Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan.Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit.“Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap.“Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig. Diretsong pumasok si Alistair sa loob ng bahay ng walang paalam dahil iniisip niya na pag-aari din niya ang lahat ng ito. Sapagkat ang lahat ng pag-aari ng kanyang asawa ay pag-aari din niya
One year later…“Ahhhh! Pagkatapos ng isang malakas na sigaw ay kasabay nito ang paghawi ni Marco sa mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Malakas na nag taas-baba ng kanyang dibdib sanhi ng matinding galit. Maya-maya ay nanlulumo na naupo siya sa kanyang swivel chair. Mula sa kanyang balintataw ay biglang lumitaw ang imahe ng kanyang asawa. Iniisip niya ngayon kung ano na ang kalagayan nito marahil ay malaki na ang kanilang anak. Sa isang iglap ay napuno ng kalungkutan ang puso nito at nakadama ng pananabik na masilayan ang kanyang mag-ina kaya isang desisyon ang nabuo mula sa kanyang isipan. Mabilis na tumayo at inayos ang lahat ng kanyang gamit. Bitbit ang isang makapal na envelope na lumabas ng kanyang opisina.Isang taon ang mabilis na lumipas ng maluklok siya bilang isang CEO ng WELSH company. Habang si Alistair ay tuluyang tinalikuran ang kanyang mana. Nagsikap siya na maitaguyod ang sariling kumpanya na kanyang pinaghirapan. Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga i
Thalia’s Point of view“ta·ká·tak. png.….” (Tunog ng makinilya).Mula sa mapanglaw na dilimPuso ko’y nangangapa Tanging sa simoy ng hangin, umaasa itong abang lingkod.Tila buhay ko’y nawawalan ng pag-asaMundo ko’y umiikot sa apat na sulok ng silidTanging karamay, isang munting makinilyaKaulayaw sa kalungkutan, Itong aking munting Talento.Sa mundo ng mga tula, kalungkuta’y napapawiTanging pangarap ay masilayan ang mundoNgunit sadyang ipinagkait sa kaawa-awang nilalang“Saglit na huminto sa pagtipa ang aking mga daliri mula sa makinilya ng marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan.Ang amo’y na iyon, hindi pa man siya nagsasalita ay kilala ko na kung sino ang pumasok sa aking silid.“Ipagpaumanhin mo Señor ngunit hindi yata’t, nahuli ka sa pagbisita mo sa akin?” Anya sa aking bisita habang nakataas ang kaliwang kilay na wari mo’y nagtataray ngunit ang mga ngiti sa labi ay hindi nawawala.Tumayo ako sa aking kinauupuan at humakbang ng isang hakbang pakaliwa, sunod ay tatlong hakb
Thalia’s Point of viewSa sariwang hangin humuhugot ng lakasSamo’t saring isipin gumugulo sa isipanIbayong sakit ang siyang bumabalot sa puso kong puno ng kalungkutan.Wari moy tuliro, nanatiling walang alamPangahas na luha’y naglandas sa makinis na pisngiNaalala ko may kasamang lumbayAng malamyos na tinig ng mahal kong inaAt masuyong yakap ng mahal kong amaPuso ko ay nangulila, hinahanap ng lubosMalamig na simoy ng hangin Siyang yumakap sa akinDi yata’t akoy nasasaktan sa di malamang dahilan?Mga matang walang silbi ay aking ipinikitmapanglaw na dilim aking nasilayannaramdaman na lubos kawalan ng silbiMula sa pag-iisa, tanging kaulayaw bisa ng hangin mong walang katulad.“Habang binibigkas ang bawat kataga mga daliri koy patuloy sa pagtipâ. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata dinadama ang kakaibang simoy ng hangin. Kakatwang patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ng kahinaan. “M-mama! Ahhhh…” hindi ko na kinaya ang nararamdaman na sakit, saglit na huminto sa pagtipa a
Nataranta ang lahat ng pumasok sa lobby ang isang matangkad na lalaki habang tuwid ang likod nito na naglalakad. Ni hindi man lang siya nag-abala na tapunan ng tingin ang mga empleyado na bumabati sa kanya, habang sa likuran niya ay nakasunod ang ilang mga kalalakihan na pawang mga naka-black suit.Ang lahat ay nanatiling tahimik na may seryosong mukha, at pawang mga yabag lang nila ang maririnig sa buong lobby.Ang paghanga na nararamdaman ng mga kababaihan para sa batang CEO ng Welsh real estate company ay dinadaan na lang sa palihim na sulyap. Mula sa matingkad na brown nitong mga mata na pinarisan ng mahaba at malantik na pilik mata, matangos na ilong at manipis na mga labi ay sadyang pinagpala ang binata na wari mo ay nililok ng isang magaling na sculptor. Mula sa mabalahibuhin niyang balat na hindi masyadong kaputian at matikas na pangangatawan na nababalot ng marangyang kasuotan. Sadyang nangingibabaw sa lahat dahil masasalamin ang perpektong katangian na siyang pinapangarap n
Thalia’s Point of viewNagugunita ko ang nagdaang araw,Sa piling ni Ina at Ama kong mahalSa aking pagsilang sa madilim na mundo Sila’y naging gabay sa aking paglakiMula sa pagmamahal at kalinga Kakulangan kailan ma'y di alintanaNgayong ako’y tuluyang iniwan Puso ko’y puno ng kalungkutanOras at araw na lumipas ay lubhangwalang buhayPaano haharapin ang bukasKung sa tuwina ay ramdam ang pag-iisaSinisikap maging matatagNgunit katotohanan sumasampalIsang katanungan tumimo sa isipanAt para saan pa itong aking buhay?“Dinig ko ang bawat patak ng aking mga luha mula sa papel sa aking harapan, isang buwan na rin ang lumipas ng pumanaw ang aming mga magulang.At halos isang buwan na ring hindi na nagparamdam sa akin ang aking kapatid. Nauunawaan ko na sadya siyang abala sa pagpapatakbo ng mga naiwang negosyo nang aming mga magulang, katuwang ang aming Uncle Samuel. Ngayon ko mismo nararamdaman ang pagiging walang silbi, para akong isang preso na naghihintay ng kamatayan.Dinukot
Alistair Point of view“Mamâ, Ilan ba ang anak ni tita Esperanza?” Tanong ko sa aking ina na siyang ikinatigil nito sa pagsubo ng pagkain. Nagtataka na lumingon siya sa akin na tila hindi inaasahan ang naging tanong ko.“Isa lang Iho, si Ashley, nagkita na ba kayo? Nabanggit sa akin ng Sekretarya mo na nagpunta ka raw kahapon sa bahay ng mga Hernandez.” Tanong ng aking ina bago itinuloy ang pagsubo ng gulay na nakatusok sa kanyang tinidor.“Nope, walang tao sa kanila ng pumunta ako roon, baka sa ibang araw na lang siguro. Oh, I have to leave now, Papa, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina.” Paalam ko sa aking ama, marahan lang itong tumango habang nagbabasa ng news paper. Tumayo na ako at lumapit sa aking ina, humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas ng dining room.Pagdating ko sa tapat ng sasakyan ay kaagad na binuksan ng aking tauhan ang pintuan ng kotse. Dadaan muna ako sa aking opisina upang kunin ang lahat ng mga papeles na kailangan ko sa aking trabaho, dahil plano
Thalia’s Point of view“Sadyang ang buhay ay kay hirap unawainWalang hanggang kasiyahanKaakibat ay kalungkutanPangakong binitiwanKatumbas ay pag-asaNgunit matamis na salita nagdulot ng matinding kapighatianBakit kailangan na ako’y paasahinKung iyong salita ay di kayang panindigan?”“Apat na araw na ang lumipas ng makadaupang palad iyong estranghero na naligaw sa aking silid. Puso ko ay tahimik na naghihintay sa kanyang pagbabalik, mabuti pang hindi na lang niya ako pinaasa, sapagkat matinding sakit ang idinulot nito sa aking puso.Sino nga ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon? Isang munting bulag na walang silbi?Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Bakit ba ako nasasaktan gayung hindi ko naman siya kilala? Ngunit bakit ganun? Higit na mas masakit ito sa mga taong nawala sa akin.Hinawi ang pangahas na luha, at sinikap na kalmahin ang sarili.Sinikap ko na ituon ang atensyon sa paglikha ng tula, sa tuwing nalulumbay ako ay ito ang aking sandigan. Mab