Share

Chapter 2 The Dark Past

Harper's POV

"Mabuti't naisipan mo pang umuwi." Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng mansyon ay boses agad ni Dad ang sumalubong sa akin. Ano pa bang aasahan ko? Sasalubungin niya ako ng isang yakap? The hell, maging sa panaginip ay wala.

"Oh, sweat heart, you're here!" I turned my gaze to a woman who spoke, my Mom. I just looked blankly at her. She gave me a tight hug as if she hadn't seen me in a long time.

"Let go of me," I whispered to her causing her to be disappointed with my behavior. She broke away from hugging me and smiled.

"Kumain ka na ba? Gusto mo ipaghanda—"

"Talagang inuubos mo ang pasensya ko, Harper," pagpuputol ni Dad sa sasabihin ni Mom. Napangiti naman ako sa aking isip. Kahit kailan talaga ay hindi niya magawang kausapin ako ng maayos. Maging ang magpanggap ay hindi niya magawa. Kung sa bagay ay ganoon din naman ako sa kanya.

"Honey, hayaan mo munang makapagpahinga ang anak natin," Mom said but Dad didn't seem to hear anything.

"Ayaw ko nang patagalin pa ang gusto kong sabihin sa kanya," maawtoridad na sabi ni Dad. Tsk, ang akala ko ba si Mom ang may gustong makausap ako. Tama nga ang hinala ko. Ano na naman bang kawalang kwenta niyang sasabihin?

"Sa ayaw o gusto mo, ipapakasal ka namin sa anak ng kaibigan ng Mommy mo." Saglitan akong napahinto sa agad niyang sinabi. I laughed sarcastically because of what he said. Is he joking?

"Tell me...are you joking?" I showed him how funny what he said. He's just kidding me, isn't he?

"No, kailan ba ako nagpatawa. Kung ito lang ang paraan para tumino ka, gagawin ko." Dahil sa kanyang sinabi ay nawala ang nakakaloko kong ngiti sa labi. Tumingin ako kay Mom na nasa aking tabi pero umiwas lang siya ng tingin at bahagyang humigpit ang pagkakapit niya sa aking braso. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahas na inalis sa pagkakahawak sa akin. Lumayo ako sa kanilang dalawa at tiningnan sila nang may galit sa aking mukha.

"Harper—"

"You're unbelievable. Halos kontrolin niyo na ang buhay ko, and then this, gusto niyo akong ipakasal!" galit kong bulyaw sa aking ama. Habang ang aking ina ay hindi magawang makapagsalita upang ako ay ipagtanggol niya. Lahat na lang nang gusto ni Dad ay pinapaburan niya.

"Huwag mo akong sasagutin ng ganyan! Alam mo kung anong maaari kong gawin sa iyo!" my father said angrily.

Napangisi ako. "Hindi niyo na kailangan pang ipaalala sa akin. Kahit kailan hindi na ako umaasa pang magbabago kayo dahil nilamon na kayo ng kayamanan niyo." Kung pagbantaan niya ako ay para akong kung sino lang sa kanya.

"Wala ka ng magagawa. Hindi na mababago ang desisyon ko kahit pa man anong sabihin mo," he still insisted. Saglitan akong napapikit at tiningnan siya nang may pagkatamlay ang aking mga mata. Magiging matagal lang ang pag-uusap namin kung kokontrahin ko pa siya. Gusto ko na munang makapagpahinga dahil magpahanggang ngayon ay medyo masakit pa rin ang aking ulo. Idadag pa ang panibagong problema na ibinigay nila sa akin.

"Fine, I don't want to argue with you. Ako rin naman ang talo sa huli. Maging masaya sana kayo." Naglakad na ako papunta sa aking silid at iniwan silang dalawa. Nakakasakal, iyon ang nararamdaman ko ngayon o araw-araw na nandito ako. Ang inaakala kong magiging masaya ako sa pamilyang kinalakihan ko dahil lahat ng nais ko ay agad kong nakukuha pero huli ko na napagtanto na isang malaking pagkakamali pala ang mabilang sa pamilyang ito. Ang aking ina na inaasahan kong magiging kakampi ko at tutulungan ako mula sa mga desisyon ng aking ama na labag sa aking kalooban na gawin ay hindi magawang ipagtanggol bilang isa niyang anak.

Pabagsak akong humiga sa aking kama at ibinuhos ang aking galit sa pamamagitan ng pagsigaw. Kahit na magsisigaw ako dito ay wala ni sino man ang makakarinig sa akin sa labas dahil soundproof ang kuwarto ko. Napakaluwang ng kuwartong meron ako ngunit pakiramdam ko ay nasisikipan pa rin ako. Dahil iyon sa hindi magandang salubong sa akin ng mga taong nandito. Tila isang impeyerno para sa akin ang lugar na ito. Puno ng madilim na alaala.

Tumagilid ako ng higa at may kinuhang isang picture frame sa katabing table ng aking kama. Tinitigan ko nang maigi ang maamong mukha ng isang babae na nasa litrato. Halos sampung taon na ang nakakalipas magmula noong nakasama ko pa ang nakatatanda kong kapatid and now I'm already 20 years old. Magpahanggang ngayon ay mahirap pa rin sa akin ang tanggapin na wala na ang pinakamamahal kong ate. Siya lamang ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Mula noong nabubuhay pa siya ay parati na lamang abala ang mga magulang namin sa kanya-kanya nilang trabaho. Na halos hindi na nila kami magawang hawakan. Mabuti na lang ay parating nasa tabi ko si ate Kylie para ibsan ang lungkot na aking nararamdaman. Kaya unti-unti kong naranasan ang saya kahit pa man abala ang mga magulang namin. Limang taon ang tanda niya sa akin pero nagagawa pa niyang makipagsabayan sa akin upang makipaglaro. Masaya ako noong araw na nabubuhay pa siya. Siya lang ay sapat na, ngunit, nagbago ang lahat. Biglang nabuwag ang saya sa akin. Hindi ko lubos akalain na magiging bangungot para sa akin ang araw ng kanyang pagkawala.

Third Person POV

TEN YEARS AGO

"Yaya, kailan po ba babalik si ate?" tanong ng batang si Harper sa kanyang Yaya.

"Nako, hindi ko din alam eh," sagot nito sa kanya. Napasimangot si Harper at unti-unting tumulo ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Halos magdadalawang linggo na rin ang nakakalipas nang hindi niya nakikita ang kanyang ate. Ang akala nito ay nagbakasyon lamang ito dahil iyon ang sinabi ng mga magulang niya. Ngunit wala siyang kaalam-alam na ang ate na akala niya'y nagbakasyon lamang ay nawawala na pala. Inilihim sa kanya ito ng mga magulang niya at walang balak na sabihin ang totoo.

Hanggang sa sumapit ang panibagong araw ay nabuhayan siya ng loob nang malamang nakabalik na ang ate niya. Dali-dali siyang pumaroon sa silid tulugan ng kanyang ate. Hindi na siya nag-abala pang kumatok at diretso lamang pumasok sa loob. Bumungad sa kanya ang nakatatandang kapatid na nakaupo sa wheel chair habang ito ay nakatingin sa labas ng bintana. Ipinagtaka ni Harper ang kanyang nakikita kung bakit ito nakaupo sa isang wheel chair? May nangyari bang hindi niya alam? Samot-saring katanungan ang pumasok sa isip niya ngunit kaysa sa mabahala ay hindi na muna niya ito pinagtuuanan ng pansin. Ang mahalaga ay nakauwi na ang hinihintay niyang ate. Kaya hindi na niya napigilan pang tumakbo sa direksyon nito at niyakap ng may pagkahigpit. Naramdaman pa niya ang bahagyang pagkagulat ni Kylie dahilan para siya ay mapangiti.

"Ate, na miss po kita!" masayang sabi ni Harper nang hindi tumitingin dito. Inaasahan na niyang sasabihin din nito na miss siya rin nito pero wala siyang nakuhang sagot mula sa kanyang ate. Kaya siya ay napatingala sa mukha nito pero hindi niya inaasahan ang makikita niya. Agad siyang napahiwalay sa pagkakayap at takot na tiningnan ang nakakatakot na mukha ni Kylie.

"A—ate?" Halos manlamig ang buong katawan ni Harper dahil sa nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Malaki ang naging pagbabago ng itsura nito. May mahabang sugat ito sa kaliwang pisngi at ito'y nakatahi. Ang puti sa mga mata nito ay mamula-mula na. Ang dating mapupulang labi ng kanyang ate ay nangitim na.

"Ate, anong nangyari?" Napahikbi si Harper dahil sa hindi siya makapaniwalang nakikita niya ngayon si Kylie sa ganitong sitwasyon. Nagulat na lamang siya nang biglang hawakan ang braso niya nang pagkahigpithigpit na nagpadagdag sa takot niya.

"Ate, nasasaktan ako." Pinilit niyang makawala sa pagkakahawak nito pero hindi niya magawa bagkus ay mas lalo lamang itong humigpit.

"Sino ka?! Nasaan ako?! Bakit ako nandito?!" Halos magwala na ang ate niya.

"Ako po si Harper, ate—"

"Demonya ka! Pakawalan mo ako!" sigaw nito sa kanya habang siya ay hawak-hawak nito.

"Papatayin kita!" Ayaw nang magpapigil ng nakatatandang kapatid at para itong sinaniban ng kung ano. Nakaramdam siya ng kirot sa braso niya dahil sa medyo pagbaon ng mga kuko nito. Hindi na rin niya napigilan pang hindi maiyak at nakikiusap na bitawan na siya. Ngunit kahit na anong gawin niya ay para na itong baliw na ayaw magpapigil. Tanging nagagawa lamang ni Harper ay ang humagulhol ng iyak. Mas lalo lamang niyang ikinagulat ng bigla siyang sakalin na ikinanlaki ng kanyang mga mata.

"Argh, a—ate," nahihirapan niyang sabi. Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling lumapit sa kanila ang mga magulang nila. Lumapit ang ama kay Harper at tinulungan itong makawala.

"Kylie, don't do this to your sister!" pagmamakaawa ng ina sa anak.

"Papatayin ko kayong lahat!" tanging nasabi ni Kylie. Hindi nagtagal ay agad nang naalis ang pagkakasakal ni Kylie sa kapatid.

Hinahabol naman ni Harper ang kanyang hininga habang hindi nito maalis ang tingin sa ate niya. Patuloy pa rin siyang umiiyak at napansin na lamang niyang dumudugo ang kanyang braso.

Hindi naman magkaundagaga ang mga magulang niya habang pinipigilan si Kylie. Napatingin siya sa Yaya nitong kakapasok lamang at may inabot sa ama niya na isang syringe. Pero bago pa ito maiturok sa ate niya ay pinigilan na ito ng kanyang ina.

"Arthur, huwag mo itong gawin sa anak natin," pakikiusap ng ina. Nagtitigan pa ang dalawa bago ipinagpatuloy na iturok sa anak ang hawak na syringe. Umiwas ng tingin ang ina sa ginawa ng kanyang asawa dahil hindi nito kayang tanggapin na kailangan nila itong gawin para matapos na ang paghihirap ng kanilang anak na si Kylie. Mga limang segundo pa lamang ang tinagal nang maiturok ang syringe kay Kylie na may lamang gamot na magwawakas sa kanyang huhay ay para na itong nakukuryente hanggang sa tuluyan na itong nanghina at nawalan ng buhay.

Dilat na dilat ang mga mata ni Harper habang nakatingin sa direksyon ng kanyang kapatid na ngayon ay hindi na humihinga.

"Dad, Mom, anong nangyari kay ate? A-anong ginawa niyo sa kanya?" humihikbing tanong ni Harper sa mga magulang.

"Yaya, dalhin mo siya sa kuwarto niya," utos ng ama niya. Lumapit kay Harper ang may katandaang Yaya niya sa kanya. Ngunit agad siyang tumakbo sa direksyon ni Kylie at tangka na niya itong yayakapin pero pinigilan na siya ng ama niyang lumapit.

"Ano ba?! Sinabi kong kunin mo siya!" galit na sigaw ng ama.

"Pa—paumanhin," tugon ng yaya at saka niya hinawakan si Harper. Ngunit sadyang desidido si Harper na lumapit sa kanyang kapatid. Nahihirapan na rin ang kanyang Yaya upang siya'y pigilan.

"Hindi! Sagutin niyo na muna ako! Anong ginawa niyo kay Ate?!" Tila ayaw magpapigil ni Harper. Ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang nangyari. Sa kabilang banda, hindi na nakapagpigil ang ama at lumabas ng silid.

"Ate! Ate, gumising ka!"

Awang-awa ang ina ni Harper sa nakikita at para bang pinapatay siya ng sakit ng kanyang nararamdaman. Gusto niyang yakapin ang anak ngunit wala na siyang sapat na lakas upang gawin iyon. Hindi nagtagal ay nakabalik na rin ang ama ni Harper na may dala muling isang syringe. Napailing-iling ang ina nang makita ito.

"No!" sigaw niya sa asawa ngunit hindi nito napigilan ang balak. Huli na upang makagawa siya ng aksyon nang iturok na ito sa anak dahilan para mawalan ng malay si Harper.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status