Share

I Want You Back (TAGALOG)
I Want You Back (TAGALOG)
Author: Zam

PROLOGUE

ROB

Natanaw ko mula sa malayo si Enna at tila malungkot ito at balisang-balisa. Sa gitna ng napaka-raming tao ay nagawa ko pang makikipag-siksikan para lang makalapit sa kanya.

Nang papalapit na ako sa kanya ay nararamdaman kong kumabog ng napakalakas ang puso ko. Kinakabahan ako sa maaaring maging reaksyon niya.

Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya, ngunit pagod na ako. Pagod na pagod na akong makipag-plastikan. Lagi kong sinasabi sa kanila na okay ako, pero ang totoo ay hindi ako okay.

Masakit para sa'kin na makitang masaya ang taong mahal mo sa iba, sa loob ng dalawang taon ay nag-hiwalay kami. Aminin kong nadala ako sa haka-haka at kasinungalingan sa iba.

Ngayon, nagsisisi ako.

"En," I softly called her at napatingala naman siya nang makita niya ako. Nakikita kong namumuo ang mga luha sa mga mata niya, "You're so pretty tonight."

"R-Rob?" hindi mapaniwalang tanong niya.

Napayuko naman ako, "C-Can we talk? We can go outside para makapag-usap tayo ng maayos."

Tumango naman siya bilang tugon at nagsimula naman kaming maglakad palabas ng hall.

Nang masiguro ko naman na tahimik na ang lugar ay doon na ako nagsimulang magsalita, "I'm sorry, Enna. I am truly sorry about everything."

Napa-iling naman siya at hinawakan ang mga kamay ko, "No, Rob. You don't have to say sorry. Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo. Kung hindi lang dahil sa pride ko, hindi na sana tayo umabot sa ganito."

"I'm sorry about how I treated you, Enna," I said and smiled, "I guess that I was hurt that time. But now, you're free. You're free to love someone, even if that's not me. Okay lang sa'kin 'yun. I promise, hindi ko kayo guguluhin."

"Rob," naging basag na ang boses niya at nakita kong nagsi-patak na ang mga luha niya, "you don't have to do this."

"I have to do this, En. I'm sorry kung naging bitter ako sa pagitan niyo ni Aries. Kahit kasi na wala na tayo ay umaasa pa rin ako na balang araw ay pwede pa — pwede pang mabalik ang nakaraan. Mahal na mahal pa rin kita, Ardienna. Hinding-hindi magbabago 'yun," napahinga ako ng malalim, "Oo, nagbago nga ako. Naging gago ako sa harapan mo — sa harapan niyong lahat dahil sobra akong nasaktan."

"Mahal na mahal din kita, Robespierre," Enna held my face and looks up into my eyes, "Always and forever."

I forced a smile, "What about Aries?"

"Ayan ka na naman, e! Mag-kaibigan lang kami ni Aries, hanggang d'yan lang."

Napapikit naman ako ng mga mata, "No. Aries likes you and you deserve him, not me," I slowly lets go of her hands, "Bumalik ka na sa kanya, I'm sure that he is looking for you."

Napa-iling naman siya, "You don't get it, don't you? I want you back, Rob. Noon, natakot akong umamin at makipag-balikan dahil takot na takot ako na baka ay hindi mo na ako mahal o kundi may iba ka ng nagugustuhan. I want you back ..."

ENNA

There are other times that I feel like he still loves me, but sometimes I ever doubt his feelings and gestures towards me.

Naghiwalay na kami ni Rob for how many months, but I still love him.

I regretted the night I broke up with him nang dahil lang sa gusto kong makahanap ng peace of mind.

I know that Rob is too famous sa school, even cheerleaders have a big crush on him. I'm lucky to have him as my boyfriend, but I threw it all away.

Right now, I want him back. But, ang tanong ... gusto niya pa ba? What if, ayaw niya na pala sa'kin?

But, how will I know if I will not try and take a risk?

A philosopher once said, "everything is a risk."

"HUY! Enna!" nagulantang ako nang bigla akong alugin ni Chia, "Tulala ka na naman d'yan!"

"Ha? M-May sinasabi ka ba?" napatanong naman ako.

Umupo naman siya sa tabi ko, "Alam mo, ako ang naaawa sa inyong dalawa ni Rob e. Halata sa inyo na mahal niyo pa ang isa't-isa, bakit hindi nalang kayo mag-kabalikan?"

Napabuntong-hininga na lamang ako, "It's a long story and also, I need time. Need time to unwind from the past, Chi."

"Hays, sige na nga," she said, "pero yung totoo? Ano ba ang tunay mong nararamdaman? Mahal mo pa ba si Rob?"

I diverted my gaze at Rob who was at the front row together with Tim and Seth na masayang nag-ke-kwentuhan.

I looked back at Chia and smiled, "I love him, and I want him back."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status