Share

04 - Handcuffed

"Huwaw! Lakas ng loob pumasok ah! Umaasa ka pa rin bang ga-graduate ka pagkatapos mong mawala ng tatlong buwan sa school? Bwahahaha!" Inakbayan s'ya ng kaibigang si Noah pero kaagad n'ya 'yong inalis kasabay ng malakas n'yang pagsiko sa tagiliran nito.

"Ackk! Brutal!"

"Stop pestering me! Wala ako sa mood," iritabling pahayag ni Amelia.

Wala talaga s'ya sa mood na sabayan ang trip ni Noah dahil sa ginawa sa kanya ni Kraner. Nang magising kasi s'ya kaninang umaga sa apartment ng binata ay nakaalis na ito para sa trabaho pero hindi 'yon ang ikinaiinis n'ya kundi ang pagkuha nito sa notebook n'ya na naglalaman ng mga notes n'ya patungkol sa kaso ng kapatid n'yang si Lucas.

Napakaimportante nun sa kanya. Mahigit tatlong taon n'yang inipon ang mga impormasyong nakapaloob 'don para mahanap ang killer ni Lucas pero t*angina lang dahil nakita 'yon ni Kraner.

Sinugod n'ya na si Kraner kanina sa headquarters kung nasaan ang opisina nito pero hindi s'ya nito hinarap. Pinadampot pa s'ya ng lalaki palabas ng building kaya sobrang kahihiyan ang inabot n'ya.

"Haist. Bakit pa ba ako nagtataka? Tuwing badtrip ka lang naman talaga pumapasok dito sa University." Narinig n'yang komento ng kaibigan.

Noah Levine is her bestfriend since senior high. Marami s'yang naririnig na hindi raw pweding maging mag-bestfriend ang isang babae at lalaki pero paki n'ya sa mindset ng ibang tao. Basta ang alam n'ya ay lalaking kaibigan n'ya lang ito at ganun din ang pagtingin sa kanya ni Noah. Girl bestfriend-slash-sister.

Mula sa bag ay kinuha ni Amelia ang compact mirror at black lipstick n'ya. Inayos n'ya ang papabura nang kulay itim n'yang lipstick sa labi at chineck rin ang makapal n'yang eyeliner sa mata.

"P*tanginang lipstick 'yan. Saang kulto ka ba kabilang?"

Hindi naman talaga pang-black cult o mangkukulam ang taste n'ya sa pagmi-make up noon. Ginagamit n'ya lang ang black lipstick, black eyeliner, mga piercing, at dark awra n'ya bilang maskara kapag kaharap na n'ya ang mga kalaban n'ya dahil kapag wala ang mga ito ay para s'yang anghel na hindi makabasag pinggan. She wants to intimidate her opponents and with her b*tchy witchy looks now she was able to bring them down to the ground.

"Kapag hindi ka tumahimik ay ikaw ang i-rerecommend kong alay kay Supremo. Ipapa-chop-chop ko ang katawan mo at ipapakain sa sinasamba naming demonyo. Kapag hindi pa rin kami na kontento at pati mga buto mo ay ipapagiling namin at gagawing aming juice ng mga ka-member ko."

"Hayop! Kapag ikaw talaga ang nagsalita, brutal palagi ang lumalabas sa bibig mo." Nakangiwing pahayag ni Noah. "So...how was your last night hunting?" tanong sa akin ni Noah.

Napabuga ng hangin si Amelia nang maalala ang nangyari sa kanya kagabi. Muntik na s'yang maihaw ng buhay matapos s'yang paliguan ng gas at ikulong sa isang abandonadong warehouse ng mga drug addict na nakaharap n'ya. Mabuti na lang matalino s'ya at girls scout kaya nagawa n'yang makatakas.

Wala man s'yang baril na pang-protekta sa sarili n'ya ay well-trained naman s'ya sa bakbakan at paggawa ng escape plan para maka-survive.

"Mukhang bigo na naman ang hunting mo. Bakit kasi hindi mo na lang hingin ang tulong ng kapartner dati ng kuya mo?"

"Hindi n'ya ako tutulungan. He even stole my notebook from me." Masama ang loob na pahayag ni Amelia.

"Hey! Saan ka na naman pupunta. Late ka na nga pumasok sa first subject natin kanina tapos tatakas ka na naman! Huwag ka ng pumasok ulit!" sigaw ni Noah sa kanya pero hindi n'ya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo palabas ng campus para sugurin muli sa pangalawang pagkakataon si Kraner at bawiin ang notebook n'ya.

***

"AKALA mo ah!" bulong ni Amelia sa sarili nang magawa n'yang makapuslit sa opisina ni Kraner nang hindi napapansin mga security guard o ibang pulis na nagkalat sa buong building ng headquarter. "Pwede na akong maging future spy o akyat-bahay. Tsk. Tsk." Pagkausap ni Amelia sa sarili habang napapailing na lang.

Kaagad n'yang sinimulang halughugin ang opisina ni Kraner para hanapin ang notebook n'ya pero sa halos labing minuto n'yang paghahanap ay bigo s'yang makita ito.

"Saan n'ya nilagay 'yon?! H*yop talaga!" Nanggigigil n'yang saad.

"Looking for this?"

Mabilis na napalingon si Amelia sa lalaking nagsalita sa likuran n'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makita ang seryosong mukha ni Kraner habang hawak ang kulay itim n'yang notebook na may design na bungo, mga kadena at itim na kandela.

(Siguro ay iniisip n'ya na ngayong satanista ako. Hindi lang 'yon pinatunayan ng itsura ko sa mga oras na 'to kundi pati na rin ng hawak n'yang notebook na mukhang libro ng mangkukulam. Mas lalo siguro s'yang matu-turn off sa akin kapag pumasok na s'ya sa kwarto ko.)

"Ibalik mo 'yan!" asik ni Amelia. Winakli n'ya ang nasa isipan at sinamaan ng tingin ang kaharap na binata.

"Sa tingin mo ba talaga ay mahahanap mo ang pumatay kay Lucas sa paghahabol mo sa kung sino-sinong kriminal na hindi naman konektado sa kaso n'ya?" tanong ni Kraner kay Amelia na nagpa-igting naman ng panga ng dalaga.

He's making fun of her strategy.

She'a a business student. Wala sa background ng pag-aaral n'ya ang paghuli sa mga kriminal at paglutas ng mga kaso pero dahil sa pagkamatay ni Lucas ay ginagawa n'ya ang lahat para mahanap ang hudas na tatlong taon ng nagtatago sa batas.

Hindi s'ya hihingi ng tulong kay Kraner kung makakatanggap lang s'ya ng panlalait dito.

Malalaki ang hakbang ni Amelia na nilapitan si Kraner. Akmang hahablutin n'ya na sana ang hawak nitong notebook nang iangat ni Kraner ang kamay nito dahilan para mabigo s'yang makuha ang pakay n'ya.

"Hindi porket matangkad ka ay matatalo mo na ako!" asik ni Amelia saka n'ya sinipa ng binti ni Kraner.

Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ng binata. Mas lalo ring tumalim ang tingin nito sa kanya kaya imbis na makatalon ay bigla s'yang natakot at napalunok.

(Get yourself together, Amelia! That's his fault! Deserve n'yang masipa!)

"That's it!" He growled.

Hinablot ni Kraner ang braso n'ya saka s'ya nito hinila papunta sa isang steel cabinet.

Kinuha ni Kraner mula sa duty belt ang handcuff n'ya. Pinusasan n'ya ang pulso ni Amelia saka n'ya ikinabit ang isa sa steel cabinet para hindi ito makatakas mula sa kanya.

"Hoy! Anong sa tingin mo ang ginagawa mo! Uncuff me you jerk!"

"Talk to the ants," bored na saad ni Kraner bago ibagsak ang sarili sa swivel chair n'ya.

Gustong sipain ni Amelia ang mukha ni Kraner pero tatlong metro ang layo nito sa kanya. Natatakot din s'yang mabagsakan ng steel cabinet kaya napapadyak na lang s'ya sa panggigigil sa lalaki.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako makakatakas dito dahil baka makatay kitang lintik ka!"

"Pwede kitang kasuhan dahil sa pagpasok at pangingialam mo sa mga gamit ko rito sa opisina, idagdag pa 'yang pagbabanta mo sa akin. Do you really want me to put you in jail, Amelia? Sa tingin ko naman ay papayag ang mga magulang mong gawin ko 'yon para maturuan ka ng leksyon. You're out of your control."

"Pwede ba! 'Wag mong papakialam ang mga gusto ko sa buhay! Kung may ginagawa sana kayong mga pulis at detective sa paglutas ng kaso ni kuya Lucas edi hindi sana ako nagkakagan'to. Nasa school sana ako ngayon para ipagpatuloy ang pag-aaral ko at hindi nagaala-stunt woman sa pagharap sa mga kriminal na dapat ay kayo ang humuhuli! Arrgghh! All of you are useless!"

Hindi maipinta ang galit sa mukha ni Amelia. Sa loob ng tatlong taon ay ngayon n'ya lang naisigaw at nailabas ang frustration n'ya sa mga pulis. Katrabaho ng mga ito ang kapatid n'ya pero para bang wala lang sa mga ito ang paglutas sa kaso ni Lucas.

"Are you done ranting?"

"F*ck you, Kraner! Akala ko pa naman ay kaibigan ka ni kuya pero nagkamali ako! Isa ka rin sa mga bahag ang buntot na hulihin ang pumatay kay kuya!"

Nagsukatan sila dalawa ng tingin. Hindi nagpatalo si Amelia sa nakaka-intimidate na titig sa kanya ni Kraner pero sa huli ay wala pa rin s'yang laban dito. Para s'yang nauupos na kandila dahil sa mariin at maiinit nitong tingin sa kanya. Hindi n'ya tuloy matukoy kung dahil pa rin sa galit ang dahilan ng mabilis na pagpintig ng puso n'ya o iba na.

Napaayos ng tayo si Amelia nang mabilis na nakalapit sa pwesto n'ya ang binata. Hindi n'ya napansing umiiyak na pala s'ya pero ang mas ikinagulat n'ya ay nang punasan ni Kraner ng panyo ang pisngi at mga mata n'ya.

Para bang naglaho bigla ang galit n'ya dahil sa ginagawa nito. Napatitig s'ya sa mga mata ni Kraner–kalmado lang ito.

"A-Anong ginagawa mo?"

"Detec–Ms. Amelia?"

"Wipe your tears," utos sa kanya ni Kraner nang ipatong nito sa kamay n'ya ang panyo. Lumayo ito sa kanya para bumalik sa office table nito at harapin ang mga kakapasok lang na katrabaho na si Gabriel at Daniel.

"Bakit ka nakaposas d'yan?" puno ng pagtatakang tanong ni Daniel sa kanya.

"Tanong n'yo sa siraulong 'to!" asik ni Amelia dahilan para malipat ang tingin ng dalawang lalaki kay Kraner.

"Watch your mouth, Amelia. Baka gusto mong matulog ng nakatayo d'yan sa pwesto mo." May pagbabanta sa boses ni Kraner.

Umingos lang si Amelia saka n'ya inirapan ang lalaki.

She admits, she likes Kraner. Hindi n'ya maamin ang totoo n'yang nararamdaman sa binata dahil sigurado s'yang maba-basted lang s'ya nito pero nitong mga nakaraang araw ay pagkabwisit na ang nararamdaman n'ya para sa lalaki.

(Baka itinadhana talaga kami para maging magkaaway at hindi para magmahalan. He obviously doesn't like. Hmm. Maybe he like me but only as his little sister. Little sister, my a**! Ayoko s'yang maging kapatid! Tatanggapin ko na lang na maging magkaaway kami kesa maging kapatid s'ya!)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status