang hindi magandang biro ay nasira ang kanilang pagkakaibigan. She regretted everything when she lost her. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon ang babae na makapagpaliwanag ng kanyang sarili. Tuluyan siyang nawalan ng kaibigan.

Naglabasan na ang mga tao at inalalayan niya ang ina. Niyaya siya ni Victor upang mag-late night dinner sa isang yate na kanyang ipina-reserve para sa kanilang dalawa.

“Why don’t you go on a romantic date with your girlfriend, Iho?”

“Wala pa po akong girlfriend, Mama.”

“Walang girlfriend but you are busy hanging around with women seven days a week?" pang-aasar ng ina.

“They are just some random girls your son could meet.”

“Hey, siguraduhin mong walang mag-iiwan ng bata sa mansion ng mga Peralta, Victor. At ayokong may iiyak na dalagang pupunta sa atin at hahanapin ka para sabihing buntis at ikaw ang ama. Humanda ka sa akin!”

Humalakhak ang binata habang inaalalayan ang ina habang sumasakay na ito sa yata. Bahagyang umuuga kasi ito. Umupo sila at pinagsilbihan ng mga waiter doon.

“Two Lambsteak, please!” Isinunod ang bote ng red wine sa mag-ina. Doon madalas i-date ni Victor ang ina. Gusto rin niya itong makapag-relax sa labas ng bakuran ng mga Peralta.

“Kailan mo ba balak mag-asawa?”

“Wala nga po akong girlfriend kaya paano po ako mag-aasawa. Ang labo naman ninyong kausap." 

“Well, you should find a much finer woman, Victor. Not too soon, or else you will have to lead the Richman’s Club.”

“Mama…”

“Your Papa expects you to lead the Richman’s Club. It is given. Hindi ka makakatanggi. Kilala mo ang iyong Papa. But if you don't like that kind of life, better marry now!”

Hindi na umimik si Victor.

“Tell me, plano mong sundan ang yapak ng iyong ama?”

Silence means yes daw kasi.

Pinayapa naman ni Philip si Nadja. Iyak ito ng iyak sa galit. Binura nito ang sex video.

“Better come with us. Let’s celebrate for the success of your first major concert. Hey, huwag ka nang umiyak.”

Walang malisyang yumakap si Nadja sa kanyang manager.

“Salamat, Sir Philip daw nandyan ka.” Lihim na nadismaya si Philip sa kanyang narinig.

Matagal na niyang sinabi sa dalaga ang totoong pakay nito ngunit hindi naman siya nito siniseryoso. Alam niyang mabait ito dahil talent manager niya ang lalaki.

Dumiretso sila sa isang restaurant para sa kanyang congratulatory party. Bahagya niyang nakalimutan ang sama ng loob dahil sa nangyari. Sinalubong siya ng mga kaibigan sa mismong Titan Music Agency. Sinamahan siya sa kanyang tagumpay.

“Congratulations, Djana.”

“Thank you, dear Sisters.”

“Dumating ba siya?” bulong ni Kelly sa kaibigan habang pasimpleng kumukuha na ng pagkain.

Bote ng wine ang kinuha nito. Hindi na siya nakita ni Philip upang pagbawalan. Abala na siya habang kausap ang ibang mga musical director and producer. Simula pa lang ito ng maraming matagumpay na music concert ni Djana. Nilingon siya nito at hindi nagpahalata ang babae. Bawal sa kanyang uminom ng wine.

“Uy, ano? Bakit? May nangyari ba?”

Hindi niya napigilan ang babae habang tumutulo ang luha nito. Naglabas na ito ng sama ng loob.

“Hindi siya dumating. Akala ko pa naman mahal niya ako.”

Nahabag si Kelly sa kaibigan. Silang dalawa ang nagdadamayan sa pinagdaraanan nila sa buhay. Pareho nilang pinakikinggan ang problema ng bawat isa.

“Be strong my friend. Break him up!” Umiling si Nadja. Hindi niya kayang makipaghiwalay sa lalaki.

“Hindi ko kaya.”

“Hindi mo kaya? Bakit? May nangyari na ba sa inyong dalawa? ‘Di ba, sabi ko sa iyo?” Nakita nito ang matinding pagpilig ng ulo ng babae.

“NO! NO! NO! It will not happen. I am saving my precious pearl for the man worthy of it.” Lasing na si Nadja.

“You mean…” Bumulong si Nadja at nanlaki ang mata ng babae. Umiling naman siya at hindi makapaniwala.

Kanina pang may nanunubok sa kanilang dalawa. Pinagmamasdan ang dalawang babae kung sino ang pinakamainam.

Lihim siyang lumapit kay Kelly na mas interesadong makasilo ng mayaman sa mga ganoong kasiyahan. Seryoso ang kanilang naging usapan. Halos makiliti ang tenga ni Kelly sa mainit na hanging nagmumula sa bibig ng lalaki.

“Bring me a virgin and I will give you five million.”

“Five million?

“Yeah, five million dollars NOW!”

Malaking halaga rin ng pera iyon upang makapagbagong buhay siya. Kumunot ang noo nito at halatang ayaw maniwala. Sinabi nitong bakla ang kanyang boss at gusto niyang patunayan na lalaki pa rin siya. Kailangan niya ang isang birhen na makaka-one-night-stand ng lalaking iyon.

“Ikaw, virgin ka pa ba?” Umingos ang babae.

“I know someone.”

“That’s great.”

“Just give me half an hour to prepare everything. I’ll give you a ring when she’s ready.”

Abala ang lahat. Maya-maya ay walang malay na inalalayan ni Kelly ang kaibigan. Dinala niya ito sa sarili niyang hotel suite. Ibinigay niya ang numero ng kuwarto ni Nadja.

“Paano ko malalaman na may isang salita ka?” tanong ni Kelly.

“Si Boss na ang bahala. Kapag nagustuhan niya at totoo ang sinasabi mo, hindi maglilipat ang hating gabi, super yaman mo na.”

Huminto ang kotse sa entrance ng hotel. Yumukod ang ilan at bumati sa kanya. Mag-isa lang siya upang hindi makaagaw ng atensyon sa kanyang plano. Pumasok siya sa loob ng elevator, 10th floor to be exact. Lumagutok ang takong ng sapatos ng lalaki papalapit sa pintong iyon. Pinindot niya ang pass code at sumalubong ang scented candle na amoy-kape.

Nadatnan niyang nakahiga ang babaeng suot ang puting-puting fleece sleep wear

“Damn it!” Nakamaskara ang babae. Tatayo sana siya. Gusto niyang mag-walk out ngunit uneasy si Nadja dala ng labis na kalasingan. Pinagpawisan ito at init na init na tinanggal ang kanyang pantulog.

Liwanag mula sa lampshade ang nagsisilbing ilaw sa loob ng buong kuwarto at hinagod ng tingin ng lalaki ang kabuuan ng babae. Bahagyang inilapit ang mukha at naamoy ang mabangong hininga nito hanggang sa banayad nitong idinampi ang kanyang labi sa malambot na labi ng babae bilang taste test.

Bb.Taklesa

When Victor meets the masked sleeping beauty...his destiny.

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status