ROB
Pumasok na kami sa aming silid-aralan sa first subject at naghanap ng bakanteng mga upuan kaso napaka-epal naman ni Seth at inunahan ako sa pag-upo sa tabi ni Enna.
Kita ko ring nag-apiran ang dalawa kaya wala akong choice kundi maupo sa ibang upuan pero dito nalang ako sa may likuran nila.
Hindi nagtagal ay pumasok rin naman ang kauna-unahang guro namin, "Welcome back to school, everyone! What a fresh start and no need na magpapakilala because mostly ay magkakilala na kayo and I believe that 'yung iba dito ay magka-classmates na before," sumagot naman din ang mga kaklase ko ng yes at kilala na rin naman namin ang guro kasi naging guro na namin siya last school year.
"Alam kong refresh na refresh na kayo noong Summer at dahil klase na, all of you know my rules. Firstly, no cellphones allowed in my class."
No cellphones! Ayokong matulad na naman last year. Lalakas ng trip naming magka-barkada, nagsi-text pero nasa tabi lang naman kami. Nahuli niya kami kaya isang linggong na confiscate ng instructor ang phones namin lahat.
"Three consecutive late is marked absent and so on ..."
Napatingin naman ako sa bintanang nasa tabi ko at wala na akong maintindihan sa mga sinabi ng instructor dahil hindi ko parin makakalimutan ang nangyari kanina.
Grabe! Parang dati lang talaga. Hinahawakan niya ang kamay ko at miss niya ako! May pag-asa pa kayang magkabalikan kami?
"Bro, tara na," napalingon ako sa gulat ng biglang bumulong si Tim sa tenga ko.
"Tae ka! Kabute ka ba, ha? Lagi mo nalang akong ginugulat!" singhal ko sa kanya.
Malakas na tawa naman ang sinagot sa'kin ni Tim. Sinamaan ko naman siya ng tingin at mabuti nalang at tumigil na rin siya, "Ayan! Kanina ka pa kasi tulala d'yan. Tingnan mo paligid mo, oh? Lumabas na lahat ng tao sa room."
Napalingon naman ako at nagulat ako nang kami nalang pala ni Tim ang taong naiwan sa classroom, "Asan na sila? Teka, ganun ba ako katagal sa pag-mu-muni-muni dito? Tapos na ba first period?"
"Oo, tapos na. Yun lang naman ang pinasok niya dito. Sa susunod na araw na siya magsimulang mag-discuss sa lessons," kinuha niya naman ang bag ko at kinaladkad na ako palabas ng classroom.
"Saan na ba tayo pupunta?"
"Wala pa atang klase next subject kaya sa tambayan na muna tayo," sagot naman sa'kin ni Tim, "Akalain mo 'yun, bro? Senior high na tayo ngayon. Goal ko lang talaga this year ay ang maka-graduate ako."
Napa-ngisi naman ako, "Lahat naman tayo ay gustong maka-graduate."
Tumingin naman siya sa'kin, "Tama. Ikaw ba, bro? Ano ang goal mo bukod sa grumaduate?"
I smirked at him with confidence, "I will take Enna back in my life. Ardienna Salve is mine."
"Owshi!" sigaw bigla ni Tim at nakipag-fist bump pa sa'kin, "Agree ako d'yan! Support lang kami sa inyong dalawa."
"Dapat lang talaga na support kayo sa'min. Team Pirena ata 'to!" napatawa naman kaming dalawa ni Tim.
Pirena, pinag-samang PIERRE at ENNA. Hindi ko maalala kung sino ang nagpapasimuno ng tawagan na 'yan pero naalala kong nagsimula 'yan dati nung Grade 7 palang kami.
Kami kasi ni Enna ang tipong aso't-pusa sa school dati pero sobrang close namin, hanggang sa I confessed my feelings for her noong nag-grade 8 na kami. After a year, sinagot niya ako first day na first day ng pag-grade 9 namin.
Now, Senior na kami — 12th grade. Malapit na sana kami mag-3 years kung hindi lang sana kami naghiwalay.
Anong petsa ba ngayon? Kinuha ko ang phone ko at pag-tingin ko ay ngayong araw pala dapat ang 3rd year anniversary namin ni Enna.
Napa-buntong hininga na lamang ako at binalik sa loob ng bag ang phone ko. Pumasok na rin kami sa room ng second subject namin.
Nakita kong nandoon na si Enna. How I wish na maibalik pa ang nakaraan.
ENNA
Sa kalagitnaan ng klase ay palagi akong nakasulyap sa inuupuan ni Rob. Hindi ako naka-tsansa na makatabi siya dahil naka-alphabetical ang arrangement.
Ang layo niya dahil sa O siya at S naman ako. Pero ayos lang dahil kitang-kita ko naman siya.
I know that this day should've been our 3rd anniversary and I regretted that I've made a huge mistake na hiwalayan siya.
I don't understand why I did that. Kahit ako mismo ay naguguluhan sa sarili ko. If ever na makikipagbalikan ako ay hindi ko alam kung mababalik ba namin ang dating PIRENA — ang dating kami.
Kinuha ko ang kwintas na ibinigay ni Rob na nakatago sa pitaka ko. Nakita ko lang ang kwintas na ito ay naiiyak na ako pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong ipakita ang kahinaan ko sa ibang tao.
Naging desisyon ko na hiwalayan siya kaya ayaw ko rin na ako ang mauna sa pagbitaw sa naging desisyon ko.
Sa totoo lang, mahal na mahal ko parin siya at gustong-gusto ko siyang balikan pero pakiramdam ko ay may malaking pader na namumuo sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay may nagbago na, hindi na niya ako mahal o baka may iba na siyang mahal ngayon na hindi niya masabi sa amin.
Ibinalik ko ang kwintas sa pitaka ko at lumingon ulit sa gawi niya. Nabigla na lamang ako na bigla siyang lumingon sa gawi ko at iniwasan ko nalang siya. Mabisto pa akong nakatitig sa kanya.
Sinulyapan ko siya ulit at nakita kong ngumisi siya at kumindat pa sakin.
SHIT! Baka naman bumigay agad ako. Bwiset talaga si Robespierre!
Mga ilang minuto lang din nakalipas ay natapos na din ang subject at nakita kong umalis na din si Rob sa inuupuan niya.
Naalala ko na naman noon na tuwing matapos ang klase o kapag lunch break na ay talagang sasabayan ako ni Rob. Siya ang taga buhat ng mga gamit ko papuntang locker room at sabay pupunta sa cafeteria para kumain ng lunch. Sobrang maalaga niya rin sa'kin, at 'yun ang hindi ko makakalimutan sa kanya.
Namimiss ko na talaga 'yun lalo na kapag may free time ay may isang mini-garden sa school at sa sobrang ganda ay literal na walang student na pumupunta don kasi siguro napakalayo sa mismong campus at parang natatabunan kaya hindi napapansin.
"Sana mabalik 'yun. Nakakamiss talaga," napasabi ako sa sarili ko nang palabas na ako nang nagulantang ako nang may lalaking biglang sumulpot sa harapan ko.
"Nagsasalita ka na naman ng mag-isa diyan," napatawa naman siya at kinuha 'yung bag ko, "Tara na nga at alam kong marami ka pang ilalagay sa locker mo."
Napangiti naman ako pero hindi ko iyon pinapahalata sa kanya, "Tangina mo, ginulat mo ako e!"
"Sorry naman kasi, En. Halika na nga," hinawakan niya ang kamay ko at nararamdaman kong tumitibok ng mabilis ang puso ko.
Nang makarating na kami ay binuksan ko na ang locker ko at si Rob naman na chismoso ay nakitingin lang din sa laman ng locker ko.
"Uy! Naalala ko 'to," kinuha niya naman ang picture na nakadikit sa locker ko. Most of the pictures inside my locker are pictures of me and Rob, hindi ko tinanggal 'yun.
"Ang ganda nito. I like this," turo niya naman sa picture namin nila Tim, Chia, at Rob. Nakunan ito nung first day of summer last grade 7. We hang out that time sa isang resort together with other friends.
"Ako rin. I love it," kaagad ko namang sinara ang locker ko at pumunta naman kami sa locker niya.
Hindi naman malayo ang locker niya. Actually, magkatabi lang locker naming dalawa.
Napatingin naman ako sa laman ng locker niya, "Oh. Ang plain naman ng locker mo," wala kasing mga stickers o kahit pictures man lang sa loob. Isang notebook at T-shirt lang ang laman.
"Sorry naman po, Ma'am Enna. Hindi kasi ako babae na mahilig mag-decorate ng kung anu-ano sa locker ko."
"Pinagka-isahan mo naman ako e. Mauna na nga ako," tumalikod naman ako at ngumiti ng pabiro. Ang cute talaga ni Rob kahit kailan.
"Seryoso ka ba? Biro lang naman yun," sabi niya pero hindi parin ako lumingon, "Uyyy," napabilis ang pagtibok ng puso ko nang hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.
Tiningnan ko naman siya, "Alam ko naman that I am not the girl who is wanted here."
"En, I always want you ..." seryosong sabi niya at ako naman napatulala. Parang feeling ko ay pulang-pula na ako lalo na sa sinabi niya. Nakita ko naman na mukhang nagulat siya sa sinabi niya, "Around. Alam mo yun? I always want you around ... Gets mo naman, di ba?"
Napatawa naman ako at kinurot ang pisngi niya, "Ang cute mo. Biro lang 'yun! Tara na nga at hinintay na nila tayo."
We're on our way sa cafeteria nang biglang may yumakap sa kanyang babae.
She's the one and only Dominique Samson, the head cheerleader. If I know ay may gusto siya kay Rob ever since 7th grade.
Take note! Everyone in this school — especially, cheerleaders had a huge crush on him.
Sorry to say, sa'kin nahulog ang one and only Robespierre Olivarez ko.
As to describe Dom, hindi naman siya kagandahan. Masyado rin ata siyang nag-babad sa beach dahil umitim siya, in my honest opinion.
"I missed you so much, Rob!"
Napatawa naman ng peke si Rob, "Hey, Dom. Kumusta?" bati pabalik ni Rob at napasulyap pa sakin si Rob. Alam ko na ayaw na ayaw ni Rob kay Dom kaya I don't worry too much.
Wala naman din sa'kin ang 'yan kasi alam kong super friendly and mabait si Rob. Kahit kaaway niya pa ay super bait talaga niya and I trust him.
"I am doing great. This summer ay nagpa-salon ako tapos naligo rin sa beach with family, and syempre hindi mawawala ang shopping. Grabe —"
"Ah, okay. Sige mauna na ako," pagputol ni Rob sa kanya.
Nakita kong biglang nawala ang mga saya sa mata ni Dom, "Okay. S-see you around, Rob."
Hinawakan naman ni Rob ang mga kamay ko and trust me, nakitang ko ang inis sa mga mukha ni Dom.
"Hayaan mo na 'yung Dom na 'yun. Napaka-clingy talaga noon simula grade seven pa," biglang pag-salita ni Rob
"Yeah, I know. Ayos lang 'yun," I responded and smiled at him.
Once we got inside the cafeteria, nakita namin ang barkada na may kasamang isang babae na tila transferee pa.
"Hi guys. May bago pala tayong kasama," napalingon naman ang lahat sa'min ni Rob.
"Andito na pala kayo!" sambit ni Tim at umusog pa siya para makaupo kaming dalawa, "This is Lycel nga pala, kaklase siya ni Chia sa Earth and Life Science and also a transferee," pinakilala sa amin ni Tim ang bagong salta sa squad, "Ly, ito naman ang best friend kong si Robespierre at ang bestfriend rin ni Chia na si Enna."
Napatingin naman ako sa kanya and I can say that maganda siya at mahiyain rin pero normal lang naman kasi transferee pa lang siya, "Hi, Lycel! It's nice to meet you."
Magsasalita pa sana siya nang nagulat nalang kami nang biglang may sumigaw sa likuran namin, "FORD!"
"Ano ba 'yan, Issa! Ang ingay ng bunganga mo!"
"Tse! Hindi ikaw ang kausap ko, Timothy!"
"Alam ko," napairap na lamang si Tim nang maalalang may bago pala kaming kaibigan na kasama namin, "Oo nga pala. May transferee pala dito and new member of the group na si Lycel. Say hi naman diyan."
"Hi."
Napa-iling na lamang ako nang 'yun lang talaga ang sinabi niya at bumaling na naman kay Ford.
The same-old and typical Issabelle. But in fairness, I can see that nag-bago na siya.
ENNAI can say that Issa changed! She never hangs out with everyone. Issabelle and Carseth had their own world before dahil nga sila ang elites na nakapasok sa school namin and they never wanted to stoop down to our level daw.Since 7th grade, Issa and I are enemies and rival na rin. Matalino si Issa, and I hate to brag but kaming dalawa ang always nasa top. Madalas ay top 1 ako palagi kaya ako ang kinaiinisan niya.Dumagdag pa 'yun noong 9th grade nang naging kami ni Robespierre, as Issa had a huge crush on him since elementary. Naging bitter siya and always plans to ruin our relationship.The last thing she did was to get and avert Rob's attention away from me and to his friends. Rob's attention was focused on her at that time. I kind of understand din kasi para sa pamilya at scholarship niya 'yun.Issa and Seth's dad offered Rob a full scholarship, dahil sa basketball skills niya. But, Issa took that advantage para nakawin oras ni Rob and napagod na ako sa alitan namin ni Issa. I j
ENNANapatango naman si Lycel sa amin ni Joanna, "Awww. I can see that bagay kayo ni Rob and I know that mahal na mahal niyo pa rin ang isa't-isa. Three years isn't a joke, right, Joanna?""Yes, indeed," sagot niya naman, "Mind you that everyone in this entire school is waiting for the two of them to come back."I just sighed as I looked at Rob, "Hindi ko alam kung gusto pa ako ni Rob. I mean, what if maulit na naman ang nangyari? Nakikita ko na parang pag-graduate ni Issa, pabida at umeksena na naman si Dominique." Joanna patted her hands on my shoulders, "Mahal na mahal ka ni Rob and I know that hindi ka ipagpapalit nun sa isang cheap na babae lang, you know Dom and also Rob's standards."Napatingin naman ako sa kanya, "Paano mo naman nalaman na mahal niya pa rin ako?""Kailan ka pa ba naging manhid, girl? Tignan mo nga siya oh," napatingin na naman ako kay Rob at kasabay non ay ang pagtama ng paningin namin. Ngumiti naman siya at kumindat pa sa'kin, "See? The way he looks at you i
ENNAI was busy freshing up my look, I even put some make-up on my face. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon, manonood lang naman ako ng soccer game inter-school.Nadatnan ko pa si mommy na pumasok sa kwarto ko at napatawa naman siya, "Anak, 'yung totoo nga? Sa laro ka ba pupunta o may ka-date ka?"Sinamaan ko naman ng tingin ang mommy ko, "Nakakainis ka talaga, mom! Sa game nga kasi kami pupunta pero syempre dapat presentable din ang pagmumukha ko, no."Napatawa naman siya ulit na tila hindi kumbinsido, "Sus ... alam ko na kung bakit nagpapaganda ka. Nagpapaganda ka kasi alam mong makakasama mo si Robespierre," sabi naman ni mommy, "Hay ... nakakamiss din ang batang 'yun.""Sana all, namiss!" singhal ko pero with respect naman. Ganito lang talaga kami ni mommy magkulitan at makipag-asaran. She is like my best friend. Well, indeed my very first best friend ever!"Susunduin ka ni Chia, di ba?" tanong ni mommy at tumango naman ako, "bakit hindi nalang si Rob?"Sinamaan ko na
ENNANgumiti nalang ako ng pilit sa kanya at bahagya pa nga akong napatingin sa katawan niyang topless pa, "Okay, if you say so. At saka, magsuot ka na nga ng T-shirt." "Bakit? Nakaka-distract ba ang mga abs ko?"OO! "Hindi naman. Baka lang kasi ay mahamugan ka. Pero ikaw bahala, hindi naman ako ang magkakasakit," sabi ko nalang.Tumango naman siya at ngumingiti pa rin, "Okay .. I understand. Magbibihis na ako but can I hug you first?"Napangiti naman ako ng patago pero kaagad na sumeryoso ang mukha ko nang humarap na ako sa kanya, "Mag-bihis ka muna. Tignan mo nga at may mga pinta ka pa sa katawan mo. Baka marumihan ako.""Hindi 'yan. Halika nga dito," at doon ay bigla niya akong niyakap.I don't know but it's just like the old times. I just silently count kung ilang seconds ang hug na yun dahil gusto kong malaman kung mas matagal ba ang hug na 'to kaysa kanina sa kanila ni Dom but it doesn't matter because the hug lasts long.Dahan-dahan ay kumalas naman siya at ngumiti, "Oh, diba?
ROBNapatawa naman ng malakas si Enna nang marinig ang kaisa-isang bagay na kinaaayawan ko sa Dominique na 'yun, "Sabi ko na nga ba! HAHAHHAA ano pakiramdam?""Hindi kaya nakakatawa! Nakakadiri 'yun kung sa'yo nangyari and that was my favorite shoes. Napaka-mahal ng sapatos na 'yun tapos susukahan lang ng babaeng 'yun?" "Hayaan mo na nga yan. Naiinis ako sa babaeng 'yan kasi may kinalat na naman tungkol sa atin. It's about the break-up, actually."Nanigas ako nun. We have never talked about our break-up ever, "A-Ano bang sinabi niya?""Sabi niya, nakipagbreak ka raw sakin kasi ayokong makipag-sex sayo kaya si Rhea daw yung kasama mo. Kaya nakakainis talaga eh, sarap tusok-tusokin!"Biglang kumulo ang dugo ko nang narinig ko yan. Talagang ako pa ang pinakita niyang masama? "Sinabi niya 'yan?""Unfortunately, yes pero hayaan mo na 'yun. Huwag mo nalang kausapin.""Kahit anong sabihin ni Dom sayo, don't believe and don't listen. Talagang magaling gumawa ng kwento 'yang Dom na yan. Kaya
ENNATiningnan niya naman ako, "I'm sorry at nasigawan ko pa kayo kanina. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin ngayon e. Sinabihan ko naman kasi kayo na ayo —"Agad kong nilagay ang index finger ko sa bibig niya para manahimik siya, "I know. I know that. They understand you.""Kasi naman paano ko sasabihin na magiging okay lang ang lolo ko kung hindi niya kakayanin ang sakit niya, di ba? Akala ko kasi —""Akala mo lang yun, Rob. Huwag ka ng mag-alala. Hindi ba sabi mo nga sa'kin ay okay na Lolo mo, di ba? Dapat happy ka na ngayon."Ngumiti naman siya at hinawakan ang mga kamay ko, "Can I ask you a favor, En?""Sure. Anything for you, Pierre." "Bibisitahin ko kasi si lolo sa hospital after school. Gusto ko sanang isama ka ngayon para naman ay makilala mo man lang si lolo. I know, hindi mo pa masyadong kilala ang lolo ko and he also wants to meet you. Pero ... kung ayaw mo naman, okay lang naman sa'kin."Tumango naman ako sa kanya, "Oo naman. Ikaw pa, a-ayawan ko?" ngumiti naman
ENNA"Kumusta na pala ang lolo niya?" tanong ni mommy"Kanina kasing madaling araw ay nag-cardiac arrest. Mabuti naman at okay na siya ngayon and parang lumakas nga lalo na nung nandun kami," sabi ko naman at kumuha ng baso at nagsalin ng tubig."Mabuti naman kung ganun at okay na ang lolo niya. Hindi ba close si Rob sa kanya?"I nodded, "Yeah, close nga siya don. Kaya I kind of understand kung bakit sobrang sakit sa kanya nang nasa hospital ang lolo niya.""Eh, kayo ba? Kailan ba kayo magkabalikan?" tanong naman niya.I looked at her and rolled my eyes, "Let's not try to get there, mom. Robespierre and I are happy sa kung ano mang meron kami ngayon.""Talaga?" she asked, seemed not convinced, "paano mo naman nasisigurong masaya si Rob sa sitwasyon niyo?"I just shrugged and thought that okay lang ba talaga? Can I live being just his friend? Kasi ang totoo, I want Rob back pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat.Mom sighed, "I am just warning you, anak. Kasi paano nalang
ROBPadabog akong pumasok sa locker room. Iniisip ko pa rin ang mga nakikita ko kanina. "Seriously? Si Ariestotle pa talaga? What the hell did she sees on Aries? Ang pangit pa naman nun!"Aries and I were friends because he's one of the basketball team at kilala naman siya bilang mabait and a gentleman. But, why? Aries, bakit si Enna pa? Akin lang si Ardienna Salve at wala ng iba.Okay. Robespierre, kumalma ka na.I took a deep breath at kaagad na kinuha ang mga gamit ko para makapag-handa sa klase.Naisip ko rin ang mga sinabi ni Dom sa'kin last week.I think that she is right. Pinapaasa lang talaga ako ni Enna. Sana man lang ay nakapaghanda ako sa revelation na ito.Kung mahal niya ako ay sana hindi siya makipagkaibigan sa Aries na yun. It really breaks my heart.I really think of this lately, but I think it's really not working. I distant myself kasi naisip ko na if she really do loves me ay siya na mismo ang lalapit sa'kin.Sa nakikita ko, parang wala naman siyang pakialam na ka