Share

3 - CHANGES

ENNA

I can say that Issa changed! She never hangs out with everyone. Issabelle and Carseth had their own world before dahil nga sila ang elites na nakapasok sa school namin and they never wanted to stoop down to our level daw.

Since 7th grade, Issa and I are enemies and rival na rin. Matalino si Issa, and I hate to brag but kaming dalawa ang always nasa top. Madalas ay top 1 ako palagi kaya ako ang kinaiinisan niya.

Dumagdag pa 'yun noong 9th grade nang naging kami ni Robespierre, as Issa had a huge crush on him since elementary. Naging bitter siya and always plans to ruin our relationship.

The last thing she did was to get and avert Rob's attention away from me and to his friends. Rob's attention was focused on her at that time. I kind of understand din kasi para sa pamilya at scholarship niya 'yun.

Issa and Seth's dad offered Rob a full scholarship, dahil sa basketball skills niya. But, Issa took that advantage para nakawin oras ni Rob and napagod na ako sa alitan namin ni Issa. I just wanted to have a peaceful school year, and I'm glad that she also finds her peace together with Ford.

"Baby! Did you baked some cookies same as the last time? Ang sarap-sarap kasi nung ginagawa mo last week." 

"Oo naman, babe! I made them just for you," binigay naman niya ang isang cellophane na puro cookies ang laman.

 

Napa-nga-nga naman si Tim nang makita ang lahat ng cookies sa isang cellophane, "Grabe, Issa! Sa'yo lang lahat 'yan? Pano naman kami? Ang dami-dami niyan oh! Mamigay ka naman!"

Nag-belat naman siya sa kanya, "Sila ang bibigyan ko, ikaw hindi."

Akala ko ay biro lang ni Issa 'yon pero nagulat kaming lahat na she actually shared her cookies with us.

Napatingin naman ako kay Rob and I saw that he smiled at me. Siguro nga ay nag-bago na talaga si Issa.

Humingi rin naman ng depensa si Issa sa mga pag-kakamaling nagawa niya sa aming lahat, noong Summer after the party.

Of course, we gave her a chance. Sino ba naman kami para hindi siya papatawarin? That goes for Seth, too. Wala namang problema kay Seth. He is also happy that he has new friends, sawa na rin daw siyang si Issa lang palagi nakakasama niya even before pa.

After our lunch break, we will be having our Physical Education classes at hindi ko alam kung sino sa barkada ang magiging kaklase ko sa subject na ito dahil paiba-iba ang time namin at sectioning.

Habang nag-aayos ako ng gamit ko sa locker ay dumeretso na ako sa PE hall at sa dressing room para magpalit ng PE uniform.

Napangiti ako kasi alam ko ngayon ay okay na kaming lahat kay Issa. Minsan ay hindi ko pa rin maiwasan na maging awkward kapag kasama ko siya kasi after all the years sa pag-aaral namin, simula pa noong grade seven ay hindi na talaga kami okay dalawa.

Lalo na noong naging kami ni Robespierre. Well, we all know that Issabelle had a big crush on him since elementary. She wasn't cool with it, not until she went overboard, but she realized her mistakes and the damage she caused us.

I sighed and I was about to go out of the dressing room when I heard several girls gossiping and the voice seems familiar.

"It's back to school, ladies. I can't believe na it will be a big new environment dahil wala na si Enna sa tabi niya!" nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang pangalan ko, "Well, duh? Mas bagay naman talaga na ang head ng cheerleader at ang team captain ng basketball team ang magkatuluyan." 

If I am not mistaken, it's Dominique and she is talking about us.

"Akala ko ay nag-kabalikan sila kasi nakita ko sila kanina sa hall before lunch and to be honest, the way they talk is still the same. Parang wala namang nag-babago."

"Yeah right! Nag-break up nga sila, but I see hindi sila affected sa nangyari. They still love each other."

"Oh, please," narinig ko pang napa-tawa si Dom, "I heard na si Rob na mismo ang nakipag-break sa kanya. It's because she wasn't satisfying his needs. I always knew that napakaselang tao niyang si Enna. Poor, Robespierre," napalaki ang mga mata ko sa narinig ko. 

Napakaselan? Wasn't satisfying his needs? 

"I don't think so, Dom. Si Enna kaya ang nakipag-break sa kanya dahil noong event nila nung summer ay palaging mag-kasama si Rob at Issa kaya nawalan ng oras si Rob sa kanila. Try ask Issa, sinabi niya pa nga mismo sa club niya at mahahalata mong nalulungkot at nasasaktan din siya sa nangyari sa dalawa." 

Naisip ko rin si Issa, alam kong nagsisisi talaga siya sa mga nagawa niya noon sa amin at lalong-lalo na sa akin.

"Hindi lang naman 'yun ang nangyayari sa kanila! Maybe because nagsawa lang talaga si Rob kay Enna since Issabelle is satisfying his needs! You know ... boys will be boys." 

Hindi ko na pinalagpas at lumabas ako sa dressing room, "Hoy, Dominique!" sigaw ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. 

Nagulat siya nang nakita ako at tila nanigas din ang mga kasama niyang cheerleader.

"That was an incredible story, Dom. Well, what kind of story was it? Bakit parang hindi ko o namin alam na nangyari pala 'yan? Mag-re-relay ka na nga lang ng balita, mali-mali pa," hindi siya nakapagsalita at pati ang mga kasamahan niyang cheerleader, "For your information, kung hindi mo lang alam ay ako ang nakipag-break sa kanya. Now, saan mo naman naririnig yang mga pinagsasabi mo? Napaka-selan? Halatang tirador ka ng mga titi, Dom. Sa mukha mo palang."

Namumula naman siya sa galit pero hindi na lamang siya nagsalita at kaagad umalis na rin.

Ayan, napahiya ka!

Lumapit naman sa'kin ang isa sa cheerleader na si Joanna na siyang isa sa kaibigan ko, "Don't worry, Enna," sabi niya, "I know you more than that."

Tumango naman ang isang kasama niya na si Rain, "Alam mo, Enna, sa lahat ng nakakausap ni Dom ay wala talagang naniniwala sa kanya kasi alam nilang mga sinasabi niya ay hindi totoo. Bale, gawa-gawa niya lang para may ma-issue lang."

"Chismosa kasi kahit ano lang pinagsasabi niya. Hindi ko nga rin alam kung bakit siya pa ang naging head cheerleader. Hindi naman magaling," sabi ni Joanna na may halong inis sa tono niya.

I just smiled at them, "Maraming salamat talaga sa inyo. Nagtitimpi lang talaga ako sa kanya pero sige lang, kaya ko pa naman" pagpapasalamat ko sa kanila, "Oh sige. Mauna na ako sainyo. Kita nalang tayo mamaya."

Pagkatapos ay kaagad na ako umalis don. Hindi pa ako nakapasok sa loob ng gymnasium ay narinig kong may tumawag sakin kaya napalingon naman ako at nakita kong si Lycel pala 'yun, "Uy, hi Lycel!" 

"Hi! Kaklase ba kita sa subject na 'to?" napatango naman ako sa kanya. Napangiti naman siya ng malapad, "Yey! Mabuti nalang talaga at may kakilala ako sa klase na 'to. Akala ko mag-isa lang ako e." 

"Ako nga rin at saka hindi ko pa rin alam kung sino sa barkada natin ang magiging kasama natin."

"Oh, pwede bang magpa-sama  muna ako? May kukunin lang kasi sana ako sa locker ko. Kung okay lang sayo ah? Kung ayaw mo, ayos lang din."

"Sure," sagot ko naman, "Tara, samahan na kita." 

Tumalikod naman kami at tumungo naman sa locker niya at saktong napatingin ako sa kabilang aisle na kung saan ay nakita ko si Dom na may kasamang dalawang kaibigan niya at abalang-abala pa sila sa paglalagay ng makakapal na make-up sa mga mukha nila.

Napansin naman din kaagad ni Lycel sina Dom at napangiwi naman siya nang makita sila, "Cringe. Sino bang babae ang nagme-make up sa P.E. class? Ang kapal pa talaga ha."

Napatawa ako sa kanya. Mukhang makaka-vibes ko 'to! "Hayaan mo na sila at baka trip lang. Walang basagan ng trip," napatawa naman kami ulit bago niya isinara ang locker niya at bumalik na kami patungong gymnasium.

Pagkapasok namin ay agad napako ang mga tingin ko kay Rob na nagkatuwaan na may hawak na bola sa kamay niya kasama si Tim.

"Ayun din pala sila Rob," turo ni Lycel, "Hindi ba sila papagalitan diyan na naglalaro?"

"Hindi. Teacher at isang coach ang dad ni Rob sa school na 'to kaya hindi sila mapapagalitan kahit maghapon pa 'yan diyan," paliwanag ko at hindi parin naalis ang mga tingin ko sa kanya na kasalukuyang na-shoot niya ang bola.

"Tara na."

Saktong nakatayo lang si Rob sa court kaya agad ko siyang niyakap patalikod para magulat siya kaso laking gulat ko nalang na binuhat niya ako ng patalikod.

"Grabe! Madami ata kinain mo noong bakasyon niyo, ah? Ang bigat mo na!"

"Ay grabe siya!"

"Joke lang, Enna. Sobrang gaan mo pala, tingnan mo," napatili ako nang bigla siyang tumakbo habang buhat-buhat ako.

Natakot ako at baka mahulog ako. Dapat sa kanya lang ako mahulog!

"Hoy, PIRENA! Hali na kayo at parating na si sir!" rinig kong tawag ni Tim kaya kaagad naman akong binaba ni Rob at nakita kong pumasok na sa gymnasium ang magiging instructor namin.

"Good afternoon, everyone!" bati niya sa amin. Hindi ko masyado kilala ang guro na ito. Siguro ay bago pa ata siya sa school na ito, "I am Aldrin Gueverra and I am new in this school. I hope you have a wonderful day in your first day,"  napa-simangot naman ang mga kaklase ko at nagtaka 'yung guro namin, "Oh, ba't ganyan mukha niyo? First day pa naman kaya chika-chika muna tayo."

Natuwa naman ang mga kaklase ko nang malaman na hindi pa kami magsisimula sa klase talaga, "So ... welcome to Physical Eduation-12 at pag-uusapan lang natin ang rules ko. First rule, no foods allowed ..."

"Rob," napalingon ako sa isang gilid nang narinig kong may tumawag sa pangalan niya at nakita kong si Dom pala 'yun.

Ewan ko pero naiinis talaga ako kapag makita lang ang pagmumukha niya at dumagdag pa talaga dahil sa mga narinig ko kanina mula sa bibig niya. Ang sarap niyang tirisin.

Naramdaman kong napalingon din si Rob pero tumango lamang siya at bumaling sa direction ko sabay ngiti sa'kin.

Muntik na akong matawa nang makita ko ang naging reaksyon ni Dom.

Binaling ko na lang ang atensyon ko kay Sir Gueverra nang biglang may humawak sa bewang ko at napangiti ako kasi si Rob yun pero nakakainis kasi biglang kiniliti yun, "Aray! Ano ka ba? Alam mo namang may kiliti ako diyan."

"Trip ko lang. Bakit ba?" napangisi naman siya.

Ang cute niya talaga at super pogi pa kapag nakangisi.

"Any questions?" napatingin ako kay Sir na hindi pa pala tapos sa pagsasalita. Wala na din namang nag-tanong kaya tinapos na niya rin ang klase namin.

Agad namang nagsitakbuhan si Rob at Tim sa court para magpatuloy sa pag-lalaro. 

Dumeretso naman kami nila Joanna at Lycel sa may bleachers at hinintay na lamang ang boys sa paglalaro.

"Ang sweet niyo talaga! Ilang months na nga kayo ni Rob? Or years ba?" napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagtanong si Lycel.

It was like a second na bigla akong napatulala at hindi ko alam anong isasagot ko pero I managed to speak, "W-Wala kaming relasyon ni Rob. We're just friends."

Napalaki naman ang mga mata niya at agad humingi ng tawad, "Ay, talaga? Pasensya na! Akala ko kayo kasi na — Ah basta! Pasensya na."

Napatawa naman si Joanna sa kanya, "Alam mo Lycel, wala kang dapat ipaghingi ng tawad. Actually, tama ka sa hula mo. Rob and Enna really dated for three years. Naghiwalay sila nung summer. Dapat nga ay third year anniversary nila this day."

"Ay, ganun?" napabaling naman si Lycel sa akin, "Sayang naman. Bakit ba kayo naghiwalay ni Rob?"

"It was that time na hindi pa parte si Issa sa barkada and we all know na may gusto si Issa sa kanya. Parang pinakita niya kay Rob na we're not worth his time at sobrang nawili si Rob sa fame and opportunities noon because of her and he starts to forget about us. Kaya nung Summer, I made a choice pero nakita ko rin na nagbago na rin naman si Issa, and even Rob. Issa realized her mistakes."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status