Share

Good Luck Charm
Good Luck Charm
Author: psynoid_al

Preface: An Introduction to This Omegaverse

The Origin of Secondary Genders

Survival of the fittest. `Yan ang batas ng mundo.

Kaya nang kumalat ang COVID19 noong 20XX ay sadyang maraming tao ang nawala rito. Nang una, ang dahilan ay kapabayaan, dahil dito, mabilis na kumalat ng sakit sa iba't-ibang mga bansa, at huli na nang ideklara ito’ng pandemya.

Lahat ay inabisuhan magsuot ng mga face mask at di kinalaunan, ay compulsory na rin ang full body suits. Naging norm na ang social distancing at iba pang safety protocols, at pinagbawal ang anu mang body contact, tulad ng paghawak ng kamay, pagyakap o akbay, at lalo na ang paghalik.

Ngunit hindi rito nagtapos ang delubyo.

Matapos makapaglabas ang Estados Unidos at European Union ng vaccine para sa COVID19 strain, ay agad naglabasan ang mga tao. Sa sobrang sabik, kinalimutan nila ang lahat ng paalala ng mga dalubhasa, at muling namuhay nang gaya ng dati.

Parties, social gatherings, group sex.

They felt they were once again, invulnerable.

Until a new strain came out in 20XX and wiped out more than half of humanity.

It was airborne, was deadlier to women, and most of the grown men who contacted the disease and lived, were rendered impotent due to the high fever that came with it.

Lalong lumiit ang bilang ng mga tao sa mundo, habang ang kalikasan naman ay nabigyang panahon para huminga at maghilom.

Finally, 15 years after 'Darwin's Cleansing', na-eradicate din nang tuluyan ang sakit sa tulong ng naimbentong vaccine ng isang Filipino biologist na mula sa DNA ng isang species ng Igat o Moray Eel na immune sa lahat ng uri ng COVID.

Noon nagsimulang lumabas ang mga tao na may ‘Alternate’ o ‘Secondary Genders’.

Young males who reach their adolescence, showed signs of aggression towards other males.

At first, they thought it was only part of puberty.

Until the males started to get pregnant.

.

Ano nga ba ang Omegaverse?

.

Ang Omega-Universe ay isang alternatibong realidad na kathang isip lamang.

Sa mundo'ng ito, nagkakaroon ang mga kalalakihan ng pangalawang kasarian o 'Secondary Genders' na puwedeng maging 'alpha', 'beta', o 'omega'.

Ang mga alpha ang nasa tuktok ng tatsulok at kilala sa mas malaki nilang pangangatawan at kakaibang katalinuhan.

Ang mga beta ay mga ordinaryong lalaki na may pangkaraniwang kakayahan.

Ang mga omega naman ay mga kalalakihan na may pisikal na katangian ng mga babae. Mas ‘petite’ ang kanilang pangangatawan, mas mahina kumpara sa mga alpha, at higit sa lahat, ay may kakayahan din sila’ng mabuntis at manganak na tulad ng mga babae.

Ang mga omega ay may ‘heat cycle’. Nagpapakawala sila ng kakaibang amoy o ‘pheromones’ tuwing kabuwanan ng kanilang ‘estrus’.

Ang ‘pheromones’ na pinakakawalan ng mga omega sa kanilang ‘heat’ ay nakakaapekto sa mga alpha. Maari sila’ng magwala o mag ‘rut’ na mistulang mga hayop na hayok sa laman tuwing nakakaamoy nito.

Dahil dito ay maraming mga omega ang namomolestya. Ito rin ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ng karamihan sa kanila, bagamat malaki ang itinulong nila sa pagbangon ng mundo, lalo na sa muling pagpaparami ng populasyon ng tao.

Sa kasamaang palad, tinatrato sila bilang mga paanakan lamang ng mga mapagmataas na mga alpha, kahit pa mahigit dalawang dekada na ang nakalipas mula nang lumabas ang unang mga alpha at omega sa mundo.

Kinailangan pang gumawa ng mga batas ang gobyerno para maprotektahan ang karapatan ng mga omega, ngunit hindi sapat ang mga ito. Patuloy pa rin sila’ng nakikipaglaban upang makamit ang pantay na pagtrato para sa lahat ng tao, mapa alpha, beta, babae, o omega man.

Dito nagmumula ang ating kuwento... 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
ghost the gray
sobra, nakakakilabot yung covid na connected sa omegaverse! ang galing ni otor na naisipan ito!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status