Share

Chapter 4 Critical

ALDRICH:

NAPAPANGUSO AKO na napapatungga ng shot ko dito sa bar. Nakatatak pa rin sa isipan ko ang pagbabanta sa akin ng caller kanina sa opisina.

Damn..Sa dami ng babaeng nakalantari ko e malay ko ba kung sino sa kanila. Isa pa ay hindi ko naman inuulit-ulit gamitin ang isang babae kaya nakakatiyak akong hindi ko na mai-encounter pa ang asawa nito kung sino man iyon.

"Hi, babe..Nandito ka lang pala," malambing saad ng babaeng naupo sa tabi ko.

Salubong ang kilay na napatitig ako dito. Matamis naman itong ngumiti na sinenyasan ang bar tender sa harapan namin.

"One glass of mojito, please?" malambing order nito.

"Right away, Ma'am," tugon ng bar tender na inihanda na ang drinks nito.

"Thank you," maarteng saad nito pagkalapag ng bar tender sa shot nito.

"So, are you free tonight, babe? Your place, or mine," malanding bulong nito sa punong-tainga ko.

Napalunok ako sa pasimpleng pagdantay ng kamay nito sa hita ko at dahan-dahang humahaplos pataas ng pāgkalalakē kong unti-unting nagigising.

"Fvck,"

Napamura ako na pumintig ang buddy kong hinahaplos na nito na iglap lang ay nasa loob na ng pants ko ang kamay nitong sakal-sakal lang naman ang pāgkalalakē kong naninigas na! Fvck!

Napahagikhik ito na matamang nakatitig sa akin. Patuloy sa paghahaplos na ikinatatangay ko sa init na binubuhay nito!

"Damn, stop it, babe. We're in public," anas ko na pinipigilan ang kamay nito.

Dahan-dahan nitong kinagat ang ibabang labi na nang-aakit ang mga mata. Napakunotnoo akong pigil-pigil ang sariling mapaungol kahit gustong-gusto ko ang ginagawa nitong panghihimas. Fvck!

Hindi na ako nakapagtimpi na bumaba ng high chair at inalalayan itong makababa. Ngiting tagumpay itong yumapos sa baywang ko na iginiya ko palabas ng bar.

Napapailing na lamang ako na maalala kung sino ito. Si parot. Lihim akong napangiti na maalala ang itinawag ni Monica dito. Katulad dati ay napakakapal na naman ng red lipstick nito na pinaresan ng pulang bestida na hapit sa kurbada ng pangangatawan nito. Nakalantad ang mga hita sa iksi ng suot at nakalantad din ang dibdib sa lalim ng v-line ng suot.

Natigilan kami pagdating ng parking lot na may mga kalalakihan ang nag-aabang sa aming paglabas. Napapisil ito sa baywang ko na ikinalingon ko dito. Nagtatanong ang mga mata dahil bakas sa mukha nito ang pagkaputla na kitang

kabado?

"Boss?" ani ng isang lalake na kinatok ang bintana ng kotse kung saan ito nakasandal.

Pinagbuksan niya ang tinawag niyang boss. Kasunod non ang paglabas ng isang lalake na naka-business suit pa. Napalunok ako. Binundol ng kaba dahil kita ang galit sa mga mata nito.

Napailing ito na pagak na natawa. Maging si Cielo ay napahigpit ang kapit sa baywang ko.

"Binalaan na kita, hindi ba? Tigilan mo ang pakikiapid sa asawa ko!" singhal nito na mabilis akong inundayan ng suntok!

Hindi ko napaghandaan ang pagsugod nito na ikinagewang ko at muntik pang sumubsob sa sahig!

"Ralph, tama na!" tili ni Cielo sa akmang pagsuntok na naman nito.

Galit na galit ang mga mata nitong nilingon si Cielo.

"A-asawa?" May asawa ka na!?" gimbal na bulalas kong napalingon kay Cielo.

Saka lang nag-sink in sa utak ko ang caller noong isang araw na nagbabantang lubayan ko ang asawa nito kung ayaw kong mapahamak!

"Shut up! Tama nga ang kasabihan, bihisan mo man ang higad, lalabas at lalabas pa rin ang pagiging higad nito. Napakawalang kwenta mong asawa!" bulyaw nitong naiduro si Cielo.

Napapahid ako ng bibig kong pumutok sa suntok nito kanina. Ngayon ay malinaw na sa akin ang mga nangyayari.

"Pare, pasensiya na. Hindi ko alam na may asawa na siya. Isa pa, siya itong lumapit sa akin. Wala akong intention manira ng relasyon niyong dalawa," saad ko na ikinabaling nito sa akin.

"Alam ko. Hindi niya sasabihin na may asawa na siya sa kung sinong matipuhan niyang pagpakamutan ng kati niya..But still. Ginalaw mo pa rin ang asawa ko," anito na nagpapantig ang panga at kuyom na kuyom ang kamao.

"I'm sorry, I apologize. Hindi ko sinasadya," pagpapakumbaba ko na ikinatawa lang nito.

'Yong tawa na hindi natutuwa kundi

nang-uuyam!

"Alam mo, kinanti niyo na ako e. Ako kasi  'yong tipo ng tao na kapag kinanti? Gumaganti," saad nito.

Napalunok ako na bumilis ang tibok ng puso ko. Wala pa naman dito ang mga bodyguard ko. Kapansin-pansin din na wala manlang nagagawing guards dito. Mukhang ma-impluwensya nga ang isang ito!

Lumapit ito na ikinaatras ko. Napapangisi na tila tuwang-tuwa na mabakasan ako ng kaba! Napasandal ako sa kotse na naatrasan kong ikinatigil kong napapalunok.

Maya pa'y may hinugot ito sa kanyang baywang na kutsilyo!

Namimilogang mga mata ko na ikinangisi nito lalo! Kahit gusto kong dipensahan ang sarili ay mabilis ang kilos nitong iglap lang ay nakahandusay na ako sa semento na nakahawak sa sikmura kong masaganang umaagos ang dugo sa limang beses nitong pananaksak sa akin!

Yumuko ito na tinapik-tapik ako sa pisngi. Parang asong ulol na may malapad na ngisi.

"Pakatatandaan mo ang mukhang ito, Mr Aldrich Di Caprio. Ako, ang papatay sayo. Oras na makipagkalantari ka pa sa asawa ko. Nakuha mo?" madiing pagbabanta nito.

Ipinunas pa nito sa pisngi ko ang kutsilyo nitong may bahid ng dugo ko bago tumayo at naglakad na parang hari patungo sa kinaroroonan ng kotse at mga tao nito.

Napasunod ako ng tingin dito habang naghahabol hininga sa paninikip ng dibdib ko. Kitang kinaladkad nito ang asawa na luhaang nakatitig sa akin. Hindi ito maisakay-sakay ni Ralph kaya naman nasikmuraan niya ito ng ilang beses na ikinanghina ni Cielo at napasunod na naupo sa loob ng kotse nito.

Naaawa ako sa kanya dahil tiyak kong gugulpihin pa rin siya ng asawa nito sa kanilang tahanan pero wala naman akong magagawa para matulungan ito.

Ako pa nga ang napahamak sa paglalalapit nitong may asawa na pala!

Nanghihina kong hinugot ang cellphone ko sa bulsa at ni-dial ang unang number na naka-save sa contact list ko.

"Aldrich!?.Nasaan ka na naman ba, ha!?" singhal nito sa kabilang linya na bakas sa tono ang pag-aalala.

"Nics," tanging sambit ko na naghahabol hininga.

"A-Aldrich...n-nasaan ka? A-anong nangyari, ha?" nauutal at nanginginig ang boses nitong tanong.

Mapait akong napangiti na tumulo ang luha ko.

"Listen, Nics. H-hwag mo na akong hintayin..M-magpahinga ka na dyan. Hindi na muna ako makakauwi ng ilang araw," pamamaalam ko na napapapikit na dala ng pagkahilo ko at panghihina!

Napahagulhol ito sa kabilang linya. Unti-unting namimigat ang paghinga ko na dumidilim na rin ang paningin. May mga sinasabi pa ito pero hindi ko na nagawang sumagot sa tuluyang ikinadilim ng paligid ko.

Tumulo ang luha kong nabitawan na ang cellphone ko.

"Monica,"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhea Margery Montanez Oblida
............nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status