Share

Chapter 7 Mrs Di Caprio

ALDRICH:

NAPABITAW NA AKO dito nang kurutin ako sa tagiliran ng pinong-pino. Natatawa akong ikinaniningkit ng mga mata nito na pulang-pula na ang magandang mukha.

"Aldrich, naman e!" pagmamaktol nito.

"Bakit? Kiss the bride daw, sweetie," pangangatwiran ko. Napalabi itong iniirapan na ako.

"Nakakainis ka! First kiss ko 'yon!" asik pa nito na nahampas ako sa dibdib.

Napalapat ako ng labi. Expected ko naman na iyon. Pero ibang-iba ang saya na siya mismo ang mangungunpirma sa akin sa bagay na iyon!

Pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto fvck!

"Hindi ka naman na luging ako ang first kiss mo, sweetie. Ang gwapo ko kaya," saad ko na napapahimas ng baba.

Napairap lang naman ito na parang naniniris na sa isipan ng gwapong asawa nito. Shīt! Ang sarap sambitin na asawa niya ako.

"Ew! Kung saan-saan na kaya dumapo ang mga labi mong 'yan!" asik pa nitong ikinahagikhik ko.

Hinapit ko ito sa baywang na ikinatigil nitong nanigas at napadantay ng kamay sa dibdib ko. Kitang-kita ang pamumula ng magandang mukha nito na pinandidilatan na ako pero ngumiti lang akong hinalikan siya sa noo.

"Aldrich!" tili nitong ikinahalakhak ko.

"Let's go, my wife. Our plane is waiting for us," kindat ko na ikinalapat nito ng labi.

Inakay ko ito palabas ng opisina ko at bumaba ng ground floor. Hindi naman na ito umangal sa pang-aakbay ko. Yumakap ito sa baywang ko na lihim kong ikinangiti.

NAPASANDAL ITO sa akin na ikinakabig ko dito at pinaghahalikan sa ulo. Sanay naman na si Monica mag-travel abroad. Palagi ko siyang isinasama ko ito lalo na kung wala itong pasok sa school.

Napatitig ako sa kamay naming magka-intertwined. Napangiti akong marahang pinipisil-pisil ang kamay nito. Nahihimbing naman na siya kaya hindi niya maramdaman.

Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ano? Pero isa lang ang sigurado ako.

Masayang-masaya ako. Kahit alam kong magpapanggap lang kami ay may puwang sa puso ko ang sobrang saya na maging asawa ko na ito.

Marahan kong nahaplos ng hinlalaki ko ang wedding ring na suot-suot nitong kapares ang wedding ring na suot ko.

Infinity pure gold ang disenyo.

Walang hanggang pagmamahal pa talaga ang ibig sabihin ng wedding ring namin pero soon ay maghihiwalay din naman kami. tss.

"Damn, Aldrich," kastigo ko sa sarili na hindi mapigilan halikan ang kamay nito.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili. May kung anong parte sa puso ko ang masaya na asawa ko na ito.

Hindi ko alam pero. Masayang-masaya ako.

Pagdating namin ng airport ay nahihimbing pa rin ito. Kaya naman kinarga ko itong pumasok ng departure. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao pero wala naman akong pakialam.

BUONG BYAHE namin ay karga-karga ko ito. Parang batang nahihimbing sa bisig ko. Kahit nakakangalay ang ilang oras naming byahe ay sulit naman. Paano, libre yakap at halik lang naman ako sa kanya na hindi niya nararamdaman.

Unang destination place namin ay sa Maldives. Pinili talaga nito ang pinakamagandang lugar na perfect para sa mga newly wed katulad namin. Buti sana kung may magaganap ngang honeymoon sa pagitan namin nito dito. Fvck!

"Uhmm," ungol nito na tila pagising na.

Napapikit ako na nagkunwaring natutulog. Nasa ere pa lang kasi kami nito. Nangangalay na nga ako e pero gusto ko siyang kargahin at yakapin sa buong byahe.

Nagising na nga ito na napakusot-kusot pa ng mga mata. Hindi ako kumikilos na pinakiramdaman ito.

"Ang gwapo naman talaga ng Mokong na 'to," bulalas nitong napapahagikhik.

Natatawa ako na mahigpit kong pinipigilan dahil baka mahuli ako nitong nagtulog-tulugan. Kung di na naman ako pagkukurutin nito. Ang sakit pa naman niya kumurot na pinong-pino. Para akong natatapyasan ng balat kapag nakukurot ako nito. Nagkakapasa na nga ako e.

Pigil-pigil ang sariling paghinga ko ng maramdaman ang hininga nitong tumatama sa mukha ko fvck!

"Dali na,kiss me, sweetie,"piping usal ko na hinihintay halikan ako nito.

Pero napatulis na ako ng nguso ay hindi pa rin dumadapo ang mga labi nitong ikinasilip ng isang mata ko.

"Aw! Sweetie naman," reklamong ungol ko na napakamot sa batok dahil binatukan lang naman ako nito. Kainis!

"Akala mo ba hahalikan kita, hmm?" napanguso akong ikinabungisngis nitong napapailing.

"Pinagpapantasyahan mo nga ako e," pasaring kong ikinahalakhak nitong nahampas ako sa braso.

"Kailan, hmm? Asa ka,"

"Ang sama mo talaga sa akin e, noh? Mga babae nga dyan nagkakandarapa makita lang ako e,"

Napabusangot akong ikinahahalakhak naman nito. Kahit pinagtatawanan nito ang pagdadrama ko ay masaya pa rin naman akong napapatawa ko ito.

Malapit ako sa mga babae. Pero iba si Monica sa lahat. Na tipong siya lang itong nasa puso ko at nangunguna sa mga priority ko.

Marahil dahil mula pagkabata ay kasa-kasama ko na ito. Na para niya akong nakakatandang Kuya na nakaprotekta lagi sa kanya. Kaya nasanay na rin ako na kasama siya sa lahat ng ganap ko sa buhay.

"Sila. ibahin mo ako. Nakakaumay na nga makita ang pagmumukha mo e,"  mas lalo baman akong napabusangot sa sinaad nito.

"Maging sweet ka naman sa akin. Asawa mo na ako," pagtatampo ko.

"Hahah! Ayoko nga. Baka kiligin mga itlog mong mahaharot e tumino ka bigla," natatawang ingos nito.

"Ayaw mo nun? Mapapatino mo ako," pananakay kong may halong panunudyo ang tono.

Napangisi naman itong napailing.

"Ikaw, titino? Naku matagal-tagal na pago-orasyon ang kailangan ko, Aldrich. Para mapatino ka,"

Napabusangot akong ikinapitik nito sa noo ko.

"Ang sama nito. Lahat ng tao kayang magbago, noh? Depende lang 'yon sa tao kung gusto,"

"Ang tanong e, kaya mo pa bang magbago, Aldrich? May babae pa kayang mapapatino ang playboy na katulad mo, hmm?" taas kilay nitong tanong.

Natigilan akong napatitig dito. Kung tutuusin ay kayang-kaya ko namang gawin 'yon kung gugustuhin ko lang. Maging ito ay matamang na nakatitig na tila binabasa niya ang mga gumagapang sa isipan ko.

Nagtaas ito ng kilay na napailing.

"Kita mo na? Natameme ka. Hindi mo kasi kaya," dismayadong saad nito na napapailing.

Para namang kinurot ang isang itlog ko na makita ang disappointment sa magandang mukha nito.

"Kaya ko," saad kona pinalungkot ang tono at mukha.

"Weh?"  taas kilay nitong saad.

"Kaya ko nga," napakibit-balikat lang naman itong bakas sa magandang mukha na hindi naniniwalang kaya kong magpakatino.

Tss. Kung alam lang niya e. Kaya lang sigurado naman kasi akong pagtatawanan lang ako nito kapag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya.

Maya pa'y lumapag na ang eroplano na ikinayakap nito sa akin ng mahigpit!

Napapangiti ako na sinasamantalang yakapin din ito.

Bakit ba? Hindi naman matatawag na kalabisan iyon o pananantsing.

Asawa ko na kaya siya. Legal ang papeles naming dalawa. Siya na si

Mrs Monica Di Caprio. Aldrich Di Caprio's

wife! fvck!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status