Share

Chapter 2 Future wife

ALDRICH:

MATAPOS KONG maihatid si Monica sa school nito ay tumuloy na ako ng ADC tower. Napapailing na lamang ako na nagsusungit na naman ito sa akin. Ganun naman siya lagi sa tuwing may babae akong naiuuwi ng unit.

Anong magagawa ko? Babae naman ang mismong lumalapit sa akin na iniaalay ang sarili nila at handang maging parausan ko. Lalake lang ako. Wala naman sigurong masama kung maglibang din ako. Isa pa, wala naman akong inaagrabyado. Kagat ng kinakama ko, kagustuhan nila iyon. At willing naman silang magpakamot e. Ako naman? Go with the flow lang.

After I've fūck them? Tapos ang usapan. Balik kami sa dati na parang hindi nagkatikiman. Ganun kasimple. Akala ko sanay na si Monica na ganun ako e. Pero hindi pa rin siya masanay-sanay sa akin. Minsan iniiwasan ko namang mag-uwi ng babae dahil baka nababastusan na ito sa amin. Dalaga na si Monica. Baka nga may kasintahan na rin 'yon e.

Napatigil ako sa sumagi sa isipan. Napapalunok ng laway na tila may bumukil na bato sa lalamunan ko na maisipang baka may kasintahan na nga si Monica na hindi niya lang sinasabi. Fūck!

Sa ganda nga naman nun imposibleng walang makapansin na lalake sa school nila! Napa-uturn ako na bumalik sa university ng mga ito.

"Damn, Aldrich! Ano ngayon, kung magkaka-nobyo na siya? Hindi na bata si Monica!" singhal ko sa sarili.

Pero heto at nasa harapan na ako ng room ni Monica. Nakakainis! Parang may sariling isip ang mga paa ko na nagtungo dito sa room niya! Pinagtitinginan na tuloy ako.

Napasilip ako sa may pinto na hinanap ito mula sa loob. Napapakagat ako ng labi na hindi ito mahagilap ng paningin.

"Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yon?" inis kong bulong na napakunotnoo.

Nagpantig ang panga ko na mahagip siya sa wakas ng paningin ko sa sulok na may kausap na lalake. Masayang nagku-kwentuhan na....

Magkahawak-kamay!?

Kuyom ang kamao na pumasok ako ng classroom ng mga ito. Dahilan para mapairit ang mga classmates nito pero wala akong pakialam. Diretso akong naglakad sa gawi nito na napakurap-kurap na makita ako at kaagad napatayo na binitawan ang kamay ng lalakeng kakwentuhan.

"A-Aldrich? Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" nauutal nitong tanong na napapasulyap sa mga kaklase.

Tila kinakahiya pa ako nito sa itsura niya. Nagbubulungan na rin ang mga kaklase nito na nakamata sa aming dalawa.

"Get your things," walang emosyong saad ko.

Natutulala naman itong dinampot ang kanyang bag at ilang libro na kinuha ko at inakay na ito palabas ng classroom nito na sinadyang akbayan ito.

"Ano ba kasi 'yon? Hindi pa nga nagsisimula ang klase ko e!" reklamo nito pagkasakay ng kotse.

Hindi ako umimik na pinasilab na lamang ang sasakyan. Nakamata naman itong nagtataka. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagagalit? Nakakainis!

HANGGANG dito sa opisina ko ay nakabusangot ito. Napapairap. Naiintindihan ko naman. Ang hindi ko maintindihan ay ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako at ayoko ng pabalikin siya doon na malamang may boyfriend nga siya na kaklase niya.

"Hi, babe," napaangat kami ng mukha na bumukas ang pinto at niluwal non ang isang supistikadang babae.

Para itong modelo na naglakad palapit sa akin dito sa lamesa ko na may matamis na ngiti sa kanyang pulang-pulang mga labi sa kapal ng lipstick nito.

Kita ko naman sa gilid ng mga mata kong napahalukipkip si Monica na napataas ng kilay na nakatitig dito sa babaeng hindi ko alam kung sino at saan nanggaling!

"Nakakatampo ka," paglalambing nitong nagpakandong na ikinamilog ng mga mata ko!

Yumapos ito sa batok ko na napapahalik na kung saan-saan! Napakapit ako sa armrest ng upuan ko na naninigas at hindi makakilos! Kita kong napaismid at ikot ng mga mata si Monica sa amin. Hindi na bago sa akin ang nakikita ditong pagsusungit lalo na kung may gantong mga babaeng sumusulpot kapag magkasama kami o kaya ay mga naiuuwi ko.

"Hey," malanding pag-untag nito na ikinaiktad ko sa paghaplos nito sa pisngi ko.

"Yes? Um, what's your name again?" casual kong tanong.

Napanguso ito na parang batang nagtatampo sa harapan ko. Hindi naman niya bagay.

"Kainis ka. I'm Cielo, that girl you've been with, the whole night," sagot nitong ikinaawang ng labi ko.

Napahagikhik itong napahaplos sa pisngi ko hanggang baba ko at isinara ang bibig kong nakanganga. Naipilig ko ang ulo. Hindi ko na kasi matandaan ang itsura ng babaeng nakaniig ko magdamag. Basta ang sinisigurado ko lang ay high class ang mga ito. Magaganda, matatangkad, sexy, kilala at magaling sa kama. Open minded sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa sēx.

"Um! Why are you here? Hindi mo ba nakita 'yong tip mo sa unit? Nasa bedside table lang naman 'yon a," saad ko.

Napasulyap ako kay Monica na tumayo at nagtungo ng pantry.

"Oh, dear, I want caramel macchiato, please?!" pahabol nitong sigaw kay Monica.

Natigilan itong napalingon dito sa gawi namin. Napangisi na naglakad palapit habang matamis na nakangiti sa kanya itong babaeng nakakandong sa akin.

"Excuse me, are you talking to me?" sarkastikong tanong nito na naituro ang sarili.

"Yeah. Who else?" takang tanong naman ni Cielo dito dahilan para matawa si Monica ng pagak na napailing.

Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay kahit sinong kakampihan ko sa kanilang dalawa ay dehado ako! Napabaling ito ng paningin sa akin. Nagtaas ng isang kilay na hinihintay may sabihin ako.

"Kung gusto mo ng kape, babaeng parot sa pula ng tuka mo, pwes pumunta ka sa coffeeshop! Naliligaw ka ba, ha? Kasi ang alam ko, opisina ito. Baka akala mo e, bar ito. Hindi welcome ang mga ipokrita ditong nagbebenta ng katawan," asik nitong nang-uuyam ang tono at tingin.

Lihim akong napangiti sa sinaad nito. Ang tapang talaga e. Walang sinasanto. Ramdam kong nag-react ang katawan ni Cielo. Nanigas ito na nagngitngit ang mga ngipin!

"How dare you! Do you think I'm a slūt, ha!?" nanginginig ang boses na asik nitong napatayo.

Napangisi lang naman si Monica na nakataas ang kilay. Tila aliw na aliw itong pinapausok ang butas ng ilong nitong kaharap at hindi manlang mabakasan ng takot o pangamba sa kinakabangga!

"Ikaw ang nagsabi niyan. Well, kung sabagay," pang-aasar pa nito na tinignan si Cielo pataas pababa na nang-uuyam ang tingin at napapailing.

"You're absolutely look like a slūt. Ganyang-ganyan sila manamit e. Kita na lahat," pang-uuyam pa nito.

"You--"

"Hwag mo akong naduro-duro!" asik nito na tinabig ang kamay ni Cielo na dinuro ito. Napangisi itong humalukipkip.

"Paalisin mo na nga ang parot na 'yan, Aldrich. Napakaingay. Baka hindi ako makapagtimpi, gawin kong mop ang dila niyan," ismid pa nito na parang siya pa ang boss sa aming dalawa.

Napabungisngis ako na ikinalingon sa akin ni Cielo. Nagtatanong ang mga mata.

"As you can see, she's not my secretary or any staff here, Cielo. Lumabas ka na. Ibang magalit ang isang 'yan," pagsang-ayon ko sa sinaad ni Monica na napalapat ng labing pinamulaan ng pisngi.

"W-what do you mean? Who is she, then?" nauutal nitong tanong.

"She's my--

"I'm his future wife, parot. Kuha mo? Labas na, hwag ka dito magkalat," pagtutuloy nitong ikinamilog ng mga mata ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status