Share

01 - Imprisoned

HOURS EALIER

(Before she broke his nose)

"I want you to smile at me when you're sober and not when you're drunk. Tsk." Bulong ni Amelia sa sarili nang makita ang malawak na ngiti sa kanya ni Kraner dahil sa sobrang kalasingan.

T*ngina! - mura ni Amelia sa isip habang naglalakad papalapit sa binata. Kung sa pagsusungit pa nga lang nito ay hulog na hulog na s'ya paano pa kaya kung lagi itong nakangiti sa kanya?

"Pasensya ka na at ikaw ang tinawagan ko. Hindi ko kasi ma-contact ang kapatid n'ya," pahayag ni Daniel, isang pulis na katrabaho ni Kraner.

"No. It's fine. Ako na ang bahala sa kanya."

"Salamat. Gusto mo bang tulungan na kita sa pagsakay sa kanya sa kotse mo?"

"Hindi na. Tatagay lang muna ako ng isang basong beer para may energy ako sa lalaking 'to mamaya." Nakangising saad ni Amelia na ikinatawa ng kaharap na binata.

"Okay. Goodluck to you. Siguradong bubugahan ka n'ya ng apoy bukas kapag nagising s'yang ikaw ang kasama n'ya," pabirong pahayag ni Daniel bago sila nito iwan.

Tama si Daniel. Kung ngayon ay para itong maamong kuneho sa harap n'ya, bukas at mala-dragon naman ang peg nito lalo na kapag s'ya ang kaharap nito.

Steinfeld brothers is her childhood friends pero kahit ganun ay naging mailap sa kanya si Kraner habang lumalaki sila. Iniisip n'ya na kaya ito nagpulis ay para ipakulong s'ya. She's a troublemaker after all.

"Hi gorgeous," nakangising bati ni Kraner sa kanya. Ipinulupot nito ang braso sa bewang n'ya at isiniksik ang mukha sa leeg n'ya. Nakaupo kasi ito sa stool katabi ng bar counter habang s'ya naman ay nakatayo sa harap nito kaya nagawa kaagad ni Kraner ang yapusin s'ya.

Now he's sniffing her.

Marahas na napabuga ng hangin si Amelia bago abutin ang baso ng beer na inorder n'ya. Nilagok n'ya iyon ng isang inuman lang bago ibaba ang tingin sa kasama.

"Let me take you home detective."

"No. L-Let's stay her for a w-while." Mas lalong hinigpitan ni Kraner ang pagkakakapit sa kanya kaya mas lalo rin s'yang napadikit sa matipuno nitong katawan habang nakapwesto sa pagitan ng hita nito.

Kanina pa nag-aapoy ang katawan n'ya hindi lang dahil sa magkadikit sila kundi pati na rin sa ginagawa nitong pagsinghot sa leeg n'ya.

She's actually enjoying what he is doing. Gusto n'yang manatili lang silang gan'to ngayong gabi dahil bukas ay siguradong para na naman s'yang virus sa gagawin nitong pag-iwas at pagtataboy sa kanya.

"Bakit ka ba kasi naglalasing?" tanong n'ya pero isang ungot lang ang naging sagot sa kanya ni Kraner. "Damn! You looked adorable when you're drunk," bulong ni Amelia habang sinusuklay ang buhok ng binata gamit ang mga daliri n'ya.

"I-I'm sorry. I-It's all my fault." Narinig n'yang bulong ni Kraner.

"F*ck! H-How can I forgot?!"

Ngayon ang ika-tatlong anibersaryo ng pagkamatay ng nakatatanda n'yang kapatid na si Lucas. Gustong ihampas ni Amelia ang sarili sa bar counter dahil hindi n'ya man lang nagawang bisitahin ang puntod ng kapatid ngayong araw.

Siguradong tadtad na naman ng mga text messages at tawag ang cellphone n'ya mula sa magulang kaya hindi na s'ya magugulat kong sermunan s'ya nito pag-uwi n'ya sa kanila.

Naging abala kasi s'ya sa pakikipaghabulan at taguan sa mga kriminal. Well, hunting nasty scroundrel is her hobby. Nagsimula ang hobby n'yang iyon noong namatay ang kapatid n'ya. Seeking justice for the death of her brother is not easy, lalo pa't s'ya lang ang gumagawa ng paraan para kay Lucas.

"Kaya ba naglasing ka ay dahil sinisisi mo na naman ang sarili mo sa pagkamatay ni kuya? Stop blaming yourself, Kraner. Ginawa mo ang lahat para maisalba ang kapatid ko kahit muntik ka na ring mawala sa amin...sa akin."

"Amelia," masuyong pagtawag ni Kraner sa pangalan n'ya.

It was soothing and loving. Walang bakas ng pagka-irita sa tono ng boses ni Kraner ng sambitin nito ang pangalan n'ya. Iba talaga kapag may impluwensya ng alak.

Nag-angat si Kraner ng tingin sa kanya. Nagulat s'ya nang simulan nitong haplusin ang pisngi n'ya.

"Sana pala ay lagi ka na lang lasing." Natatawang saad ni Amelia.

"Don't get yourself to trouble. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ikaw naman 'tong nawala sa akin."

Naghumirantado ang puso ni Amelia dahil sa sinabi ng lalaking kaharap n'ya. Ayaw n'yang paniwalaang malulungkot ito kapag nawala s'ya dahil lasing ito ngayon pero nawala ang pagdududa n'ya nang masuyo s'ya nitong halikan sa labi.

It was a gentle and passionate kiss. Para bang isa s'yang mababasaging bagay dahil sa maingat nitong paghalik at paghawak sa kanya. Mukhang kailangan n'ya na palaging lasingin si Kraner para makarami s'ya ng halik mula rito.

Nang mapugto ang mga labi nilang dalawa ay bumagsak sa balikat n'ya ang ulo ni Kraner. He's now sleeping peacefully.

Akala pa naman n'ya ay sa kama na ang bagsak nila mamaya pero imposible nang mangyari 'yon. Handa na s'yang isuko ang bataan n'ya kahit lasing ito pero dahil tinulugan na s'ya nito ay tuluyan na ring nabura ang imagination n'ya.

Steamy and sizzling night with Kraner - FAILED!

Wala sa sariling napangiti si Amelia habang tinititigan ang maamong mukha ng binata. Kinuha n'ya sa bulsa ni Kraner ang phone nito saka sila nag-selfie. Siguradong mag-iinit na naman ang ulo nito sa kanya kapag nakita nito ang mga magaganda n'yang selfie.

Nang maibalik ang phone ni Kaner ay naging seryoso ang awra ni Amelia.

"I just can't sit here and wait for nothing. Gagawin ko ang lahat para makuha ang hustisya para sa kapatid ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahuhuli ang h*******k na 'yon. Kahit pa buhay ko ang maging kapalit sa pakikipaghabulan sa kanya ay wala akong pakialam. I'm sorry but you have to deal with a troublemaker like me, Kraner."

***

PRESENT

(After she broke his nose)

"What the hell! Steinfeld! Let me out of here you jerk! Argghh!" Nanggagalaiti sigaw ni Amelia habang kinakalampag ang rehas na pinagkulungan sa kanya ni Kraner.

"That's for punching an officer." Walang emosyong pahayag ng binata bago ito maglakad papalayo sa kanya.

"Hoy! T*ngina mo! Bumalik ka rito!"

Kung alam lang n'ya na sa prisinto ang bagsak n'ya ay hindi na sana s'ya sumama rito. Kung alam n'ya lang din na ikukulong s'ya nito edi sana tinuluyan n'ya nang basagin ang mukha ni Kraner.

(I love him but I f*cking hate now!)

"What's happening here, sir?" Narinig ni Amelia na tanong ng kung sino kay Kraner.

"Don't mind her. Sasakit din ang lalamunan n'ya at mananahimik din 'yan mayamaya lang."

"You a**hole! Let me out! Let me out!"

"Amelia?" gulat na sambit ni Inigo sa pangalan n'ya. Isa rin itong police na katrabaho ni Kraner. "Ano ba kasing ginawa m–Oww. Mukhang alam ko na. Ikaw ba ang may gawa nun sa ilong ni Lt. Kraner?"

"Ako nga. He deserve it!"

Tumawa si Inigo sa naging sagot n'ya. "You really are something. Hahaha. Sa dami ng nakabakbakang kriminal ni Lt. Kraner ay ikaw palang ata itong unang nakabali sa ilong n'ya."

"Talaga?"

"Oo."

"Nakaka-proud naman palang makulong rito."

Muling tumawa si Inigo. Inilusot nito ang kamay sa rehas saka nito ginulo ang buhok n'ya. "Papalayain ka rin ni Lt. Kraner. Sa ngayon, chillax ka muna r'yan."

(Chillax? Paano ko naman gagawin 'yon? Ano? Magha-heart to heart talk kami ng pader dito? Buti sana kung may kasama akong kriminal sa sildang 'to edi sana may ka-bonding ako.)

"Inigo!" Nang marinig ni Amelia ang boses ni Kraner ay doon naman bumalik ang sama ng loob n'ya sa binata.

(May araw ka rin sa akin detective. Pagkatapos mo akong dila-dilaan ng parang ice cream, pagkatapos mong mag-enjoy sa hotness ko ay gan'to naman ang isusukli mo sa akin?)

"Hoy Kraner! Isusumbong kita sa fiance ko! Sa tingin mo ba ay hindi ka malalagot sa kuya mo kapag nalaman n'ya ang ginawa mo sa akin?!" sigaw ni Amelia. Halos lumusot na ang mukha n'ya sa rehas dahil sa walang tigil na pagsigaw sa binata.

***

"REALLY?" walang ganang saad ni Kiel habang nakatitig sa papeles na hawak nito. Halatang walang pakialam ang binata sa nangyari kay Amelia habang nagkukwento ito sa kanya pero wala rin namang pakialam ang dalaga sa magiging reaksyon nito.

Gusto lang talaga ni Amelia na may mapaglabasan na sama ng loob n'ya matapos ang ilang oras n'yang pakakakulong sa kulungan kahapon.

"Oo. Ikinulong ako ng siraulo mong kapatid, Kiel!"

"Hmm." Tumatango-tangong usal ni Kiel.

"Ang boring naman ka-bonding ng fiance ko," komento ni Amelia saka n'ya ito lihim na inirapan.

Dumapa s'ya sa mahabang couch na matatagpuan sa loob ng opisina ni Kiel. Kinuha n'ya ang notebook mula sa bag at pinag-aralan ang mga impormasyong nakalakip dito.

Pareho silang tahimik ni Kiel at abala.

Kung matutuloy ang kasal naming dalawa ay siguradong pareho kaming lalangawin. Baka mabulok lang ang matres ko dahil pareho kaming walang interes sa isa't isa–sa isip-isip ni Amelia na napapairap na lang sa hangin.

Na-engage silang dalawa dahil 'yon ang gusto ng mga magulang nila.

Si Kiel ang CEO ngayon ng Steinfeld Empire, isang well-known construction and real state company. Samantalang, isa namang police detective ang kapatid nitong si Kraner.

Kung papapiliin s'ya sa dalawa ay si Kraner ang pipiliin n'yang pakasalan dahil ito ang mahal n'ya pero dahil kapakanan ng kompanya ang nakasalalay sa kasal at hindi ang nararamdaman nila ay si Kiel ang napili ng mga magulang n'ya.

Alam ni Keil ang nararamdaman n'ya para kay Kraner. Kahit tahimik lang ang fiance n'ya ay alam n'yang suportado ito sa kanya at ganun din s'ya sa babaing mapupusuan nito balang araw.

"Amelia,"

"Yes?"

"Kraner's coming."

Mabilis na napabalikwas si Amelia dahil sa sinabi ni Kiel. "B-Bakit? Gusto n'ya na naman ba ng round 2?"

"Heads up lang. He's not here for you. Huwag kang feeling." Ngumisi si Kiel na ikinangiwi naman ng dalaga.

"Damn you, Steinfeld!" sigaw ni Amelia saka s'ya dali-daling lumabas ng opisina ng fiance n'ya at pumasok sa exit door. Masama pa ang loob n'ya kay Kraner at kung hindi n'ya ito iiwasan ay baka tumama na naman ang kamao n'ya sa mukha nito.

Galit s'ya pero mahal n'ya ito. Nanghihinayang s'yang s'ya ang makasira sa pogi nitong mukha kaya s'ya na ang maga-adjust. S'ya na ang iiwas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status