Share

CHAPTER 3

“KUYA MIDAS!” sigaw ng binatilyo habang nagmamadali itong tumakbo palapit sa kaniya. “Kuya Midas!”

Napahinto siya sa paglalakad at kunot ang noo na tiningnan ang binatilyong sumalubong sa kaniya. “Oh, Kalo, bakit?” tanong niya nang tuluyan itong makalapit.

“Kuya, si inay po isinugod ng mga tanod sa ospital.”

“Ano?” gulat na tanong niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit? Ano ang nangyari?” tanong niya pa at sa halip na dumiretso sa pag-uwi sa kaniyang bahay ay kaagad siyang pumihit at naglakad pabalik.

“Inatake na naman po kasi ng asthma niya, kuya!”

“Saan daw ba siya dinala? Halika at sumama ka na sa akin,” aniya at malalaki ang mga hakbang na tinungo nila ang labasan ng squater kung saan sila nakatira.

“Midas, halika at sumakay ka na. Nasa ospital si Yolly,” sabi nang tricycle driver na nadaanan nilang nakaparada sa gilid ng kalye.

Hindi na siya nagsalita at kaagad na sumakay sa tricycle.

Pagkarating nila sa ospital, kaagad siyang nagtanong sa nurse na nasa front desk.

“Yolly Nase. May dinala bang pasyente rito?” tanong niya.

Kaagad namang tumalima ang nurse. “Nasa ward po, sir.”

Malalaki ang hakbang at nagmamadaling tinungo nila ang ward.

“Inay!”

“Kalo, Midas!” anang matandang babae na namumutla ang hitsura habang nakahiga sa hospital bed. May oxygen pang nakalagay sa bibig nito at halatang hinang-hina ang katawan.

Tiim bagang na napabuntong hininga siya nang malalim nang makatayo siya sa may paanan ng kama at matamang tinitigan ang matanda.

“Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?”

Napalingon siya sa babaeng nurse na lumapit sa kaniya.

“Kumusta ang pakiramdam niya?” sa halip ay balik na tanong niya.

“As of now po sir, under monitoring po ang pasyente. Advice ni Doc na kailangan daw munang i-admit ang nanay ninyo dahil medyo malala na ang asthma niya,” wika nito. “At may kailangan din kayong bilhin na gamot para sa kaniya. Heto.”

Iniabot nito sa kaniya ang resita na kaagad naman niyang tinanggap.

Walang emosyon na tinitigan niya ang ilang klase ng gamot na nakasulat sa papel. “Salamat,” sabi niya mayamaya.

“Hanapin mo lang ako kung may kailangan ka pa tungkol sa nanay mo,” sabi ng nurse.

Tumango na lamang siya bago ito tumalikod at umalis.

Muli siyang napahugot nang malalim na paghinga at tinapunan ng tingin ang matanda. “Kumusta po ang pakiramdam mo, Nanay Yolly?” tanong niya.

“Pasensya na at naabala na naman kita, Midas,” sa halip ay hirap na sabi nito sa kaniya. Halata sa mukha na nahihiya ito ngayon sa kaniya.

Umupo naman siya sa gilid ng kama. “Nagtrabaho ka na naman po kanina ano? Kaya sinumpong ka na naman ng asthma mo.”

“Kung hindi naman kasi ako magtatrabaho, kawawa itong si Kalo, walang kakainin.”

“’Nay Yolly, kaya nga po narito ako at nagtatrabaho para ako na ang bahala sa inyo ni Kalo. Ilang beses ko na pong sinabi sa inyo na hindi n’yo na kailangang magtrabaho sa palengke?”

“Nahihiya na kasi ako sa ’yo, anak Midas. Ikaw na lang lagi ang gumagawa ng paraan para lang maisama mo kami ni Kalo sa budget mo. Pati ang pambili ng gamot at inhaler ko ay ikaw na rin ang sumasagot.  Alam ko naman na—”

“Kaysa naman po magkasakit kayo,” wika niya dahilan upang maputol ang pagsasalita ng matanda. “Tingnan n’yo po ang nangyari sa inyo! Kung nasa bahay lang sana kayo, hindi kayo aatakihin ng asthma ninyo at hindi kayo isusugod dito sa ospital.”

Nahihiyang nagbaba naman ng mukha ang matanda.

“Kuya Midas, paano po ’yan? Kailangan po ng pera para may pangbili ng gamot ni inay, pati ang ipangbabayad dito sa ospital.”

“Huwag mo ng isipin ’yon, Kalo. Ako na ang bahalang dumiskarte sa pera.”

“Sobrang nakakahiya na sa ’yo, Midas.”

“Hindi ko naman po kayo puwedeng pabayan, ’Nay Yolly. Huwag n’yo na pong isipin ’yon.”

Mayamaya ay pinilit ng matanda na abutin ang kaniyang kamay at masuyong pinisil iyon. Ngumiti ito sa kaniya.

“Maraming salamat, anak. Hayaan mo, huli na itong isusugod ako rito sa ospital at gagastos ka ng pera para sa akin.”

“Basta magpagaling po kayo,” aniya.

“ANO BES, tuloy ka ba mamaya? Makikipagkita ka na ba sa friend ko?” tanong sa akin ni Lailani nang lumapit ito sa puwesto ko.

Katatapos lang ng lunch break namin.

“Do I really have to do this, Lai?” tanong ko. “I mean, I just thought magagalit sa akin si lolo kapag malaman niyang dinaya ko lang siya.”

“Bes, nag-usap na kayo ng mama mo. Pumayag ka na sa gusto niya.”

I let out a deep sigh and leaned back in my swivel chair and played with the pen I was holding.

“I’m just nervous, Lailani.”

“Ano ka ba! Kaya nga sa friend ko tayo hihingi ng tulong kasi alam kong mapapagkatiwalaan siya. I’m sure ang lalaking ibibigay niya sa ’yo para magpanggap na jowa mo ay professional con artist. Maayos na katrabaho. Hindi malalaman ng lolo mo ang gagawin mo kung hindi ikaw mismo o ang mama mo ang magsasabi sa kaniya.”

Napaisip na naman ako sa mga sinabi ni Lailani. Hay nako! Ang galing talaga mangumbinsi ng babaeng ito!

“Ano? Gora na tayo! Sinabihan ko na rin kasi si Mama Nans na makikipagkita ka mamaya sa kaniya.”

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito.

“Ako lang ang makikipagkita sa kaniya?” tanong ko.

Ngumiti naman ito sa akin. “E may date kasi ako mamaya, bes. Hindi naman puwedeng hindi ko sisiputin ang sugar daddy ko.”

“Lai, hindi ako makikipagkita sa kaniya kung hindi mo ako sasamahan.”

Sumimangot naman ito sa akin. “Wala naman mangyayaring masama sa ’yo, bes! Mabait si Mama Nancy,” wika nito. “Hindi talaga ako puwede mamaya. My God! Isang buwan kaming hindi nagkita ng sugar daddy ko dahil busy siya sa trabaho niya sa Jakarta. Miss na miss na namin ang isa’t isa. Isang buwan na rin naming plano ang loving-loving namin. Uunahin pa ba kita?”

Napamaang ako dahil sa mga sinabi nito. God! Bruha talaga ang babaeng ito!

“Kaya mo na ’yan.”

“You will give me suggestions about this tapos hindi mo naman pala ko dadamayan.”

“Nagkataon kasing mamaya ang dating niya, bes. Kaya sorry na. Next time, sasamahan naman kita,” sabi pa nito. “Isang buwan akong walang dilig, amiga. Hope you understand. Tuyot na ang bulaklak ko.”

I frowned and straightened my seat. And when the intercom at my desk rang, I heard my boss’s voice.

“Jass Anne, hija. Come to my office, please.”

“Okay po, sir.”

Kaagad akong tumayo at naglakad papunta sa office ni Sir Leon. When I entered his office, I found him sitting in his swivel chair in front of his desk and reading documents.

“Yes po, sir?”

“Have you scheduled an appointment with Demetrio Ildefonso?” he asked.

“Um, I talked to his PA earlier. Don Ildefonso is said to be unavailable this week. Nasa Madrid daw po kasi siya.”

“Is that so?”

Tumango ako.

“Alright. But please make an appointment with him early next week, okay? May importante lang kaming pag-uusapan.”

“Opo, sir,” sabi ko. “Anything po?”

Hindi naman agad ito nagsalita at sa halip ay tinitigan ako nang mataman. At pagkatapos ay ngumiti ito nang bitawan ang hawak na papel at sumandal sa swivel chair.

“Have you thought about my offer to you before, hija? About my son?”

Oh! Here we go again.

I’ve only been working with Sir Leon for five months, pero ilang beses na ako nitong kinukulit about dating his son dahil gusto raw ako nitong mapangasawa ng anak nito.

Que horror!

Parang si mama rin ang matandang ito. Pinipilit akong gawin ang bagay na ayaw ko naman.

I already told him na ayoko. I have no plans to be in a relationship again. Pero kinukulit pa rin ako nito.

Pinilit kong ngumiti rito.

“Sir Leon, I’m sorry po. But I can’t really accept your offer to me,” sabi ko. “I mean, I’m grateful that you liked me for your son. But like I’ve been telling you repeatedly, I really have no plans to get into another relationship.”

“Are you really not going to change your mind, hija?”

I smiled again and shook my head. “I’m sorry po. Bu don’t worry. I’m sure your son will find a deserving woman. And I’m sure na magugustohan mo rin kung sino man siya.”

Banayad itong nagbuntong hininga at napatango-tango. “I just really like you dahil alam kong mabuti kang bata. Pero hindi nga kita mapipilit.”

“Wala na po ba kayong iuutos sa akin?”

Ngumiti itong muli. “Nothing, hija.”

“Sige po.”

Kaagad akong tumalikod at lumabas sa office nito.

“UGH! I HATE YOU, LAILANI!”

Naiinis na usal ko at tinanggal ko ang seatbelt na suot ko saka bumaba sa kotse ko.

Damn it.

My car got a flat tire while I was in the middle of the road. I don’t know where I am now. Basta kanina, bago ako umalis sa office, Lailani gave me the address of her gay friend. I got out of work early, so I decided to go to the address para matapos na itong problema ko.

“My God!” Nang makita ko ang gulong sa may driver’s seat, pumutok iyon.

Inis na kinuha ko ang bag ko sa front seat para tawagan si Lailani. Pero sa malas ko, walang signal ang lugar.

“Seriously? Nasaan na ba ako at walang signal ang lugar na ito?”

Itinaas ko pa ang kamay ko at naglakad ako matapos kong isarado ang pinto ng sasakyan ko. Naghanap ako ng signal.

“Ugh, Lailani. Mababatukan talaga kita bukas.”

“Miss byutipol, wala pong signal dito banda.”

Napahinto ako at napatingin sa binatilyong nasa may basurahan. Mukhang nangangalakal yata.

“Maglakad ka pa po hanggang doon para makakuha ka ng signal,” sabi pa nito.

“Um, what is this place?” tanong ko.

“Payatas road na po ito, miss byutipol.”

Oh! So nandito na nga ako sa address na sinasabi ni Lai sa akin.

“Do you know Nancy?”

“Madam Nancy po? Bakit?”

“So you know him.”

“Tagalog lang po, miss byutipol. Hindi pa po ako nakakapulot ng inglis dito sa basurahang kinakalkal ko.” Napakamot pa ito sa ulo habang nakangiti sa akin.

Napangiti na rin ako at isinilid sa bag ko ang cellphone ko.

“Kilala mo ba siya?” tanong ko.

“Opo. Kapit-bahay lang namin siya.”

“Puwede mo ba akong samahan? I need to talk to him. I mean, kailangan ko siyang makausap.”

“Sige po, miss byutipol. Halika po at sasamahan kita,” wika nito saka isinampay sa balikat nito ang sako na kaunti pa lang naman ang laman.

Nang maglakad ito, sumunod ako rito.

“Nasiraan po ba kayo ng sasakyan, miss byutipol?”

“Um, yeah. My car got a flat tire. I mean, pumutok ang gulong.”

“Huwag po kayong mag-alala, may kakilala rin po akong magaling mag-ayos ng gulong. Sasabihan ko rin po siya mamaya.”

“Thank you,” sabi ko.

Medyo nanakit pa ang mga paa ko dahil inabot din ng sampong minuto ang paglalakad namin bago kami makarating sa may mga bahay na.

Ugh! I don’t like the smell. Amoy basura ang paligid.

“Wow, pare! Ang swerte natin ngayong araw, a!”

I glanced at the man who spoke. He was sitting on the side of the road with two other men.

When he stood up and walked towards me, I suddenly felt nervous.

“Miss, sino ba ang sadya mo rito sa amin? Ako ba?” tanong nito at ngumisi.

Nagtawanan naman ang dalawang kasama nito.

I stopped as he blocked my way, though I was scared and not interested in paying attention to him.

“Can you get out of my way?”

“Wow, pare! Espokening dalar. Mabango pa.”

“Eww! Stop it!” nandidiring saad ko nang lumapit ito sa akin at inamoy ako.

“Maarte lang, pare,” sabi nang isang lalaki at naglakad na rin palapit sa akin.

“Mga pare, huwag n’yo naman bastusin ang bisita ko.”

Napatingin ako sa binatilyong kasama ko nang magsalita ito.

“Hoy, Kalo! Huwag kang mangialam dito! Mangalakal ka na lang doon. Buwisit na batang ’to!”

“Ouch! Don’t touch me,” mariing sabi ko nang hawakan ako ng isang lalaki sa braso ko.

Oh, God! Really? My car’s tire got flat, I walked for a few minutes, then now, here I am nababastos na naman just like what happened last night in the bar.

Que horror!

“Saluhan mo na muna kami rito, miss.”

“Turuan mo na rin kaming magsalita ng inglis.”

“Oo nga, miss.”

Nagtawanan na naman ang mga ito. Habang ako naman, pinipilit kong kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa braso ko. Binabalot na rin nang labis na takot ang puso ko.

Damn. Kung bakit kasi nagpunta pa ako rito nang mag-isa?

“Asyong, gagawa ka na naman ng gulo!”

I looked behind the man in front of me when I heard the familiar voice. I frowned when I saw the man standing a few steps away from me and the two men next to me.

Wait. Is that him? The man who saved me last night? I mean, I didn’t quite see the face of the man who helped me last night, but his voice...

“Makikisali ka na naman, Midas!”

“Ikaw lang naman ang nag-uumpisa ng gulo rito sa atin, Midas, e!”

“Hindi ako mag-uumpisa ng gulo kung hindi kayo mambabastos ng taong dayo rito sa atin.”

Oh, shit!

Mabuti na lang at dumating ang lalaking ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status