Share

Chapter 26 Past

LARA:

HINDI KO ALAM kung gaano na kami katagal ni Andrea na nasa malawak na disyertong kinaroroonan namin. May mga pagkakataon na nakakarinig pa rin kami ng boses ng pamilya naming kinakausap kami. Maging si Alden.

Pero katulad ng dati ay hindi naman namin mahanap-hanap ang daan pabalik. Dahil kahit anong paglalakad ang gawin namin ay para namang hindi kami nakakausad.

MAPAIT AKONG napangiti na nakatitig sa wedding ring ko. Tumabi naman si Andrea sa akin na napatitig din sa kamay ko.

"A promise ring?" tanong nito.

Umiling ako na may pilit na ngiti sa mga labi. Bahagya namang nangunot ang noo nito sa akin.

"Wedding ring."

"Wedding ring?" ulit nito na mas lalong nangunot ang noo.

"Yeah," tumatango-tangong sagot ko.

"Wait, I thought, you two--"

"We're already married, Andrea. Bago siya nagtungo noon sa Canada ay nagpakasal kami ni Alden sa civil. Kaya naman pala ganun na lamang ang kagustuhan naming magpakasal muna bago magkakalayo. Dahil ganito ang mangyayari," sagot ko na ikinatigil ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status