Share

1

Napangiwi ako agad nang maramdaman ang kakaibang sakit sa aking ibaba. Holy frigging cocktail! 

Mabilis akong bumalikwas ng higa, sapo ko ang aking noo habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi. 

I made love with a stranger?! 

Hindi ito ang kwarto ko and this is also not a dream! I'm in someone's house. I'm in someone's room! 

Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto. This is too big for a single person, queen size ang kama nito at may malaking salamin sa gilid nun. Pwede pa ata akong mag bisikleta sa loob ng silid na ito dahil sa sobrang laki! 

Sunod kong tinignan ang aking damit. How come I didn't notice that this is not my dress anymore. Isang oversized white shirt lang ang suot ko, hindi na rin ito ang underwear ko. 

Sinubukan kong tumayo pero agad ding humawak sa kutson nang maramdaman ulit ang sakit. 

Fuck, grabeng sakit naman niyan! 

I immediately sat on the bed when the door opened, niluwa nun ang isang batang lalaki. Mahaba ang buhok nito na tinali na at naka tirintas pa, he is smiling at me. 

Ngumiti rin ako ng tipid sa kanya, hindi ko alam kung naging ngiwi ba 'yon o ano. I don't want to throw my bitchy attitude at him. Bata pa ang isang 'to. 

"Hello." He said in some good accent.

Tumango ako, "H-Hi.." 

"This is the first time daddy brought a girl here." Ngiti niya, nilagay ang dalawang kamay sa likod. 

My eyes widened. "D-Daddy?" 

Tumango ang batang lalaki sa akin, bago pa ako makapagsalita ng mura ay may bumukas ulit ang pintuan. 

Niluwa noon ang isang lalaki. He's wearing a business suit. The man is fixing his tie while looking at me. 

Ito yung crush ni Xerxes, the David Beckham look a like! And why does he looks much hotter now? 

"Liberan, would you excuse us for a moment?" The man said in a low baritone. 

"Oh okay, dad!" Nagmadali ang batang lalaki na Liberan ata ang pangalan. 

Hindi pa rin ako makapaniwala, I lost my virginity to a married man! At may anak pa ito? Kinagat ko ang aking mga daliri dahil sa tensyon. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay Xerxes? 

At paano kung maissue pa ito? Fuck I am so fucking doomed! 

Sinarado ng lalaki ang pintuan at nilingon ako, He's fixing his cuffs without leaving my eyes. Sumandal ito sa tukador malapit sa kanya. 

"How are you feeling?" Tanong niya sa akin. 

"Hindi ko alam na may asawa ka." Iyon agad ang nasabi ko. 

Nakita ko ang pagtaas niya ng kilay, itinukod niya ang magkabilang kamay sa tukador ng kanyang salamin. 

"I have a wife?" He playfully asked. 

Gusto kong takpan ang kanyang mukha! How can this married man be so handsome?! At kung kasal na ito ilan taon na kaya siya? 

"You have a son, huwag mo nga akong niloloko!" I exclaimed, "And please don't make this an issue! Kayang kaya kong sabihin na naglagay ka ng drug sa inumin ko kaya may nangyari sa atin!" 

Nakita ko ang isang maliit na na ngisi sa kanyang labi. "Okay, I am scared." 

At may gana pa talaga siyang magloko? Hindi ba siya natatakot sa mga pagbabanta ko? 

"Aalis na ako, mister." Taas noo kong sabi, tumayo ako at pinuntahan ang pintuan nang bigla nanaman siyang magsalita. 

"Aalis ka ng ganyan ang suot mo?" 

Napapikit ako habang mahigpit na hinawakan ang doorknob. What Adira? Hindi ka pwedeng lumingon sa lalaking yan! Pag ginawa mo 'yon, talo ka. 

Pero anong gagawin ko? Well, I could easily book a  taxi right now. Hindi naman siguro ako mapapansin nila Dad at Mom, pero saan ako cocontact? Naiwanan ko ang aking purse sa table namin ni Xerxes kagabi. 

Bullshit naman! 

Sa huli ay nanaig ang pride ko sa akin, hindi ko pinansin ang sinabi ng lalaking 'yon at lumabas ng pintuan. 

"Oh my gosh!" Isang babaeng naka black dress ang bumulagta sa akin, mukhang kaka-akyat lang ito ng hagdan at nagulat sa nakita. "Who are you!?" 

Napaawang ang labi ko pero saglit lang iyon, tinaasan ko siya ng kilay. "I am Adira Celestine Gotesco, excuse me." 

Lumakad ako diretsyo sa babae at nilagpasan siya, pero bago pa ako maka hakbang pababa ng hagdan ay nahawakan na niya agad ang pulso ko. 

"Sino ka? Bakit ka nasa kwarto na 'yon?!" 

Sasagutin ko na sana ang isang 'to nang lumabas ang lalaki sa kwarto. 

"Let her go Coleen." Ani ng lalaki at tinignan iyong babae. 

Wait, what if... this is his wife? Shit! I'm double dead! Huwag mong sabihin na mag-aaway ang mag-asawang 'to? Tapos sasabunutan ako ng asawa niya? At makikita ng anak nila tapos maghihiwalay sila? 

Lagot ako sa pamilya ko nito!

Then I will be the headline in the news!

Adira Celestine Gotesco the family wrecker. 

"Kuya? Ano ito? Babae mo? Bakit ka naman nag-uwi ng babae sa bahay?!" Tinignan niya ako mula ulo pababa. "At bakit ganito ang hitsura niya?" 

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae at winaglit ang kamay ko sa kanya. Masama niya akong tinignan. 

Ang lalaking ito ay kapatid niya? Kung gayon ay nasaan ang asawa niya? 

"Lazarus!" Sigaw ng babaeng si Coleen. 

"She fainted, Coleen." Matamang sabi ng lalaki. 

The woman named Coleen stomped her foot and she walks out. Tila pagod na iyon sa mga eksplanasyon ng kanyang kapatid. 

Tinignan lang siya nito habang umaalis habang ako ay kating-kati nang makaalis sa mansyon na 'to! 

"A-Aalis na ko.." Inirapan ko siya at bumaba ng hagdan, hindi pa ako lubusang nakakababa ay nagsalita nanaman ulit ito. 

"Stay there. Tumawag na ako ng taxi para sayo. Nasa tabi lang din ng couch ang isang paper bag, that's your dress." 

Hindi ko siya pinansin at bumaba na nang tuluyan. Naabutan ko pa ang anak niya na kumakain ng sandwich, ngumiti ito sa akin. 

What? 

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nakita ko at kaswal na dinampot ang paperbag na sinasabi ni Lazarus. 

May isang lalaking naka itim na uniporme ang nagbukas sa isang malaking pinto, he looks very professional. Anong trabaho kaya nito? 

Sa labas ay kita ko na ang sinasabi ni Lazarus na sasakyan. Mabilis akong sumakay roon. 

Sinabi ko sa driver kung saan niya ako ibababa. Hindi na pala ako sa bahay tutuloy, diretsyo na ko sa condo. Ayokong makarinig ng mga pasaring sa pamilya ko. 

Hindi pa rin ako maka move on! I am not a virgin anymore! Akala ko pa naman ay walang sabit ang lalaking 'yon. 

Nang makarating na kami sa condo ay mabilis akog nagpaalam sa driver. 

"Wait lang Kuya, kunin ko lang yung pera sa taas-" 

"Ay hindi na po, Ma'am. Bayad na po ni sir Fortalejo 'to. Maraming salamat po." 

Kumunot ang noo ko pero dahan dahan ding tumango at pinanuod ang sasakyan na umaalis. Fortalejo? His name is Lazarus Fortalejo? Bakit napaka pamilyar sa akin nang apelyido na 'yon? 

Pumasok ako sa building. Everyone's looking at me and I don't give a damn care. Tignan niyo lang ako ng tignan, maglaway kayo sa akin. Wala akong pake. 

Nang makarating na ako sa aking kwarto ay nakita ko agad na nakabukas ito. Malamang nandito si Xerxes. 

Siya lang naman ang may duplicate ng susi sa condo ko. 

Hindi nga ako nagkamali, my bestfriend's look makes me want to kill her now! Siya ang may kagagawan nito! 

"Oh my god... Kaya pala.." She said slowly

"Manahimik ka Xerxes Medina ha? Kasalanan mo 'to!" Padabog kong binato ang paper bag at naupo sa couch. 

Humalakhak ang kaibigan ko, pinatay niya ang TV at humarap na sa akin. "Ang sabi ko lang, kilalanin mo. Kinama mo na agad, e!" 

"That man has a son! He's married, Xerxes!" Sigaw ko at napasandal na lang sa couch. 

Nanlaki ang mga mata ni Xerxes at pinuntahan ako para tabihan. "Totoo? God. Baka maging... issue 'to?" 

I bit my lowerlip, iyon na nga ang kanina ko pang iniisip. 

"Ano bang pangalan niya? Sana naman alam mo 'no?" 

Muli kong inisip ang pangalan niya. Ang sabi ng babae ay si Lazarus daw ito, well, iyon nga ang pangalan niyang sinabi ss akin kagabi. Napailing nalang ako nang maalala ang nangyari kagabi. 

Mag focus ka nga, Adira! 

Tapos sabi ng driver ay...

"He's Lazarus Fortalejo." Sabi ko kay Xerxes. 

Kinuha niya ang kanyang phone at nagtipa doon. 

"That man is probably in his early 30s. Hindi naman siya mukhang matanda." I concluded. 

Maya-maya ay narinig ko ang pagsinghap ni Xerxes, nilingon ko siya. 

Nakatingin ito sa screen ng kanyang phone at mukhang gulat na gulat. 

"H-He's not in his early 30s, Adira." Tumingin sa akin si Xerxes. 

"Eh ano? Mid 30s?" Kasi hindi nga siya mukhang matanda. 

Tinapat sa akin ni Xerxes ang kanyang phone at namilog ang mata ko sa aking nakita. 

He is fucking 45 years old?! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status