Share

Chapter 4

Chapter 4

"Aww! Masakit iyon huh!" D***g ni Monica habang hinihimas ang nasaktan na noo.

"Kanina pa kasi ako nasa harapan mo pero parang hindi mo yata ako nakikita bes kaya pinitik na kita para magising ka na. Ano ba iniisip mo?" Sena’s eyebrows wrinkled as she stared at her.

Iniisip? Wala. Wala siyang iniisip. Talaga ba Monica? Wala ka talagang iniisip? Tulad nang isang lalake na half naked sa harapan mo? Tudyo ng kabilang utak niya.

She felt her cheeks burned. Bakit parang sirang plaka na pabalik balik sa diwa niya ang encounter nila ng boss niya kaninang umaga? She tightly closed her eyes because of frustration.

"hoy bes, Bakit namumula ka diyan? Umamin ka nga sa akin Monica ano ba ang nangyayari sa iyo?" Her best friend asked suspiciously.

"Wala nga Sena! Kumain ka na lang diyan!" Pag-iiwas ni Monica. Paano nga ba niya sasabihin dito sa madaldal na kaibigan ang mga tagpo nila kanina ni Sir Jack?

"Kilala kita Monica, alam kong may itinatago ka sa akin." Naniningkit pa ang mga mata nito animo'y isa siyang batang paslit na pinapa-amin sa isang simpleng kasalanan.

"Fine! Hindi ko naman alam na may tao pa pala sa loob ng Presidential suite at hindi pa naka-lock ang pinto. Pumasok ako sa pag-aakalang for services na ang suite. I didn’t expect that Sir Jack was still in the presidential suite. “ Mahabang lintaya ni Monica. Sa isip niya hindi matatahimik ang kaibigan hangga't hindi siya magkukuwento at pipilitin lang siya nito magsalita.

"OMG! And what happened next?" excited na sabi ni Sena. Niyugyog pa ang isang braso niya. Halatang tuwang tuwa sa mga susunod na sasabihin niya. Bruha talaga itong kaibigan niya! Lihim na lang na napairap si Monica.

"I saw him half naked," she bluntly said. Oh Lord! Naalala ko na naman yung abs niya. Nasapo ni Monica ang pisngi.

Tumili si Sena kaya nataranta si Monica at napatingin sa kaibigan. Nagpa-linga linga siya sa paligid. May mangilan ngilan na empleyado na napatingin sa kanila sa cafeteria lunch time na kaya medyo marami na ang mga tao.

"Ano ka ba Sena! Lower down your voice!" She scolded her and covered her best friend’s mouth with her both hands. Nakakahiya talaga itong kaibigan niya!

"Kinikilig lang ako bes pagbigyan mo na ako". Hagikhik pa nito. "Ano pa bes? Ano pa nakita mo? May abs ba? Ilan? Binilang mo ba? Hinawakan mo?" Sunod sunod na katanungan nito at ayaw paawat.

"Oo mayroon, anim. At bruha ka bakit ko hahawakan?" Simpleng sagot ni Monica sabay inom nang tubig. Parang umiinit ang paligid dahil sa pinag-uusapan nila.

"Bessss! Gusto ko rin makita!" Hirit na naman ni Sena. Habang kumikinang ang mga mata nito.

"Puntahan mo sa office at hubaran mo para makita mo! Bahala ka na nga diyan. Tapos na ako kumain". Niligpit niya ang pinagkainan at tumayo. She even turned to look back at her best friend and Monica caught her friend laughing. Pinandilatan niya ito ng mata. Ngunit lalo pa tumawa ang loka.

~~~

"BES may bago akong chika. Narinig ko kanina ang usapan sa locker ng grupo nila Zoe. Temporarily aalis daw sa pagiging personal secretary si Mrs Yson." Bulong ni Sena habang naglalakad sila sa hallway.

Dalawang oras mula ngayon ay out na nila sa trabaho. On the 10th floor was the designated rooms they need to clean. Unfortunately magkasama na naman silang dalawa ni Sena sa iisang floor. Kaya ito ngayon ang kaibigan daig pa ang bubuyog kung makabulong.

"Baka napagod na si Mrs. Yson sa trabaho? Sabagay matagal na rin naman siya sa serbisyo at may edad na rin siya ngayon". Balik bulong niya sa kaibigan.

Mrs. Alma Yson was a personal secretary of former Ricafort Hotel President Mr. Juan Carlos Alfonso Ricafort. The founder and the owner of the hotel and other branches. The Great JC Ricafort.

Apat na taon na ang nakakaraan na maipasa sa nag-iisang anak ang posisyon bilang Presidente at hindi pa rin pinalitan si Mrs. Yson bilang personal secretary. Hanggang sa ang anak na si Jack ay ito pa rin ang piniling maging secretary.

"Ang rinig ko lilipad daw si Mrs. Yson patungong Canada dahil manganganak na daw ang bunsong anak." Ani ng kaibigan. "Sigurado na kakailanganin ni Sir Jack ng panibagong Personal secretary". Lumingon ito sa direksiyon niya at ngumiti sabay kindat pa nito sa kanya. "Mag-apply ka bes ng secretary ni Sir Jack".

"Gusto mo ba ipunas ko itong mop na hawak ko sa bibig mo? Ang daldal mo. Kung ano-anong mga idea ang naiisip mo Sena.” Simangot ni Monica dahil sa mga sinabi ng kaibigan at Pinandilatan niya ito ng mata.

"Why not bes? Maganda ka, matalino, masipag. Medyo kinulang ka lang sa height pero okay na iyan.” Napangiwi siya sa huling sinabi nito at nagawa pang tumawa nang kaibigan.

Malapit ko na talaga itong sabunutan!

Minsan na nga naitanong ni Monica sa sarili kung bakit hindi niya namana ang height ng kanyang ama. Lahat ng facial features ng kanyang ama ay namana niya. Ngunit kung sa height mukhang pinagkaitan siya. 5'5 lamang siya. Hindi katulad ni Sena na umabot sa 5'8 ang height nito.

"Huwag ka na puro chismis diyan. Trabaho na Sena, malapit na tayo mag-out." Pa-alala ni Monica sa kaibigan.

Papasok na siya sa kuwartong lilinisin niya nang namataan ni Monica papalapit sa kanila ang kapwa Room Attendant. Mukhang natataranta rin ito base sa mga tingin nito.

“Monica, Sir Denis Caballero was sending you to his office. Right now.” Hinihingal na sabi nito. Mukhang urgent nga ang dahilan kung bakit siya pinapatawag.

"Bakit naman niya ipinatatawag ang best friend ko? Maayos naman ang trabaho ni Monica sa buong araw ah?" Hindi makapagpigil na komento ni Sena.

"Hindi ko rin alam ang dahilan pero mas mabuti pang pumunta ka na ng office ni Sir Denis bago magbuga ng apoy iyon. Goodluck Monica!" Saad ng katrabaho at tuluyan ng umalis sa harapan nila.

"Bes let's go. Sasamahan kita. Kasama mo ako sa laban na ito. Hindi kita iiwan." Wika ni Sena at may determinadong mukha. She just laughed at her friend’s determination.

"May trabaho ka pa dito bes. Ako na ang bahala. Kaya ko na." Pero mukhang mas determinado pa ito sa kanya dahil umiling lamang ito at kumapit pa sa braso niya.

Lakad-takbo ang ginawa nang dalawang magkaibigan patungo sa office ng Head Supervisor nila. Hindi maiwasan ni Monica ang kabahan habang papalapit sa opisina Sir Denis. Tatlong katok ang ginawa niya bago binuksan ang pinto ng office nito. Bumungad sa harap nila si sir Denis na nakaupo sa swivel chair habang nakayukyok naman ang ulo sa working table.

"Sir Denis, Pinapatawag ninyo raw po ako?" She cleared her throat to get his attention.

Umangat ang ulo ni sir Denis mula sa pagkakayukyok at lumingon sa direksiyon nila. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat nila sa nakita. Maputlang maputla si sir Denis at nakangiwi pa ito halatang mayroong iniinda sa katawan dahil nakahawak ito sa bandang tiyan.

"Are you alright sir?" Tanong ni Sena dito dahil hindi ito kumibo at tumitig lang sa kanila.

"sir Denis?" Pabulong na untag ni Monica dito. "May masakit po ba sa inyo?"

"Monica Azucena, I need you tonight." Napasinghap silang dalawa ni Sena dahil sa sinabi ng Head Supervisor nila. Monica part her lips a bit and she was frowning.

Tama ba ang dinig ko sa sinabi ni Sir Denis? Hindi kaya sinasapian ang Head Supervisor nila?

Napaatda ng krus si Monica.

"Don't look at me like that Azucena! You are not my type and I have no plans to like you even if you are beautiful!" Sigaw nito sa kanya nang mapansin siguro na kakaiba ang reaksiyon nila. Nagawa pa nitong irapan siya.

"I called you because I want you to assist Sir Jack tonight for the dinner meeting with the Rosales Furniture Corporation. Ako dapat ang makakasama ni Sir Jack pero nagkaroon ng problema. M-my stomach hurts, I really need to rest for a while". Mahabang paliwanag nito kay Monica at kahit na hirap sa pagsasalita ay malinaw niyang naintindihan ang mga sinabi ni Sir Denis.

Hindi alam ni Monica kung ano ang una niyang iisipin. Ang sinabi ba nito na hindi siya nito type o yung makakasama niya si Sir Jack mamayang gabi sa meeting. Bigla yata siya nahilo at napahawak na lang sa ulo.

Hindi niya rin naman type itong Head Supervisor nila kasi alam niyang kabilang ito sa third gender. Ngunit napakurap siya sa huling sinabi nito na sasamahan niya ang boss nila.

You are dead Monica! Nasambit niya na lang sa isipan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status