Share

4

"There's a resort near the golf course but we're not going there, Mom!" 

'Tong nanay ko kung maka impake ng mga damit parang one way trip na ang gagawin! I only prepared my old clothes and shoes, hindi ko na kasi ito masyadong nasusuot. Maybe I'll have a bazaar this year. Ibebenta ko lahat ng damit kong luma na. 

It will only cost 2k-5k, swerte na nila, huh! Karamihan dito ay nabili ko na tig 10k! 

"Elfrida, darling.. Si Adira ang kailangang mag impake ng marami at hindi tayo." Hinawakan ni Tatay ang balikat ni Nanay.

"Why not?" Ani Mom at nagtaas ng kilay. 

"Simoun will be there, they need time to know each other.." 

Wow huh? Kung i topic ako nitong Tatay ko ay parang wala ako sa harapan niya? Umirap ako sa hangin at namili sa Make-up ko. 

Ano ba ang maganda? Nude or hindi? Sinilip ko ang sarili sa salamin at tinignan ang features ko. Light make up will do, for my lips? Mas maganda ang kulay na Matte fiery sunset, para lalong madepina ang kapal ng aking labi. 

"Magkaka-asawa na si Adira!" Pumalakpak si Nanay. 

"Nay!" Saway ko, "Hindi, okay? Pinilit lang ako nila Lola! Kala mo kasi, tatanda akong dalaga!" 

"You are already old, hija." Mom said and she smiled, "It's time for you to settle down." 

Akala ko pa naman magiging kakampi ko ang aking ina sa ganitong sitwasyon hindi rin pala. Pinabayaan ko na lang ang mga tukso nila sa akin. My parents can be very annoying sometimes. 

SUV nila Tatay ang gamit namin, we have a long time driver named Kuya Joshua, he's already 35 years old at may dalawa ng anak. Akala ko sa biyahe ay matatahimik ang buhay ko pero panay daldalan nila Dad at Kuya Josh. My mom is silently sleeping beside me, kaya siguro nakipagkwentuhan nalang si Tatay. 

"Kailan ka ba nag-asawa?" Asked Tatay. 

"Noong bente syete, sir. Pinikot ko na si Misis. Pakiramdam ko naghahabol na ako ng edad, e. Kailangan ko na ng pamilya.." 

"Tama! Maganda 'yong may inuuwian ka ng mga pasalubong, diba?" Sang-ayon ni Tatay at bumaling sa akin. 

I raised a brow at naglagay na lang ng earphones para hindi ko marinig ang mga pang-gurang nilang kwentuhan. Oh how will I imagine my life later?! Full of old people talking about their ancestors and such! 

Grr! Mama should pay me for entertaining one of my suitors! Sa dami daming gusto akong ka date ay itong Simoun Marasigan lang ang mabibigyan ko ng special participation. 

Don't get me wrong, okay? Hindi talaga ako nag-eentertain ng mga manliligaw. Bahala sila diyan at pumuti ang mata kakahintay!

Pagbaba ko palang ng kotse ay sinuot ko agad ang wayfarers ko. I'm only wearing high waist shorts and black polo shirt na may lalaking nakasakay sa kabayo na nakatatak sa gilid, isang sapatos na itim na may check sa gilid din ang pinares ko sa aking damit. 

"You're too flashy, anak! Bakit ka nag rolex?" Siko sa akin ni Nanay. 

"Mom naman! Ito na nga lang pinakamura sa mga relos ko!" 

"Pati pag tawag mo sakin, ang sosyal na." Iiling iling niya sa akin. 

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, nawala siya bigla sa aking paningin nang kuhanin siya ni Tatay. Eww, sweet couple. I hate clingy and possessive man! Nakakasakal! 

Nakita ko ang iilang mga artista na nagogolf, some are drinking water while sweating. Ang ibang kakilala sa industriya ay kinawayan ako. 

"Magandang hapon, Mr and Mrs. Gotesco!" Bati sa amin ng may-ari nitong golf course na si Don Juan Miguel Consolacion "Kasama niyo pala ang inyong Unica Hija!" 

Ngumiti  ako bilang pagbati, huwag muna kayo mag chikahan pwede? Give us some shady corner and you can all continue to talk about your past! 

Sumunod lang kami kay Don Miguel, di kalayuan ay may isang malaking cottage doon. Bumulagta sa amin ang iilang kasosyo ni Tatay sa negosyo. I spotted Simoun Marasigan laughing and talking. 

Ano kaya ang pambobolang sinabi nito kay Mama at gusto niya ako ipakasal sa hampas lupa na ito? 

"Simoun! Son!" Isang malalim na sigaw ang kumuha ng atensyon ko.

Nilingon ni Simoun ang kanyang ama, mabilis itong pumunta sa direksyon namin. 

"Greet the Gotescos!" Ani Mr. Marasigan, 

Agad na tumango si Simoun sa mga magulang ko at nakipagkamay. Nang mapunta siya sa akin ay kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. 

I smiled... A fake one. 

"Huuuu! Magkaka-apo na ata ako!" 

Naghalakhakan ang mga gurang. Nakisabay na rin si Simoun at ginala ko nalang ang paningin ko sa lugar. 

"Go on, get to know! We will not disturb the both of you!" Ani Mr. Marasigan sa amin at pinagtulakan kami. 

Si Don Miguel ay ngumingiti lang sa gilid. 

Naramdaman ko ang paghawak ni Simoun sa aking baywang. Tinignan niya ako at ngumiti siya, ganoon din ako. 

"Let's go inside the cottage?" Tanong niya sa akin. 

Tumango ako. 

Malaki ang cottage. Hindi siya karaniwang maliit lang na nirerentahan mo tuwing mag swi-swimming ka, may pataas iyon kung saan pwede ka magsmoke at magpahangin, tabi siya ng isang punong malaki. 

Lumayo sila Tatay to talk about their business matter. Maybe they are discussing about the expansion. Isa pa, ang alam ko ay magpapatayo din daw ng bagong kompanya si Mama sa bandang Tagaytay. 

Wala akong alam sa mga plano ng pamilya ko sa negosyo namin. Kuntento na ako sa trabaho ko at ayoko nang makisipsip pa. 

"I'm glad you came.." Ngiti sa akin ni Simoun, 

"Kailangan daw, e." Nagkibit balikat ako. 

Mukhang hindi naman tinablan si Simoun sa una kong pambabara. 

"Atleast you will get to see the beautiful view of  this park.." pagmamalaki pa nito sa akin. 

I'm not interested, dude. 

"Saan ka nag high school?" Siya ang nag umpisang nagtanong. 

Ngumisi ako, "Diyan lang.." 

Tumango tango si Simoun at natawa ng pagak. Oh? Hate my attitude? Kung talagang deserving kang maging asawa ko ay dapat kinakaya mo na ang ugali ko ngayon! 

"You're witty, Adira.." I saw a glimpse of lust in his eyes. Kaming dalawa lang dito at alam ko na ang iniisip ng isang 'to. 

I'ved kissed boys but it doesn't mean I'm an easy girl. At isa pa, hinding hindi ako papatol sa lalaking 'to... 

I have high standards. 

Pinasingkit ko ang mata ko at ginala ang paningin sa buong golf course. Mukhang maganda ang pamamalakad ni Don Juan Miguel dito, ha? Halatang inaalagaan ang lugar. 

"Do you have any idea about the expansion of your family's company?" Nadinig kong tanong ni Simoun sa tabi ko. 

"I don't know.. Sila lang ang may alam nun at hindi ako.." 

"But you were in that meeting, Adira. Don't tell me hindi mo napakinggan?" 

Nilingon ko siya at saka ko nginitian. "Hindi ako nakinig.." 

A bit of shocked was written all over his face. Maybe he didn't expect that answer?

"Mukhang masyado kang matayog, Celestine." 

Nangilabot ako nang banggitin niya ang aking palayaw. Kunot noo akong lumingon sa kanya at nakita kong nakayuko lang siya at nakangisi.. 

"Excuse me, Mr. Marasigan? Anong tinawag mo sa akin?" 

"Alam ko na parehas nating ayaw ito. Pero ito ang gusto ng Lola mo, ako ang pinakiusapan kaya bakit ka nagtataray tarayan diyan?" Iritado niyang sinabi sa akin.

Kitang kita ko ang tonong pagpipigil sa kanyang boses. Hindi ako nagpatinag. 

"Si Mama lang ang may gusto nito, hindi ako. And please? Be thankful dahil sa dami nang nagkakandarapa sa akin ay ikaw ang kinakausap ko!" 

Simoun laughed. "No Adira, you should be the one who needs to be thankful. Kailangan ako ng pamilya mo para manatili ang pangalan niyo sa itaas." 

Tinaasan ko siya ng kilay, I gritted my teeth. Ang kapal ng mukha? "The last time that I checked, kayo na ang malapit lumubog at hindi kami." 

I winked at him. Akmang lalayasan ko na ang unggoy na 'to nang mahigpit niya akong hinawakan sa palapulsuhan. 

"What the fuck? Bitawan mo nga ako?" Singhal ko sa kanya.

"Ang arte arte mo! Come on, Adira. I'm your only hope! You need to get a husband and I'm your last card!" 

"I don't need a fucking husband! Kung ikaw din naman, wag na lang!" 

Lalong sumiklab ang namuong galit sa mukha ni Simoun at buong lakas akong hinigit, napatayo siya at inilapit ang sarili sa akin.

"Aarte arte ka pa, bibigay ka din naman sa akin?" 

Fuck! He sounds like a maniac! 

"Excuse me, is there something wrong here?" 

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang pagpapasalamat ko nang marinig ang boses na 'yon. Siya yung taong kung pwede lang dumaan sa kabilang kanto ay gagawin ko wag lang siyang makita pero hindi ko inaasahan na ang pagdating niya sa sitwasyon na ito ay ikatutuwa ko. 

Nilingon ko si Lazarus na nakapamulsa at mariing tinitignan si Simoun, sa hawak ni Simoun sakin. 

Binitawan ni Simoun ang pala pulsuhan ko at madaling humarap kay Lazarus. 

"M-Mr. Fortalejo, N-Nice to see you here.." 

Aba? Naging mabait na tupa? 

Tumango si Lazarus. "Valdemar invited me and I'm already late for the meeting.." 

"N-Nasa.. kabilang villa sila Mr. Gotesco, Sir."  

Saglit akong sinulyapan ni Lazarus sa likod ni Simoun, "Good afternoon, Miss Gotesco."

"Good afternoon, Sir.." Binigyang diin ko ang huling salita. 

"My fiancée, Mr. Fortalejo." Hinapit ni Simoun ang baywang ko. Nagbaba ng tingin si Lazarus doon, "Meet Adira Celestine Gotesco." 

"I know her." Baritonong wika niya, "I believed Miss Gotesco wants to escort me to her father?" 

What? Ginawa talaga akong chaperone?! Aalma sana ako nang mapagtantong pag ginawa ko 'yon ay makakaalis na ako kay Simoun! 

Biglang umepal ang isang 'to at naglahad ng kamay kay Lazarus. 

"I can lead you to them, Sir.." Ani Simoun, 

"I want her to escort me." Ani Lazarus at tinignan si Simoun mula ulo hanggang paa bago ngumiti, "Don't worry, son. I'll take care of your fiancée." Aniya at tinignan ako, tinaasan ko lang siya ng kilay.

Tumango si Simoun bilang pagpayag, ako na ang naunang lumabas sa cottage, sumunod sa akin si Lazarus at naiwang nakatunganga doon si Simoun. 

Why is he here again, by the way? Gaano ba sila ka close ng Ama ko at kailangan lagi siyang nakabuntot? At bakit sa dinami-dami ng kaibigan ni Tatay ay ngayon ko lang nakitang active 'tong si Lazarus sa pagpunta-punta ng meeting? 

"Fiancée, huh?" I heard his teasing voice behind. 

"Hindi totoo 'yon. He is just day dreaming." Sabi ko nang hindi siya nililingon. 

"So you prefer him over me?" 

Gusto kong matawa sa tinanong ng isang 'to. Di porket gwapo ka ay gusto na kitang mapangasawa! 

"No, Laz. I prefer no one." 

I heard his small manly chuckle. Hindi ko alam kung saan natuwa 'yon. 

"Really? Napag-isipan mo na ba ang offer ko sayo?" Napahinto ako nang maramdaman ang init ng palad niya sa baywang ko. 

"Offer?" Kunyari ay hindi ko alam. Shit! Bakit ang bilis nanaman ng tibok nitong pasaway kong puso? 

"To be your husband." He whispered sensually. 

Ayoko magpa-apekto! Inis kong inalis ang kamay niya sa akin. "Get in the line, Lazarus. Marami ang nangangarap! Huwag kang sumingit!" 

"Pang-ilan ba ako sa linya na yan kung ganoon?" 

"Pang One hundred Seventy two!" 

Nakakairita! Bakit kung makipag-usap siya sa akin ay parang laging nang-iinsulto? 

Plano ko na sanang takbuhan si Lazarus! Bahala ka diyan! Maligaw ka! Nang bigla niya akong hinapit sa baywang. 

I gasped when I felt him behind me. 

"I'm the first in line, Adira.." Mahinahon niyang sabi.. 

"Y-You're not.. Hindi ikaw ang u-una.." 

A small laugh escaped from him. "Ako. Ang. Nauna." 

Lumalim ang hininga ko nang naramdaman ko ang pag halik niya sa aking punong tainga. Fuck! 

With all my might, I pushed him away. 

"Lazarus! We can't do it here!" Marami kaming kakilala dito!

Uminit ang pisngi ko nang bigla siyang humalakhak.

"Silly! Of course we will not do that! I don't want them to see your tired face while begging for my kiss, baby." 

What?! Nauna na si Lazarus sa paglalakad at iniwan akong halos murahin siya.

Fuck you, Fortalejo! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status