Share

CHAPTER 5

“WHERE is lolo, Manang?” tanong ko sa kasambahay ng Lolo Amadeo nang makapasok ako sa sala.

It’s Sunday and I don’t have work, so I decide to come here to the mansion to visit my grandpa.

Actually, I rarely come here because there’s someone in the mansion I don’t want to run into. So sometimes I make excuses when Grandpa asks me to come here, so he doesn’t feel bad.

“Nasa kuwarto pa po, Señorita. Tatawagin ko po ba?” tanong nito.

“Yes, please. Thank you, Manang.”

Naglakad ako agad papunta sa lanai para doon ko na lang hintayin si lolo. But even before I got there, I saw Selena, ang babaeng pinakaayaw kong makita kaya hindi ako madalas nagpupunta rito sa mansion. Malayo pa man ako ay nakataas na ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

She stood up and made her way to the door of the lanai. Standing in the middle, she crossed her arms over her chest.

“What are you doing here, Jass Anne?” tanong nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“You’re not the one I meant to come here, so stop asking. You don’t care kung ano ang ginagawa ko rito, Selena,” mataray na sabi ko rin dito.

Ugh! I really hate this girl. Ever since then, when we were little, hindi na talaga kami magkasunod dahil sa panget nitong ugali. Lagi pang pabida. She doesn’t like me coming here to the mansion. Pero kung tutuusin, I’m the one with the right to live here dahil sa aming dalawa, ako ang totoong Del Cuerpo. Because her father, Tito Miguel, is not lolo’s biological son. Pero kung makaasta ang babaeng ito, it’s like she has Del Cuerpo’s blood running through her veins.

Ang kapal ng pagmumukha!

“This is my house, so I have the right to know kung bakit may ibang tao ang pumapasok dito nang hindi ko alam at walang permiso galing sa akin.”

Tumawa ako nang pagak at pinaikot ko ang mga mata ko. Tinaasan ko rin ito ng isang kilay.

“You’re still the same, Selena. Hindi ka na talaga magbabago. Hindi ka pa rin nagigising sa panaginip mo.”

Magsasalita na sana ito, pero may bigla namang nagsalita mula sa likuran ko.

“Jass Anne, hija! You’re here.”

Nang malingunan ko si Tito Miguel, ngumiti ako rito. Though hindi totoong kapatid ni papa si Tito Miguel, mabait naman ito sa akin. Sadyang itong si Selena lang ang panget ang ugali. Mana sa mama nitong m*****a.

“How are you, hija?” tanong ni tito at pagkuwa’y niyakap ako at hinalikan sa magkabilang pisngi ko.

“I’m fine po, tito. Kayo po?”

“I’m good,” sagot nito. “Where is Mary Ann? Hindi ba siya sumama rito?”

Umiling ako. “No, tito. Ako lang po ang nagpunta rito. I just want to visit lolo.”

“Oh, tamang-tama. Kahapon ay panay ang banggit niya sa pangalan mo. Gusto ka raw niyang makita. Ilang linggo ka na kasing hindi pumapasyal dito.”

“E alam naman kasi niyang hindi siya welcome rito sa bahay kaya hindi siya nagpupunta.”

“Selena!” saway ni Tito Miguel sa anak nito.

Napapailing na ngumiti na lamang ako nang mapakla kay Selena nang tapunan ko ito ng tingin.

“What? I’m just telling the truth, tapa,” wika nito. “Hindi talaga welcome rito sa mansion si Jass Anne. Alam mo naman ’yon. Lalo na noong nabubuhay pa si lola.” Inismiran ako nito.

Lihim naman akong nagbuntong hininga. Well, nang nabubuhay pa si lola, ayaw talaga sa akin ng abuela ko, lalo na kay mama. That’s why I use Gomez as my last name, because mama and papa are not married. Because my grandmother didn’t allow that to happen before. That’s also the reason I don’t want to come here to the mansion, kasi ayaw talaga sa akin ng lola ko. Nagagawi lang ako rito kapag may okasyon. Kagaya sa birthday ni papa, or ni Lolo Amadeo. Hindi kasi puwedeng hindi ako magpupunta rito. Kabaliktaran kasi kay lola, tanggap na tanggap naman ako ni lolo bilang apo nito.

“Oh, my favorite, apo!”

I turned behind me when I heard lolo’s voice. And when I saw his wide smile, I hurried to him and greeted him with a tight hug.

“Hi, lolo. How are you po?” tanong ko at hinalikan ko ang magkabilang pisngi nito.

Hinawakan naman nito ang kamay ko. “I missed you,” sabi nito. “Nagtatampo ako sa ’yo. Ngayon mo lang ako dinalaw rito.”

I hugged his arm and gently leaned my head on his shoulder. “I’m sorry, lolo. I’m just busy with my work.”

“Ano ba ang trabaho mo ngayon? I thought since you sold APC, you will never work again?”

Banayad akong nagpakawala nang buntong hininga saka iginiya si lolo palabas sa lanai para doon kami mag-usap. Nahagip naman ng paningin ko si Selena na masama na naman ang tingin sa akin. Paano naman kasi, when it comes to lolo, I’m always the winner between the two of us. Lolo loves me more than her.

“Ang batang ito talaga! Matagal na kitang inaalok na sa kumpanya magtrabaho, pero hindi mo ako pinagbibigyan. Sa iba ka tuloy nagtatrabaho ngayon.”

Inalalayan ko itong makaupo sa mahabang sofa saka ako tumabi rito. “Lolo, alam mo naman po na ayokong nagagalit sa akin si lola.”

“But your lola passed away a long time ago, apo. Hanggang ngayon ba naman ay nagtatampo ka pa rin sa kaniya?”

Banayad akong nagbuntong hininga ulit at tipid na ngumiti. Pagkatapos at muling hinawakan ni lolo ang palad ko at tinapik iyon bago dinala sa tapat ng dibdib nito.

“Alam mong mahal ka rin ng lola mo, Jass Anne. Hindi niya lang masabi sa ’yo ’yon noon, kasi nahihiya siya sa ’yo. Dahil mas inuna niya ang galit niya sa inyo ng mama mo.”

“I know that po, lolo,” sabi ko. “And I also love lola even though she often scolded me.” Natawa ako nang bahagya.

“Bakit pala hindi sumama rito ang mama mo?” tanong nito.

“Busy po siya.”

“I know she’s not. Lagi naman ganiyan ang dahilan ng mama mo noon pa man,” wika nito. “Well, any way. Mabuti at pumasyal ka rito ngayon. Kahapon pa kita naiisip at gustong tawagan para papuntahin dito sa bahay. I really missed you, sweetheart,” dagdag pa ni lolo at masuyong hinaplos ang pisngi ko habang may matamis na ngiti sa mga labi nito.

Oh! He’s so sweet. Kaya mahal na mahal ko ang abuelo ko.

Matamis akong ngumiti. “And I missed you too po, lolo,” sabi ko at hinalikan ito sa pisngi. “Sorry po kung minsan na lang po ako magpunta rito para dalawin ka.”

“I understand. Lalo pa ngayon na may trabaho ka na pala.”

“Don’t worry, when I have free time again next Sunday, I will come here. Um, I have someone to introduce to you.”

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni lolo at napatitig sa akin. Pero mayamaya, muli itong ngumiti.

“Let me guess... Ipapakilala mo na sa akin ang boyfriend mo? Or malapit ka nang ikasal?”

Halata sa boses ng abuelo ko ang excitement dahil sa sinabi ko.

“Well... Ipapakilala po muna kita sa kaniya.”

Kahit kinakabahan ako dahil sa pinaplano namin ni mama, wala na rin akong nagawa. Narito na ako at nasabi ko na kay lolo ang pakay ko kung bakit ako nagpunta rito ngayon.

“Oh, my God! I’m so happy, sweetheart. Hindi na ako makapaghintay na maikasal ka. I mean, alam mo naman na ’yan lang ang matagal ko ng hinihintay mula sa ’yo. Habang may lakas pa ang katawan ko, gusto kong makita na ikasal ka. Gusto kong ako mismo ang maghahatid sa ’yo sa altar.”

Napangiti akong muli. “When it’s time for me to get married, I want you and mama to walk me down the aisle, lolo.”

“I can’t wait, hija. Excited na ako.”

Kung anu-ano pa ang mga napag-usapan namin ni lolo habang nasa lanai kami. Sa mansion na rin ako nag-lunch dahil hindi naman pumayag si lolo na aalis agad ako.

“SAMAHAN mo na ako, Lailani.” Pamimilit ko kay Lai habang pabalik na kami sa office. Katatapos lang namin mag-lunch.

“Makikipagkita ako ngayon sa jowa ko, bes,” sabi nito. “Next time na lang.”

Napasimangot naman ako at inismiran ito. “Ang sabi mo last time, sasamahan mo ako ngayon. Tapos ngayon ayaw mo pa rin. Nakakapagtampo na, Lailani.”

“E kasi—”

“Fine! Unahin mo na lang ’yan boyfriend mo.”

Nagpatiuna akong maglakad papunta sa elevator at hindi ko na ito kinausap.

Nakakainis lang kasi. I don’t want to go back to that place alone dahil baka mabastos na naman ako like what happened two days ago.

Madam Nancy called me this morning. He said we will meet again at his house so he can introduce me to his new con artist. Ayaw ko sanang pumayag, but when I thought about it, yeah, it would be better for us to meet there at baka may kakilala si lolo na makakita sa akin, malaman pa ni lolo na hindi ko totoong boyfriend ang ipapakilala ko sa kaniya next week.

“Okay, sige na. Sasamahan na kita,” sabi ni Lailani nang makapasok na kami sa elevator.

“Huwag na kung labag naman sa loob mo.” Inismiran ko pa ito ulit. “I thought you would support me because you came up with this idea. Tapos ngayon, hindi naman pala!”

“Sorry na, bes. Heto nga at sasamahan na kita mamaya.”

Umismid lang ako ulit.

PAGKATAPOS nga ng trabaho naman, magkasama kami ni Lailani na nagpunta sa address ni Madam Nancy.

Just like the first time I came here, marami na namang nakatambay sa gilid ng kalye at nakatingin sa amin. But it’s not like the first time I came here na may nambastos sa akin.

“Hindi ko alam na rito pala nakatira si Madam Nancy,” sabi ni Lai, habang nakayakap ito sa braso ko. “Bes, makakalabas pa ba tayo rito nang buhay?”

“Huwag ka ngang maingay! Baka marinig nila tayo.”

“E tingnan mo naman kasi, bes. Lahat ng tao sa atin nakatingin,” wika nito. “Or baka nagagandahan lang sila sa akin?”

Napaismid ako at hindi na nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ni Madam Nancy. The winding street didn’t pose a problem for us to find Madam Nancy’s house because I can easily remember the places I go to.

“Lai.”

“Baks, ano ba ’tong lugar ninyo? Nasa liblib ka pala nakatira,” sabi agad ni Lailani.

Umirap naman si Madam Nancy. “Ay, sorry, a! Hindi kita na-inform na hindi ako nakatira sa exclusive village,” sagot naman nito. “Tara sa loob ng mansion ko.”

Kaagad naman kaming pumasok sa bahay nito. At may nadatnan kaming isang lalaki na nakaupo sa sala. Nakapostura ito. Malinis tingnan.

“Have a sit.”

“Siya na ba ang con artist mo, baks?” tanong ni Lailani.

“Um, yeah. Ito pala si Arnold, Jass Anne. Arnold, siya naman si Jass Anne, ang client natin.”

Ngumiti naman ang lalaki at lumapit sa akin. Inilahad nito ang kamay sa akin na kaagad ko namang tinanggap.

“Nice meeting you po, Ma’am.”

“Nice meeting you,” sabi ko at sinuyod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Well, may hitsura naman ang lalaking ito. Matangkad. Moreno. Sakto lang ang body built. Pero... Hindi ko type.

“What do you think, Ganda?”

“Can we talk, Madam Nans?”

“Oh, sure. Wait lang, Arnold. Mag-uusap lang kami. Sige na, upo ka na muna.”

Humakbang ako palabas ng bahay nito at kaagad naman itong sumunod sa akin.

“What do you think?” tanong nito.

“I don’t like him.”

Nangunot ang noo nito. “Why? I mean, sinunod ko naman ang profile na hinahanap mo.”

“Yeah, but... I’m not sure if he can do what I want him to do. I mean...”

“Isa si Arnold sa magagaling kong con artist, Jass Anne. I swear na magagawa niya ang trabaho niya. Actually, katatapos lang niya sa isang client namin.”

Bumuntong hininga ako. “Wala na bang ibang puwedeng pagpilian?”

“Mayroon. Pero I don’t think na papasa rin sila sa ’yo. Si Arnold lang ang available as of now na masasabi kong maayos at magaling.”

“Can’t you find someone else?”

Napabuntong hininga rin ito. “Bibigyan mo ba ako ng another couple of days para humanap ng bago?”

“Okay, fine. Another three days. But make sure you will find a better one.”

“Okay. Pauuwiin ko na lang si Arnold.”

“I’m sorry.”

“Ayos lang. Ang gusto naman kasi ng client ang masusunod, e!”

“Thanks, Madam Nans.”

“KUYA MIDAS!”

“Kumusta si Nanay Yolly, Kalo?” tanong niya nang makarating siya sa ospital. May dala siyang pagkain para sa mag-ina.

“Ayos naman po, kuya. Pero, tingin ko po mas lalo lang lumalala ang kondisyon niya,” malungkot na saad nito. “Saka ibinigay po pala sa akin ng nurse kanina ang resibo ng down payment natin dito, kuya. Ito po.”

Ibinigay nito sa kaniya ang isang papel. Napabuntong hininga siya nang makita niya ang malaking halaga ng pera.

“Kailangan na raw pong mabayaran ’yan, kuya. Hindi na raw po kasi pumayag ang may-ari ng ospital na hihingi po ulit tayo ng ilang araw para mabayaran ’yan.”

Saglit siyang nag-isip.

“Sige. Ako na ang bahala.”

“Ano po pala ’yang dala mo, kuya?”

“Pagkain. Dalhin mo na roon sa nanay mo para makakain kayo. Kailangan kong umalis.”

“Sige po, kuya. Salamat.”

“Ikaw na ang bahala sa kaniya.”

“Opo, Kuya Midas.”

Hindi na siya tumuloy sa ward para makita ang matanda. Kaagad siyang umalis sa ospital at umuwi.

Sa halip na tumuloy sa bahay niya, nagtungo siya sa bahay ni Madam Nancy.

“Oh! Papa Midas, napadaan ka rito?”

“Puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya.

“Well, of course,” sabi nito at niluwagan ang pagkakabukas sa pinto ng bahay nito. “Pasok ka. Maupo ka. Gusto mo ba ng maiinom o ako?” malanding tanong nito.

“Ayos na ang tubig,” sabi niya.

“Okay, wait lang.” Nagmamadali itong nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. At pagkabalik, kaagad na iniabot sa kaniya ang baso. “Ano ba ang atin? Tinatanggap mo na ba ang alok ko?”

Sinulyapan niya ito saglit at ininom ang tubig.

Oh, damn. Ayaw niya sanang tanggapin ang raket na sinasabi nito sa kaniya, pero dahil wala siyang malapitan para hingian ng tulong para may maipangbayad siya sa hospital bill ng matandang Yolly, wala siyang choice kun’di tanggapin ang alok ni Nancy sa kaniya.

“Makukuha ko ba agad ang paunang bayad?” tanong niya.

Biglang lumapad ang ngiti sa mga labi ng bading. “Puwede kong kausapin ang kliyente ko. I’m sure papayag naman siya.”

“Kailangan ko bukas ang pera.”

“Ay, teka lang. Tatawagan ko siya. I’m sure hindi pa sila nakakaalis. Galing lang din sila rito kanikanina, e!” ani nito at nagmamadaling kinuha ang cellphone sa bulsa ng short nito. “Hello, Ganda! Nakaalis na ba kayo? Puwede bang bumalik kayo rito? Nakahanap na ako ng bago. Yeah. Nandito siya ngayon sa bahay. I’m sure magugustohan mo siya. Okay sige. Hihintayin ko kayo. Bye.” Pinatay nito ang tawag at malapad ang ngiting tiningnan siya. “Pabalik na sila.”

Tumango lang siya at sumandal sa sofa habang inuubos niya ang laman ng basong hawak niya.

Saglit siyang naghintay roon. Ilang minuto lang, nakarinig sila ng katok mula sa labas ng pinto. Kaagad na tumayo si Nancy upang pagbuksan ang pinto.

“Come in, Ganda. Narito siya sa loob.”

Biglang nagsalubong ang mga kilay niya at napatuwid siya sa kaniyang pagkakaupo nang makita niya ang dalaga.

“You?”

“Ikaw?”

Magkasabay na tanong nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status