Share

Chapter 2

Chapter 2

“Ate, nandyan ka na pala!” Salubong sa kaniya ng nakababatang kapatid na si Miguel. Kinse anyos lang si Miguel at dalawa lamang sila ang magkapatid. Hindi na sila pinalad na magkaroon pa ng ibang kapatid. Ang dahilan ng kanilang mga magulang ay sapat na silang dalawa ni Miguel. Marami ang nagsasabi na mukhang kambal silang dalawa dahil para silang mga ipinagbiyak na bunga.

“Binata na talaga ang kapatid ko siguro may nililigawan ka na ano?” Tudyo ni Monica sa kapatid at hindi naman nakatakas sa paningin niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Napangisi siya at kinurot ito sa pisngi.

“Wala pa iyan sa isip ko ate, baka makurot pa ako sa singit ni mama kapag nanligaw na ako.” Hindi mapigilan matawa ni Monica sa sinabi ng kapatid at ginulo ang buhok nito.

“Ma, wala pa po si papa? Gabi na ah.” Lumapit siya rito at nagmano sa kanyang ina matapos nito magpunas ng mga kamay sa bestida.

“Nasa talyer pa ang papa ninyo anak at inaayos ang jeep. Nasiraan kasi siya kanina habang nagbabyahe, mamaya darating na din iyon. Sasabay ng hapunan iyon sa atin, Huwag ka na mag-alala.” Sagot ng ina nila na kasalukuyang naghahain ng hapunan sa lamesa.

Simple lang ang buhay ng pamilya Azucena. Hindi sila mayaman pero hindi rin naman naghihirap. Jeepney driver ang amang si Edmond habang housewife naman ang inang si Chesca. Mayroon silang maliit na karenderya na pinagkakakitaan ng kanilang ina.

Sa pagiging Jeepney driver sila binuhay ng kanilang ama, at nakapagtapos siya ng pag-aaral dahil doon. Samantala, nasa Junior high naman ang kapatid na si Miguel. Sa awa ng Diyos, dahil sa kasipagan at pagiging madiskarte ng kanilang ama ay nakapagpatayo sila ng sariling talyer. Maliit lamang na talyer ngunit malaking extra income na rin para sa kanila.

Bata pa lamang siya noong itinayo ang sariling talyer nila. Halos naging playground na rin niya ang nasabing talyer. Sa tuwing sumasama siya sa kaniyang ama upang mamasada ng jeep at pumunta ng talyer ay walang araw na hindi siya napapagalitan ng ina dahil ang mga suot na damit ni Monica ay puno ng grasa. Natatawa na lang siya sa tuwing naaalala ang kabataan niya.

I am so very lucky having them and I really love them so much. I have nothing more to ask for and I will never ever allow my family to suffer and I will do everything just for them.

Monica can’t help but silently muttered those words every time she’s with her loving family.

“Aba, narito na pala ang aking napakagandang anak.” Napalingon sila sa bungad ng pintuan na bumukas iyon at iniluwa ang kanilang ama habang malawak itong nakangiti at nakatunghay sa kanila.

Kapansin pansin ang maruming damit ng kanilang ama na alam niya galing sa grasa ng sasakyan. Nilapitan nila itong magkapatid nagmano at niyakap. “Papa! Bakit ngayon lang po kayo? Kakain na po tayo.” Marahan na tanong ni Miguel sa kanilang ama.

“Pasensiya na kung ngayon lang ako nasiraan ako ng jeep kanina habang nasa kalagitnaan ng byahe.” Ani ng ama nila matapos humalik sa pisngi ng kanilang ina.

Lihim siyang napangiti habang pasimpleng nakatingin sa mga magulang. Mababakas sa mga mata ng magulang nila ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Minsan sa buhay ni Monica ay hiniling niya na sana pagdating nang tamang panahon at makilala niya ang lalakeng para sa kanya ay sana katulad nito sa kaniyang ama. Mabait, mapagmahal, responsible, magandang lalake pa at higit sa lahat hindi mangloloko at hindi mananakit ng asawa.

Kahit minsan hindi nakita o narinig ni Monica na mag-away ang kanilang mga magulang. Palaging sinasabi ng mama at papa nila na hindi maganda sa paningin nilang magkapatid kung nag-aaway at nagsisigawan sila mismo sa harap nilang dalawa magkapatid. At kung mayroon hindi pagkaka-intindihan ang kanilang magulang ay papasok ang mga ito sa loob ng kanilang silid at mag-uusap ng maayos at mahinahon. This is one of the reasons why she was very proud of her parents because they have respect for each other.

Mayroon pa kayang lalake sa mundo na katulad ng papa niya? Wala sa sariling naitanong ni Monica.

“Miguel anak kumusta ang pag-aaral mo? Baka naman puro online games na lang ang inaatupag mo ha?” Malumanay na tanong ng kanilang ama sa kanyang kapatid. Nahuli niya pa ngumiwi si Miguel.

“Hindi naman po papa. Inuuna ko po muna tapusin ang mga assignments ko sa school bago po ako maglaro sa online games.” Napangiti siya sa kapatid na magalang itong sumagot sa tanong ng kanilang ama.

“Eh girlfriend mayroon na ba?” Tukso pa ni Monica rito. Hindi niya napigilan matawa sa reaksiyon ng kapatid nang panlakihan siya nito ng mata.

Nakaraang araw lamang na ikinuwento ng kanilang ina na madalas daw may nakikita itong babae na kasa-kasama ni Miguel pauwi galing eskuwelahan.

“Ate naman. Kaibigan ko lang si Kristen. Bagong transferee sa school namin. Nalaman ko rin na malapit lang pala ang bahay nila dito sa atin kaya nagkakasabay kami sa pag-uwi.” Sagot ni Miguel habang ngumunguya. Panay din ang sulyap nito sa kanilang ina. Sigurado si Miguel na ang kanilang ina ang nagkukuwento tungkol sa kaklase niya. Si mama talaga.

Masaya silang nagpatuloy ng hapunan at masayang nagkuwentuhan palibhasa si Miguel ang nangunguna sa tawanan at asaran.

~~~

Monica stared at her reflection in the mirror as she combed her long smooth hair. People often tell her that she was beautiful.

Indeed Monica’s beauty could make any man drool. Those seductive eyes. Fierce yet sweet-looking and a beautiful face. She was really one of a simple yet gorgeous woman.

Hindi rin ito sanay na naglalagay ng kalorete sa mukha. Hanggang polbos at kaunting liptint lang sapat na. Sa katunayan nga ay kamukhang kamukha nito ang amang si Edmond at ganoon din ang kapatid niyang si Miguel. Ang sabi nga ng iba kung naging lalake lamang si Monica ay papasa siyang Junior ng pamilya. She was really looking like her father.

Monica was already lying in bed, but she was still not felt by sleepiness. Her eyes are closed, but her essence was still wide awake.

Napabalikwas siya ng bangon nang biglang namutawi sa isip niya ang mga tingin ni sir Jack. Ang pagtama ng paningin nila kanina sa gitna ng kalsada. Suddenly an unfamiliar and inexplicable feeling invaded her chest and mind.

What’s going on? Why did he suddenly come to my mind? Of all people why is it him? I am not infatuated for him! Monica exclaimed and convinced herself.

Naiinis at nagdadabog na itinalukbong ni Monica ang kumot at pilit iwinaksi ang lalakeng pilit pumapasok sa isipan. Kailangan niya matulog dahil maaga pa ang pasok niya sa trabaho. She sighed and forced herself to sleep.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status