Share

Chapter 56

Chapter 56

"Damn it!" Jack growled angrily. "I'll kill whoever it is!"

Napangiwi si Monica sa malulutong at gigil na sunod-sunod na murang pinakawalan ni Jack. Marahas itong bumangon mula sa ibabaw niya at padabog na bumaba sa kama.

Mabibigat ang hakbang na lumapit ito sa pinto ng silid. Namilog ang mga mata ni Monica. "J-jack! P-put your shirt on!" Tarantang pukaw niya sa lalake pero tila bingi ito at patuloy lang sa paglapit sa pinto.

Biglang tinubuan ng hiya si Monica at dali-daling nagtalukbong ng kumot. Sigurado siyang si Sena ang kumakatok. Nakakahiyang makita siya nitong hubad at may lalakeng kasama sa loob ng silid.

"What?!" Bulyaw ni Jack sa taong kumakatok.

"Wow ha?! Ikaw pa galit Mr. President? Mawalang-galang na ho. May importanteng gamit lang akong kukunin sa sariling kuwarto namin. Okay lang po ba kamahalan?" Sarkastikong tanong ng matalik niyang kaibigan.

Napaigtad si Monica nang malakas na bumagsak ang pinto ng kanilang silid. Nasa loob pa rin siya ng makapal na blanke
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status