Share

HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]
HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]
Author: AKHIRAH MIAMOR

Chapter 1 Crush

THIRD PPOV:

MASAYANG nagkakatuwaan si Aldrich Di Caprio at mga kaibigan nito sa bar na pinuntahan. May mga kapares na babaeng nakuha lang sa tabi-tabi na willing to go with the flow katulad nila.

Halos hatinggabi na ng magsi-uwian ang mga ito sa kanya-kanyang condo. As usual. Iniuwi ni Aldrich ang babaeng nahila lang sa bar at naging kasalo sa isang mainit na gabi sa kanyang unit ng buong magdamag! Hindi naman na ito nagtaka pa na hindi na birhen ang dalaga at napaka-wild din nitong nasasabayan ang galing nito sa kama. Magliliwanag na ng tantanan nito ang babae na parang nalantang gulay sa sobrang pagod! Napapailing itong bagsak ang katawan na nahiga katabi ang dalaga na yumakap kaagad dito.

Hindi na bago kay Aldrich ito. Ang mag-uwi ng babae sa kanyang unit at ikama ng paulit-ulit. Binabayaran naman niya ang mga ito at pinapaintindi na hanggang sēx lang ang ibibigay. Na pagkatapos nilang makaraos ay balik sila sa dati. Na hindi magkakilala. Sinisigurong din nito na lahat ng kinakama niya ay malinis at may gamit laging condom na protection sa kanyang kalusugan.

********

NAPAPANGITI SI Monica na naghahanda ng breakfast nila ng binatang amo nito. Pero matalik niya ring kaibigan na para na silang magkapatid. Nag-aaral pa si Monica sa kursong business Add. Habang si Aldrich ay isa ng CEO ng ADC tower na pinamumunuan nito.

Si Monica Aguilar ay anak ng katulong nila Aldrich. Nakakatanda lang siya dito ng nasa limang taon. Kaya lumaki itong kasama ang mga anak ng amo nila sa mansion. Ang mga magulang din ni Aldrich na sina Diane at Dionne Di Caprio ang tumutustos sa mga pag-aaral nito. Pero ngayong naka-hiwalay na sila ng young master nitong si Aldrich ay si Aldrich na ang nagpapasahod dito. Siya ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan ng dalaga. Kaya naman ginagawa din nito ang lahat para pagsilbihan ang amo.

Mabait naman ang binata. Makulit at malambing. 'Yon nga lang at likas itong babaero na gabi-gabi na lang ay paiba-ibang babae ang kinakalantari nito. Nasanay na nga si Monica na laging may iniuuwi ang binata na babaeng kinakatālik nito. Kaya kahit inosente at birhen pa ang dalaga ay unti-unting namumulat na ang kanyang mga imahinasyon sa makamundong bagay-bagay dahil sa kalandiang taglay ng young master nito.

Hindi na nga bago dito ang makitang may katālik o kahalikan ang binata sa kanilang unit. Maging ang mga cōndom na nagamit na nagkalat sa sahig ng kwarto ng binata na nililinisan nito sa umaga.

Minsan ay naiinis din siya sa binata. Pero dahil wala naman siyang karapatan na magalit o magselos ay nananahimik na lamang ito at binabalewala ang sakit na nararamdaman kapag may ibang umaangkin sa binatang

lihim nitong minamahal.

Mga bata pa lang sila ay crush na nito ang panganay na anak ng kanilang amo. Si Aldrich. May kakambal ito. Si Alden. Pero mas malapit ang loob niya kay Aldrich na ganun din naman sa kanya at parang nakababatang kapatid na babae na ang turing dito.

"Good morning, Nics," napaikot ito ng mga mata sa pagsulpot ng binata.

Naka-bathrobe lang kasi ito na basang-basa pa ang buhok. Paano naman gaganda ang gising niya kung alam niyang may bago na namang babae ang nahihimbing sa kama ng amo na halatang pagod na pagod sa pagpapaligaya nito.

"Bakit ang sungit mo, hmm?" puna nito na naupo at dumampot sa toasted bread na pinalamanan ng strawberry jam.

"Wala," paismid nito na tinapos na ang nilulutong bacon.

Inihain na nito ang mga nilutong paborito ng amo. Fried rice, fried egg, bacon, hotdog at shrimp soup ang madalas na agahan nila dahil 'yon lagi ang hanap ng binata.

"Sabayan mo na ako," paglalambing pa ng binata.

"Hwag na. Mali-late na ako sa school. May babae ka naman dun a. Siya ang ayahin mo. Mukhang pagod na pagod e. Sa mga pinaggagagawa niyo," ismid pa nito na uminom ng fresh milk sa fridge.

Napabungisngis lang naman ang binata na kumakain.

Sanay na siyang may pagkamaldita ang Yaya nito. Pero kahit ganon ay hindi naman siya nakakaramdam ng inis o ilang sa dalaga dahil kilalang-kilala na niya ito.

"Nagseselos ka na naman. Wala lang 'yon, noh? Sabayan mo na ako. Ihahatid naman kita e," paglalambing nito sa dalaga.

Lihim na napangiti na naupo ang dalaga sa harapan at sinabayan siyang mag-agahan. Kahit nakabusangot ito ay hindi nito mapigilan ang sariling mapangiti. Para kasing jealous girlfriend lagi ang dalaga sa tuwing may iniuuwi itong babae sa kanilang unit. Napapansin niya iyon. Pero hindi na niya binibigyan importansya.

MATAPOS NILANG kumain ay iniwanan na lang ang dalaga na nakaniig nito at pinabantay sa isang bodyguard nito para makapasok na siya ng opisina at maihatid na rin ang Yaya nito sa university na pinapasukan nito.

Napahinga ito ng malalim na nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse habang nasa byahe sila.

"Hey, what's wrong, Nics?" anito na hinawakan ang kamay ng dalagang nakapatong sa hita nito.

"Wala. Mag-drive ka na lang," tinatamad nitong sagot na hindi nilingon ang binata.

Mapait itong napangiti na hinayaan na lamang ang binatang pinag-intertwined ang kanilang mga daliri habang nagmamaneho ito. Ramdam din naman kasi nitong walang ibang ibig sabihin ang paglalambing at pagpapahalaga sa kanya ng amo. At alam niya sa sarili niyang hindi siya ang tipo ng amo nito.

May kaliitan kasi siyang babae kaya laging napagkakamalhang teenager pa rin sa edad na bente. Nasa 5'1 lang kasi ito. Samantalang 6ft ang amo kaya kitang-kita kung gaano siya kabansot kapag nagtatabi sila.

Matatangkad at magaganda ang laging dini-date ni Aldrich. Mga supistikadang babae. Model, actress,beauty queen at mga galing din sa kilalang angkan. Kaya kahit na may pagtingin siya sa kanyang amo ay pinipilit niyang balewalain dahil alam naman niyang imposibleng patulan siya nito.

Sino ba naman siya 'di ba?

Isa lang siyang simpleng dalaga. Simpleng manamit. Walang kalambing-lambing magsalita. Hindi rin siya 'yong tipo na gumagamit ng mga beauty products para magpaganda. Natural lang ang lahat sa kanya. Kahit nga ang paglalagay ng kolorete sa mukha ay hindi niya hilig.

Maganda naman siya kung tutuusin dahil may lahi siyang German. Nakuha niya sa kanyang ama ang kulay berde nitong mga mata na malalantik at makapal ang pilikmata. Maputi at makinis din ang porselana niyang balat..Natural din na kulay blonde ang buhok nitong mahaba. Namumula-mula ang manipis niyang mga labi at matangos ang maliit na ilong. Hindi siya pahuhuli kung pagandahan lang naman ang pag-uusapan.

Marami ngang nanliligaw dito pero wala siyang tinatanggap dahil umaasa siya na balang araw ay mapapansin din siya ni Aldrich. Kaya naman nire-reserve niya ang lahat sa binata. Ang unang halik, yakap, date at iba pa. Gusto niyang sa binata niya iyon madanasan lahat. Sa nag-iisang nagpapatibok ng kanyang puso.

Ang kanyang young master na batikang, womanizer.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chris Emmanbelle
ang ganda ng story na to ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status