Share

Final Chapter

Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy. 

Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.

Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.

“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status