ROB (the break-up scene)
Napapikit ako nang madama ko ang sariwa at napakalamig na simoy ng hangin sa kabuuan ng mukha ko.
Naglalakad-lakad kami sa may dalampasigan habang hawak-hawak ko ang mga kamay ng kasintahan kong si Enna.
Natanaw ko rin mula sa function hall ang mga barkada namin na masayang nakikipag-sayawan at nagka-siyahan. Magda-dalawang linggo na simula noong nag-summer break na kami at sa loob ng dalawang linggo ay naging abala kami sa praktis ng musicale sa isang contest na ginanap sa resort na pinagma-may-ari ng isa sa mayaman naming kaklase na sina Issa at Seth Martinez.
Sa loob ng dalawang linggo na 'yun ay hindi naging madali -- lalo na sa pagitan nina Issa at Enna.
Aware ako na may gusto sa'kin si Issa noon pa, ngunit hindi ko rin naman matanggi si Issa dahil kaibigan ko siya, but she learned her lesson and everything is back to normal.
I turned to face Enna and smiled, "I'm glad that you're back, Enna," I shooked my head as I remembered how exactly she left the other night. I made a huge mistake and I regretted it, "Alam mo ba na sobrang lungkot ko nung gabing sinabi mo na iiwan mo na ako? I can't imagine my life without you, Enna."
She looked into my eyes and I knew that anytime, iiyak siya. I caressed her cheeks, "Why? May problema ba, En?" I asked, worried. I don't know but I suddenly felt my heart so heavy. Kinakabahan ako ngayon.
"Rob," she said softly and held my hands.
Binanggit niya lang ang pangalan ko pero alam ko na hindi maganda ang kalalabasan nito, "What is it, En?"
"I think you misunderstood, Rob," Sabi niya at napa-buntong hininga. She turned her gaze to the calm and peaceful seashore, and continued, "I came back for the show. Pinabalik ako ni Issa and I chose to came back for the performance. I didn't come back for you, Rob. Not now."
"But why? En, alam ko naging makasarili ako. Wala akong kwenta, I am aware of that! Pero En ... Para sayo ay gagawin ko ang lahat. I will do my best para ibalik yung dating ako," hindi ko na mapigilan ang sarili kong humikbi at niyakap ko pa siya ng mahigpit. Nararamdaman ko na umiiyak na rin siya, "I can't afford to lose you, Enna."
"I know that, Rob. I can see that you've done everything para mabalik ka lang sa dati mong landas," she said and turned her gaze at mine, "But it hurts so much, Rob, to the point na ang hirap-hirap kalimutan. Alam mo 'yung pakiramdam na naging etchapwera ka?"
"En ..." I said but she smiled bitterly.
"Well, nag-usap na kami ni Issa and she said that she is sorry about everything. In fact, I'm trying my best na maging okay kaming dalawa."
"'Yun naman pala. Why can't we get back together?"
"It's not that easy, Rob. Masakit pa rin kasi kaya sana ay hayaan mo munang maghilom ang sakit at sugat na ibinigay mo," she responded as she wiped her tears awa.
I hugged her tightly, "Enna, I can't do this."
"I'm sorry, Robespierre. I'm sorry. Please, let me go. Hayaan mo na ako," that's what she said and she left me alone.
Right after that mini-heart break scene, hindi ko na nakita si Enna. Sabi ng nga kasama namin ay sinundo na siya ng mga magulang niya.
I tried to call her every single day and I often visit her at their house, pero wala siya at ang pamilya niya.
Kinuha ko naman ang phone ko at kaagad hinanap ang pangalan ni Chia sa phonebook ko. Nang makita ko na ay kaagad kong pinindot 'yun at tinawagan.
"Hello, Rob?"
"Chia! May tanong lang ako."
Narinig kong tumawa si Chia sa kabilang linya, "Hulaan ko, about kay Enna 'yan, ano?"
Napakamot naman ako sa batok ko at napatawa ng mahina, "Oo sana. Lumipat na ba sila? I mean, palagi ko nalang kasing nadadatnan na wala na sila ng mommy niya sa bahay nila."
"Huwag ka mag-alala, babalik din ang ex-girlfriend mo," pabirong sambit niya at tumawa pa ng malakas.
"Nakakatawa naman, Chi."
"Nagbabakasyon lang sila. Don't worry, hindi ka iiwan nun."
I smiled weakly. Iniwan na nga ako e, but I will make sure that Enna will be mine again, "Sige na, thank you nalang. Bye."
I ended the call and wished for one thing. I hope that everything will be fine.
I don't want to end my story here. No. But, may pag-asa pa nga ba? Baka naman ay ako nalang pala ang nagmamahal at lumalaban pa.
Do I still have to fight for my feelings? Pero what if ...
Argh! Ano ba naman 'tong pumapasok sa isipan ko? Kung anu-ano nalang talaga naiisip ko e.
Dapat nga ay i-focus ko ang future, advance mag-isip.
x x x x x
I took a deep breath as I observed and wandered my eyes at the surrounding. I had seen some familiar faces and some were students walking around the school area.
Welcome back to school, Robespierre Olivarez.
Kinuha ko ang backpack ko sa backseat at lumabas na rin sa kotse ko. I wandered my eyes around the area na tila ba na parang new student ako sa school na takot na takot na maligaw kung saan-saan.
Napahawak ako sa dibdib ko at nararamdaman kong mabilis ang pintig ng puso ko.
"Ano ba naman 'to? Parang tanga naman. Bakit parang naninibago ako?"
Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Naisip ko rin na baka siguro nagkaka-ganto ako dahil hindi ako sanay na pumasok na walang Ardienna Salve sa tabi ko.
I sighed and walked towards the gate at inilabas ang school ID ko. Pina-verify ko 'yon para mabukas ang lagusan ng portal ng gate.
Nang tuluyan nakong maka pasok ay nag-karambola ang mga tao. Nakita kong nagsi-siksikan at abala ang iba sa pag-abang sa waiting shed o sa tambayan.
Hindi rin sa pagmamayabang pero maraming nakakakilala sakin sa school namin dahil na rin sa part kami ng kung anu-anong groups and organizations. Syempre, kapag friendly ka ay marami kang kakilala talaga at kaibigan.
"Hi, Rob," napalingon ako sa kanan nang may tumawag sa pangalan ko. Hindi ko siya kilala pero binati ko rin naman siya pabalik.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang biglang tumili ang babaeng 'yun. Napa-iling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hey! How's your summer, Rob?"
"Good," napatango ako at sinagot ko rin naman ang ka-batch naming babae. Hindi ko alam ang pangalan niya pero ang alam ko ay ka-batch at ka-block namin siya.
"Ang gwapo talaga ni Rob," hindi sinungaling ang mga tenga ko at mas lalong hindi ako bingi na narinig ko pa ang tilian ng mga babae sa may gilid ko lang.
Ningitian ko na lamang sila at pinagpatuloy ko nalang ang paghahanap sa mga nawawala kong mga barkada.
Dumaan ako sa may Faculty Room ng Senior High Department at nagbabasakali na makita ko rito ang squad. Hindi nga ako nagkamali at nakita ko silang nag-kumpulan sa announcement board.
Napansin naman ako ng best friend ko na si Tim, "Uy, bro," kaagad niya naman akong niyakap ng mahigpit , "Namiss kita, bro! Sobra!"
"Tumigil ka nga d'yan, Tim. Napaka-OA mo talaga. Makayakap ka sa'kin e parang hindi tayo nagkita kahapon eh," sabi ko naman sa kanya.
Pabiro niya naman akong sinuntok sa mga braso ko, "Bakit? Bawal ka na bang ma-miss ngayon? Mga babae d'yan, miss na miss ka kaya dapat ako rin, mas miss ka!"
Napatawa at napa-iling na lamang ako sa tinuran niya at tinignan ang sectioning namin sa may board.
As usual ay walang nagbago sa list ng students. Magkaklase pa rin kaming lahat at napako ang tingin ko sa isang pangalan.
"Hoy, Carseth!" nabaling ang atensyon ko nang tinawag ni Tim ang kambal ni Issa na si Seth na siyang nakatayo lang pala sa gilid.
"Yow, guys!" lumapit naman siya sa gawi namin ngunit hindi ko siya pinansin. Sa totoo lang ay hindi kami close ni Seth. Hindi ko alam pero siguro dahil may gusto siya kay Enna noon at tila may namumuong pader sa aming dalawa.
Kung si Issa ay may gusto sa'kin, si Seth naman ay may gusto kay Enna. Pero simula nung musicale na ginanap sa resort nila ay nag-kaayos na ang lahat. Pero ayaw ko rin na ako ang mag-first move na kausapin siya kahit na parte na siya ng grupo.
"Good morning, Rob," napalingon naman ako kay Seth na siyang bumati. Aaminin ko na nagulat ako dahil hindi ko inakalang kakausapin na niya ako.
"U-uy. G-good morning din," nauutal na sambit ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero pinilit ko namang maka-isip ng topic, "N-nasaan na pala ang kambal mo? Parang hindi ko siya napansin kasi."
Kita ko na bahagyang hindi niya inaasahan na sasagutin at kakausapin ko siya ngunit sumagot rin naman siya at ngumiti pa, "Hindi ko rin napansin e, but for sure ay kasama niya na naman si Ford," sabi niya at nakita kong napa-irap siya, "Nakakainis na nga e. Bukambibig nalang niya palagi si Ford."
Napatawa naman si Tim at inakbayan pa si Seth, "Ayaw mo ng ganon? At least naman ay nagbago na siya. The rude and bratty Issa is gone. Well, thanks to Ford."
"Nakalimutan mo naman ang kaibigan natin. Thanks to TEAM PIRENA. Kung hindi sa kanila ay malamang hindi mare-realize ni Issa ang lahat ng pagka-kamali niya --"
Napa-buntong hininga na lamang ako at mas pinili kong huwag na marinig ang kwentong 'yan.
Parang sumisikip ang dibdib ko kapag pinaalala na naman sakin ang bagay na nagawa ko. Nasaktan ko ang mga barkada ko, nawalan ako ng oras dahil nakatutok ang oras ko kay Issa na dapat ang oras na 'yun ay ibinigay ko sa kanila at sa girlfriend ko.
Dahil nga sa nawalan ako ng oras, nawalan ako ng oras sa girlfriend ko mismo, at ngayon ay nawala na siya sa piling ko.
"Ang tagal naman ng girlfriend mo, Tim. Nasaan na ba yun?" narinig kong tanong ni Seth kay Tim.
"Papunta na 'yun dito. Sinundo niya pa si Enna sa kanila -- " hindi natuloy ni Tim ang sasabihin niya nang biglang inambahan siya ng yakap ng girlfriend niyang si Sorschia, "Eto na pala hanap mo, Seth. Hi baby!"
Niyakap naman siya ni Chia, "Hey, baby. Missed me?"
"I super duper missed you, my baby."
Kahit kailan talaga ay napaka-harot ng dalawang mag-jowang 'to. Nang maalala kong nandito na si Chia at nagsimula na namang nag-karera ang puso ko at tila may mga paru-parong nagdigmaan sa tiyan ko nang makita ko siya na kasunod ni Chia.
Tila nag-slow motion ang lahat nang makita ko siya lalo na ang ganda ng mga ngiti at munting tawa niya.
"Halika na."
"Ay, gago," napamura ako sa gulat nang hinawakan ni Ryle ang mga balikat ko. Napahawak ako sa dibdib ko at mahinang binatukan ko siya, "Nakakagulat ka namang hayop ka!"
"Sus, bro. Makipag-balikan ka na kasi sa kanya. Sa mga titig at mata niyo ay halatang in love pa kayo sa isa't-isa," napa-iling na lamang siya at hinabol niya si Chia para sabay sa paglakad.
Napayuko naman ako at sumunod na rin sa kanila. Nakayuko pa rin ako sa paglalakad nang biglang may nagsalita sa tabi ko, "Kumusta ka na pala, Rob?" napalingon ako sa at hindi ko napansin na kasabay ko pala siya sa paglalakad.
"O-Okay lang naman ako. Eh, ikaw ba?"
"Okay lang din naman, sobrang namiss nga kita e," kaagad niya namang hinawakan ang mga kamay ko habang naglalakad. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso nito sa sobrang kilig.
Damn you, Enna. Ano bang ginagawa mo sa'kin?
"Kailan ka pa ba nakauwi?" tanong ko naman sa kanya.
"Nung isang araw pa. Nag-bakasyon lang naman kasi kami sa General Santos," sabi niya naman at napatango naman ako.
ROBPumasok na kami sa aming silid-aralan sa first subject at naghanap ng bakanteng mga upuan kaso napaka-epal naman ni Seth at inunahan ako sa pag-upo sa tabi ni Enna.Kita ko ring nag-apiran ang dalawa kaya wala akong choice kundi maupo sa ibang upuan pero dito nalang ako sa may likuran nila.Hindi nagtagal ay pumasok rin naman ang kauna-unahang guro namin, "Welcome back to school, everyone! What a fresh start and no need na magpapakilala because mostly ay magkakilala na kayo and I believe that 'yung iba dito ay magka-classmates na before," sumagot naman din ang mga kaklase ko ng yes at kilala na rin naman namin ang guro kasi naging guro na namin siya last school year. "Alam kong refresh na refresh na kayo noong Summer at dahil klase na, all of you know my rules. Firstly, no cellphones allowed in my class." No cellphones! Ayokong matulad na naman last year. Lalakas ng trip naming magka-barkada, nagsi-text pero nasa tabi lang naman kami. Nahuli niya kami kaya isang linggong na conf
ENNAI can say that Issa changed! She never hangs out with everyone. Issabelle and Carseth had their own world before dahil nga sila ang elites na nakapasok sa school namin and they never wanted to stoop down to our level daw.Since 7th grade, Issa and I are enemies and rival na rin. Matalino si Issa, and I hate to brag but kaming dalawa ang always nasa top. Madalas ay top 1 ako palagi kaya ako ang kinaiinisan niya.Dumagdag pa 'yun noong 9th grade nang naging kami ni Robespierre, as Issa had a huge crush on him since elementary. Naging bitter siya and always plans to ruin our relationship.The last thing she did was to get and avert Rob's attention away from me and to his friends. Rob's attention was focused on her at that time. I kind of understand din kasi para sa pamilya at scholarship niya 'yun.Issa and Seth's dad offered Rob a full scholarship, dahil sa basketball skills niya. But, Issa took that advantage para nakawin oras ni Rob and napagod na ako sa alitan namin ni Issa. I j
ENNANapatango naman si Lycel sa amin ni Joanna, "Awww. I can see that bagay kayo ni Rob and I know that mahal na mahal niyo pa rin ang isa't-isa. Three years isn't a joke, right, Joanna?""Yes, indeed," sagot niya naman, "Mind you that everyone in this entire school is waiting for the two of them to come back."I just sighed as I looked at Rob, "Hindi ko alam kung gusto pa ako ni Rob. I mean, what if maulit na naman ang nangyari? Nakikita ko na parang pag-graduate ni Issa, pabida at umeksena na naman si Dominique." Joanna patted her hands on my shoulders, "Mahal na mahal ka ni Rob and I know that hindi ka ipagpapalit nun sa isang cheap na babae lang, you know Dom and also Rob's standards."Napatingin naman ako sa kanya, "Paano mo naman nalaman na mahal niya pa rin ako?""Kailan ka pa ba naging manhid, girl? Tignan mo nga siya oh," napatingin na naman ako kay Rob at kasabay non ay ang pagtama ng paningin namin. Ngumiti naman siya at kumindat pa sa'kin, "See? The way he looks at you i
ENNAI was busy freshing up my look, I even put some make-up on my face. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon, manonood lang naman ako ng soccer game inter-school.Nadatnan ko pa si mommy na pumasok sa kwarto ko at napatawa naman siya, "Anak, 'yung totoo nga? Sa laro ka ba pupunta o may ka-date ka?"Sinamaan ko naman ng tingin ang mommy ko, "Nakakainis ka talaga, mom! Sa game nga kasi kami pupunta pero syempre dapat presentable din ang pagmumukha ko, no."Napatawa naman siya ulit na tila hindi kumbinsido, "Sus ... alam ko na kung bakit nagpapaganda ka. Nagpapaganda ka kasi alam mong makakasama mo si Robespierre," sabi naman ni mommy, "Hay ... nakakamiss din ang batang 'yun.""Sana all, namiss!" singhal ko pero with respect naman. Ganito lang talaga kami ni mommy magkulitan at makipag-asaran. She is like my best friend. Well, indeed my very first best friend ever!"Susunduin ka ni Chia, di ba?" tanong ni mommy at tumango naman ako, "bakit hindi nalang si Rob?"Sinamaan ko na
ENNANgumiti nalang ako ng pilit sa kanya at bahagya pa nga akong napatingin sa katawan niyang topless pa, "Okay, if you say so. At saka, magsuot ka na nga ng T-shirt." "Bakit? Nakaka-distract ba ang mga abs ko?"OO! "Hindi naman. Baka lang kasi ay mahamugan ka. Pero ikaw bahala, hindi naman ako ang magkakasakit," sabi ko nalang.Tumango naman siya at ngumingiti pa rin, "Okay .. I understand. Magbibihis na ako but can I hug you first?"Napangiti naman ako ng patago pero kaagad na sumeryoso ang mukha ko nang humarap na ako sa kanya, "Mag-bihis ka muna. Tignan mo nga at may mga pinta ka pa sa katawan mo. Baka marumihan ako.""Hindi 'yan. Halika nga dito," at doon ay bigla niya akong niyakap.I don't know but it's just like the old times. I just silently count kung ilang seconds ang hug na yun dahil gusto kong malaman kung mas matagal ba ang hug na 'to kaysa kanina sa kanila ni Dom but it doesn't matter because the hug lasts long.Dahan-dahan ay kumalas naman siya at ngumiti, "Oh, diba?
ROBNapatawa naman ng malakas si Enna nang marinig ang kaisa-isang bagay na kinaaayawan ko sa Dominique na 'yun, "Sabi ko na nga ba! HAHAHHAA ano pakiramdam?""Hindi kaya nakakatawa! Nakakadiri 'yun kung sa'yo nangyari and that was my favorite shoes. Napaka-mahal ng sapatos na 'yun tapos susukahan lang ng babaeng 'yun?" "Hayaan mo na nga yan. Naiinis ako sa babaeng 'yan kasi may kinalat na naman tungkol sa atin. It's about the break-up, actually."Nanigas ako nun. We have never talked about our break-up ever, "A-Ano bang sinabi niya?""Sabi niya, nakipagbreak ka raw sakin kasi ayokong makipag-sex sayo kaya si Rhea daw yung kasama mo. Kaya nakakainis talaga eh, sarap tusok-tusokin!"Biglang kumulo ang dugo ko nang narinig ko yan. Talagang ako pa ang pinakita niyang masama? "Sinabi niya 'yan?""Unfortunately, yes pero hayaan mo na 'yun. Huwag mo nalang kausapin.""Kahit anong sabihin ni Dom sayo, don't believe and don't listen. Talagang magaling gumawa ng kwento 'yang Dom na yan. Kaya
ENNATiningnan niya naman ako, "I'm sorry at nasigawan ko pa kayo kanina. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin ngayon e. Sinabihan ko naman kasi kayo na ayo —"Agad kong nilagay ang index finger ko sa bibig niya para manahimik siya, "I know. I know that. They understand you.""Kasi naman paano ko sasabihin na magiging okay lang ang lolo ko kung hindi niya kakayanin ang sakit niya, di ba? Akala ko kasi —""Akala mo lang yun, Rob. Huwag ka ng mag-alala. Hindi ba sabi mo nga sa'kin ay okay na Lolo mo, di ba? Dapat happy ka na ngayon."Ngumiti naman siya at hinawakan ang mga kamay ko, "Can I ask you a favor, En?""Sure. Anything for you, Pierre." "Bibisitahin ko kasi si lolo sa hospital after school. Gusto ko sanang isama ka ngayon para naman ay makilala mo man lang si lolo. I know, hindi mo pa masyadong kilala ang lolo ko and he also wants to meet you. Pero ... kung ayaw mo naman, okay lang naman sa'kin."Tumango naman ako sa kanya, "Oo naman. Ikaw pa, a-ayawan ko?" ngumiti naman
ENNA"Kumusta na pala ang lolo niya?" tanong ni mommy"Kanina kasing madaling araw ay nag-cardiac arrest. Mabuti naman at okay na siya ngayon and parang lumakas nga lalo na nung nandun kami," sabi ko naman at kumuha ng baso at nagsalin ng tubig."Mabuti naman kung ganun at okay na ang lolo niya. Hindi ba close si Rob sa kanya?"I nodded, "Yeah, close nga siya don. Kaya I kind of understand kung bakit sobrang sakit sa kanya nang nasa hospital ang lolo niya.""Eh, kayo ba? Kailan ba kayo magkabalikan?" tanong naman niya.I looked at her and rolled my eyes, "Let's not try to get there, mom. Robespierre and I are happy sa kung ano mang meron kami ngayon.""Talaga?" she asked, seemed not convinced, "paano mo naman nasisigurong masaya si Rob sa sitwasyon niyo?"I just shrugged and thought that okay lang ba talaga? Can I live being just his friend? Kasi ang totoo, I want Rob back pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat.Mom sighed, "I am just warning you, anak. Kasi paano nalang