Start a new life, Nadja. Fighting!
TUMINGIN ang inosenteng bata kay Nadja. Ngumiti siya at kinuskos ang buhok ng bata. Kung sinuman ang kamukha ni Mackie tiyak na kamukha siya ng misteryosong lalaki na iyon. “Why are we here, Mommy?” “How do you like the place?” “I love it here, Mom.” sabi ni Mackie. “I love it here too, Mommy. Are we going to live here?” Tumingin si Nadja kay Nessa. Hinawakan nito ang bata. “Salamat sa inyo ni Cogie para tingnan ang mga bata tuwing aalis ako.” “Wala pong problema, Ma’am Nadja. Kung hindi rin naman po dahil sa inyo ay hindi rin po giginhawa ang aming buhay. Para na po naming mga kapatid sina Holly at Mackie.” Napabuntung-hininga si Nadja. Ibang tao pa ang tatrato sa kanya na parang pamilya. “Hindi mo kailangang umalis sa lumang bahay. Ipinamana talaga iyan ni Mama kay Ate Sofia. Nagkataon lang na wala siya kaya ikaw ang puwedeng pansamantalang tumira diyan.” Ayaw niyang dagdagan ang gulo sa pagitan nila ni Abby. Maraming beses na siya nitong sinugod sa bahay na iyon at ayaw n
TUWANG-TUWA niyang tinitingnan ang mukha ng kanyang kambal. Naisip na lang niya na may lahi siguro ng kambal ang lalaking kanyang nakaniig ng gabing iyon. Maaring sa kanila rin nakamana ng kagandahan ang mga ito dahil maganda at pogi ang kanilang naging supling. Dumarating lang talaga ang mga pagkakataon na naitatanong niya sa sarili kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang ganoong pagsubok sa buhay. Kapag hindi na niya kaya, nilulunod niya ang sarili sa alak hanggang makatulog. Kapag hindi nadaan sa alak, doon siya nakakahugot ng inspirasyon upang gumawa ng kanta. Malaking bahay ang binili ni Nadja. Masyadong malaki para sa kanilang tatlo, kasama ang yaya at family driver niya. Tatlong palapag ito. Sa unang palapag ang maid’s quarter at driver’s room. Sa ikalawang palapag ang sariling kuwarto ni Nadja at may kanya-kanyang kuwarto ang kambal dahil babae’t lalaki sila. Sa ikatlong palapag naman ang entertainment rooms nila. May mini-theather ang bahay. Mayroon silang malaking telebis
WALA SIYANG LABAN kung ganoong klase ng labanan ang pag-uusapan. She has been a conservative type who thinks that sex is sacred only for married couples. That’s what she learned. Ngunit paano pa niya ibibigay ang sarili kay Benedict sa unang pagkakataon kung ganito lang pala niya patutunayan. Hindi niya nakita ang pagmamahal sa ganitong paraan lalo pa’t naninniwala siya sa kasal. Kung magpapakasawa na sila sa kama bago pa lang sila ikasal ay hindi niya masisigurado kung talagang seryoso siya sa kanilang relasyon. Hindi rin niya mapapatawad ang lalaking lumapastangan sa kanya dahil mas masahol pa siya kay Benedict. Napaiyak si Nadja. Hindi naman niya tahasang sinasabing nasira ang buhay niya. Marami pa siyang pangarap at nabago lang ng konti ang kanyang landas na tinatahak ngayon dahil sa pagdating ng kambal na biyaya sa kanya, sina Holly at Mackie. Ibinukas ni Cogie ang malaking gate at ipinasok na niya ang kotse. Nakaabang na ang mga bata sa pinto. Kumaway ang mga ito sa kanya at I
NARAMDAMAN ni Victor ang pagbuhos ng tubig sa kanya kaya siya nagising. Dinig niya ang malakas na tawanan ng mga goons. Napapaligiran siya ng mga kalalakihan katulad ng kanyang mga alalay ngunit mula ito sa grupo ng mga FilthyRich. Hindi niya alam kung saan siya naroroon dahil madilim ang buong paligid bukod sa isang ilaw sa gitna na animo’y investigation room. Sumagi sa kanyang alaala ang pagtatanong nila sa ina kumbakit wala palagi ang ama. Umiiyak pa si Victoria sa telepono habang kausap ang ama. “Stop crying, Victor!” Naalala niyang sigaw ng ama. “Walang iyaking Peralta. STOP CRYING! STOP IT!” Pinilit niyang huminto sa pag-iyak. Pagkatapos noon ay aaluin siya ng ina at sasabihing busy lang ang ama sa trabaho. Uuwi din ito. Hindi niya kailangang mag-alala. “Really, Mama! Daddy will come home soon!” “Yeah, he will come and he often does. Tulog lang kasi kayo palagi.” Kahit hindi niya gusto ang trabaho ng ama, pilit na ipinakilala sa kanya ang maruming mundo ng Mafia. Hindi niy
NATANGGAL ang tatlong butones ng kanyang polo. Kulay abuhin ang kanyang plantsadong slacks at halatang maganda at signatured ang leather belt at sapatos. Napansin nito ang kanyang wedding ring. Naisip niyang baka nagkaroon ng foul play sa kasal ng lalaki at kailangan siyang patayin ng isang third party. Baka biktima siya ng mga summer execution dahil sa droga o kaya naman ay baka hindi siya nakabayad sa utang sa isang gambling lord. Lalong kinilabutan si Nadja. Sa kanyang unang tingin ay mayaman ang lalaki. Kumontak siya ng rescue sa kalapit na ospital sa mismong lugar na iyon. Delikadong galawin ang lalaki lalo na kung may mga fracture na ito sa katawan. Magiging kahina-hinala ito sa susundo sa kanya dahil sa kanyang hitsura. Pinangatawanan ni Nadja ang iniisip na sitwasyon. Bago dumating ang ambulancia ay panay ang iyak nito. “Inigo! Inigo! OMG! Naglalakad lang kami ng may dumating na mga kalalakihan. Binastos kasi ako ng mga lalaki kaya siya ang binalingan. Sorry, Sweetheart!
SUMILIP si Nadja sa salamin ng ICU. Hindi niya mawari kumbakit siya masayang makita ang mukha ng lalaki. She really took the pleasure to look at him closely. Napapangiti siya sa kaloob-looban niya kahit hindi niya alam kung anong klase ng tao ang lalaki ito. Namamaga ang mukha ng lalaki at nangingitim pa ang dalawang mata nito. Putok ang kanyang labi at kitang-kita na pinahirapan siya kung sinuman ang gumawa nito sa kanya. Clean cut pa ang kanyang buhok and his body seemed well-built. Maganda ang kanyang daliri bagama't sugatan ng mga pagkakataong iyon. May mga hiwa ng kutsilyo ang magkabila niyang braso. “He has six broken ribs.” “Is he going to undergo surgery for that?” “Not necessarily. Our body has its own way to heal. You are his savior. Mahal na mahal mo siguro ang lalaking ito. He must be lucky to find you.” Hindi alam ni Nadja kung matutuwa sa compliment na iyon ng doktor. Maging ang mga batang kasambahay na sina Nessa at Cogie ay nagtiyaga rin sa pagbabantay sa pasyen
TULUYANG napahagulgol si Sharon sa tabi ng asawa. Sumubsob siya sa tabi ng kutson. Kung nalulungkot siya sa sinapit ng asawa, mas lalong hindi siya mapalagay hangga’t hindi pa nalalaman kung nasaan ang anak. “Iho, you know I have a friend. A very close friend of mine.” “May BFF ka pala, Mama?” “Anong akala mo sa akin? Kahit kailan talaga!” Kiniliti niya ang anak sa tagiliran. “Halika, lumapit ka sa akin. I hope, you would find her daughter through this.” “Mama, ano ba namang kalokohan iyan? Isipin na lang ninyo ang kalagayan ko. May magmamahal ba sa akin kapag nalaman na Mafia ang tatay ko?” “Wala siguro pero maiintindihan niya ang sitwasyon mo.” “Sus, may babae pa bang ganoon?” “Hindi ko na kasi alam kung nasaan na si Pia. Hindi ko alam kung nag-asawa na ba ang anak niya?” “Mama, ano ba ito?” “Initials daw 'yan ng pangalan ng anak niya. Jaja ang palayaw niya.” “Hay naku, Mama. Naghahanap na nga lang nag mapapangasawa, pahihirapan pa ninyo akong hanapin kung sino si Jaja?”
MAGING ANG SCHEDULE ng check-up at pagdalaw ng doktor ay na-memorized kaagad ni Nadja. Istrikto rin ito sa pagpapainom ng gamot pati na pagpapakain sa kanya. Kung pandilatan siya ng mata ni Inigo at lalo rin niya itong pinandilatan ng mata. Madalas ay tumanggi ito sa hospital food ngunit wala siyang magawa kapag si Nadja na ang lumapit at kumuha ng kutsara. “Bakit ba kailangang pahirapan mo pa kami ng pagpapakain sa iyo, Senyorito? Is that how you are raised?” “Wala ba akong kamay? Kaya ko namang kumain mag-isa.” “Kumusta na ang asawa mo?” Nadatnan sila ng doktor na may konting tensyon. “Okay lang po, Sir. Naku, Sir. Kung mag-aasawa po ako, hindi ako pipili ng kasing -sungit niya.” “Be patient with him. Ganyan talaga ang mga pasyente lalo na sa kanilang kalagayan.” Tahimik na kumain ang binata at saka nagpahinga. Lalong nasubukan ang pasensiya ni Nadja ng magpatigas ang lalaki na magpa-therapy. “Inigo, your therapists are here.” Nakatayo lang ang dalawang physical therapists. S