Share

Chapter 51

Chapter 51

Nagising mula sa mahimbing na tulog si Monica dahil sa mga boses na tila nagbubulungan at kinikilig. Napalingon siya sa double sliding glass door nang marinig ang impit na tili ng best friend. "Ang guwapo niya Cassie! Natagpuan ko na yata ang aking "The One".

Tumawa naman si Cassie at sumang-ayon sa sinabi ni Sena. Sinong sinisilip ng mga ito? Bakit kilig na kilig ang dalawang babae? Naniningkit ang mga matang bumangon siya mula sa kama at umupo.

"Baka magkaroon kayo ng kuliti niyan dahil sa kakasilip niyo." Pagkuha niya ng atensiyon sa dalawa. Bahagya pang namamalat ang boses ni Monica.

"Ay kuliti!" Gulat na bulalas ng best friend niya. "Bakit ka naman nanggugulat diyan bes?"

Umangat naman ang isang kilay niya. "Kanina ko pa kayo pinapanood. Daig niyo pa chismosa sa ginagawa niyo."

Humagikgik si Cassie at tumabi sa kaniya. "Good morning Ma'am Monica! Ito kasi si Miss Sena ginising ako. May AFAM daw sa kabilang kuwarto."

"Bes! Hindi lang basta AFAM! Mala-hollywood actor na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status