Share

LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1
LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1
Author: Monique Albatross

CHAPTER 1

“MA, I CAN’T DO THAT!” mariing saad ko kay mama habang naglalakad ako papasok sa kusina. Nakasunod naman ito sa akin.

“Jass Anne, ito lang naman ang hinihiling ko sa ’yo. Pero bakit hindi mo pa ako mapagbigyan?”

Ramdam ko ang iritasyon sa boses ni mama dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ko sa gusto nitong mangyari.

Bumuntong hininga pa ako nang malalim nang makarating na ako sa tapat ng refrigerator at binuksan ko iyon upang kumuha ng malamig na tubig na nasa pitcher at pagkatapos ay kumuha rin ako ng baso sa kitchen counter at sinalinan ko iyon ng tubig. Bago ko iyon inumin, I looked at her again.

“Ma, what you are asking me is not just a simple thing. You want me to marry someone that I didn’t love. I mean,” sabi ko na hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon dahil sa mga sinabi ni mama sa akin no’ng isang araw.

Ilang araw na ako nitong kinukulit na pagbigyan ko ang gusto nitong mangyari. Kung dati ay pinipilit lamang ako nito na makipag-date sa lalaking gusto nito para sa akin kahit magkarelasyon pa kami ni Wigo, ngayon naman ay nag-level up na ang aking ina. She wants me to date the man he wants for me and then I will marry that man afterwards. Oh, God! Why on earth does my mother think that way? I mean, does she think through her decisions for me?

Oh, for Christ’s sake!

But hear her reason why...

“Gusto mo bang mapunta ang lahat ng kayamanan ng Lolo mo sa adopted son niya?” tanong nito sa akin. “By rights, Jass, you should inherit all the wealth of the Del Cuerpo family, being the first daughter of your papa and the first grandchild of your Lolo Amadeo. If you don’t want to do it for yourself, just do it for me. At least I can get some money from your lolo dahil naging asawa ko naman noon si Lazarus. Hindi nga lamang kami naikasal dahil tutol sa relasyon namin noon ang Lola Segunda mo. At wala naman ibinigay sa aking suporta ang papa mo no’ng ipinagbubuntis pa kita at hanggang sa nailuwal kita rito sa mundo.”

See? My father’s money and wealth is the reason why my mom is forcing me to marry a man I don’t even know and above all; I don’t love.

Oh, God! Hindi ko magagawa ang gusto ni mama.

After what happened to me three years ago—when I found out that Wigo only wanted my money, so he had a relationship with me, then my life was put in danger. I never had a relationship with anyone again. Nadala na ako at labis na nagkaroon ng trauma sa mga nangyari. Kahit may ilang nagpapalipad hangin sa akin sa bago kong trabaho ngayon, I don’t waste time on them. I really have no plans to get into a relationship again.

“Please, anak! I’m just doing this for your own good. I mean, gusto ko lang ma-secure na magiging maganda pa rin ang buhay mo pagkatapos mong ibenta noon ang APC kay Crandall.”

“Ma, I will not suffer even if I am no longer the owner of APC. I have a new job. At malaki naman po ang monthly salary na natatangap ko. Sobra pa nga po ang sahod ko para matugunan natin ang daily expenses natin dito sa bahay,” I said.

Bumuntong hininga nang malalim si mama at tinitigan ako nang masama.

“Wala ka talagang pakialam sa akin, Jass Anne!”

Hindi ko napigilan ang mapairap sa hangin at mapabuntong hininga na rin dahil sa sinabi nito. Oh, here we go again! Those were the lines or words my mother always gave me when I didn’t follow what she wanted to happen.

“Ma—”

“Ito lang ang hinihiling ko sa ’yo pero hindi mo pa ako mapagbigyan.”

“Kasi naman po—”

“Fine,” sabi nito kaya naputol din bigla ang pagsasalita ko. “Huwag na kung ayaw mo! Sana lang ay hindi ka magsisi pagdating ng araw na hindi ka nagpursige na mabigyan ka ng mana ng lolo mo.”

Pagkasabi niyon ni mama ay kaagad itong tumalikod at naglakad palabas ng kusina. Napapabuntong hininga na lamang ako ulit nang malalim habang sinusundan ito ng tingin.

“AYOS KA LANG BA?”

Tanong sa akin ni Lailani—kaibigan at kasama ko sa trabaho. Ito ang unang naging close ko nang mag-umpisa akong magtrabaho bilang secretary ng boss ng VZ Cruise Line. One of the most famous Cruise Ship in the Philippines that also ships to other countries.

It’s been five months since I started working at VZ Cruise Line Company. Since I sold APC to Crandall, three years ago... Five months ago lang ako nag-decided na mag-apply ng trabaho sa ibang company. I thought nang una ay hindi ako tatagal sa pagiging secretary ko kay Mr. Leon Villa Zapanta, pero dahil mabait naman ang matanda kong boss ay hindi ko na naiwan ang trabaho ko. At isa pa, mas chill lang ang trabaho ko rito kaysa noong ako pa ang may-ari ng APC.

I let out a deep sigh as I sat across from my desk. I don’t know, but I feel like I’m feeling heavy now. Jeez! I didn’t sleep well last night because of mama. Simula kasi no’ng umagang nagkausap kaming dalawa, hindi na talaga ako nito pinansin hanggang kaninang umaga nang bumaba ako sa kusina para mag-almusal at hanggang sa makaalis na lang ako ng bahay para pumasok dito sa trabaho ko.

“May problema ba, bes?” tanong ulit sa akin ni Lailani.

“Si Mama kasi,” sabi ko.

“Bakit? Nag-away ba kayo?” tanong nito ulit.

Binuksan ko naman ang desktop ko. “Hindi niya ako pinapansin kahapon pa. Paano naman kasi, pinipilit niya na naman sa akin ang gusto niyang mangyari,” sabi ko.

Umupo naman si Lailani sa visitor’s chair na nasa gilid ng mesa ko. Nangunot pa ang noo nito habang nakatingin sa akin ng seryoso.

“’Yong tungkol sa pagpapakasal mo para makakuha ka ng mana sa lolo mo?” tanong nito ulit.

Tumango naman ako at bumuntong hininga ulit.

“E ’di tanggapin mo na lang ang gusto ng mama mo.”

Nangunot din ang noo ko. “Bes, hindi ko nga kayang tanggapin ang gusto ni mama kasi wala na akong balak na makipagrelasyon pa ulit kahit kanino.”

“Sino ba ang nagsabi sa ’yo na makikipagrelasyon ka sa lalaking gusto ng mama mo na maka-date mo?” tanong ulit nito.

Napatitig naman ako nang seryoso sa mukha nito.

“Puwede mo naman tanggapin ang alok ng mama mo para makakuha ka ng mana sa lolo mo pero hindi ka magpapakasal sa lalaking hindi mo naman gusto,” sabi pa nito.

“What do you mean?” naguguluhang tanong ko.

“Ganito, bes,” sabi nito at umayos pa sa pagkakaupo nito. “Tanggapin mo ang alok ng mama mo, pero sabihin mo sa kaniya na ikaw lang ang pipili ng lalaking makaka-date mo. Makipag-deal ka sa kaniya. At kung pumayag siya, hahanap tayo ng lalaking puwede mong bayaran para magpanggap na makaka-date mo at magpo-propose sa ’yo at pakakasalan ka.”

“What?”

“Of course fake marriage lang naman,” sabi pa nito. “Tapos kapag nakuha mo na ang mana mo sa lolo mo, puwede mo ng tapusin ang deal ninyo ng lalaking babayaran mo.”

Bigla naman akong napaisip dahil sa idea na sinabi ni Lailani sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status