Share

Chapter 42

Thalia’s Point of view

“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto. Alas nuebe na ng gabi at naghihintay na lang kami kung kailan dalawin ng antok. Itiniklop ni Ali ang laptop na nakapatong sa mga hita nito at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na side table kung saan nakalagay ang lampshade. Isinandal niya ang likod sa headboard bago matamang tinititigan ang aking mukha.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumipat sa kanyang kandungan, umupo ako paharap sa kanya bago isinandig ang aking ulo sa dibdib nito. Dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso na para bang musika sa aking pandinig na sinamahan pa ito ng init na nagmumula sa kanyang katawan kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong idinuduyan.

“Nag-aalala kasi ako kay ate Ashley, baka mamaya ay sinasaktan siya ni Marco.” Ani ko sa malungkot na tinig bago ko niyakap ang may kalakihan niyang katawan. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status