Share

CHAPTER THREE

Pagkaalis ni Kenneth muling nilabas ni Pietro ang baril niyang may silencer. Sinira niya ang lock ng pinto sa pamamagitan ng pagbabaril niyon. Then, he banged open the door. He fired at the lamp table, the vase, television, and more things that created a shattering place all over the unit.

Natigil sina Zandro at Deana. Zandro jumped down the bed to take his gun. He covered his self with white sheets. Deana moved in a corner. She took her robe and wear it again.

"Who the fuck are you?!" Zandro exclaimed while reaching for his phone.

The door slightly opened. Pinagbabaril iyon ni Zandro.

"Zandro, stop!" Deana shouted as she cover her ears.

"Where the fuck are you?! Come up, assholes!" Zandro yelled on his phone.

He continued to fire at the door.

Inayos ni Pietro ang sombrero sa kanyang paglabas sa silid na iyon. He rode the elevator down. Pagbukas niyon ay sakto namang pagpasok ng mga bodyguard ni Zandro sa katabing elevator.

Lumabas si Pietro sa hotel. Sa tapat ng sasakyan naghihintay sa kanya si Kenneth na malawak ang ngiti.

"All done, master."

"Let's go."

Pietro went to the other side of the car to drive. They drove far from the hotel.

"Ano'ng ginawa mo ro'n? Parang naaligaga ang mga bodyguard ni Mr. Yufeng."

"Did little shots."

"Ano? Hindi ba't naroon pa 'yong babae?"

"I just made him freak out. Pagkatapos lumabas na ako."

"Ohhh..." nginisian siya ni Kenneth kaya't napataas siya ng kilay.

"Bakit?"

"Eh, ba't ang tagal ninyo kanina sa banyo?"

"Shut up, Kenneth. Aside from Yufeng we also need to investigate that woman. There's a possibility that they're working together."

"Duda ako, Captain. Tinulungan nga tayong makatakas, eh. Ikaw, kaya mo ba 'yon? Makipaglampungan sa iba para mapatakas ang mga taong hindi mo naman kilala o kaano-ano?"

Pietro gave his friend a death glare.

"Sabi ko nga mananahimik na ako."

"Nakuha mo ba ang pangalan niya?"

"Oo naman, boss. Ako pa ba?" Kinuha ni Kenneth ang cell phone saka binuksan ang notes. Pinakita niya kay Pietro ang tinipang pangalan doon. "Ms. Deana Sophie Villegas."

"Look for her information. Ibigay mo sa akin kinabukasan bago mag-gabi."

"Bakit?"

"Stop asking too many questions."

"Tsk."

After a long drive, narating nina Pietro ang kampo nila. Dumiretso siya sa kanilang General para mag-report. Sumaludo siya sa pagharap nito.

"Captain, kumusta ang lakad ninyo?"

"There are some glitches on the intel, General. First, he checked-in at all hotels in the city. Second, he named it after a woman, Villegas. Nang mapasok ko ang kwarto nila napag-alaman kong fiancé ni Ms. Villegas itong si Mr. Yufeng."

"Naka-enkuwentro mo ba si Yufeng?"

"No, Sir. Kasama niya si Ms. Villegas at mga bodyguards niya. We'll cause heavy casualties if I deal with him in the hotel."

Tumango ang General.

"Alright. Aside from Yufeng, I also want you to investigate his fiancée."

"Yes, Sir. I've added it to the list."

Matapos ang kanilang pag-uusap bumalik na si Pietro sa silid niya. Dahil hating-gabi na binalak niya na ring matulog subalit naalala niya ang mga kasamang sugatan sa nagdaan nilang misyon. He made his way out of his room.

Kabubukas lang niya nang pinto nang matigil dahil sa mga sundalong nasa harap niya. Nasa ere ang kamay ni Kenneth na handa na sanang kumatok sa kanyang pinto.

"What is it?" tanong niya sa mga ito.

"Boss, may ipapakita kami sa'yo," sabi ni Gordon.

"Welcome back, Captain. Nga pala, may aso't pusa kaming nakita. Halika."

Hinila siya nina Bart patungo sa kung saan. Nagpatianod lang siya sa mga ito hanggang sa mapadpad sila sa hospital area ng kanilang kampo.

Ipinakita nina Kenneth ang eksena sa pagitan ni Breen at Craig. Nagbabalat ng ubas si Breen at isinusubo niya ito sa sugatang si Craig na pangisi-ngisi lang sa kanyang kama.

"Kita mo na, Captain. Kailangan palang tablahan ka muna ng bala bago mangyari 'yan sa'yo."

Tiningnan ni Pietro ang tatlong kasama bago siya pumasok sa silid nina Craig.

"Bakit kasi kailangan pang balatan 'yong ubas? Kinakain naman 'yon ah!" reklamo ni Breen pero patuloy pa rin sa ginagawa.

"Ayaw ko nga ng may balat," sagot naman ni Craig.

"Eh di iluwa mo kapag balat nalang 'yong tira."

"Tsk. Bilisan mo na- oh, Captain."

Babangon sana si Craig upang sumaludo sa kanya ngunit pinigilan niya ito.

"It's okay."

"Kumusta ang lakad?"

"All good." Dumako ang tingin ni Pietro sa katabing kama nito na si Gareth. Mahimbing na ang tulog ng lalaki. "Dumudugo pa ba ang sugat niya?"

"Okay na 'yan. Nag-push-up na nga kanina ang gago," sagot ni Breen sa kanya.

"Kaya naman pala tulog na tulog," komento ni Kenneth.

"Oh, kayo naman magbalat nito." Tumayo si Breen saka binitawan ang mangkok ng ubas. "Matutulog na ako."

Iniwan sila ni Breen. Si Kenneth ang pumalit sa inuupuan nito ngunit imbes na magbalat ng ubas siya ang kumakain niyon.

"Kumusta ang sugat 'tol?"

"Okay na. Pwede nang manapak."

"Magpahinga muna kayo ng isang linggo. Ako na muna ang lalakad kay Mr. Yufeng."

Napalingon kay Pietro ang mga kasama.

"Pero, Captain hindi ka naman namin pwedeng pabayaan." Bart

"I will give you a different task for the mean time."

"Ano 'yon?"

"Kenneth will get me the information of Ms. Villegas, including her family. Her father to be exact. Kailangan ko na 'yan bukas bago sumapit ang gabi."

"Bakit ang aga, boss?" Kenneth asked.

"Babalik ako sa Maynila bukas ng gabi dala ang impormasyong ibibigay mo. Gordon and Bart..." lumingon si Pietro sa isa pang kasama. "May ipinalagay ako na tracking device sa kotseng gamit ni Mr. Yufeng. Track it and jot down every place he goes, including the time he consumes for every place."

"Copy, Captain."

"Gareth and Craig, magpagaling muna kayo. May aasikasuhin tayo sa probinsya sa susunod na linggo."

"Ano'ng gagawin natin do'n?" tanong ni Kenneth.

"Magpapatawag si General ng panibagong meeting. Nauna niya na ring sinabi sa'kin kanina na may panibago tayong gagawin, kaya maghanda kayo."

"Si Breen?" asked Craig.

"For now she's going to assist you and Gareth."

"Okay, Captain. Game na ako." Bart

"Syempre, ako rin." Gordon

"Game! Bukas na bukas din! Pati ninuno ni Ms. Villegas hahalukayin ko!" ganadong sabi ni Kenneth.

Craig showed his thumb agreeing to his team. Maya't maya pa'y naalimpungatan si Gareth sa ingay nila. Nang imulat ang mga mata nakita niya ang mga kasama.

"A-Ano'ng gagawin-aray!" d***g niya nang buhatin ang paang may sugat.

"Wala. Itulog mo nalang 'yan."

Isa-isang nagsialisan ang mga kasama niya.

"Hoy! Tarantado!"

Kinaumagahan sama-sama silang kumain sa cafeteria. Maingay ang paligid dahil sa mga kasabay nilang sundalo na may kanya-kanyang pinag-uusapan.

"Uh, nga pala, bud..." tawag ni Breen kay Pietro sa pinaikling 'buddy'.

"Bakit?"

"Pumunta ka raw kay General pagkatapos. Mukhang may pag-uusapan kayo."

Pietro nodded and continued eating.

"Pagbalik mo na lang, Captain tayo mag-usap," ani Kenneth.

"Bakit? Ano'ng pag-uusapan ninyo? Kayong dalawa lang?" Nagtatakang tanong ni Breen.

"Kami rin, Captain. Magsisimula palang kami mamaya," sabi naman ni Bart.

Tuluyang natigil si Breen sa pagkain.

"Hoy, hoy! Ano 'yan? Ba't parang may hindi ako alam?"

Binitawan ni Kenneth ang kinakain saka uminom. Pagkatapos ay nagsalita ito.

"Ganito kasi 'yan. Binigyan kami ng task kagabi ni Captain at 'yon ang pinag-uusapan namin ngayon. Tungkol saan? Kay Mr. Yufeng pa rin."

"Eh, bakit ako wala?"

"Meron ka," tugon naman ni Bart. Nginuso niya sina Craig at Garreth.

Dumako ang tingin ni Breen sa dalawang lalaki.

"Oh, bakit? Ano'ng gagawin ko sa kanila?"

"Sila ang misyon mo," sagot ni Gordon.

"Bakit? Tutuluyan ko na ba sila?"

Tiningnan siya ni Craig ng masama.

"Kahit ako walang alam sa gagawin nila. Pero bahala sila. Sino ba'ng ayaw magpahinga?" ngumisi-ngisi na sabi ni Garreth.

"Tss. Nang-iinggit ka ba?" Kenneth

Naging kulitan ang oras nila ng pagkain.

***

"Captain, nandito na ang mga impormasyon na pinapahanap mo."

Isinusuot ni Pietro ang itim at fitted na T-shirt nang pumasok si Kenneth sa silid niya. Kinuha niya ang folder na ibinigay nito.

"Is there anything useful?"

"Her father is the governor of Manila. But aside from being a politician he also owns a manufacturing company of cosmetics."

"So, she came from a powerful family? A father who is a governor and a fiancé who's a businessman and smuggler. What else?"

"Ms. Villegas is a flight attendant of Philippine Airlines. She was recently promoted by the company at nang gabing magkita-kita tayo ang unang lapag ng eroplano niya sa Maynila."

Patuloy na binabasa ni Pietro ang laman ng mga papel.

"Where is her biological mother?"

"I cannot retrieve any of that information, Captain. Ang tanging naka-register sa pamilya nila ay ang step-mother niya. Sinubukan ko ring kumuha ng impormasyon tungkol sa fiancé niyang si Mr. Yufeng."

Umangat ang tingin ni Pietro kay Kenneth.

"That's good. I will call the team for a meeting tomorrow."

"Yes, Captain."

"Thank you for this," Pietro showed the folder.

"Sure thing. Alas syete na, aalis ka na?" tanong pa ni Kenneth.

Pietro nodded before snatching the keys of the car and few of his things. Isiniksik din niya ang baril sa likod. Kinuha niya ang dark brown leather jacket niya bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto. Sinundan naman siya ni Kenneth.

Sa paglabas niya'y sumalubong sa kanya si Breen.

"Sasama ako, Captain."

"Hindi pwede."

Dire-diretso lang sa paglalakad si Pietro.

"Bakit hindi pwede? Makakatulong ako sa'yo."

"I know."

"Eh, bakit hindi mo ako isasama?"

"Delikado."

Tuloy-tuloy pa rin sila sa paglalakad. Nakasunod lang sa kanila sa likod si Kenneth.

"Oh, 'yon naman pala edi isama mo na ako. Kakailanganin mo ng back-up."

Tumigil sa paglalakad si Pietro saka tiningnan ang bestfriend niya.

"Breen, stay here. Mabilis lang ako roon. May kakausapin lang akong tao."

Hindi naman agad nakaimik si Breen.

"Sige na, Captain para makabalik ka agad," singit ni Kenneth.

"Tsk. Kapag ako iniwan niyo pa sa mga task iiwan ko na kayo sa ere," bantang sabi ni Breen saka umirap.

Ginulo ni Pietro ang buhok niya na mas lalo niyang kinainis.

"Bahala ka," maikling sabi ni Pietro bago lakarin ang ilang metro na layo ng kotse nito.

"Ingat ka, boss!" sigaw ni Kenneth.

Kumaway naman si Breen. Pagbalik sa loob ay inakbayan siya ni Kenneth.

"Alam mo kung ako sa'yo pinapakain ko nalang 'yung baboy do'n."

Siniko ni Breen ang lalaki kaya napalayo ito sa kanya. Hawak-hawak ni Kenneth ang tagiliran niya.

"Tangina. Ano ba'ng kinain mo?" d***g nito sa sakit na tinamo sa pagkakasiko ni Breen.

Nilapitan naman siya ng babae.

"Huwag ka nalang magsalita kung ayaw mong dumagdag sa mga taong pinapakain ko," makahulugang sabi ni Breen na tinutukoy ang mga sugatang kaibigan.

"Tsk. May halimaw talaga sa pagkatao mo."

***

Sa tabing kalsada sa tapat ng isang hotel nakaparke ang sasakyan ni Pietro. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Almost 30 minutes of waiting but his target has not appeared yet.

His phone vibrated that robbed his attention. He answered Bart's call.

["Captain, na-track na namin ang sasakyang ginamit ni Yufeng kahapon. They are approaching a building. Teka... i-confirm namin."]

Sandaling lumingon si Pietro sa bukana ng hotel ngunit agad na bumalik doon ang direksyon ng ulo niya nang makita ang babaeng tila may hinihintay. May dala itong maleta habang abalang tinitingnan ang cell phone.

["Tumigil sila sa Sky City Hotel."]

As soon as Bart informed him, his eyes went back to the hotel in front of him. He immediately ended the call and ran to the hotel.

"Ayaw ko ngang sumama sa inyo! Ano ba?!" Deana resisted from the guy who wants to take her.

"Ang sabi sa amin ni Governor pauwiin ka sa ayaw at sa gusto mo."

"Hindi ako sasama sa inyo," Deana uttered in determination.

"Kunin niyo 'yan," utos pa ng lalaki sa mga kasama.

Nagsikilos na naman ito. Isang kamay ang naunang humawak kay Deana ngunit agad itong napabitaw dahil sa batong tumama sa kamay niya.

"Sino 'yon?!" galit na sigaw ng lalaki.

"Ako."

They all beheld at the man wearing a thick leather jacket from his all black ensemble.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status