Share

05 - Chikiting Days Pt. 1

Nang makalabas ng opisina si Kraner kasama ang dalawa nitong katrabaho ay doon na napasigaw si Amelia dahil sa matinding panggigigil. She stumps her foot in irritation while cursing the man she hates and love at the same time.

“Ghad! How did you end up falling for him, Amelia? Demonyito naman ‘yon kaya bakit sa kanya pa?” Kastigo ni Amelia sa kanyang sarili.

***

YEARS AGO

"Mommy!" sigaw ng 11 years old na si Lucas habang tumatakbo papunta sa kanyang ina. "Mommy, nambugbog na naman si Amelia sa school."

Nabaling ang atensyon nila sa kakapasok lang na batang babae na pitong taon gulang ang edad. Nakasimangot ito at masama ang tiningin sa kanyang nakatatandang kapatid. Kung wala lang ang kanyang ina ay baka naibato na n'ya ang hawak n'yang lunch box sa mukha nito.

"I just depended myself. Mommy, ang mean nila sa akin 'e," depensa ng batang si Amelia.

"A-Amelia! Ikaw talagang bata ka."

Nanlaki ang mata ng ina ng bata nang makita ang itsura nang kanyang unica hija. Sabog ang pigtail hair nito at punit rin ang laylayan ng suot na damit. Idagdag pa ang madungis nitong mukha pero ang mas umagaw sa pansin ng ginang ay ang nakapaikot na benda sa kaliwang kamay ng anak.

"Amelia," mariing tawag ng ginang.

"Mommy, it's not my fault. They make fun of my birthmark. Sabi nila poop daw ‘to, so I punch their nose and make them bleed," depensa ni Amelia. May balat kasi s'ya sa bandang sintido na kasing laki ng piso na pangunahing dahilan para kutyain s'ya ng kanyang mga kaklase.

Isang malakas na tawa ang umagaw sa atensyon ng mag-ina. Doon lang napansin ni Amelia na may mga bisita pala ang kanyang ina. Nabaling ang tingin n'ya sa dalawang batang lalaki na nakatingin sa kanya. Tinasaan n'ya ito ng kilay bago iiwas ang tingin.

"Nakakatuwa ang anak mo," pahayag ng lalaki.

"I'm sorry for her attitude Mr. Steinfeld. Kay bata-bata pa ay parang professional boxer na kung umasta. I don't know what to do with her."

"Don't be sorry. Nakakabilib s'ya dahil nagagawa n'yang ipagtanggol ang sarili n'ya without anyone's help."

"Hindi masama ang pinapakita n'yang katapangan. Just guide her to the right path. I think she's a sweetheart on the inside," nakangiting pahayag ni Mrs. Steinfeld.

"You're right, Jessica,"

"Kung magkakaanak man ako ng babae ay gusto kong ganyan katapang ni Amelia," pahayag ni Jessica bago bumaling sa dalawang anak na lalaki. "Boys, be good to her at school since sa school na rin kayo ni Amelia at Lucas papasok." Hindi nagsalita ang dalawa bagkus ay tumango lang bilang sagot sa ina.

"Amelia, Lucas, come here," tawag ni Mrs. dela Paz sa dalawa n'yang anak kaya kaagad na lumapit ang mga ito sa kanya. "They are our new neighbor. They are the Steinfeld."

"Call me tita Jess and this is tito Stan." Nakangiting pahayag ng ginang. "And this two right here are my sons, Kiel and Kraner."

"Hello po. I'm Lucas," nakabungisngis na pahayag ni Lucas. Binangga n'ya ang balikat ng kapatid na babae. Hinihintay kasi nila itong magpakilala.

"Ouch," usal ni Amelia saka sinamaan ng tingin si Lucas.

"You're Amelia, right?" tanong ni Jessica.

"Y-Yes," utal na sagot ni Amelia habang nakatingin sa mala-anghel na mukha ng ginang na nasa harapan n'ya.

Kinuha ni Jessica ang kamay ng dalawang bata saka ito pinalapit sa mga anak n'ya.

"Pwede ba kayong maging friends ng mga anak ko?"

"Of course, po tita. Hey, let's play basketball," pag-aya ni Lucas sa dalawa. "Wait, how old are you?"

"I'm 12," sagot ni Kiel.

"11," sagot naman sa kanya ni Kraner.

"Gusto ko rin maglaro ng basketball kuya. Can I join? Please?" pakiusap ni Amelia habang nakayakap sa braso ng nakatatandang kapatid.

"No Amelia. Your're a girl tsaka baka madapa ka na naman. Look at your knees ang pangit-pangit na."

Napapadyak sa inis si Amelia bago hampasin ang braso ni Lucas. "I hate you na! Natatakot ka lang mapahiya kasi I play better than you!"

"Luhh. Whatever."

Tumakbo papalabas ng bahay si Amelia at pumunta sa kanyang stress-free hideout. Sa bakuran nila ay may nakatayo na tent na gawa mismo ang kanyang ama para sa kanya.

Pumasok sa loob si Amelia at kinuha ang plastic baseball bat. Nang lumabas ay lumapit s'ya sa puno ng mangga saka 'yon hinagupit gamit ang plastic baseball bat na hawak n'ya.

"I hate you! I hate you!" sigaw ni Amelia habang paulit-ulit na hinahampas ang katawan ng puno.

"Your're hurting him. Wala namang kasalanan sa’yo ang puno kaya 'wag mo s'yang ganyanin."

Natigil sa ginagawa n'ya si Amelia at hinarap ang lalaking nagsalita. Masama ang tingin nito sa kanya kaya sinamaan n'ya rin ito ng tingin.

"Mind your own business. Bakit ka ba nandito?" masungit na tanong ni Amelia kay Kraner.

"Because I want to," malamig ang tono nang pananalita ni Kraner. Naglakad s'ya papalapit kay Amelia at kinuha sa kamay nito ang baseball bat.

"What do you think you're doing?! Ibalik mo 'yan!"

"Don't be such a brat."

Natigil si Amelia sa pag-agaw sa kanyang baseball bat nang marinig ang sinabi ni Kraner. Naalala n'ya ang mga bulong-bulungan sa kanya ng mga kaklase n'yang babae.

She heard them gossiping about her being a spoiled rich brat. Kaya raw wala s'yang nagiging kaibigan dahil spoiled brat s'ya at ang pangit ng birthmark n'ya. Para raw kasi 'yong tae.

"Hey," untag ni Kraner kay Amelia nang mapansin ang biglang pagtahimik nito sa harap n'ya.

"I-I don't want to be friends with you! You're like them! Ang bad mo rin sa akin!" sigaw ni Amelia. Pumasok ito sa loob ng tent at ikinulong ang sarili sa loob.

***

"MOMMY, I don't want to go to school," nakasimangot na pahayag ni Amelia habang inaayusan s'ya ng buhok ng kanyang ina. Naka-ponytail naman ngayon ang buhok n'ya na mas lalong nagpalitaw sa maliit at maganda n'yang mukha.

"Sweety, you need to go to school. 'Wag ng matigas ang ulo."

"Lagyan mo na lang ako ng bangs mom para hindi na nila ako laging inaasar dahil sa birthmark ko."

"But you're already beautiful, sweety."

"No, I'm not. Kung beautiful ako dapat hindi na nila ako laging inaasar."

Napabuntonghininga ang mommy n'ya saka s'ya nito mahigpit na yinakap. "Okay. Let's go to the salon tomorrow."

"Really? Yehey! I love you mommy."

"But promise me that you will not punch your classmates again."

"I promise, cross my heart," hagikgik ni Amelia saka n'ya hinalikan sa pisngi ang kanyang ina.

Taas-noo na pumasok si Amelia sa loob ng kanyang classroom ng hindi pinapansin ang masasamang tingin sa kanya ng mga kaklase lalo na ang mga binugbog n'ya kahapon na may mga bandaid ngayon sa mukha.

Bago magsimula ang kanilang klase ay kinausap muna sila ng guro at pinagbati sa harap ang lahat. Halatang pilit ang ginawang paghingi ang sorry ni Amelia sa tatlong lalaking nakaalitan n'ya kahapon dahil sa pag-irap n'ya sa mga ito.

"May tae ka sa noo. Yuck," bulong sa kanya ni Judas habang pabalik na sila sa kanya-kanya nilang upuan.

"Mukha ka namang tae," ganting bulong ni Amelia.

Pinigilan ni Amelia na huwag atakihin ang lalaki dahil nangako s'ya sa ina na magpapakabait s'ya. Kapag nagkaroon na s'ya ng bangs ay siguradong magkakaroon na s'ya ng kaibigan at hindi na muling aasarin pa ng mga ka-schoolmates n'ya.

Breaktime. Habang naglalakad papuntang playground si Amelia bitbit ang kanyang lunchbox ay nakita n'ya ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa maliit na court.

Maririnig n'ya ang kanya-kanyang cheer ng mga babae na para bang maiingay na mga palaka. Nakakarindi sa pandinig para kay Amelia. Nagtaka si Amelia kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito kaya naman dali-dali s'yang lumapit at sumulip.

Napaangat ang isa n'yang kilay nang makita ang kapatid at ang dalawa n'yang bagong kapitbahay na naglalaro ng basketball. Gusto n'ya sanang laitin si Kraner pero wala s'yang mailait dito dahil magaling itong maglaro. Napapadyak na lang s'ya sa inis bago maglakad papalayo sa court.

Naupo s’ya sa likod ang malaking slide at doon kinain ang baon n'ya. Habang kinakain ang chocolate bread na hawak n'ya ay napansin n'ya ang tatlong maaangas na lalaki na kaklase ng kapatid n'yang si Lucas.

Naalala n'ya noong pinagtulungan ng mga ito ang kapatid n'ya at dahil alam n'yang duwag si Lucas ay pinagtanggol n'ya ito kahit maliit s'ya.

Hindi n'ya na sana papansinin ang tatlo nang magtama bigla ang paningin nila ni Arman. Ngumisi ito sa kanya bago s'ya nito lapitan kasama ang dalawa pa nitong mga minions.

"Hi Amelia," bati sa kanya ni Arman. "Dalaga ka na ah. Last time you punch me ay kasing liit mo lang ang isang manika," natatawang pahayag ng lalaki.

Maliit pa nga s'ya nun pero ngayon ay kaya n'ya ng baliin ang ilong nito katulad ng ginawa n'ya kahapon sa mga kaaway n'ya.

"Gumaganda ka lalo habang lumalaki," dugtong pa ni Arman na nagbigay kilabot kay Amelia.

"Leave me alone."

"Hahaha. Hindi ata gumagana ang charm mo pre," pabirong pahayag ng kasama ni Arman.

"Amelia, nireregla ka na ba? Kung oo pwede na ba kitang ligawan?" tanong ni Arman sa kanya.

Regla? Ano 'yon? She doesn't know what he's talking about. Ang alam n'ya lang ay kinikilabutan s'ya sa sinabi nitong liligawan s'ya nito.

"Hindi ako pumapatol sa mukhang tilapia na duling."

"Sino ang tinatawag mong tilapia na duling?! G*go ka ah!"

"Hala, nagtanong ka pa talaga. 'E ikaw lang naman ang duling sa inyong magkakaibigan. Alangan naman ako? Sa ganda kong 'to?" mataray na tanong ni Amelia na mas lalong nagpasama ng timpla ng mukha ni Arman.

Tawa nang tawa ang dalawang alipores ni Arman dahil sa sinabi n'ya. Mukhang agree ang mga ito sa kanya.

She sounded mean pero nagsasabi lang naman s'ya ng totoo. Duling ito at mukhang tilapia. Kung naging lalaki siguro s'ya o naging matanda rito ay baka s'ya ang naging no. 1 bully ni Arman.

"Hindi porket kaibigan ng parents mo ang mag-ari ng school ay hindi na kita papatulan," asik ni Arman.

Napatayo mula sa kanyang kinauupuan si Amelia nang higitin ng lalaki ang kanyang kwelyo pero hindi s'ya nagpatalo rito dahil nang maglapit ang mga katawan nila ay sinabayan n'ya ng isang suntok sa ilong ang lalaki.

Mabilis s'yang nabitawan ni Arman. Kinuha n'ya ang pagkakataong 'yon para makatakbo papalayo at bumalik sa kanyang classroom. Mas pinili n'yang takbuhan na lang ang mga ito dahil patay s'ya kapag tumulong na sa pagbugbog sa kanya ang dalawang alipores ni Arman.

***

HULING subject na ni Amelia, mula sa labas ng room ay nakita n'yang nakaabang na sa labas ng room ang tatlong lalaking nakaalitan n'ya. Kinawayan pa s'ya ni Arman nang magtama ang paningin nilang dalawa pero inirapan n'ya lang ito saka itinuon sa kanyang teacher ang atensyon n’ya.

"Class dismiss. See you on monday. Ingat kayo kids sa pag-uwi," pahayag ng guro ni Amelia.

Lumabas na ang mga classmate ni Amelia pero nanatili s'ya sa kanyang kinauupuan.

"Amelia, may problema ba? Bakit hindi mo pa inaayos ang mga gamit?"

"Ma'am, natatakot po ako sa kanila." Itinuro ni Amelia ang tatlong lalaki sa guro. Halatang nagulat ang grupo nina Arman ng tingnan sila ng guro, samantalang nakangisi naman si Amelia sa kanila. "Kaninang breaktime pa po nila ako ginugulo."

"Don't worry. Kakausapin ko sila."

"Thank you po." Dali-daling inayos ni Amelia ang kanyang mga gamit saka lumabas sa silid kasama ang kanyang guro.

Nang lapitan ng kanyang guro ang tatlong lalaki ay kinawayan ni Amelia ang mga ito para asarin ng hindi napapansin ng kanyang guro at nagtagumpay naman s'ya dahil bakas sa mukha ng mga lalaki lalo ni Arman ang pagkainis sa kanya.

"Why are you grinning like a complete psycho?" tanong ng kapatid n'yang si Lucas ng maabutan n'ya itong nakaupo na sa backset at mukhang kanina pa naghihintay sa kanya. Tumabi s'ya rito saka nagkibit-balikat ng hindi sinasagot ang tanong nito.

"Weirdo," bulong ni Lucas pero hindi na iyon binigyan ng pansin ni Amelia.

AKALA ni Amelia ay nakatakas na s'ya mula kina Arman at nakalimutan na nito ang ginawa n'ya pero mukhang nagtanim ang mga ito ng sama ng loob sa kanya. Mukhang hindi rin gumana ang pagkausap ng guro n'ya sa mga lalaki dahil nasa harap n'ya ang tatlo ngayon habang masama ang tingin sa kanya.

Ayaw n'ya sanang magulo ang bago n'yang bangs pero mukhang mapapasabak na naman s'ya sa bakbakan.

Royai's Novele

Hi! Thank you so much for reading my this story. Please rate this book and leave your comment.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status