Share

Chapter 4 Road to Chaos

Harper's POV

Matapos kong mag-ayos ng aking sarili ay lumabas na ako sa aking kuwarto dito sa condo. Napalingon naman sa aking direksyon si Luna na may nanlalaking mga mata. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Oh my gosh! Is that really you?!" hindi makapaniwalang sambit niya. Napatakip naman ako sa aking tenga dahil sa malakas at matinis na kanyang boses.

"Shit, can you lower your voice," angal ko pero tinawanan lamang niya ako. Umikot-ikot siya habang ako'y pinagmamasdan niya. Napairap ako sa kanyang ginagawa at para akong mahihilo.

"Tumigil ka na! Ako ang nahihilo sa ginagawa mo!" angil ko. Napahinto siya sa aking harapan sabay hawak sa chin nito.

"Hmm, hindi na masama. Kahit na sino ang makakita sayo ay mapagkakamalan kang isang lalake," sabi niya. Umalis ako sa kanyang harapan at tumungo sa tapat ng TV. In-open ko ito at nanood ng cartoon. Gusto ko sanang ilipat sa horror movie pero bubungangaan lang ako ng kasama ko.

"Isa na lang ang kulang," patuloy pa rin niyang pagsasalita habang ako ay naka-concentrate na sa aking pinapanood. Umupo siya sa aking tabi.

"Here, you need this." Lumipat ang aking tingin sa kanyang hawak.

"It's a voice changer. Hindi naman pupwedeng nakabalatkayo ka bilang isang lalake na ganyan ang boses mo," paliwanag niya. Kinuha ko sa kanya ang sinasabi niyang magpapabago ng boses ko kapag ako'y nagsalita. Inilagay ko ito sa loob ng neck line ng aking damit. No need to ask a question about how to use this voice changer? Matagal ko na itong ginagamit kaya gamay ko na.

"Wala man lang bang thank you diyan?" tanong niya.

"You can leave now," tugon ko ng may boses na panlalake. I like the voice tone.

"Gosh! Nakakapang-init ka talaga ng ulo!" galit niyang sabi at pabagsak na tumayo. Hindi ko na siya nilingon pa dahil alam kong namumula na naman ang kanyang mukha.

"Sige aalis na ako! Ayan, sayo na iyang voice changer na 'yan! Hmph! Makaalis na nga!" Papadyak siyang lumapit sa pinto.

"Prfft, take care!" sigaw ko. Napailing-iling ako dahil sa inasal niya. Mukha yatang masisiraan ng bait ang babaeng iyon kapag kasama ako. Paano pa kaya kapag ako ang parati niyang kasama?

Napababa ako ng tingin sa isang may kalakihang box na iniwan ni Luna at pagtingin ko ay puno ito ng mga voice changer. Kahit pa man na ganoon ang trato ko sa kanya bilang kaibigan ay hindi pa rin niya matiis na ako'y tulungan niya.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Ipinikit ang aking mga mata at pinilit na ako'y makatulog pero parang ayaw bumigay ng mga ito. Alas dos na ng madaling araw pero hindi ko pa rin ramdam ang pagkaantok. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama. Naglakad patungo sa salamin at aking pinagmasdan ang repleksyon ko.

Kung hindi ako makatulog ngayon ay lalabas na muna ako para maglakadlakad at magpahangin. Maglilibot ako sa hindi pamilyadong lugar. Pinasadya ko talagang maghanap ng hindi ganoong ka sikat na condominium hindi tulad ng sa mga mayayaman. Kahit na simple lamang itong condo na meron ako ay makakaya ko pa rin itong pagtiisan.

Lumapit na ako papunta sa pinto ng aking condo at lumabas. Naglakad ako papunta sa receptionist sa lobby at nagtanong kung saan ang pinakamalapit na convenience store na twenty four hours ay bukas. Balak kong bumili ng mga pagkain para sa stocks ko. Nang masagot niya ang aking katanungan lumabas na ako para hanapin ang sinabi niyang convenience store na nasa kabila daw ng eskinitang katapat ng building aking tinutuluyan. Napailing-iling ako ng ako'y nakaalis sa harapan ng receiptionist. Paano ba naman, nagagawa pa niyang magpa-cute at may nalalaman pa siyang pa-lip bite. As if naman na papatulan ko siya. Tsk, hindi kami talo.

Nag tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad kahit na ba medyo madilim na itong nilalakaran ko. May mga iilang mga tao rin. Pero habang palayo ako ng palayo ay wala na akong makita kahit ni isang tao. Nasaan na ako? Tama pa ba itong nilalakaran ko?

Mas mabuti pang bumalik na muna ako sa condo kaysa sa tuluyan akong maligaw. Ako'y tatalikod na nang biglang makarinig ako ng putok ng isang baril. Agad naman akong naging alerto sa aking paligid. Saan galing ang putok na iyon? Gusto kong ihakbang ang aking mga paa para makaalis na pero parang may pumipigil sa akin. What the hell wrong with me?

Bahala na, tutuloy na lang ako sa paglalakad para mahanap ko na ang buwisit na convenience store na tinutukoy ng nakausap ko. Nakakailang hakbang palang ako nang may marinig muli ako but this time ay boses na ng isang tao.

"Nagmamakaawa ako, huwag niyo akong patayin!" nagmamakaawang boses ng isang lalake at ilang saglit pa ay nakarinig muli ako ng putok ng baril. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa gilid ng daan ng eskinitang ito nanggagaling ang boses na aking naririnig. Hindi na ako nagdalawang isip pang sundan ang direksyon na iyon. Tsk, sadyang napakakulit ng pagkatao ko.

Kinailangan ko pang gamitin ang flashlight ng aking cellphone para maging malinaw sa akin ang aking dinadaan dahil talagang madalim na ang parteng ito. Mabilis pa sa kidlat na pinatay ko ang flashlight nang may makita akong grupo ng mga kalalakihan. Palihim akong nagtago sa gilid at madilim na parte.

"Ano pa ba ang gusto niyo?! Bakit hindi niyo pa ako patayin tulad ng ginagawa niyo sa kasamahan ko!"

"Not yet old man."

Malinaw kong nakikita ang matandang lalake na ngayon ay nakaluhod sa harapan ng limang mga lalake. Mulat na mulat ang aking mga mata na nakatingin sa ibang mga lalakeng nakahandusay na at mukhang hindi na humihinga. Tanging ang matandang nakaluhod lamang ang natitira maging ang limang lalake na nakatayo.

"Ano, bro? Bakit mo pa ba pinapatagal?" tanong ng isang lalake sa kasamahan nitong nasa unahan nila na sa tingin ko ay siyang pinuno nila. Sa tinagaltagal ay ngayon na lamang ako makakakita ng ganito.

"Answer my fucking question, old man. Sino ang nag-utos sa inyo na sundan kami?!" singhal ng kanilang pinuno. Pero kaysa sa sagutin siya ng matanda ay tumawa lang ito.

"Ano ako tanga?! Hahaha, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa ipagkanulo ang pinuno namin!" tawang-tawang sagot ng matanda. Tsk, nagagawa pa niyang tumawa sa ganiyang sitwasyon na nasa harapan na niya ang kamatayan. Bakit ba ako nagsasayang ng oras sa panonood sa kanila? Mabuti pa't umalis na ako. Siya pa ang oras na magugugol ko sa paghahanap ng store. Sa paghakbang ko patalikod ng aking paa ay hindi ko inaasahan na may magagalaw akong isang bagay na nagdulot ng isang ingay.

"Shit," mahinang ani ko. Napatingin ako sa direksyon ng mga lalake at lahat sila'y sa akin nang nakatingin. What the hell did I do?

"Hey! Sinong nandiyan?!"

"Damn! Kunin niyo siya!"

Halos sabihin ko na lahat ng mga mura sa aking isip dahil sa katangahang ginagawa ko. Agad na akong tumakbo nang mabilis nang sila'y agad na pumunta sa aking kinaroroonan. Mas lalo ko lamang binilisan ang takbo hanggat sa aking makakaya. Pero nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman kong may tumama sa aking paa na naging dahilan nang pagkabagsak ko.

No! Not this time! sigaw ko sa aking isip. Pinilit kong tumayo pero napasigaw ako sa sakit nang may tumapak sa aking paa kung saan natamaan ako ng baril.

"You can't escape us." Huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status