Share

Sneak Peek: From Top To Bottom

Muli po, maraming-maraming salamat sa lahat nang tumangkilik sa "Good Luck Charm"!

Sana po y lubos kayong nasiyahan sa storyang ito, at kung sakaling medyo bitin o naghahanap pa kayo ng kasagutan sa ilang katanungang inyong naisipan sa pagbasa nito, ay narito ang ilang karagdagang kwento tungkol sa ibang mga tauhan sa ating storya :)

Eto po ang maiksing intro sa kwento ni Nathan Del Mirasol, ang pasaway na unico hijo ni Atty. Louie Del Mirasol.

====================

’It's survival of the fittest, baby.’ sabi ng magandang artista sa telebisyon.

Siya ang pinaka sikat na babaeng artista dito sa Pinas, pati na rin abroad.

Well, at least hindi na sila tinatratong parang mga diyosa ngayon.

Matapos kasi makapaglabas ng gamot ang isang Filipino scientist para sa covid22, ay unti-unti nang dumarami `uli ang population ng babae sa mundo.

Nang una ay naging national treasure ang mga female born dahil iilan lang sa kanila ang natira, pero matapos lumabas ang Secondary Genders ng mga lalaki, dumami na uli ang mga tao at unti-unting nabawasan ang value nila.

That was 25 years ago.

Nang una, takang-taka ang lahat nang magpakita ng aggressive behavior ang ilang male teenagers sa mga kapwa nilang lalaki. Akala nila nang una ay may bagong sakit na kumakalat, kung saan nawawalan ng kontrol sa sarili ang ilang mga kabataan, hanggang sa mabuntis ang mga lalaking inatake ng mga agresibong lalaki na ito.

Noon nila nadiskubre ang 'Omega Strain' o OS.

Isa itong genetic mutation na nagdedevelop sa ilang lalaki na umaabot ng kanilang puberty. Sa panahong ito, may tumutubong miniature womb sa kanilang abdominal cavity at mga glands na naglalabas ng kakaibang amoy o pheromones na isang uri ng hormonal discharge, and this scent can send other men into rut. Tinawag nilang ’Omega’ ang mga lalaking nagpapakita ng katangian na ito.

Kasabay ng paglabas ng Omega Strain ang Alpha Strain o AS. Ito naman ang nag d-drive sa ilang lalaki para atakihin ang mga nagpapakawala ng omega pheromones.

May ilang mga lalaki kasi na naaapektuhan ng kakaibang amoy na inilalabas ng mga omega. Para silang mga hayop na di kayang pigilan ang kanilang basic instinct pag nakakaamoy nito. Mga hayop na walang alam kung `di dahas at ang pagpaparami ng lahi para tuluyang mabuhay. In short, nagiging m*****g sila, at ang mga kalalakihang ito ay tinawag naman nilang mga ’alpha’.

Iilan lang naman ang mga lalaking may Alpha Strain o AS, pero ang mga ito ay nakikitaan ng kakaibang lakas at talino kumpara sa mga ordinaryong kalalakihan na `di nagtagal ay tinawag na mga ’Beta’ o 'in between'.

Nagtataglay din sila ng Alpha Pheromones na nagiging dahilan para maging kaakit-akit sila sa ibang tao, lalo na sa mga babae at higit pa, sa mga omega na sensitibo sa amoy na ito.

Well, yun ang explanation ng biology teacher namin noon.

Since lumabas ang secondary genders ay naging kapalit ng mga babae ang mga omega. Sad to say, marami sa kanila ang pwersahang nabuntis kapag inaatake sila, pero, kung basic instinct ang pag-uusapan, we can't really blame the alphas.

Agad gumawa ng batas ang gobyerno para ihiwalay ang mga omega at mga alpha hanggang sa mas maintindihan nila ang mga ito.

Noon nila nalaman na isa itong side-effect ng covid22 vaccine.

Ang nakadiskubre kasi nitong Filipino biologist ay nakakuha ng vaccine gamit ang genetic make-up ng isang species ng moray eel.

Ang this species is known to change its gender when its mate dies.

Well, good luck to the human race!

At least we don't need to worry about dying out anymore!

‘This just in, another omega was found molested in a park in Mandaluyong City...’

"May bobo nanamang hindi nag-gamot." nasabi ko habang nanonood ng balita. "Kung `di naman kasi sila tanga, alam naman nilang mapanganib sila pag inabutan ng 'heat' sa labas, ayaw pang uminom ng 'heat suppressants'!"

"Hindi naman lahat ng omega tinatalaban ng heat suppressants, eh." sabi ng kapatid ko'ng si Mercy. "Ang iba, kahit umiinom ng pills araw-araw ay nag re-release pa rin ng pheromones lalo na pag malapit na ang heat or 'estrus cycle' nila."

"Eh, `di `wag na lang sila lumabas!" I coff.

"Loko! Para namang sinabi mo na ring `wag na kami'ng lumabas `pag may regla kami!" galit nito’ng dagdag.

"Oo nga, Nathan, kita mo ako, irregular, hindi ko alam kung kelan ako dadatnan, at ang dalas pang sumakit ng puson ko.” sabi naman ng panganay namin, si ate Blessing. “Parang ganon `din ang ilang omega, kaya hindi mo sila dapat sisihin."

"Loko ka dyan!" sagot ko pabalik kay Mercy. "Ang laki ng difference ng babae sa omega na lalaki, ha!"

"Well, physically, halos wala silang ipinagkaiba sa aming babae, mas feminine ang appearance nila, mas mahina, at mas maliit ang built kumpara sa mga lalaki." sabi ni ate, "Ang pagkakaiba lang ay pinanganak silang lalaki."

"Hoy, `wag n’yong kalimutan ang hormonal discharge!" pilit ko, "That is one big factor na `di n'yo dapat baliwalain!!

"Kaya nga may suppressant pills and injections, eh!" eto nanaman si bunso. "At `di ba may suppressants din para sa mga alpha na tulad mo?" she pointed out.

Natahimik ako.

"Alam n'yo naman na sumasakit ulo ko pag umiinom ako noon!" katwiran ko.

"So, aminado ka na isa ka pa'ng pasaway?" bira ni ate. "Kung umiinom ang lahat ng alpha ng suppressants nila, hindi sila basta tatablan ng heat ng mga omega, wala silang dahilan para mang-molestiya ng mga oega na inaabutan ng heat sa mga pampublikong lugar!"

"O, kayong tatlo, ayan nanaman kayo." singit ni papa na pumasok sa den na may bitbit na bowl ng potato chips. "Magtigil na nga kayo at malapit na mag start ang pelikula."

"Eto kasing sina ate at Mercy, pinagtutulungan nanaman ako!"

"Pano pinanlalandakan mo nanaman ang pagiging chauvinist, sexist, bigot pig mo!" hirit pa ni Mercy.

"Nilahat mo na!" binelat ko si bunso. "Kayo naman, masyado na kayong nahatak n’yang 'Omega Rights' movement n'yo na `yan!"

"Better than being a male chauvinist pig." ulit pa n’ya.

"Hay, naku, pasalamat na lang tayo at swerte ang pamilya natin." sabi ni papa. "Dalawang babae ang anak ko at isang alpha, dahil dito, nakakakuha tayo ng tulong sa gobyerno, sayang nga at maagang namatay ang papa Jonathan ninyo, hindi na n’ya kayo nakitang lumaki..."

Napatingin ako sa litrato sa may altar.

Hindi ko na halos maalala ang mukha ni papa Jonas, ang omega naming nanay. Namatay s’ya from child birth complications. Mas at risk kasi sila compared to women dahil maliit lang ang kanilang bahay bata.

"Ayan nga nakakainis kay kuya, eh, tuwing nagsasalita ka against omegas, remember that our mom was an omega too!"

"I know." sagot ko. "And I thank God I was born an alpha.”

====================

Nakakaintriga po ba? :D

Bisita po kayo sa aking f* page para sa karagdagang detalye sa storyang "From top to Bottom"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status