Share

Chapter 5 She met them again

Harper's POV

"Sa tingin mo, kasamahan din ba nito ng mga lalakeng iyon?"

"Anong klaseng tanong 'yan. Kasamahan man siya ng mga lalakeng iyon o hindi, hindi pa rin maaaring pakawalan."

"Tama, tayo ang malalagot kay Dude kung tinangka nating pakawalan 'yan."

"Kung ganoon ang malas niya."

Rinig ko ang ibat ibang boses sa aking paligid pero nanatili pa rin akong nakapikit. Ramdam ko ang pananakit sa aking paa kung saan ako tinamaan ng baril. Damn, ito ang napapala ko dahil sa pangingielam ko.

"Ano bang balak gawin ni Bro sa lalakeng 'yan?"

"Ano pa ba? Sa libing ang punta niyan."

Patuloy pa rin sila sa kanilang pag-uusap at sa tingin ko ay tatlo sila. The hell, kailangan kong makawala bago pa maging katapusan na ng buhay ko pero hindi ko hahayaan na gawin nila sa akin iyon. Hindi lang ako makawala dahil sa higpit ng pagkakagapos sa aking mga kamay at paa. Idagdag pa ang tama ng baril na nagpapahina sa akin. Wala na akong ibang maisip na ibang paraan para makawala. Kung kinakailangan ay ipaliwanag sa kanila na hindi ko kasamahan ang tinutukoy nilang mga lalake ay gagawin ko pero wala pa ring kasiguraduhan na papakawalan nila akong buhay.

"Oh, tingnan niyo gumalaw siya!"

Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang tatlong lalake na sa akin nakatingin. Seryoso akong tinititigan ng dalawa habang ang isang kasamahn nilang nakasalamin ay nakangiti lamang sa direksyon ko.

"Nasaan ako?" patay malisya kong tanong na boses lalake. Kailangan kong ipakita sa kanila na nagkamali lamang sila ng hinala.

"Nasaan ka? Nasa teritoryo ka ng mga demonyo," sagot sa akin ng lalakeng nakangiti. Jeez, hindi ko inaasahan ang lalim ng boses niya. Sa ngiti niyang 'yan hindi ko akalain na makatindig balahibo ang kanyang boses.

Tumikhim ang isa sa kanila.

"Dideretsahin na kita, sino ka? Isa ka ba sa kanila?" tanong nito. Pero kaysa sa sagutin siya ay napahawak ako sa aking paa na nababalutan ng bandage.

"Answer his fucking question if you wouldn't want to die."

Napadako ang aking tingin sa pinto at doon ay pumasok ang dalawang lalake. Lumapit sila sa aking direksyon habang ang kanina'y nagsalita ay may hawak na baril. Wait, parang pamilyar ang pagmumukha ng lalakeng iyon at pati ang mga apat na ito. Nakita ko na ba sila o nagkakamali lang ako?

Itinutok ng lalake ang hawak niyang baril sa akin. "I'll count to three at kung wala kang balak magsalita, sabog ang bungo mo."

Naalala ko na. Sa bar...sa bar ko sila nakita. The man now pointing a gun at me was the same man I had approached at the bar and if I'm not mistaken the one next to him was the one who gave me the coat that day. Urgh! Kapag minamalas nga naman, maglalandas pa pala ang landas namin.

"One..."

Shit, what do I do now? Para akong tinakasan ng sarili kong boses.

"Two..."

Haay! Bahala na. Ayaw ko namang matapos ang buhay ko nang ganoon kadali. Okay, Harper, inhale...exhale.

"Three—"

"Aaaah!" I suddenly shouted out loudly causing them to cover their own ears.

"Damn it!"

"Aaaah! Wala akong ginawang masama sa inyo! Pero nagawa niyo akong barilin! Anong klase kayong nilalang!" Sinadya kong patinisin ang aking boses na mas lalo nilang ikinataranta. Ang lalake na kanina'y nakahawak ng baril ay masama na ngayong nakatingin habang nakatakip ang tenga.

"Shut up your mouth! Damn it!" singhal nito pero nagpatuloy lamang ako.

"Papatayin niyo ako tulad ng ginawa niyo sa kanila! Paano na lang ang balak kong maging pari?! Masisikmura niyo bang patayin ang tulad kong inosente! Isa Kayong kampon ni—"

"I said shut up your freaking mouth!"

Agad akong napahinto sa aking pagsigaw nang magpaputok ito ng baril. Dahan-dahan akong napalingon sa aking gilid at sa pader na aking sinasandagan ay may bakas na ng putok ng baril. Shit, muntikan na ako doon ah.

"What? Aren't you still going to stop?" he says. I stared at him badly.

"Ang sakit sa tenga. Nakalunok ka ba ng speaker?" said the man with gray hair.

"Whoa, what kind of voice do you have?" the brown-haired man asked.

"Katapusan na sana ng buhay mo pero sumablay si boss," sabi ng lalakeng nakasalamin, ang kanina pa'y nakangiti. Nais pa sana nitong magsalita pero masama siyang dinapuan ng tingin ng sinasabi nilang boss nila.

"Hoy lalake! Kahit na anong sabihin mo hindi na mababago pa na nakita mo ang mukha namin," sabi ng kanilang pinuno na siyang may hawak ng baril.

"A-ano? Ganito niyo na ba tratuhin ang mga inosenteng tulad ko. Hindi pa ba sapat itong nagawa niyo sa akin at gusto niyo pa akong patayin. Gusto ko lang sabihin, ang gusto niyong patayin ngayon ay isa ng ulila. Napakasakit sa akin ang mawalan ng mga magulang na mag-aalalay sa akin. Aaminin kong ayaw ko pang sumunod sa hukay nila pero ito na yata ang magiging katapusan ko. Kung iyan talaga ang nais niyo, mas mabuti pang patayin niyo na ako," ani ko habang may pa-effect pang lumuluha ako. What the hell, halos gusto ko ng tumawa dahil sa mga kabaliwang pinagsasabi ko. May nalalaman pa akong inosente akong tao which is not true. Mukha naman umiepekto sa kanila ang pag-aarte ko. Ang galing ko nga naman. Papasa na ba ako maging artista? Prfft...nagagawa ko pang tumawa sa aking isip kahit sa ganitong sitwasyon ko.

"Bro, I think we need to talk about this." Sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag nang sabihin iyon ng lalakeng siyang nagbigay sa akin ng coat niya. Ang pinuno naman nila ay hindi maalis sa akin ang sama ng kanyang tingin na para bang pinapatay na ako nito sa kanyang isip. Tsk, wala akong ginawang masama sa kanya at saka siya nga itong may atraso sa akin.

"Keep an eye on him. Don't let him go until I tell you to," utos nito sa kasamahan niya. Lumabas na siya sa kuwartong ito kasama ang lalakeng kasabay niya rin sa pagpasok. Kailangan pa ba nilang pag-usapan kung anong gagawin nila sa akin. Bakit hindi na lang nila ako pakawalan?

Ikinaatras ko naman nang lumapit sa akin ang tatlo.

"Masakit pa ba ang sugat mo?" sabay nilang tanong sa akin. Napangisi ako sa aking isip. Mukhang tinamaan ng konsensya ang mga mokong. Ang dali lang naman pala nilang lokohin. Sa itsura kong ito na akala nila'y isa akong lalake ay kakaawan din pala nila ako. Paano na lang kaya kung malaman nilang isa akong babae?

Napasinghot ako. "Oo, ang sakit. Hindi na yata matutupad pa ang kagustuhan kong maging pari." I sobbed as I said that. Pero ang totoo ay hindi naman ganoon kasakit para sa akin ang tama ng baril dahil natanggal na ang bala.

"Ah...eh...hindi ka mamatay. Natanggal naman na ang bala sa tama mo kaya huwag kang masyadong mag-alala," pagpapatahan sa akin ng lalakeng kulay brown ang buhok. Nalaman lang na balak kong magpari ay hindi na sila magkaundagaga. Sino namang hindi mapapakali kung malalaman mong ang binaril mo ay may hangarin pa lang maging isang pari?

"Tanggalin mo na kaya ang pagkakagapos sa kanya," utos ng lalakeng may buhok na gray sa lalakeng nakasalaming.

"Anong ako? Ayaw kong malintikan kay boss. Ikaw na lang, Finn?

"Huh? Huwag niyo akong idamay."

Nagtuturuan sila kung sinong may gustong pakawalan ako sa pagkakagapos. Kanina lang ay napakaseryoso ng mga mukha nila na animo’y papatay pero ngayon para silang mga bata na nagtuturuan. Bakit ba ang tagal ng dalawang iyon? Ganoon ba kahirap para pakawalan nila ako? Gusto ko ng makaalis sa lugar na ito!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status