Share

02 - Pissed Him off

Mula 35th floor ay ginamit ni Amelia ang exit stair hanggang 25th floor. Hinihingal na s'ya kaya naman napagdesisyonan na n'yang gumamit na ng elevator.

Habang naghihintay ay sumandal muna s'ya sa pader para magpahinga. Isa-isa n'yang binilang ang mga CCTV camera sa paligid dahil nakasanayan n'ya na iyon gawin. Ilang establisyemento na rin kasi ang patago n'yang pinasukan habang mag-isang nag-iimbestiga sa kaso ni Lucas at kasama na 'ron ang headquarter na pinagtatrabahuhan ni Kraner.

Narinig n'ya ang pagtunog at pagbukas ng elevator kaya naman kaagad s'yang napaayos ng tindig. Nanlaki ang mga mata n'ya ng makita ang lalaking unang bumungad sa kanya sa loob. Si Kraner. Walang emosyon ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

Pababa na s'ya kaagad? Ang bilis n'ya naman? Edi sana pala kanina pa ako nag-elevator! - kastigo ni Amelia sa sarili.

Hindi s'ya duwag para atrasan o takbuhan ito kaya naman kaagad s'yang pumasok sa elevator at pumwesto malayo sa binata.

Naalala n'ya ang limang oras na pagdurusa n'ya sa loob ng rehas na pinagkulungan nito sa kanya at sa tuwing sumasagi 'yon sa isipan n'ya ay hindi n'ya mapigilang sakalin sa utak n'ya si Kraner.

"Kraner," tawag n'ya rito. Pinag-cross n'ya ang braso n'ya sa dibdib n'ya ng harapin n'ya ang binata. "Naaalala mo na ba?" tanong n'ya habang nakaangat ang gilid ng labi n'ya.

"I don't know what you're talking about."

"You kissed me, licked me and sucked every part of m–"

"Amelia!"

"What? Pinapaalala ko lang naman sa'yo," pang-uuyam n'ya. Gusto n'ya itong inisin dahil iyon lang ang nakikita n'yang paraan para makaganti sa ginawa nito sa kanya. "Ang lakas ng loob mong ikulong ako pero ikaw naman 'tong nauna."

Mas lalong tumalim ang tingin ni Kraner sa kanya pero hindi s'ya nag-iwas ng tingin dito. Sinalubong n'ya ang bagsik ng mga mata nito.

"Don't worry. I won' tell Kiel that you devirginized me. Hindi naman ako ganun kasama. Virgin man o hindi ay sigurado akong papanagutan ako ng kapati –F*ck!" Napamura na lang si Amelia nang malakas s'yang itulak sa pader ni Kraner.

Kitang-kita n'ya ngayon ang panlilisik ng mga mata nito sa kanya. Para itong mabangis na hayop na handa s'yang sakmalin ano mang oras pero hindi iyon nagbigay takot sa kanya. Sa tagal nilang magkakilala na dalawa ay maraming beses n'ya na itong nakikitang gan'to at mas naging madalas 'yon simula ng mawala ang kapatid n'ya at matalik na kaibigan nitong si Lucas.

"N-Nananakit ka na ngayon," pagak s'yang ngumiti na unti-unting nagpalambot ng mga ekspresyon ni Kraner.

Doon lang napagtanto ni Kraner na napalakas ang pagkakatulak n'ya kay Amelia.

"I-I,"

"I'm fine. Sanay na ako sa sakit ng katawan," natatawang saad ni Amelia bago mahinang itulak papalayo sa kanya ang binata.

"Amelia."

Dire-diretso s'yang lumabas ng elevator nang hindi binibigyang pansin ang pagtawag sa kanya ng binata. Hindi s'ya galit, nagtatampo lang. Dumadami na ang atraso nito sa kanya at sisiguraduhin n'yang sisingilin n'ya ito.

"Wait."

Napatigil sa paghakbang si Amelia nang hawakan ni Kraner ang pulso n'ya. Hinila s'ya nito palabas sa building saka s'ya nito isinakay sa isang police mobile.

"I-ikukulong mo na naman ba ako? Hoy! G*go ka! Ano na namang kasalanan ko? Ikaw 'tong nanulak ah!" Hindi pinansin ni Amelia ang tinging ipinupukol sa kanila ng mga tao. Masama ang loob n'ya kay Kraner dahil mukhang balak na naman s'ya nitong ikulong sa prisinto.

"Ihahatid kita sa inyo. Tita is looking for you." Umawang ang labi ni Amelia. Bigla s'yang nahiya pero hindi n'ya ito ipinahalata.

"Get inside."

"Ayoko. I can go home on my own. Tsaka may kukunin pa ako sa condo ko."

"Kung ganun ay sasamahan kita sa condo mo para kunin ang kung ano mang kailangan mo saka kita iuuwi sa inyo."

Kumunot ang noo ni Amelia.

"Umamin ka nga. Crush mo ako noh?"

"Shut up. Pumasok ka na kung ayaw mong pusasan kita."

"Damn! Crush mo nga ata ako." She giggled that made Kraner frowned. "Okay lang 'yan. Huwag kang mahiyang magsabi ng feelings mo sa akin, Kraner. Malay mo MU pala tayo."

"Shut up!"

***

PAPALAPIT palang si Amelia sa pinto ng condo n'ya ng mapansin ang maliit na kahon sa tapat nito. Lumaki ang mga hakbang n'ya hanggang sa makalapit s'ya rito. It was a medium black with a red ribbon on top of it.

Kaagad s'yang pumasok sa loob saka n'ya dali-daling binuksan ang hawak na kahon.

'I know what you're doing, little missy. If you want to know what really happened to your brother meet me at the dock. 11pm tomorrow night.'

Nang mabasa n'ya ang sulat ay kaagad n'ya itong nilukot sa kamay n'ya. Tingnan n'ya ang iba pang laman ng kahon. Kumunot ang noo ni Amelia ng makitang mga abo na ang laman nito.

Naalala n'ya kung paano namatay ang kapatid n'ya. Naggitngit ang mga ngipin ni Amelia kasabay ng pagbagsak ng mga luha n'ya pero kaagad n'ya rin pinunasan ang mga mata n'ya ng mag-ring ng cellphone n'ya.

Detective Sungit is calling...

Nakahinga ng maluwag si Amelia dahil hindi na nagpumilit si Kraner na umakyat kasama n'ya kanina, kung hindi ay baka nalalaman na nito ang mga pagbabanta sa kanya ng mga hinahabol n'yang kriminal.

"What taking you so long?" Bungad na tanong nito kanya. Bakas sa boses nito ang iritasyon at kahit hindi n'ya nakikita ang mukha ni ay alam n'yang salubong na rin ang kilay ng lalaki.

"Bakit? Miss mo na kaagad ako?" Pang-aasar n'ya.

"Ewan ko sa'yo! Bilisan mo na bago pa kita akyatin d'yan at kaladkarin."

"Ang sama mo talaga sa akin! Mag-antay ka! Kasalanan mo dahil nagpumilit kang samahan ako! Hmp." Natatawang binabaan n'ya ito ng tawag pero nawala rin kaagad ang ngiti n'ya nang muling dumapo ang mga mata n'ya sa hawak n'yang kahon.

"I'll make them pay kuya," bulong ni Amelia sa sarili.

Pumasok s'ya sa kwarto saka n'ya kinuha ang mga importanting dokumentong kailangan n'ya.

Pagkababa n'ya ay nakita ni si Kraner na seryoso habang nakasandal sa kotse nito. Pansaantalang tumigil si Amelia sa paglalakad saka n'ya pinagmasdan ang binata.

"Damn you, Steinfeld! Dapat galit ako sa'yo sa maraming dahilan pero bakit nagagawa mong pakalmahin ang puso ko?" Pagmo-monologue n'ya.

Nakakunot ang noo ni Kraner nang lumingon sa gawi ni Amelia pero nginitian lang s'ya ng dalaga ng pagkatamis-tamis.

"Ang tagal mo," komento nito ng makalapit s'ya.

"Whatever,"

Kaagad na pinaharurot ni Kraner ang minamanehong kotse. Malalim ang iniisip ni Amelia habang nakatingin sa labas ng bintana dahil pa rin sa sulat at regalong abo na natanggap n'ya kanina.

She's hesitant to go, pero paano kung iyon na ang sagot na hinahanap n'ya para sa hustisya ng kapatid n'ya?

"Kraner, gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang nangyari noong nakaraang gabi?" tanong ni Amelia.

Kesa mag-isip s'ya ng mga kung ano-ano ay aasarin n'ya na lang muna ang kasama. She enjoys pissing him off.

"Stop it, Amelia!" asik ni Kraner sa kanya habang masama ang tingin sa daan.

"Damn you! Matapos mo akong pilitin makipag-ano sa'yo ay hindi mo ako papanagutan?" Hysterical na saad ni Amelia kahit deep inside ay tuwang-tuwa s'ya sa pagsalubong na kilay ni Kraner. "Paano kung mabuntis mo ako?"

"Amelia!" sigaw ni Kraner na mabilis na napa-preno.

"A**hole! Muntik nang humalik ang ilong ko sa dashboard! G*go ka, Kraner!"

"Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo! Pwede bang manahimik ka muna! F*ck!" angil sa kanya ng binata. Inirapan n'ya ito bago umayos ng upo. Ngumisi si Amelia dahil nagawa n'ya na namang bwisitin ang lalaki.

Success!

"Just saying. Hindi ba't hindi ka lang sa baril magaling? Possible na sharpshooter ka rin pagdating sa pakikipag-s*–"

"Isa!"

"Heto na nga! Tatahimik na po kamahala–"

"Dalawa!"

"Edi tatlo," bulong ni Amelia sa sarili kaya naman nakatanggap na naman s'ya ng nakakamatay na tingin mula sa katabi.

***

"WHERE have you been, Amelia? Bakit ngayon ka lang umuwi?" sunod-sunod na tanong sa kanya ng kanyang ina pagpasok n'ya palang ng mansyon. Bakas sa mukha ng ginang matinding pag-aalala at takot para sa unica hija. "Ilang beses akong tumawag sa'yo pero unattended ka."

"I stayed at my condo, mom tsaka lowbat po ako."

"I went to your condo yesterday but you're not there. Stop lying to me , Amelia."

"Baka hindi n'yo lang po ako naabutan." Lumapit s'ya sa kanyang ina saka n'ya h******n ang pisngi nito.

"Y-You missed Lucas death anniversary." Nanginig ang labi ng kanya ina kaya naman mahigpit n'ya yumakap itong yinakap. "Baby, ikaw na lang ang meron ako kaya huwag mo naman akong pag-alalahanin ng sobra. Ikakamatay ko na kapag nawala ka pa sa akin."

"Hindi ako mawawala, mom. Naging busy lang ako nitong mga nakaraang araw." Pagdadahilan ni Amelia. "I want to rest. Lalabas ako mamayang dinner."

"Okay, baby girl. I'll call you when the dinner is ready." Hinaplos ng kanya ina ang pisngi n'ya bago s'ya nito pakawalan.

Napabuntonghininga si Amelia habang naglalakad paakyat sa kanyang kwarto. Alam n'yang delikado ang ginagawa n'ya pero hindi pa sumasagi sa isip n'ya ang tumigil sa paghahanap sa kriminal na pumatay sa kapatid.

"I'll find you f*cker," bulong n'ya sa sarili habang nakatitig sa pader ng kanyang kwarto kung saan makikita ang mga impormasyong kinalap n'ya sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid na si Lucas.

Bago mamatay ang kapatid n'ya ay may ilang kaso itong nahawakan. Doon naka-focus ang atensyon ni Amelia ngayon.

"Next target, Lim's drug syndicate," bulong ni Amelia sa sarili ng kunin ang litrato ng isang lalaki na lider ng drug syndicate na ini-imbistigahan noon ng kapatid n'ya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status