Share

CHAPTER 4

“HUWAG ka ng makisali rito, Midas. Kami ang nauna rito.”

“Umalis ka na lang, Midas.”

“No! P-Please, help me!” nagmamakaawang sabi ko habang nahihintatakutang nakatitig sa kaniya.

God! If I had known that I was going to perish again now, I would not have come here alone. I would have looked for someone to be with.

Holy lordy! Talaga bang puro kapahamakan ang mangyayari sa akin ngayon?

“Bitawan mo na siya, Karding kung ayaw mong magkagulo pa tayo.”

“P*****a naman, Midas!” galit na pagmumura ng lalaking may hawak sa braso ko.

“Lagi mo na lang kami pinipirwesyo, Midas! Puwede bang huwag mo na kaming pakialaman dito?”

“Bibilang lang ako ng tatlo. Kapag hindi mo siya binitawan, magkakagulo na naman tayo rito.”

“Upukan mo na ’yan, pare,” utos ng isang lalaki.

“Namumuro ka na sa amin, Midas.” Galit na saad ng lalaking unang sumalubong sa akin kanina at pagkuwa’y nagmamadali itong lumapit sa lalaking Midas daw ang pangalan.

Pero hindi pa man ito tuluyang nakakalapit ay tinadyakan na niya ito sa tiyan kaya natumba ito sa semento. Mabilis niya ring sinugod ang isa pang lalaki.

Suddenly, I was filled with fear when they got into trouble. And when the man let go of me, lumapit naman sa akin ang binatilyo.

“Halika po rito, miss byutipol,” sabi nito at hinawakan ako sa palapulsuhan ko at hinila palayo.

Napapangiwi na lamang ako habang nakatingin sa kanilang apat na nagpapalitan ng suntok. I mean, kahit mag-isa lang siya, mukhang kaya naman niyang makipaglaban sa tatlong bastos na lalaki. Ni hindi man lang siya napuruhan.

Opps!

Okay. Nasuntok siya sa mukha.

“Laban, Kuya Midas! Padapain mo ang mga kulugong ’yan!”

Napalingon ako sa binatilyong nasa tabi ko habang tuwang-tuwa na nagche-cheer sa kaniya. Oh! Hindi na nakapagtataka. Hindi na bago sa mga taga-squatter ang makipag-away lagi.

“May araw ka rin sa amin, Midas!” galit na sabi ng isang lalaki saka ito tumakbo palayo, habang ang dalawang kasama nito ay nakahandusay sa semento at wala ng malay.

“Ang galing-galing mo talaga, Kuya Midas! Kaya idol po kita, e!”

Napasimangot ako.

“T-Thank you,” I said as he walked towards me while holding his jaw. Dumudugo ang gilid ng labi niya.

“Pati ba naman dito ako pa rin ang magliligtas sa ’yo?”

Masungit na tanong niya pagkuwa’y sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Oh, here we go again. Don’t tell me sisisihin niya na naman ang suot ko ngayon?

“Kayong mga babae, ang hilig-hilig ninyong magsuot ng mga maiikse. At kapag nabastos kayo, kayo pa ang galit.”

Napamaang ako at napatitig sa guwapo niyang mukha. Oh, damn. Alright. Guwapo nga siya. Ngayon ay natitigan ko na nang maayos ang hitsura ng lalaking tumulong sa akin kagabi.

My God! Guwapo nga siya, panget naman ang ugali.

Napaismid ako at ipinag-cross sa tapat ng dibdib ko ang mga braso ko.

“Excuse me? First, I didn’t ask for your help,” mataray na sabi ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Ows! Hindi nga ba, Jass Anne?

Natawa siya nang pagak dahil sa sinabi ko. “Please, help me. Hindi nga ba’t tulungan mo ako ang ibig sabihin n’on sa tagalog?”

Napahiya ako. Pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Tinarayan ko pa rin siya.

“But I didn’t force you to help me,” sabi ko. “Their behavior towards me is uncalled for, regardless of what I’m wearing. I mean, even if I wrap myself in a thick cloth, if there are rude men like them, mababastos at mababastos pa rin ako o ang ibang mga babae.”

Tiim bagang na napabuntong hininga siya at napailing. Napadaing pa siya nang pinunasan niya ang dugo sa gilid ng mga labi niya.

And I thought he would argue with me. But he suddenly turned and walked away.

“Ako na nga ang tumulong. Ako na nga ang nabugbog. Sa akin pa siya galit.”

Dinig kong saad niya bago siya makalayo nang tuluyan.

“Pasensya na po, miss byutipol. Mukhang mainit po ata ang ulo ni Kuya Midas.”

Nagpakawala rin ako nang malalim na buntong hininga pagkuwa’y binalingan ng tingin ang binatilyo.

“Halika po at sasamahan na kita sa bahay ni Madam Nancy.”

I couldn’t do anything but follow him as he started walking until we entered the squatter area. I still smell the surrounding same. It stinks.

Ugh! It’s not that I’m being sassy. But my nose can’t really handle the smell of the canals around.

“Madam Nancy! May bisita ka po.”

Anang kasama ko nang makita nito ang bading na nasa labas ng tindahan at may binibili.

“Sino raw, Kalo?”

“Ano nga po pala ang pangalan mo, miss byutipol?” tanong nito nang lingunin ako.

“Jass. Jass Anne.”

“Jass Anne raw po.”

“Oh! Ikaw ang friend ni Lailani na sinasabi niya sa akin,” sabi nito at nagmamadaling lumapit sa akin habang bitbit ang delatang binili nito.

Ngumiti naman ako. “Yeah. I’m Lai’s friend. Hi.” Inilahad ko rito ang kamay ko na kaagad naman nitong tinanggap.

“I’m Nancy. Halika, sa bahay tayo mag-usap,” wika nito. “Kalo, thank you sa paghatid mo sa kaniya rito.”

“Wala pong problema, madam. Aalis na rin po ako. Miss byutipol, ingat ka po mamaya.”

“Thanks,” sabi ko. “Oh, wait.” Kaagad kong binuksan ang bag ko at kinuha roon ang wallet ko. Naglabas ako ng pera para ibigay iyon sa binatilyo. “Here.”

“Nako, hindi na po kailangan, miss byutipol. Ayos lang po.”

“No. Um, I just want to thank you sa paghatid mo sa akin dito.”

Ngumiti naman ito sa akin. “Puwede naman pong magpasalamat nang hindi nagbibigay ng pera. Sige po. Babalik na ako sa pangangalakal ko.” Kaagad itong tumalikod.

Hindi na ako nakapagsalita at sinundan na lamang ng tingin ang binatilyo habang papalayo na ito.

Wow! I’m just impressed. I mean, what I know, people like them who live here in the squatter do not refuse money or anything that is given to them. Or maybe I’m the only one who thinks like that? Maybe that’s just my mindset about them.

“Halika na sa loob, ganda.”

Napalingon ako ulit kay Madam Nancy nang tawagin ako nito.

“Pasensya ka na sa bahay ko. Medyo makalat pa,” sabi nito nang makapasok na ako sa maliit nitong sala. “Maupo ka. Ano ba ang gusto mong inumin?”

“No, thank you.”

“Nasabi na sa akin ni Lailani ang problema mo. Naghahanap ka raw ng lalaking magpapanggap na jowa mo.”

Bahagya akong tumango at ngumiti. “I need someone to pretend to be my boyfriend. Since you are Lailani’s friend, I will ask you for help about this matter. And I hope there will be no problem.”

“Kilala ako ni Lailani na maayos na kausap pagdating sa ganitong trabaho. And I promise you na magiging maayos ang problema mo.”

“Well, that’s good to hear. When can I expect to see the man you suggested? I mean, so I can talk to him first before we sign the contract.”

“About that, darling. Nakausap ko kagabi ang ibibigay ko sana sa ’yo. Medyo may problema lang siya kaya nag-back out.”

Nagsalubong ang mga kilay ko.

“But don’t worry. Bigyan mo lang ako ng isang linggo. Hahanap ako ng bago na pasok sa standard na hinahanap mo.”

“I don’t think I can wait a week, Madam Nancy.”

“Or... Just give me three days. Tatawagan kita after three days.”

Marahan akong nagbuntong hininga.

“I’m sorry talaga. Dapat kagabi ay magkikita tayo, right? E umuwi naman kayo nang maaga kaya hindi tayo nakapag-usap. Kaninang umaga ay tinawagan ako ng isang con artist ko. May biglaang emergency lang daw siya kaya biglang nag-back out. Hindi ko naman alam na today ka pupunta. But I promise, three days lang ay makakakuha ako ulit ng kapalit niya.”

“Just make sure, Madam Nancy. I just really need to rush this.”

“Yeah. No problem. Tatlong araw lang ay tatawagan din agad kita.”

“Alright,” sabi ko na lang.

“KUYA MIDAS!”

“Bakit, Kalo?” tanong niya habang nasa ilalim siya ng kotse. Nakahiga sa karton.

Nasa talyer siya ngayon at may inaayos na kotse ng isang kleyente nila. Alas sais na ng gabi. Kanina pa sana sila nagsarado, pero dahil suki naman nila ang may-ari ng sasakyan at kailangan daw matapos agad ang pag-aayos dahil gagamitin ang kotse kinabukasan, kinailangan niyang mag-overtime para matapos agad ’yon. Wala naman iyon problema sa kaniya. Wala rin naman kasi siyang gagawin pagkauwi niya sa bahay.

“Nakalimutan ko pong sabihin sa inyo kanina. May nasiraan po pala ng kotse roon sa may highway.”

“May ginagawa pa ako, Kalo.”

“Pero Kuya, ’yong miss byutipol po kanina na tinulungan mo ang may-ari ng kotse. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakaalis doon sa may highway. Wala rin po kasing nadaang taxi kaya wala po akong matawag.”

Doon siya napahinto sa ginagawa niya nang marinig niya ang sinabi nito. Mayamaya ay lumabas siya mula sa ilalim ng sasakyan at pinatay niya ang flashlight na nasa noo niya.

“Baka po mapahamak na naman siya roon sa kalsada.”

“Pabayaan mo na siya, Kalo,” sabi niya nang bigla siyang makadama ng inis sa dalaga dahil sa mga nangyari kanina. “Ayoko nang tumulong kung ako pa ang masisisi pagkatapos.”

Napakamot naman sa ulo ang binatilyo. “Kawawa naman po siya, Kuya,” sabi nito. “Wala rin pong signal doon kaya hindi siya makatawag sa kanila. Nilalamok na nga po siya roon, e! Sayang ang magandang kutis.”

“Nako! Ikaw talaga. Kabata-bata mo pa marunong ka na sa mga ganiyan.”

Tumawa naman ito. “Tara na po! Tulungan mo na po siya. Magpupunta na rin po kasi ako sa ospital para puntahan si inay.”

Bumuntong hininga siya at saglit na nag-isip. Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kun’di ang bumangon mula sa pagkakahiga niya.

“UGH! I REALLY HATE THIS DAY!” naiinis na sambit ko habang nagpaparoo’t parito ako nang lakad sa gilid ng kotse ko.

I don’t know what to do right now. Wala man lang may dumadaang taxi. My cellphone has no signal, so I can’t call mama or Lailani to ask for help. I was cold and bitten by mosquitoes. I’m also scared because the road I’m on now is quite dark. Baka mamaya ay may dumaan na naman ditong mga bastos.

“I hate—”

I stopped talking when I turned around and saw him standing a few steps away from me. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin at may hawak siyang toolbox.

“Jesus! You startled me,” inis na saad ko sa kaniya at napahawak pa sa dibdib ko.

“Saang gulong ba ang na-flat?” sa halip ay tanong niya at naglakad palapit sa kotse ko.

“I didn’t ask for your help, mister.”

Huminto siya at muli akong tinitigan. “Ayaw mong tulungan kita?” tanong niya. “E ’di sige. Walang problema. Naabala pa ang oras ko sa pagpunta rito.”

Kaagad siyang tumalikod at naglakad ulit palayo sa akin. Naiinis na napabuntong hininga naman ako. “Okay fine,” sabi kong napipilitan.

Ah, Jass Anne! Huwag ka na ngang mag-inarte diyan! Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa ang nag-iinarte. Naiinis na sermon ko sa sarili ko.

He didn’t stop walking, kaya napahakbang na rin ako palapit sa kaniya.

“Please. I need your help.”

Doon, huminto siya at pumihit paharap sa akin.

Nag-iwas naman agad ako ng tingin sa kaniya. “Can you change my tire?” tanong ko sa kaniya.

“Kung hindi lang dahil kay Kalo, hindi ako pupunta rito para tulungan ka,” sabi niya at naglakad na rin pabalik. “May extra gulong ka?”

Tumango ako. “At the back,” sagot ko.

“Pahiram ng susi mo.”

I walked towards him and gave him the key I was holding. He opened the back of my car and took my spare tire from there.

I quietly leaned against the hood of my car while waiting for him to finish.

“Okay na ’yan.”

“Is it done?”

“Sa susunod, huwag kang aalis sa inyo ng walang kasama. Baka ma-flat-an ka na naman. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may tutulong sa ’yo. Lalo na sa ugali mong ’yan.”

Heto na naman siya! Bakit ang hilig ng lalaking ito na manisi? Aba! Malay ko bang masisiraan ang kotse ko kanina?

I wanted to argue with him, but I didn’t. After all, he helped me change the tire of my car.

“Thanks,” tipid na sabi ko na lang sa kaniya.

He didn’t speak. He just picked up his toolbox and walked away.

Sighing, I just followed him with my eyes before I got into the driver’s seat and started the engine.

“PAPA MIDAS!”

Napahinto sa paglalakad niya si Midas pabalik sa talyer nang makasalubong niya ang bading na si Nancy. Nagmamadali pa itong lumapit sa kaniya habang malapad ang pagkakangiti.

“May gagawin ka ba? Tara, libre kita sa tindahan ni Aling Mareng.”

“Ano na naman ang kailangan mo sa akin, Nancy?” seryosong tanong niya.

Yumakap naman ito sa braso niya. “Seryoso ka na naman diyan,” sabi nito. “Nalaman ko pala na isinugod kanina si Aling Yolly. Kumusta naman siya?”

“Inatake na naman ng asthma niya. Kailangan i-admit.”

“Nakakalungkot naman,” sabi nito. “So kailangan mo ng pera ngayon?” tanong nito.

Nangunot ang kaniyang noo at tinitigan ang bading habang hindi pa rin ito kumakalas sa pagkakayakap sa braso niya.

“May iaalok lang sana akong raket sa ’yo,” wika nito. “Pero huwag kang mag-alala. Hindi naman ito mahirap. At isa pa, malaki ang makukuha mong bayad. Makatutulong ’yon sa pangbayad mo sa ospital pati na rin sa pangbili ng gamot ni Aling Yolly.”

“Nancy, alam mo naman na hindi ako pumapatol sa mga raket na ginagawa mo.”

“Oo, alam ko naman ’yon. Pero, Papa Midas, gusto ko lang makatulong sa ’yo pati kay Aling Yolly. Hindi naman mahirap itong gagawin mo,” pagpapaliwanag nito. “Malaki ang bayad sa ’yo kapag pumayag ka. One hundred thousand sa unang bayad. At kapag naging maayos ang gagawin mo, times two or more ang makukuha mo.”

Napahinto siya sa paghakbang at muling napalingon sa kausap.

“One hundred thousand?” tanong niya.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ng bading at tumango nang sunod-sunod. “Wanhandrer kyaw, Papa Midas. So, sige na. Tanggapin mo na ang alok ko.”

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya sa ere.

“Ano ba ang gagawin?” tanong niya.

“Magpapanggap ka lang na jowa ng isang kleyente ko,” ani nito. “Tapos, kapag nag-click kayo. Kapag nagustohan ng kleyente ko ang trabaho mo, proceed tayo sa next level. Another one hundred thousand or two, para sa fake marriage ninyo.”

“Ano? Fake marriage?” gulat na tanong niya.

“Oo. Peke. Hindi totoong kasal.”

Napailing siya. “Pass ako, Nancy. Hindi ko kayang gawin ’yan.” Tinanggal niya ang kamay nitong nakayakap sa braso niya at malalaki ang mga hakbang na umalis siya.

Napasimangot na lamang ang bading habang sinusundan siya ng tingin. “Sigurado ka? Sayang kung mapupunta sa iba.”

“Huwag mo na akong kulitin, Nancy!”

“Nako! Kung hindi ka lang guwapo at hot, hindi ako mangungulit sa ’yo.” Napaismid na lamang ito saka umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status