Alistair Point of view
“Mamâ, Ilan ba ang anak ni tita Esperanza?” Tanong ko sa aking ina na siyang ikinatigil nito sa pagsubo ng pagkain. Nagtataka na lumingon siya sa akin na tila hindi inaasahan ang naging tanong ko.“Isa lang Iho, si Ashley, nagkita na ba kayo? Nabanggit sa akin ng Sekretarya mo na nagpunta ka raw kahapon sa bahay ng mga Hernandez.” Tanong ng aking ina bago itinuloy ang pagsubo ng gulay na nakatusok sa kanyang tinidor.“Nope, walang tao sa kanila ng pumunta ako roon, baka sa ibang araw na lang siguro. Oh, I have to leave now, Papa, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina.” Paalam ko sa aking ama, marahan lang itong tumango habang nagbabasa ng news paper. Tumayo na ako at lumapit sa aking ina, humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas ng dining room.Pagdating ko sa tapat ng sasakyan ay kaagad na binuksan ng aking tauhan ang pintuan ng kotse. Dadaan muna ako sa aking opisina upang kunin ang lahat ng mga papeles na kailangan ko sa aking trabaho, dahil plano ko na gawin ang aking trabaho sa ancestral house ng mga Hernandez upang makasama ko si Thalia. Nang sumagi sa aking isipan ang mukha ng dalaga ay bigla akong napangiti, nagmukha tuloy akong isang teenager na labis na umiibig sa kanyang crush.Pakiramdam ko ay para akong nakalutang sa alapaap sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang maganda at inosenti nitong mukha.Siya na ang pinakamagandang babae na nasilayan ko sa buong buhay ko, at mas pabor sa akin ng itinago ito ng kanyang mga magulang.Sa ganda ni Thalia kahit na sinong lalaki ay siguradong pagnanasaan ito, napaka delikado talaga para sa dalaga ang maexpose sa publiko lalo na at may kapansanan ito.Pagkarating sa aking opisina ay mabilis na inayos ang aking mga gamit, nasasabik na ako na muling makita ang dalaga.Nahinto ako sa aking ginagawa ng tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng aking pantalon, mabilis ko itong dinukot at sinagot ang tawag.“Yes, Mama?” Bungad ko sa tumawag ng makita ko sa screen ng cellphone ang pangalan ng aking Ina.“Iho, Kailangan mong pumunta ng hospital, dahil nadisgrasya si Melissa, bukas pa darating ang mga magulang niya, kaya pakiusap ikaw na muna ang mag-asikaso sa pinsan mo.” Pakiusap ng aking Ina, bigla ang dagsa ng matinding pag-aalala para sa aking pinsan na si Melissa kaya mabilis na ibinaba ang aking mga gamit sa ibabaw ng lamesa at kaagad na lumabas ng aking opisina.Si Melissa ay ang nakababata kong pinsan, matanda lang ako sa kanya ng isang taon at para na kaming magkapatid. Isang taon pa lamang ang lumipas nang ikasal ito sa anak ng kaibigan ng kanyang mga magulang.Tulad ko ay biktima din si Melissa ng isang arranged marriage, kaya hindi maganda ang kinalabasan ng kanilang pagsasama dahil hindi sila magkasundo ng lalaking pinakasalan nito.Ngayong nakilala ko si Thalia ay hindi ako papayag na makasal kay Ashley dahil tanging si Thalia lang ang nais kong pakasalan. Oo, simula ng makilala ko ang dalaga ay labis na akong humanga sa kanya at nahulog na ang loob ko sa kanya.Sa isang araw na nakasama ko ito ay napagtanto ko na hindi lahat ng mga babae manloloko na tulad ng ginawa sa akin ng ex-girlfriend ko.Minsan lang ako nagmahal at ibinigay ko sa kanya ang lahat, ngunit natuklasan ko na may kinakasama pala ito at halos ako na pala ang bumubuhay sa kanila ng lalaki nito. Nang matuklasan ko na pineperahan lang pala ako ng babaeng iyon ay muntik na akong makapatay.Mula noon ay naging aral na sa akin ang mga nangyari, kaya sagad sa buto ang galit ko sa mga babaeng mukhang pera.Nabalik ako sa reyalidad ng nasa tapat na ako ng kwarto na inuukupa ni Melissa, kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pintuan. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay bumungad sa akin ang pinsan kong nakaupo sa kama. Nakasandal ito sa headboard habang nakatulala sa kawalan halatang malalim ang iniisip nito. Naka bandage ang kaliwang braso nito at kapansin-pansin ang malaking pasâ sa kan’yang balikat.“What happened Melissa?” Nag-aalala kong tanong sa kanya habang naglalakad palapit sa kama nito.“Huh? Ikaw pala Alistair, pasensya na hindi ko kaagad napansin ang presensya mo.” Pabigla niyang sambit halatang nagulat siya sa pagsulpot ko sa kanyang tabi. Isang tipid na ngiti ang lumitaw sa namumutla niyang mga labi.Nahabag ako sa aking pinsan na itinuring ko na ring kaibigan. Napakalayo na ng hitsura nito sa dating maganda at masayahing si Melissa dahil ang nasa harapan ko ngayon ay isang matamlay at walang buhay na babae.“Nahulog ako sa hagdan, medyo mataas din ang binagsakan ko kaya nawalan ako ng malay at ang kanang braso ko ang napinsala.” Paliwanag niya sa akin sa mahinhin nitong tinig.“Nasaan ang magaling mong asawa? Talaga bang wala man lang siyang malasakit sayo? kahit bilang isang ina ng kanyang anak?” Seryoso kong tanong na siyang kinatahimik nito, lumipat ang mga mata niya sa sahig at ilang segundo ang lumipas na nanatili siya sa ganoong posisyon.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago lumapit sa kanya, kinabig ko ang ulo nito sa aking dibdib at kalaunan ay hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Dahil bigla itong humagulgol ng iyak kaya binalot ng matinding awa ang puso ko dahil sa sinapit nito.Marahan kong hinaplos ang maikli niyang buhok pati ang kanyang likod, sa ganitong paraan man lang ay maipadama ko sa kanya ang buong suporta ko.“Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maisalba ang pamilya ko, pero wala, eh, tuluyan na kaming naghiwalay ni Arthur. At ang masaklap ay mahal ko na ang asawa ko. Anong gagawin ko ngayon Alistair?” Umiiyak niyang tanong sa akin na tila nawawalan na ng pag-asa. Bigla akong natahimik dahil maging ako ay hindi alam kung ano ang maaari kong sasabihin sa kanya.Hindi ko rin naman masisisi ang asawa nito dahil batid ng lahat na ito ang kauna-unahang tumutol sa kanilang kasal dahil sa nobya nito. Ngunit hindi gusto ng pamilya ng lalaki ang kanyang nobya kaya sapilitan nilang ipinakasal ang anak sa aking pinsan. Wala namang lakas ng loob si Melissa na tutulan ang desisyon ng kanyang mga magulang kaya tahimik niyang sinunod ang nais ng kanyang mga magulang.“Sshhh… calm down, don’t worry magiging maayos din ang lahat.” Pang-aalo ko sa kanya na sinisikap na pakalmahin ito.Imbes na tumahan ay lalong lumakas ang kanyang iyak habang panay ang iling ng ulo nito. Nagtataka na inilayo ko siya sa aking katawan bago nagtatanong tumitig sa mukha nito.“B-buntis ako at isa’t kalahating buwan na ang nasa sinapupunan ko,” humihikbi niyang wika bago pinunasan ang kanyang mga luha, mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamay. Ang walanghiyang lalaki na ‘yun! Kung hindi niya mahal ang pinsan ko dapat ay hindi na lang niya binuntis. Parang gusto kong patayin ang asawa nito sa bugbog.“Don’t worry gagawa ako ng paraan para matulungan kita sa problema mo.” Naninigurado kong wika habang inaayos ang magulo niyang buhok.Tanging si Melissa lang ang malapit sa akin, siya lang din ang nakakaalam ng totoo kong ugali. Sa estado kasi ng aming pamumuhay ay mahirap magtiwala sa iba, marami na rin kasi ang nagtraydor sa pamilya namin ng dahil sa pera at sa kasalukyang posisyon ko sa kumpanya. Bukod pa doon ay makailang ulit na may nagtangkang pikutin ako para lang makaambon sa yaman ng aking pamilya.Kaya hindi ako basta lumalapit sa mga babae dahil alam ko na tanging yaman ko lang ang pakay ng mga ito sa akin at hindi ako.Saglit ko munang iniwan si Melissa at lumabas ng kwarto nito upang tawagan ang kanyang asawa. Makailang beses ko itong tinawagan ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.Sinubukan ko ring tawagan ang mga magulang nito at tanging ang katulong lang ang sumagot, at ayon dito ay nasa labas ng bansa ang mga amô nito.“Sinusubukan talaga ng lalaking ito ang pasensya ko.” Ani ko sa aking isipan, minsan ko na siyang binalaan na huwag lang ma agrabyado ang pinsan ko ay talagang makikialam ako sa kanila.Sunod kong tinawagan ang aking Secretary na kaagad naman itong sumagot.“Good morning, Sir.” Narinig kong bungad nito.“Stop all projects in the Forbis family and inform them, that I want to pull out all my share's in their company .” Matigas kong utos sa kanya.“SIR?” Hindi makapaniwala na naibulalas ng aking Sekretarya, marahil ay labis itong nagulat sa naging desisyon ko dahil ang kumpanya ko ang number one na supplier ng kanilang mga negosyo kaya sigurado ako na malaking problema ang haharapin ng pamilyang Forbis.“Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?” Bulyaw ko sa aking Sekretarya.“R-right away, Sir!” Mabilis na sagot niya sa akin halatang nasindak ito sa pagtaas ng boses ko.Sa totoo lang ay ika-limang Sekretarya ko na ito dahil madalas akong magsisante ng mga empleyado lalo na kapag tatanga-tanga.Isang matalim na ngiti ang sumilay sa bibig ko dahil sigurado ako na mamaya lang ay ang pamilyang Forbis mismo ang haharap sa akin.Isinilid ko na sa bulsa ang aking cellphone bago bumalik sa loob ng kwarto ni Melissa. Kailangan ko munang damayan ito dahil sigurado ako na labis itong nasasaktan emotionally.Natigilan ako ng maalala ko si Thalia, dahil nangako ako sa kanya na babalik ngayong araw saka ko na lang siguro iisipin kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.”Thalia’s Point of view“Sadyang ang buhay ay kay hirap unawainWalang hanggang kasiyahanKaakibat ay kalungkutanPangakong binitiwanKatumbas ay pag-asaNgunit matamis na salita nagdulot ng matinding kapighatianBakit kailangan na ako’y paasahinKung iyong salita ay di kayang panindigan?”“Apat na araw na ang lumipas ng makadaupang palad iyong estranghero na naligaw sa aking silid. Puso ko ay tahimik na naghihintay sa kanyang pagbabalik, mabuti pang hindi na lang niya ako pinaasa, sapagkat matinding sakit ang idinulot nito sa aking puso.Sino nga ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon? Isang munting bulag na walang silbi?Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Bakit ba ako nasasaktan gayung hindi ko naman siya kilala? Ngunit bakit ganun? Higit na mas masakit ito sa mga taong nawala sa akin.Hinawi ang pangahas na luha, at sinikap na kalmahin ang sarili.Sinikap ko na ituon ang atensyon sa paglikha ng tula, sa tuwing nalulumbay ako ay ito ang aking sandigan. Mab
Alistair’s Point of view“Ali, wala ka bang trabaho ngayon?” Malambing na tanong sa akin ni Thalia kaya nilingon ko ito mula sa kanang bahagi ko at nanggigigil na pinatakan ito ng isang halik sa labi. Gusto kong matawa ng bigla itong sumimangot dahil sa ginawa ko.“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong gugulatin ng mga halik mo.” Naiinis na saad niya habang nanghahaba ang kanyang nguso, kulang na lang ay mapunit ang bibig ko dahil sa laki ng ngiti ko. Nagmukha kasi siyang bata na nagmamaktol, kumilos ito at akmang aalis mula sa kinauupuan nito sa gilid ng kama kaya mabilis kong hinapit ang kanyang baywang at saka hinila paupo sa kandungan ko.“Saan ka pupunta, hm?” Malambing kong tanong sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit saka ibinaon ang aking mukha sa leeg nito, sinamyo ang natural na bango ng kanyang balat.“Kailangan ko ng ihanda ang aking mga damit dahil oras na para maligo.” Malumanay niyang sagot, nakita ko na napapikit siya sa aking ginawa kaya lihim akong napa
“Bakit Alice? Anong nangyayari sayo?” Nagtataka na tanong ni Lani sa kanyang kapatid, labis silang naguguluhan sa kakaibang ikinikilos nito.“A-ang ibig kong sabihin ay hindi ko na ilagay ang gulay sa pinapakuluan kong karne.” Bahagya pa itong nautal sa pagsasalita bago alanganing ngumiti sa kanila, saka bumaling sa kanyang kapatid na si Nelia. “Ate, samahan mo ako sa kusina dahil kailangan ko ang tulong mo.” May pag-aatubili na wika nito, tila nakakaunawa ang kanyang kapatid at kaagad silang nagpaalam kay Señor Samuel.“Ano?” Ang tanga mo talaga! Anong gagawin natin ngayon? Siguradong magagalit sayo si Ate Lina dahil sa katangahan mo.” Galit na sermon ni Nelia kay Alice habang ito ay paroo’t parito, magkasalikop ang kanyang mga kamay habang panay ang pasil niya dito. Halatang kinakabahan siya ng husto.“Anong gagawin natin? Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila sa sala’s?” Nag-aalala na tanong ni Alice kay Nelia. “Hindi ko rin alam.” Sagot nito habang manaka-nakang sumisilip sa p
Thalia’s Point of view Ding… Dang…Nang marinig ko ang tunog ng malaking orasan ay batid ko na alas dose na ng hating gabi, ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupâ ang kasiyahan na nararamdaman ng puso ko.Samo’t-saring emosyon ang bumabalot sa buong pagkatao ko kaya napaka damot ng antok sa akin.Kinapa ko ang singsing sa aking kamay at wala sa loob na napangiti ako, hindi ko sukat akalain na pagkakalooban ako ng isang lalaki na magsasalba sa akin mula sa kalungkutan. Abot hanggang langit ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya ako kinalimutan. Akala ko habambuhay na lang akong mag-iisa sa loob ng kwartong ito, simula ng dumating sa buhay ko si Ali ay muli akong nabuhayan ng loob. Nanumbalik ang kasiyahan sa buhay ko at natuto akong muli na mangarap kasama ang aking mahal na si Ali.Kung noong una ay hindi na ako umaasa na makakita pa, ngayon ay inaasam ko na sana ay kaawaan ako ng Diyos at kalooban niya ako ng paningin. Labis kong pina-
“Ate Lani! Ate Lani!” Malakas na sigaw ni Alice ang bumulabog sa loob ng kusina na siyang gumulat sa magkapatid na Lani at Nelia. Ang mukha ni Alice ay parang nakakita ng multo at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.“Ano ba ang nangyayari sayo Alice at tinalo pa ng bibig mo ang wawang ng ambulansya?” Naiinis na sikmat niya sa kanyang kapatid.“Ate, hindi ba’t si Ali ang lalaking ito?” Nagugulumihanang tanong nito sa nakatatandang kapatid, nagtataka na sabay lumapit ang dalawa sa kanilang bunsong kapatid.Kinuha ni Lani ang magazine mula sa kamay ni Alice at masusing sinuri ang mukha ng lalaki sa magazine. Halos sabay na nanlaki ang mata ng dalawa ng makita ang larawan ng binata.Hindi makapaniwala si Lani na ang lalaking kasama ng kanyang alaga ay ang kilalang heartless na lalaki sa kanilang bansa, si Alistair Welsh. Mula sa magazine ay malinaw nilang nakikita ang larawan nito habang naka-abriecete ang isang kilalang actress sa kanang braso nito. Ang pagkakaalam ng publiko ay ito
Thalia’s Point of view Sa bawat dantay ng mga labi niya sa makinis kong balat ay naghahatid ito ng matinding kilabot sa aking pagkatao. Tila kuryenteng gumapang sa bawat himaymay ng aking laman na siyang gumigising sa aking kamalayan habang ang pangahas na kamay nito ay marahang humahaplos sa ‘king kahubdan. Sinamba ng kanyang mga labi ang lahat ng parte ng aking katawan, ipinaramdam niya kung gaano ako kahalaga sa kanya habang ako ay walang humpay sa pagpapakawala ng mga ungol dulot ng matinding sarap na nararanasan.Mga katawan ay pawisan di alintana ang malagkit na pakiramdam, dahil higit na pinagtutuunan ng pansin ang nagliliyab na pagnanasa na nararamdaman ng isa’t-isa. Walang humpay sa pag-indayog ayon sa saliw ng musika na tanging kami lang ang nakakaalam habang humahampas sa aking mukha ang marahas niyang hininga.“Ohhhh…” isang mahabang ungol ang aking pinakawalan ng maging marahas ang kanyang pagkilos, walang habas na inangkin nito ang aking katawan. Ang hinuha ko ay madali
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat, nakatakdang sumailalim sa isang operasyon si Thalia. Pinaghalong kabâ at pananabik ang nararamdaman ni Thalia ng mga oras na ito habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama.Hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan at nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang nobyo niyang si Ali na abot hanggang tainga ang ngiti sa bibig nito.“Babe, we need to go now.” Ani ni Ali at kaagad na lumapit ito kay Thalia, hinawakan niya ito sa kamay saka hinapit sa baywang. Sabay silang humakbang palabas ng kwarto, ito ang unang pagkakataon na lalabas ng kwarto ang dalaga kaya kakaiba sa kanyang pakiramdam ang presensya ng paligid sa labas ng kwarto.Sa paghakbang ng kanyang mga paa sa bawat baitang ng hagdan ay nanibago siyang bigla, mahigpit siyang kumapit sa katawan ng nobyo.Dahil hindi na siya pamilyar sa kanyang paligid ay kinailangan na niyang mangapa sa pader gamit ang kanang kamay nito. Iba na ang kilos niya kumpara sa loob ng kan
Alistair’s Point of view “You need to do something, Mr. Welsh. Kailangan mong gumawa ng paraan bago pa tuluyang maapektuhan ang imahe ng kumpanya.” Ani ng isang board member, Ang mukha nito ay kababakasan mo ng labis na pag-aalala. Nahaharap sa isang malaking eskandalo ang pangalan ng aking kumpanya dahil sa lihim na pakikipag alyansa ni Marco sa LYCOM company ayon na rin sa report na natanggap ko. Batid ko na siya ang nasa likod ng lahat ng ito dahil siya lang naman ang taong labis na naghahangad sa aking posisyon.Ang LYCOM company ay ang mahigpit na katunggali ng WELSH LTD. company sa marketing at may hinuha ako na ninakaw ni Marco ang mga orihinal na kopya ng mga bagong design ng condo unit na ilalaunch na sana ng kumpanya sa susunod na buwan. Ngunit labis na gumimbal sa aming lahat ng nauna pang maglabas ang LYCOM company ng kanilang bagong model ng mga condo units at halos kuha nito ang lahat ng detalye ng design na nasa blueprint ng kumpanya na pinaghirapan namin ng mga empleya