Share

3

Nanliit ang mata ko sa kanya, marahan kong tinulak si Lazarus. How dare him? He has a son yet he is here flirting with someone else? 

Napakagago. 

I admit that he is a good looking man, okay? Pero hindi ko alam na dahil alam pala ng isang tao ang kanyang panlabas ng anyo ay gagamitin niya iyong paraan upang makakuha ng iba pa. 

Plus he is a married man? What the hell right?! 

"Get out of my way." I harshly said. 

Sinubukan kong alisin ang sarili ko sa mga taong nag sasayawan, Lazarus seems shocked, I don't care. At bakit niya kailangang magulat? 

"Adira." Tawag niya sa pangalan ko. 

"Pwede ba, Lazarus? What happened between us was nothing! Huwag mong sabihin na hindi mo 'yon makalimutan?" I hissed at him. 

Nag-igting ang panga nito, hindi ko na muli siyang tinignan at tuluyan nang lumayo para hanapin ang halos patay na sa lasing na si Xerxes. 

"Xexe!" Inagaw ko siya sa lalaking kasayaw niya, "Tara na." Mabilis kong sabi. 

Xerxes is still unwary of what is happening. Ang kasayaw naman niya ay ngumisi lang sa akin. This is Lazarus' friend right? Maaaring nasa nearly 40s na rin ang isang 'to. 

Hinigit ko si Xerxes palabas ng Uniquecorn, hindi ko na muling nakita si Lazarus. Maybe he is dancing again with some other cheap girls, right? 

"Adira???" Ani Xerxes, tila wala pa rin ito sa katinuan. "Anong nangyayari?" 

Hindi ko pinansin ang kanyang tanong. That's what you get from drinking too much! Masyado ka kasing excited uminom ng wala pa ako! 

Hinila ko si Xerxes patungo sa kotse ko, hanggang dito sa labas ay rinig ko pa rin ang maingay na tunog sa loob. 

"Adira naman, you're such a killjoy!" She almost moan. 

Umiling na lang ako. Akmang papatunugin ko na ang makina ng sasakyan ko nang biglang buksan ni Xerxes ang sasakyan. 

"What the actual cocktail, Xexe?!" Sigaw ko. 

Lumabas ito ng sasakyan, nagulat ako nang bigla itong sumuka. 

"Xerxes!" Madali akong lumabas ng sasakyan at dinaluhan ang kaibigan ko. 

She's still vomiting everything, kulang nalang ay pati intestines niya ay isuka nitong babaeng 'to.

"Ew, girl. You're gross!" I said with full of disgust! Hinawakan ko ang buhok nito upang hindi mahawaan sa mga suka niya. 

"Shut up, Adeaaara" Tumayo ito saglit at tumingala. "God, this is a fucking nightmare!" 

"Do you have any tissue?" I asked her. 

Umiling si Xerxes sa akin.

"Oh, hawakan mo muna yang buhok mo. And please, isuka mo na lahat dito. Ayokong magpalinis ng sasakyan bukas." 

Agad kong binigay kay Xerxes ang buhok niya at tinignan ang drawer ng sasakyan ko. Wet wipes lang ang meron ako. Mabilis ko iyong binato kay Xerxes. 

"Bakit ba kasi uminom ka agad ng marami ha? Ano? Hindi makapaghintay?" Anong oras pa lang ay lasing na!

Kinuha ni Xerxes ang binigay ko at pinunasan ang kanyang bibig. "Bakit kasi hindi mo pinaalis agad si Tito Valdemar? Nakipag kwentuhan ka pa ata!" 

"He wants me to marry Simoun Marasigan, okay? Ni hindi ko nga alam ang pangalan non!" Reklamo ko, I know that I'm already 29 and I should get married soon pero ayoko naman sa hindi ko kakilala!

Nagtaas ng kilay si Xerxes. Tinapon niya sa malapit na basurahan ang lalagyanan ng wet wipes ko. 

"Don't tell me you're stil hoping?" She mocked. 

I raised my middle finger at her. Alam kong ginagago niya ako sa aking Ex. Wala na akong pakialam don, okay? 

"Tara na nga! Dinala mo naman yung pouch ko diba?" Ani Xerxes, pasakay na siya sa sasakyan ko. 

I tiled my head. What pouch? 

Tila naintindihan naman ni Xerxes ang ginawa ko, nanlaki ang mata nito at pumunta sa akin para hampasin ang braso ko. 

"Ouch! Ano ba?" Bat ba nanghahampas 'to?

"Nandun ang credit cards ko!" Aniya at bilis na tumungo sa loob. 

"Kasalanan ko bang maoy ka? At who would thought of bringing their cards inside the bar?!" 

Nakakainis naman! Babalik pa kami doon? Kung saan nandun ang taong iniiwasan ko. 

Okay Adira Celestine, you don't need to go back! Pwede namang si Xerxes na lang! 

"Samahan mo nga ako!" Ani Xerxes.

Pinandilatan ko siya ng mata. "No effing way! Sayo 'yon! Ikaw kumuha non!" 

Kumunot ang noo nito at pumameywang. "I cannot understand you! A few minutes ago you were dragging me inside your car and you wanted so bad to leave! Ngayong babalikan ko ang gamit ko ay ayaw mo rin? Why, Adira?" 

Kinagat ko ang aking labi. Sometimes I don't like how inquisitive she is! 

Hindi ko na siya pinansin pa, umirap ako sa hangin at ako na mismo ang nauna papasok sa loob. Hindi ko alam kung nakasunod ba sa akin si Xerxes o hindi. 

Nasaan na ba kasi ang lintik na pouch na iyan?! 

Hindi ko na pinansin ang ibang mga kalalakihang gustong makipag-kilala sa akin. I know that I'm gorgeous, okay? Huwag niyo nang gawing obvious. 

Tinignan ko ang pwesto ni Xerxes. Aniya ay nandiyan daw siya kaninang nakaupo. 

"Hanapin mo!" Humalukipkip ako at tinaasan sya ng kilay. 

I like how my long and wavy hair is on my other side, I can feel the coldness touching my bare back. Hindi ko inaalintana iyon at hinintay na lang si Xerxes. 

Habang nagbibilang ako ng tupa sa pag-aantay sa kaibigan kong burara at dinidistract ko rin ang aking sarili sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang mag-inuman habang sumasayaw. 

I'm glad they still find ways to make themselves happy. Minsan kasi ay karamihan ng mga pilipino ay pinapatay sa trabaho. 

But then there's still many people out there who always do their best for them to eat three times  a day. Minsan ay hindi lang isang trabaho ang mayroon sila. Kung kailangan dalawa para maging sapat ang kita ay hindi nila iniinda ang pagod o hirap. 

That's why I'm thankful for my status. Kailangan ko na lang ingatan ang anumang binigay sa akin ng pamilya ko at palaguin iyon ng naayon sa akin. 

I was so lost with my thoughts when I saw a familiar built of a man. Napakurap-kurap pa ako. What the? 

Diretsyo ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung may tao ba sa likod o wala, halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang lalaking tinanggihan ang alok ko tatlong taon na ang nakakalipas. 

"Long time no see, Miss Gotesco." He said in a formal way. 

Lumunok ako saglit. Hindi ko hinayaang mawala ang poise ko, never with this man! 

"Are you with someone?" My ex-fiancé asked. 

I'm still not looking at him. Teka? May kumakausap ba sa akin? 

Narinig ko ang pagtikhim ni Xavier. It's so distinct that Xavier wants a long conversation with me. 

"Look Adira--" Lalapit palang si Xavier ay umatras na ako. 

"Excuse me?" Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang baba.

Ganoon pa rin ang hitsura niya. Hindi mo maiisipan na isa siyang manloloko, he is still fooling people with his innocent look! 

But I'm not affected anymore. Neknek niya! 

"Galit ka pa rin ba sa akin, Adira?" Tanong nito sa akin. 

Sa inis ko ay iniwan ko siya. Pupuntahan ko na sana si Xerxes na patuloy na hinahanap ang kanyang pouch nang hawakan ni Xavier ang braso ko. 

"What the hell, Xav?" Singhal ko, "What else do you want?" 

"I just want to talk to you." He pleaded. 

Galit kong inalis ang braso ko sa kanya pero sadyang napakahigpit ng hawak niya na iyon. "There's nothing to talk about! Ano ba... Let go!" 

Hindi pa din ako pinapakawalan ni Xavier, maya-maya ay may isang mainit na kamay ang humaplos sa bewang ko. Napasinghap ako doon at nilingon kung sino iyon. 

"Am I missing something?" Asked Lazarus, facing Xavier. Kitang kita ko ang dilim ng tingin niya dito. 

Bumaba ang tingin ni Xavier sa kamay ni Lazarus na namamahinga sa aking bewang. Naningkit saglit ang mata niya bago niya tinanggal ang pagkakahawak sa akin.

"Mr. Lazarus... Fortalejo." Ani Xavier. 

Tumango si Lazarus. "Who are you?" 

"I am Xavier... Boyfriend--" 

"My colleague." Putol ko sa sinabi ni Xav, agad namang kumunot ang noo nito sa akin. 

"I see." Tango ni Lazarus, "If you will excuse us, boy. Me and my date are having a good time." Aniya at inalis na ako sa sitwasyon na pinaka-ayaw ko.

Damn!  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status