Thalia’s Point of view
Sa sariwang hangin humuhugot ng lakasSamo’t saring isipin gumugulo sa isipanIbayong sakit ang siyang bumabalotsa puso kong puno ng kalungkutan.Wari moy tuliro, nanatiling walang alamPangahas na luha’y naglandas sa makinis na pisngiNaalala ko may kasamang lumbayAng malamyos na tinig ng mahal kong inaAt masuyong yakap ng mahal kong amaPuso ko ay nangulila, hinahanap ng lubosMalamig na simoy ng hanginSiyang yumakap sa akinDi yata’t akoy nasasaktan sa di malamang dahilan?Mga matang walang silbi ay aking ipinikitmapanglaw na dilim aking nasilayannaramdaman na lubos kawalan ng silbiMula sa pag-iisa, tanging kaulayawbisa ng hangin mong walang katulad.“Habang binibigkas ang bawat kataga mga daliri koy patuloy sa pagtipâ. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata dinadama ang kakaibang simoy ng hangin. Kakatwang patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ng kahinaan. “M-mama! Ahhhh…” hindi ko na kinaya ang nararamdaman na sakit, saglit na huminto sa pagtipa ang aking mga daliri at wala sa loob na napa-hawak ng mahigpit sa tapat ng aking dibdib.Nararamdaman ko na may hindi magandang nangyari sa aking mga magulang, ngunit wala akong magawa kung hindi ang tamihik na lumuha sa loob ng apat na sulok ng silid na ito at maghintay sa kung anong mangyayari sa mga susunod na sandali.Sa mga oras na ito ay hinawi ang sarili, sinikap na kumalma at binura mula sa isipan ang mga di kanais-nais. Tatlong ulit na huminga ng malalim upang mapawi ang bigat ng dibdib.Nakuha ang atensyon ko sa tunog ng seradura, sunod na bumukas sara ang pintuan at mula sa mabigat na yabag ay aking nakilala kung sino ang aking panauhin.Nakadama ako ng kasiyahan ng pumasok si Yaya Lina, kaagad akong umayos ng upo at naghintay sa kanyang paglapit.Naramdaman ko ang presensya niya sa aking harapan kaya dinig ko ang bawat hangin na ibinubuga nito.Inangat ko ang aking mga kamay sa ere, tila naunawaan niya ang nais kong mangyari kaya naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumantay sa aking mga kamay.“Yaya, hindi mo kailangan na malungkot, pasasaan ba’t ang lahat ay magiging maayos.” Ani ko dito habang banayad na tinatapik ang kanyang kamay.“Hindi ako malungkot, Thalia, paumanhin ngunit masama lang talaga ang aking pakiramdam.Nagdala ako ng prutas para sa iyo, nais kong samahan ka dito baka sakaling gusto mo ng makakausap.” Sagot niya sa tinig na pilit pinasigla, kung iniisip niya na ako’y kanyang madadaya ay nagkakamali siya. Dahil nararamdaman ko na may nililihim siya sa akin.Ramdam ko ang bawat kumpas ng kanyang mga kamay at dinig ko ang isang impit na iyak na sinisikap niyang pigilin.Tumayo ako at humakbang ng isang beses patungo sa kanyang direksyon, ngayon ay ramdam ko ang kanyang presensya sa mismong harapan ko na marahil ay may dalawang dangkal ang layo mula sa akin.Umangat ang dalawang kamay ko at niyakap ito ng mahigpit. Dahil sa aking ginawa ay humulagpos ang bigat na nararamdaman nito at mula sa aking mga bisig ay tuluyan na siyang napaiyak.Kahit hindi niya sabihin ay nauunawaan ko kaya mas pinili ang manahimik na lamang habang kumakalat ang matinding sakit mula sa kaibuturan ng aking puso.”Ashley Point of view“Mama! Papa! Ahhhh….” Bakit sa inyo pa ito nangyari, paano na kami ni Thalia?” Ani ko sa pagitan ng pagtangis habang pinagmamasdan ang aking mga magulang na nakahimlay sa loob ng dalawang ataol.Matinding sakit ang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay parang gusto ko na ring mamatay.Kararating ko lang galing sa isang business trip kasama ang aking Uncle Samuel dahil kasalukuyan ako nitong tinuturuan kung paano pamahalaan ang mga ilang negosyo ni Papa. Ngunit hindi ko inaasahan ang isang tawag na natanggap ko kinaumagahan mula sa isang pulis.Labis akong nagimbal ng sabihin nito na nabangga ng isang malaking truck ang kotse na sinasakyan ng aking mga magulang at dead on arrival na ang mga ito ng dalhin sa hospital.Parang gumuho ang mundo ko at labis akong pinanghinaan ng loob, kaagad na pumasok sa aking isipan ang kapatid kong si Thalia.Naramdaman ko ang isang kamay na dumantay sa aking balikat bago masuyong hinaplos ang aking likod.“Huwag kang mag-alala, iha, hindi ko kayo pababayaan, magpakatatag ka alang-alang sa iyong kapatid.” Malumanay na payo ni Uncle Samuel, mahigpit na yumakap ako sa kanya at sa malapad niyang dibdib ay doon ko binuhos ang lahat ng bigat na aking nararamdaman, walang patid ang aking pag-iyak.“Alam na ba ni Thalia ang nangyari sa inyong magulang?” Malungkot na tanong ni Uncle Samuel habang hinihimas ang aking likod.Humiwalay ako mula sa pagka-kayakap sa kanya saka pinahid ang aking mga luha bago sumagot.“Marapat na huwag muna niyang malaman, baka panghinaan pa siya ng loob, hihintayin ko na maoperahan muna siya bago ko sasabihin ang lahat.” Ani ko bago muling hinarap ang labi ng aking mga magulang.Napag desisyunan ko na sa mansion iburol ang labi ng aming mga magulang dahil natatakot ako na baka malaman ng publiko ang tungkol kay Thalia. Hindi sana’y sa presensya ng ibang tao ang aking kapatid at mas pinagtutuunan ko rin ang kanyang kapakanan.“Uncle maiwan muna kita dito dahil simula ng dumating ako ay hindi ko pa na dalaw ang aking kapatid.” Paalam ko sa kanya, marahan naman siyang tumango kaya iniwan ko na ito at tinungo ang aking sasakyan na nakaparada sa harap ng mansion.Nagsisimula ng dumating ang mga tao at ang ilan sa kanila ay mga kasosyo ni Papa sa negosyo. Ngunit higit na maraming supporters nito ang nakikiramay.Mahigit na isang oras ang itinagal ng biyahe bago ko narating ang aming ancestral house.May trenta minuto na akong nakatayo sa harap ng kwarto ni Thalia ngunit nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi.Natatakot kasi ako na baka hindi ko mapigilan ang emosyon ko sa harap ng aking kapatid.Pinuno ko muna ng hangin ang aking dibdib at ilang segundo ang nakalipas bago ko ito pinakawalan.Nanginginig ang kamay na pinihit ko ang seradura ng pinto at dahan-dahan itong binuksan habang pilit na pinasisigla ang sarili upang hindi mahalata ng aking kapatid ang totoong saloobin ko.May kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko ng masilayan ko ang aking kapatid na tahimik na nakaupo sa isang silya. Kung titingnan mo siya ay wari mo’y isang normal na tao na nakamasid sa magandang tanawin ngunit hindi maikukubli ng mga mata nito ang katotohanan.Lumapit ako sa kanya at masuyong h******n ang makinis niyang pisngi, pumikit ang kanyang mga mata na wari mo ay dinadama ang mainit na halik na kanyang natanggap.“Isang buwan na lumipas ng huli kitang nakasama, di yata’t ako’y kinalimutan mo na?” Tanong niya sa akin na may halong hinampo, hinaplos ng awa ang puso ko kaya ikinulong ko siya sa aking mga bisig.“Patawarin mo ang ate, bunso, matanda na kasi sina Papa at kailangan na nila ng katuwang sa mga negosyo kaya masyado na akong abala. Alam ko naman na nauunawaan mo ako.” Malambing kong saad habang hinahaplos ang likod nito, nang maalala muli ang aming mga magulang ay hindi ko na napigilan ang aking emosyon.Kusang pumatak ang aking mga luha habang kagat ang ibaba kong labi.Nagulat ako ng yakapin ako nito saka hinagod ng palad niya ang aking likod na wari mo ay sinisikap na pagaanin ang aking nararamdaman.“Kahit hindi mo sabihin sa akin ay nauunawaan ko, ngunit labis na ikina-sasama ng loob ko ay kung bakit kailangan n’yo pang mag lihim sa akin. Maaaring bulag ako, pero hindi ako tanga upang hindi maunawaan ang mga nagaganap sa aking paligid.” Puno ng lungkot ang tinig nito at halatang masama ang kanyang loob.Labis akong namamangha sa aking kapatid dahil sa talas ng pakiramdam nito, tama sina mama at papa na kay hirap dayain ang aking kapatid.Ipinanganak siyang matalino at lubos na kahanga-hanga ang ugali nito maging ang katatagan niya. Aaminin ko na sa aming magkapatid ay ako ang mahina ang loob samantalang si Thalia ay nasa kanya na ang lahat, maganda, matalino at talentado. Isa lang ang kulang sa kanya at iyon ay ang kanyang paningin.”“P-patawarin mo ako, Thalia, ayoko lang na mag-alala ka.” Hinging paumanhin ko sa kanya bago mas hinigpitan ang yakap sa katawan nito.“Kahit hindi n’yo sabihin sa akin ay nararamdaman ko.” Ani nito sa garalgal na tinig hanggang sa tahimik na itong umiiyak.Napuno ng emosyon ang buong kwarto at walang may nais na magsalita, tanging mga iyak lang namin ang maririnig habang nanatiling yakap ang isa’t-isa.”Nataranta ang lahat ng pumasok sa lobby ang isang matangkad na lalaki habang tuwid ang likod nito na naglalakad. Ni hindi man lang siya nag-abala na tapunan ng tingin ang mga empleyado na bumabati sa kanya, habang sa likuran niya ay nakasunod ang ilang mga kalalakihan na pawang mga naka-black suit.Ang lahat ay nanatiling tahimik na may seryosong mukha, at pawang mga yabag lang nila ang maririnig sa buong lobby.Ang paghanga na nararamdaman ng mga kababaihan para sa batang CEO ng Welsh real estate company ay dinadaan na lang sa palihim na sulyap. Mula sa matingkad na brown nitong mga mata na pinarisan ng mahaba at malantik na pilik mata, matangos na ilong at manipis na mga labi ay sadyang pinagpala ang binata na wari mo ay nililok ng isang magaling na sculptor. Mula sa mabalahibuhin niyang balat na hindi masyadong kaputian at matikas na pangangatawan na nababalot ng marangyang kasuotan. Sadyang nangingibabaw sa lahat dahil masasalamin ang perpektong katangian na siyang pinapangarap n
Thalia’s Point of viewNagugunita ko ang nagdaang araw,Sa piling ni Ina at Ama kong mahalSa aking pagsilang sa madilim na mundo Sila’y naging gabay sa aking paglakiMula sa pagmamahal at kalinga Kakulangan kailan ma'y di alintanaNgayong ako’y tuluyang iniwan Puso ko’y puno ng kalungkutanOras at araw na lumipas ay lubhangwalang buhayPaano haharapin ang bukasKung sa tuwina ay ramdam ang pag-iisaSinisikap maging matatagNgunit katotohanan sumasampalIsang katanungan tumimo sa isipanAt para saan pa itong aking buhay?“Dinig ko ang bawat patak ng aking mga luha mula sa papel sa aking harapan, isang buwan na rin ang lumipas ng pumanaw ang aming mga magulang.At halos isang buwan na ring hindi na nagparamdam sa akin ang aking kapatid. Nauunawaan ko na sadya siyang abala sa pagpapatakbo ng mga naiwang negosyo nang aming mga magulang, katuwang ang aming Uncle Samuel. Ngayon ko mismo nararamdaman ang pagiging walang silbi, para akong isang preso na naghihintay ng kamatayan.Dinukot
Alistair Point of view“Mamâ, Ilan ba ang anak ni tita Esperanza?” Tanong ko sa aking ina na siyang ikinatigil nito sa pagsubo ng pagkain. Nagtataka na lumingon siya sa akin na tila hindi inaasahan ang naging tanong ko.“Isa lang Iho, si Ashley, nagkita na ba kayo? Nabanggit sa akin ng Sekretarya mo na nagpunta ka raw kahapon sa bahay ng mga Hernandez.” Tanong ng aking ina bago itinuloy ang pagsubo ng gulay na nakatusok sa kanyang tinidor.“Nope, walang tao sa kanila ng pumunta ako roon, baka sa ibang araw na lang siguro. Oh, I have to leave now, Papa, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina.” Paalam ko sa aking ama, marahan lang itong tumango habang nagbabasa ng news paper. Tumayo na ako at lumapit sa aking ina, humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas ng dining room.Pagdating ko sa tapat ng sasakyan ay kaagad na binuksan ng aking tauhan ang pintuan ng kotse. Dadaan muna ako sa aking opisina upang kunin ang lahat ng mga papeles na kailangan ko sa aking trabaho, dahil plano
Thalia’s Point of view“Sadyang ang buhay ay kay hirap unawainWalang hanggang kasiyahanKaakibat ay kalungkutanPangakong binitiwanKatumbas ay pag-asaNgunit matamis na salita nagdulot ng matinding kapighatianBakit kailangan na ako’y paasahinKung iyong salita ay di kayang panindigan?”“Apat na araw na ang lumipas ng makadaupang palad iyong estranghero na naligaw sa aking silid. Puso ko ay tahimik na naghihintay sa kanyang pagbabalik, mabuti pang hindi na lang niya ako pinaasa, sapagkat matinding sakit ang idinulot nito sa aking puso.Sino nga ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon? Isang munting bulag na walang silbi?Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Bakit ba ako nasasaktan gayung hindi ko naman siya kilala? Ngunit bakit ganun? Higit na mas masakit ito sa mga taong nawala sa akin.Hinawi ang pangahas na luha, at sinikap na kalmahin ang sarili.Sinikap ko na ituon ang atensyon sa paglikha ng tula, sa tuwing nalulumbay ako ay ito ang aking sandigan. Mab
Alistair’s Point of view“Ali, wala ka bang trabaho ngayon?” Malambing na tanong sa akin ni Thalia kaya nilingon ko ito mula sa kanang bahagi ko at nanggigigil na pinatakan ito ng isang halik sa labi. Gusto kong matawa ng bigla itong sumimangot dahil sa ginawa ko.“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong gugulatin ng mga halik mo.” Naiinis na saad niya habang nanghahaba ang kanyang nguso, kulang na lang ay mapunit ang bibig ko dahil sa laki ng ngiti ko. Nagmukha kasi siyang bata na nagmamaktol, kumilos ito at akmang aalis mula sa kinauupuan nito sa gilid ng kama kaya mabilis kong hinapit ang kanyang baywang at saka hinila paupo sa kandungan ko.“Saan ka pupunta, hm?” Malambing kong tanong sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit saka ibinaon ang aking mukha sa leeg nito, sinamyo ang natural na bango ng kanyang balat.“Kailangan ko ng ihanda ang aking mga damit dahil oras na para maligo.” Malumanay niyang sagot, nakita ko na napapikit siya sa aking ginawa kaya lihim akong napa
“Bakit Alice? Anong nangyayari sayo?” Nagtataka na tanong ni Lani sa kanyang kapatid, labis silang naguguluhan sa kakaibang ikinikilos nito.“A-ang ibig kong sabihin ay hindi ko na ilagay ang gulay sa pinapakuluan kong karne.” Bahagya pa itong nautal sa pagsasalita bago alanganing ngumiti sa kanila, saka bumaling sa kanyang kapatid na si Nelia. “Ate, samahan mo ako sa kusina dahil kailangan ko ang tulong mo.” May pag-aatubili na wika nito, tila nakakaunawa ang kanyang kapatid at kaagad silang nagpaalam kay Señor Samuel.“Ano?” Ang tanga mo talaga! Anong gagawin natin ngayon? Siguradong magagalit sayo si Ate Lina dahil sa katangahan mo.” Galit na sermon ni Nelia kay Alice habang ito ay paroo’t parito, magkasalikop ang kanyang mga kamay habang panay ang pasil niya dito. Halatang kinakabahan siya ng husto.“Anong gagawin natin? Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila sa sala’s?” Nag-aalala na tanong ni Alice kay Nelia. “Hindi ko rin alam.” Sagot nito habang manaka-nakang sumisilip sa p
Thalia’s Point of view Ding… Dang…Nang marinig ko ang tunog ng malaking orasan ay batid ko na alas dose na ng hating gabi, ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupâ ang kasiyahan na nararamdaman ng puso ko.Samo’t-saring emosyon ang bumabalot sa buong pagkatao ko kaya napaka damot ng antok sa akin.Kinapa ko ang singsing sa aking kamay at wala sa loob na napangiti ako, hindi ko sukat akalain na pagkakalooban ako ng isang lalaki na magsasalba sa akin mula sa kalungkutan. Abot hanggang langit ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya ako kinalimutan. Akala ko habambuhay na lang akong mag-iisa sa loob ng kwartong ito, simula ng dumating sa buhay ko si Ali ay muli akong nabuhayan ng loob. Nanumbalik ang kasiyahan sa buhay ko at natuto akong muli na mangarap kasama ang aking mahal na si Ali.Kung noong una ay hindi na ako umaasa na makakita pa, ngayon ay inaasam ko na sana ay kaawaan ako ng Diyos at kalooban niya ako ng paningin. Labis kong pina-
“Ate Lani! Ate Lani!” Malakas na sigaw ni Alice ang bumulabog sa loob ng kusina na siyang gumulat sa magkapatid na Lani at Nelia. Ang mukha ni Alice ay parang nakakita ng multo at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.“Ano ba ang nangyayari sayo Alice at tinalo pa ng bibig mo ang wawang ng ambulansya?” Naiinis na sikmat niya sa kanyang kapatid.“Ate, hindi ba’t si Ali ang lalaking ito?” Nagugulumihanang tanong nito sa nakatatandang kapatid, nagtataka na sabay lumapit ang dalawa sa kanilang bunsong kapatid.Kinuha ni Lani ang magazine mula sa kamay ni Alice at masusing sinuri ang mukha ng lalaki sa magazine. Halos sabay na nanlaki ang mata ng dalawa ng makita ang larawan ng binata.Hindi makapaniwala si Lani na ang lalaking kasama ng kanyang alaga ay ang kilalang heartless na lalaki sa kanilang bansa, si Alistair Welsh. Mula sa magazine ay malinaw nilang nakikita ang larawan nito habang naka-abriecete ang isang kilalang actress sa kanang braso nito. Ang pagkakaalam ng publiko ay ito